Saturday, December 19, 2009

Happiness is a choice

May kuwento ako...

There's a girl whoooooo's slightly!!! in love with his friend.

Yeah, they're FRIENDS. They have no relationship except for, FRIENDS.

They've been hanging around, drinking together before or till wee hours. They talk, they chat when they can. Sometimes they compliment each other, but most of the times, they fight. Para silang aso't pusa, laging may tampuhan, pero mamaya ok na ulet. Masaya silang magkasama. I suppose, they enjoy each others company.

Yes, they're FRIENDS, well, at least for the guy.

Kase 'yong girl, hinde lang FRIEND ang turing kay guy, she likes him...

Kung sana madali lang ang sitwasyon...kaso hinde na e.

The guy...is already taken. YEAH! He's, haaayyy...taken.

Kaya hinde puwedeng bigyan ni girl ng kulay ang lahat ng ginagawa nilang dalawa kase nga everything is just a friendly gesture. Because if she will, she'll end up hurting.

BUT! Unfortunately, she did...yes, she fell...she fell in to the pit of uncertainty.

And that's when pain and happiness felt GOOD together.

Pero lahat ng 'yon, si girl lang ang nakakaramdam, siya lang ang may pasan.

Kasalanan niya ba? Kasalanan ba ng guy? Naging masama ba ang lalakeng 'yon? At naging masama din ba ang babaeng 'yon?

Naging masama ba ang mag-fall siya sa isang kaibigan? Sa kaibigang hinde niya dapat minahal?

Isang araw, nagpatulong ang guy kay girl maghanap ng gift para sa kanyang special someone for Christmas.

She felt her heart stopped, that moment numbed her. But she snapped back in time.

"Baket ako pa!?"

Ang daming usapan, andaming tanong, andaming discussions. In the end of it all...wala siyang nagawa, nakalimutan niya, magkaibigan nga pala sila at kailangan siya ng kaibigan niya, kaya sasama siya.

"Sasama ka. You're his friend diba?! So go! Smile!"

Sabi nila, puwede naman siyang tumanggi e, puwede naman sabihing ayaw niya. Pero baket siya om-oo. Baket andon pa rin sya, kasama niyang tumingen ng regalo.

"Kase gusto ko siyang makasama."

Lumipas ang gabi, magkasama sila, masaya, nagkukuwentuhan, nagtatawanan.

Sa gitna ng usapan, nasabi ng girl na nalulungkot siya.

Then the guy told her, "Bibigyan kita ng kausap."

"Huh?",the girl asked.

"Para maging masaya ka na rin,

...may ipapakilala ako sa'yo,"


The clamorous night felt silent, parang nabinge ang babae sa narinig niya. The warm words sounded so cold, they were like frozen daggers cutting her heart in to pieces. Speechless, anxious, she just lit her cigarette and breathe...she doesn't even know where to pull it from. But she breathe.

"Gusto mo akong sumaya?"

"Alam mo ba na ito, ngayon, magkasama tayo, masaya na ako.

Masaya na 'ko kahit ganito lang."


The guy felt sorry, but it was already spoken. The girl was hurt, but she still smiled at him.

"Ok lang."

Then the night ended with them exchanging goodbyes.

Maybe the guy's right, the girl has the right to have her own happiness, happiness na hinde naka-depende kung kelan lang sila puwedeng magkita at magkasama, happiness na may kasiguraduhan.

But HAPPINESS IS A CHOICE.

Maybe she chose that way kase she's happy. Kahit pa happiness 'yon na may limit, may expiration date, happiness na walang branding, happiness na hinde niya matatawag na buo. Kahit pa ito ay Happiness na MALI. Ang mahalaga, masaya siya.

Maybe a day will come, she'll no longer be satisfied with that kind of happiness, she'll choose right from wrong. She'll be happy...in the most righteous way.

----------------(' * ')-----------------


O di' ba! Ganda ng kuwento ko noh! Pang pocket book! Hahaha!

Pero nakakaiyak di'ba. :s

Disclaimer: KATHANG -ISIP lang ang istoryang 'yan. Ok! :)

Best days

Have you ever felt happiness kahit na simple lang na dinner, inuman at kuwentuhan?

Ako, oo.

Last Wednesday, I had dinner, drink and KTV with some of my friends from Bluebottle. Ang saya, parang no'n lang ulet kami nagkita-kita at nagsama-sama, walang pinagbago. Mga tawanan, asaran, halakhakan. Those were just like our best days in Bluebottle. Care-free souls.

Sayang lang kase hinde kami kumpleto, wala pa do'n 'yong iba, paano pa kaya kung kumpleto kami, malamang kulang ang isang gabi para pagkasyahin sa lahat ng kuwentuhan at tawanan nameng lahat.

Pero amidst the laughters and togetherness, may mga taong naging pansamantalang pain reliever ang gabing 'yon. Parang for a few hours, nakapag-take sila ng anti-depressant pill at hinde namalayan na...malungkot pala ako.

Pero ok lang, kung ako din naman 'yon, I'd rather laugh my lungs out than exhaust myself crying and taking all the blame.

There is only one reason to be sad while there are so many reasons to be happy. Baket ko sasayangin ang mga 'yon, baka dumating ang araw, mawalan na ako ng rason para tumawa, sayang ang mga pagkakataon.

Sabi nga ni Teng, "Mahirap ang nagtatago ka pa ng lungkot sa dibdib mo, mabigat 'yon, baket mo papahirapan ang sarili mo."

100% Korek!

This could be one of our best days! Let's drink to that!



BEST DAYS (Juice)

Am I happy - maybe not
But I never wanna lose what I got
I wouldn't trade it for anything dear to my heart, oh no
You take the good times with the bad
How else would you know happy from sad
Sooner or later
Youre gonna have to finally look back
And you'll look back and see
What happened in between
And you'll appreciate
Each and every single day
*The pop of the cork
And the cling of the glasses
We toast to the future
And we drink to the past
It might not be easy
But nevertheless
These are the best days (of our lives)
Sometimes the weather can be rain
But one day it will be sunny again
Without the clouds of life
It's just another sunny day


Wednesday, December 16, 2009

How does it feel?

Hmmm...I know it's not the right time to go senti...lalo na 9 days na lang, Christmas na.

Don't wanna feel down on this cold holiday season, while carolers are everywhere singing yuletide carols and everyone's preparing for Misa de Gallo. Parang ayoko atang ma-OP.

Pero hinde mo mapipigilan ang sitwasyong dumadating sa buhay mo.

A friend confided his problem to me and with what he had told me...I felt really bad.

His girlfriend broke up with him.

Uhhmm...ok...ano bang pakealam ko diba?

Simple lang...sa'ken siya nagkukuwento.

I'm the listener now. Dati kase, siya ang nakikinig sa mga kuwento ko. So I think I owe him a lot for all those advices he'd given me when I needed it most. It's my time to lend an ear.

So 'yon nga, nagulat ako when he said his girlfriend broke up with him. Few months ago kase they had this vacation in Boracay where he intended to propose, unfortunately hinde natuloy dahil hinde siya nakabili ng engagement ring. (wow! hahaha...kinapos eh! :P) But nevertheless, the time they spent there together was as clear as the crystal he's about to give her, a promising love of a lifetime.

He thought nothing could go wrong. And I also did.

But there are things that'll just surprise you and strike you when you least expect it...my friend didn't realize her girl was already drifting away.

Few months after their vacation, he got really busy with his exhibits. Nawalan na sila ng communication and they rarely see each other. He became very complacent, he thought she was just there doing her thing and he was there doing his. She demanded for his time, she did things just to be with him, but he remained insensitive.

Akala niya, ok pa ang lahat. E kaso hinde na pala.

Unti-unti, nawawala na pala ang babaeng mahal niya, hinde niya namalayan, hinde niya napansin.

He didn't realize, the love he was holding on was already gone. Her girl has already lost her grip. And now, she's not the same person who promised to share that lifetime of love with him...

...hinde na siya sigurado, parang hinde na niya gusto.

Then comes the most painful words a partner could ever hear, words as painful as afflicted wounds, "AYOKO NA, BREAK NA TAYO."

Parang nagunaw ang mundo, parang kung may UNDO sa buhay, ibabalik niya lahat sa unang step, sa NEW.

Haayy...sabi nga nila, huli na ang lahat, ngayon ka pa lang nagising. Pero there's nothing wrong in doing everything just to WIN YOUR LOVE BACK.

Kaya si lalake, todo-effort! Kung may grade para sa kanya, A+ ang ibibigay ko.

It's so sad to hear stories like that, I've been there...a lot of times!

But I don't know how it feels to be dumped on Christmas season. (ang alam ko lang, ang ma-dump ng paulit-ulit. Ako na yata ang pinakamatibay na babaeng nakaranas ng ganon.)

Parang ang lungkot, parang mapapakanta at mapapaiyak talaga ako sa kantang PASKO NA SINTA KOOOOO...haaayy!

Saklap pag iniiwan ka ng taong mahal mo. Siguro hinde pa nila nararamdaman maiwan ng taong mahal nila, at kung hinde pa, masuwerte sila...hinde nila pasan ang mundo!


------------('*')-------------

Napaisip tuloy ako...(sabi ko na nga ba ayoko ng ganitong topic eehh...)

Baket ganon?

Nagkulang ba ako sa time? O sumobra?

Naging demanding ba ako? O nagkulang siya?

Naging lenient ba siya? O naging mahigpit ako?

Naging mabait ba ako? O sobrang sama ko lang talaga?

Either way...isa lang ang kinababagsakan.

Para akong nasa isang larong habulan, monkey-monkey-anabel, langit-lupa, touch-taya...

...lagi akong balagoong...lagi akong taya...lagi ako ang humahabol.

Laging ako ang gumagawa ng paraan para maabot ko siya.

Pero malayo na siya, hinde ko na maabutan.

Tapos na ang laro.

At sa larong 'to, isa lang ang talo,

ang balagoong...ang laging naiiwan.


Monday, December 14, 2009

the BARday 2009!

Huwaaaaw! Natapos na pala ang birthday ko ng ganon-ganon lang! Hahahaha!

Birthday nga naman, parang isang ordinaryong araw lang naman kung tutuusin...nagiging iba lang kase...

special day mo...

gagastos ka para sa handa...

mag-iimbita ka para may kumain ng mga handa na 'yon...

iinom kayo at magtatawanan ng malakas, wala kang pakealam sa kapitbahay kase birthday mo e...

at ito lang ang natatanging araw kung kelan isang guhit na naman ang nadagdag sa edad mo, at siguro sa mga linya mo sa mukha.

Kahapon, 'yon ang natatanging araw ko,

isang guhit sa edad at sa mukha, check!


28 na ako! Shet! At hinde pa rin ako nag-aasawa! Normal pa ba 'yon? I hope so. :)

Gumastos ako para sa handa, check!

Simple lang ang handa ko, puro gulay na pinaghiwa-hiwa, like carrots, cucumber at celery. May tostitos chips and marsh mallows. Gumawa ako ng sarili kong dips, like salsa, adobo cream and garlic mayo. I also cooked pasta, bbq and roasted chicken. Solb! Sarap!

Nag-imbita ako ng mga kakain ng handa ko, check!

Yong iba kong ininvite, wala e, di pumunta. Buti na lang may ibang mahilig mag-commute for the sake of fun and inuman. At meron din talagang mga kaibigan na laging present sa b-day ko. Salamat sa kanila, naubos ang pinagpaguran kong handa. :)

Uminom kami at nagtawanan ng malakas, keber sa mga kapitbahay, check!

Masaya talaga tumawa kapag medyo nasasapian ka na ng ispirito ng alak e, parang kahit hinde mo naintindihan ang kasama mo, basta tumawa siya, tawa ka na rin, para masaya, diba! Sabay patugtog pa ng malakas na party music, yeahhh! That's fun! Oo, kahit tulog na ang buong neighborhood, walang pakealamanan! May mga birthdays din kayo!!! Do'n na lang kayo bumawi!

Kaya kahapon, KAMPAIIIIII! tayo para sa kaarawan ko.

Ngayon, back to reality. Tapos na ang special day ko. Tapos na rin ang mga greetings na ipo-post sa facebook. Ubos na ang mga handa kagabi, wala nang natira, cake na lang. Araw na para i-upload ang mga pictures ng pinagwalaan kagabi at i-tag ang mga taong involved sa pictures na 'yon.

Haayyy...isang birthday na naman ang dumaan, isang taon na naman ang paghahandaan.

Salamat sa mga kaibigang dumating, nag-text, at tumawag para i-greet ako, at sa tinawagan ko pa para marinig ko'ng i-greet niya 'ko, salamat.

Higit sa lahat...salamat kay Bro!

Sa isa pang taon na ibinigay sa'ken. Kahit, kulang-kulang 20 years na siguro akong pasaway sa Kanya, hinde siya nagsasawang bigyan ako ng isa pang taon.

Salamat po.

Cheers to another year for me!






Saturday, December 12, 2009

For the 28th time...birthday ko na naman!

Parang kelan lang, dumaan ang kauna-unahan kong kaarawan na wala naman akong kaalam-alam kung ano bang ibig sabihin ng salitang BIRTHDAY. Walang cake, walang balloons, walang pansit.

Isa lang ang importante no'n, ako.

Ilang taon ang dumaan, nagkaroon na ng cakes, balloons, pansit, spaghetti, hotdog na may marshmallows at iba pang mga handa. Importante na rin ang mga bisita...at regalo syempre!

Tuwing birthday ko din, nangyayari ang makabuluhang pagbabago sa buhay ko bilang isang tao.

Nung mga unang birthdays ko, hinde ko pa nararamdaman na tumatanda na'ko.Pero habang dumadagdag ang edad ko, pa-level up ng pa-level up din ang mga regalong nakukuha ko. From fun toys hanggang sa mas nagiging boring nang regalo.
(wala ng dolls, jackstone, puzzles, snakes 'n ladders, mga de-bateryang laruan, at lutu-lutuan...napalitan na ng mga books na pampatalino, gamit sa school, towels o kaya stuffed toy na pang-display. grrrrr :S)

Pero nung teenager na'ko, naging masaya ulet ang birthdays. May mga regalo ulet na nakaka-excite.

Mga pang-dalaginding na syempre!

Mga malalanding damit, brassieres at panties na may lace or may takong nang sandals. Meron na rin akong lip gloss at pabangong pandalaga. Exciting pa ang pagiging teen, parang hinihintay ko pa ang susunod kong birthday para makaakyat na ng sixteen, seventeen, lalo na ang eighteeen.

May lisensya na rin ako para makaramdam ng crush at LOVE.

When it was time to say goodbye to teenager years including my petty and super girlie stuffs, another stage is about to unfold a deeper meaning of this so-called life.

My life as an adult.

Panahon na kasama ng bawat birthday, eh ang pagdedesisyon sa maraming bagay. Bawat taon na nadadagdag saken, nadadagdagan din ang mga responsibilidad ko sa buhay. Kung noon, mga laruan, kakiyan at mga kababawan lang ang iniisip ko sa pagsapit ng natatanging araw na 'yon, ngayon hinde na. Marami na akong nalalaman, nare-realize, pinagdadaanan at pina-prioritize.

Ngayon may mga bagay na mas importante pa sa mga handa at regalo, mas malaki at mas malalim...

...ako, ang karera, ang pamilya, ang lovelife, health at ang hinaharap.

Ako, dahil iniisip ko, "Tumatanda na naman ako. Ilang taon na lang, makikitaan na'ko ng mga guhit guhit sa balat, yayks! At ilang taon na lang, mawawala na'ko sa kalendaryo, makakapag-asawa pa kaya ako??? Tsk!"

Ang career ko, madalas natatanong ko sa sarili ko, "Sa edad ko'ng 'to, ano na ba ang narating ko? Pucha, parang ang tagal ko nang nangangapa sa malawak na industriya ng pagtatrabaho, asan na ba 'kong level?"

Ang pamilya dahil, "Isang taon na naman ang dumaan na magkakasama kami, at andito pa rin ako, bread-winner para sa kanila. Paano kung mawala ako?"

Ang love life ko, pero hanggang ngayon nagtatanong pa rin ako, "Baket?"

Ang health, "Magkakaroon din ako ng lakas ng loob na harapin ka."

Ang future ko dahil, "Another year's ahead of me...ano kayang mangyayari? Sana may magbago na sa buhay ko."

---------(*)----------

Ilang oras na lang, ika-28 na kaarawan ko na.

Ang bilis!


Dalawampu't walong
taon na pala akong buhay sa mundo, dalawampu't walong taon na rin akong tao.

Marami na'ng nangyari, marami na'ng dumaang birthdays.

Itong taon siguro ang pinakamalungkot kong birthday.

Kumbaket??? Wag na.

Ayoko nang hayaang ma-overwhelm ako ng kalungkutang 'yon. Kahit na habang sinusulat ko'to, nangingilid ang luha ko sa mata.

Di bale...ang lungkot naman, puwedeng i-suppress eh, pero ang birthday, hinde.

Marami pa rin naman reasons para maging masaya sa birthday ko.

27 years to be thankful for and another year to live for.

Ang birthday isang beses lang sa isang taon...ngayon, may pagkakataon pa akong mag-celebrate.

Habang magagawa ko pa 'yon, magiging masaya ako.

HAPPY BIRTHDAY TO ME.


Monday, December 07, 2009

ERAP for PANG-GULO ng PILIPINAS

Last night, besides Paranormal Activity, I was able to watch HARAPAN 2010-a presidential forum in ABS-CBN.

Sa totoo lang, wala akong kahilig-hilig manood ng mga ganito, kase para lang akong nanonood ng teleserye sa primetime bida, iba-ibang karakter, pero wala naman lahat katotohanan ang mga 'yon, ang lahat ay pawang mga kathang-isip lang.

Parang ganon ang mga tumatakbo sa posisyon, madaming sinasabi...madaming gustong pairalin at ipatupad...pero sa totoo, kathang -isip na script lang pala ang mga 'yon.

Pero kagabi, natuwa ako sa pinanood ko.

Natuwa ako kay Gilbert Teodoro. Parang sa kanilang lahat, siya ang mas tingen kong talagang alam ang sinasabi. Sobrang talino. Humanga ako sa sinagot niya regarding the Maguindanao massacre, maraming kandidato doon ang nagsabing "dismantle private armies".

Magaling siya magsalita, confident, parang walang tanong na hinde kayang sagutin, very focused, nakakapag-isip ng tamang solusyon ayon sa ibinabatong tanong. Mga katangiang dapat taglayin ng isang taong gustong maging lider.

Isang kandidato naman eh si Mr. Perez, sa totoo lang, hinde ako na-impress sa kanya. Parang hinde niya alam ang sinasabi niya. Natatawa nga kami sa kanya, kapag siya na ang nagsasalita, may time ang ibang kandidato na mag-break at mag-isip ng kanilang speech---commercial baga.

Isa pa ang kandidatong may nasal problem...di ko matandaan ang pangalan niya, basta ang natandaan ko lang sa sinabi niya, negative ang account siya sa bangko, ibig sabihin wala siyang pera. Pero nagrerenta siya ng bahay na nagkakahalaga ng 2 milyong piso, 50,000 monthly fee. Ayos ka pre!

Syempre andon si Gordon, Bro. Eddie at si Noynoy. Absent si Villar, siguro nagka-butterflies in his stomach. Magaling din si Noynoy, pero parang hinde pa rin ako kumbinsido sa mga sinasabi niya lalo kung maghaharap sila ni Teodoro, hinde na pupuwede ang kodigo ni Noynoy.

At sino ang hinde makakapansin kay ERAP. Ang kandidatong parang lumaklak muna ng isang boteng Emperador bago umakyat ng stage ng UST.

Jusko po!!!

Kapag si ERAP ang nagsasalita, para akong nanonood ng comedy stunt, akala ko nga siya si Willie Nepomuceno e. Gusto pa atang awayin si Ted Failon dahil hinde niya natapos ang kanyang 40 seconds na trash talk against GMA, na wala namang karela-relasyon sa tanong. Crap!

May isang tanong in ENGLISH:

"What vice or luxury you have, do you think you can't live without?"

May isang minuto para sumagot, si ERAP, 30 segundo ang sinayang dahil hinde niya naintindihan ang tanong...

"Wha--whaat?? Ahh, la-life? What life? Vice? Ano daw???"

(buti hinde niya sinabi na ang Vice niya eh si Binay!)

Salamat kay Teodoro at Ted Failon, nai-translate naman sa Tagalog.

Pero ang kalokohan at nakakaurat na sagot ni ERAP sa tanong...

"Ang pinakamatindi ko pong luho o bisyo na hinde maiaalis ay ang...paglilingkod sa mahihirap. Dahil si ERAP ay para sa mahihirap. Kaya 'yon ang aking bisyo."

Hayyy, porjosporsanto! Anooooo?!?!!? ULOL!

Pero! Me isa pang joke si ERAP!

Tungkol naman ang question sa political dynasty.

"If you become president, what will you do to stop political dynasty?"

Si ERAP na...60 seconds to answer.

"Para saken, mali talaga ang mag-appoint ng mga kamag-anak, ng mga kumpare sa posisyon. Di tama 'yon! Pero 'yong magustuhan ng mga kapamilya mo na maglingkod sa bayan, baket ko 'yon pipigilan. Baket ko ipagdadamot sa taong bayan ang pagpili ng tingin nilang karapat-dapat sa puwesto kahit pa asawa ko o anak ko 'yan."
(hmmm...ok, jinggoy and loi...)

"Tulad kunwari ako, kung ako ay mayor, at ang anak ko ay gustong maging konsehal, pareho namen gustong maglingkod sa bayan, baket hinde!"

"Tulad ni FATHER (pari), kung ang anak niya, gustong maging pari din, baket hinde di'ba. Yon lang po.(nagtawanan ang mga tao, pati kami...)"

Biglang sabat ni Ted Failon:

"Uhmm, Sir, puwede po sigurong sumunod sa yapak ng mayor ang kanyang anak, pero ang maging pari ang anak ng pari, hinde po puwede, dahil hinde po puwedeng magka-anak ang pari." (hahahahhahha! gets mo?)

WTF!!! Hahahahahaaaa!!!

Erap is such a joke! :)


For related story:
Harapan 2010

Paranormal shit!

Kahapon ko lang napanood ang Paranormal Activity.

I have been looking forward to seeing it for months! I've seen the trailers, and I thought it was something really, really scary! Daming nagsabi, nakakatakot daw, sa umpisa pa lang, may goosebumps na. Sabi ni Grace, matatakot daw akong magkumot sa gabi pag napanood ko'to. Kaya naman sobrang na-excite talaga ako na manood, parang iniisip ko pa lang, natatakot na'ko.

Hmm...so we watched it at Glorietta 4. The earlier part was really slow, puro salita and camera movements here and there.

God! NAKAKAHILOOO!

Haayy...hinde pa rin ako natatakot. I mean nakakatakot, in a very freaking and extreme way! Like, mabubugbog ko yong braso ng katabi ko at mabibingi siya sa tili ko. Perooo...na--aaahhhh...uhmmm...a--aaa-aaaa--...uhhmm...wala talaga e, hinde ako makatili. Wala pa ring nakakatakot, wala.

Isip-isip ko, baka mamaya pa.

Amidst my disappointment, the only thing that's significant that moment was my stomach...parang may nagrarambulan na sa tiyan ko. May nagsa-sommersault na bituka at nagka-cart wheel na pancreas...bumabali-baliktad na ang sikmura ko!

NASUSUKA NA'KO! AMPOTA!

Haaayyy...pero sigeee! Tapusin naten, sayang ang bayad. Pag naglalakad sila at naglilikot na parang harot ang camera, pumipikit na lang ako, boses na lang ang mahalaga.

Kapag gabi na at naka-steady na ang cam sa may pinto para i-video ang anumang supernatural na mangyayari...nagtatakip na'ko ng bibig, excited na'kong sumigaw e!

Pero...ang tipid talaga ng takot ko...parang mas nahihintatakutan pa'ko sa ipis sa bahay kesa sa invisible foot steps or foot steps na naapakan ang powder at super amplified rumbling noise from nowhere.

Pero in fairness, I liked the time-stamped videos, the little-to-louder noises as every night passed by and the subtle creepy things that happened until the demon get to grab Katie's foot...it built the suspense. Yeah...nakaka-suspense, nakaka-thrill and nakaka-excite matakot when the real thing comes out.

But unfortunately for me...wala pa ring nakaka-WAAAAAAAAHHHH!!!

Then comes the last part...gosh, para itong scary trick sa youtube at emailed videos...mga tipong video na sasabihin sa'yong titigan mo ang screen tapos biglang may lalabas na mukhang nakakatakot. HAAAAAA!!!! Ikaw naman, natakot nga.

Ganon ang ending. Tsk, tsk, tsk. Napa- "Ay, 'yon na 'yon?" na lang ako.

Summing it up, I think the movie was super-duper over hyped.

RATING: 2 1/2 stars out of 5

SCARY??? Uhmmm...mas natakot pa'ko sa SUKOB. Promise!

Sunday, December 06, 2009

Sa wakas...

Uhmm okei..so what do we have here?

A logo...

couple of foodshots...

few studies...

hmmm...


It's been, uhm, I don't know, 1 1/2? 2? 2 1/2? months since we started our mini-kaYnan in Makati. I decided to call it "KA-Y-NAN", for uhhhhmmm...wala lang, naisip ko lang 'yon. Ok, ok, I know it's not that kind of HUWAAAAWW! name, something you're unlikely to remember after seeing its signboard on the street...yeahh...parang walang dating in short. Not like, "Cooking ng Ina mo" in QC, "Mang Donald's", "The Fried of Marikina", "Yollybee" or "Eat my Balls"(hahahaha, fishball cart in UST). However, I tried coming up with some silly and funny names, pero mahirap pag may ka-partner kang nanay eh...pa-conservative and safe, so no choice. :)

Besides, I dreamt of someday, branching out in malls or along with big establishments (hahaha, tikas! as if!!!! dream lang naman e), so we made it really simple yet straight to the point. Well anyway...walang pakelamanan ng pangalan ng store, hahahaha!

So ayon...what's my point here? Nawala na'ko...

Ah! E kase, sa tinagal-tagal ng pagkatengga ng kainan namen na 'yon, e wala pa rin kaming menu board at logo. Nanggagalaiti na nga ang nanay ko sa kaka-remind saken sa araw-araw na ginawa ng Diyos, "Asan na ba 'yong menu board, Chaiiiiii!!!"

EH KASE NGA NUKNUKAN AKO NG TAMAD NGAYON!

Hmp! Pero hinde na ngayon...kase finally, I was able to whip my ass and do the most-awaited logo and board! Para matuwa na ang nanay kong excited at para mapalitan na ang cartolina at coffee shop-inspired menu of the day board. :) Nah, I guess I'll keep the black board though, I think that's cool! :D

Hmmm...okeeiiii...

...so I got few food shots for my board...

...got some ideas and help (revisions and kuller, hello!) from a "friend", which really, really helped a lot. Thanx. :)

Then picked the final logo from 2 studies (hahaha, kung di ba naman ako tamad, naturingang artist, 2 studies lang ang ginawa :P)...

Tadaaaaa! Finiiiiiish! Pass your papeeerrrrssss!

Haaaayy, sa wakas.

Sa hinahaba-haba man daw ng prusisyon...malamang paltos ang abot ng mga nakatakong. (uhmm...hehehe...corny? so what!)

After all the wait, finally, next week, I'll have my menu mounted on cintra board. (sosyal huh!, kahit puro 50 pesos lang ang price, hmmm...dapat mabawi! :D )

So here's my logo and some of my food shots (feeling food stylist!).
Question: Why "Y" ??? A: Kase maarte ako...baket ba! Question ulet: Sino si NAN? A: Wala!!! hmp! Heloooww ka-Y(i)-nan! helooww!!!

How 'bout some tapsilog?

Cholesterooolll?

Di naman kami Bikolano, pero masarap talaga ang Bicol Express namen. :)

Ofcourse, Sissssiiiiiigggg!!!

My favorite, Porksilog. :)

And for your orders...please see menu board for reference. :P
There you have it...sarraaappp! Food trip! :)

KaYnan na! :D

Saturday, November 28, 2009

Puwede palang wala e...

Hoy! Hoy! HOOOOOOOYYYY!!!

Okeeiiiiii!!! Okei! Okei! I'm back!

Back from where???

Wala naman...back to normal, or puwedeng abnormal life, I'm texting again, sinasagot ko na ulit ang cellphone ko, nag-online na'ko ulit sa facebook at nakikipag-chat sa mga tao sa ym. Eventually, lalabas na'ko ulet ng bahay.

Lately I've been kinda confused. Parang hinde ko alam ang gagawin ko, I felt lost. I just felt like hiding myself from the world. I was so lonely inside. Parang there was no other way but hide and live by myself. I wanted to conceal all the things I've been thinking and keep all the pain that stoned me.

Parang having friends or talking with friends won't help.

Yes, IT WON'T HELP. I thought to myself.

Parang going out and making myself busy won't change it.

Yes, IT WON'T CHANGE. I said to myself.

No one can help me, no one can change how I feel. And ayoko ng ganong feeling. Na parang walang nakakaintindi sa'ken. Na walang nakakaalam ng nararamdaman ko.

I think people are so INSENSITIVE.

So why tell them...they don't know and wouldn't care anyway!

I HATE FORCING PEOPLE TO LIKE ME.

I HATE FORCING PEOPLE TO CARE FOR ME.

I HATE FORCING PEOPLE TO LOVE ME.

Yes...it was like 3 or 4 days...I was full of hate. Full of anguish, resentments and pride.

Para akong kontrabida sa teleserye, puno ng galit, puno ng hinanakit ang kalooban kaya kung hinde man maghiganti ang gusto, maging sarado at matigas ang loob ang kahihinatnan. I felt like my heart was stone cold, I never wanted the feeling of warmth, love and friendship...para saken, KAPLASTIKAN lang 'yon.

Missed calls, few messages received, wala ni isa do'n ang sinagot ko. Wala ako sa mood, period.

But then...tsk...nakakapagod din pala.

Nami-miss ko matuwa, tumawa ng malakas at maging masaya.

I got 2 messages yesterday...greeting me "happy birthday!"

I wanted to go back to that feeling...hate.

WALA TALAGA SILANG KUWENTA...kahit birthday ko, hinde nila alam.

Next week pa! Shet!

Haayyy...pero natuwa din ako...may nakaalala na...kahit maaga pa. Parang hinde naman magkakilala ang dalawang 'yon, pero pareho sila ng tinext...I don't know what's with the day...siguro pareho lang silang tanga.

Yon siguro 'yong nagpabalik saken sa katawang-lupa ko. Nagpagising saken sa isang malungkot at madilim na panaginip. Nakakamiss ang totoong buhay ko.

Kaya di na baleng walang nakakaintindi saken or walang nakakaalam ng pinagdadaanan ko.

Di na baleng walang makikinig. Di na baleng walang may pakialam.

Ang alam lang nila masaya ako. Yon naman ang importante. Yon ang mas makakabuti.

Sa ilang araw na hiniwalay ko ang sarili ko sa mundo, may mga bagay din akong napagtanto.

Puwede palang walang facebook, ym at cellphone e.

Puwede din palang parang wala kang kaibigan at matatakbuhan.

Puwede palang parang mag-isa lang ako sa buhay.

PERO MAHIRAP...

AT MAS MALUNGKOT.

PERO ATLEAST 'YON...

...PUWEDE.

Sunday, November 22, 2009

Bitterly

What if...

after so many months of anger, misery, hatred, fear and forget-him-please,

that dreadful day comes and lets you face the person who made an inexplicable pain in your life...

what will happen?

Simple lang.

Mag-iinuman na parang matagal nang magkaibigan.

Magkukuwentuhan na parang magka-tropa.

Magsasabihan ng sikreto na parang walang tinatago sa isa't isa.

Hinde maiiwasang may masasabing hinanakit.

At ayan na naman ako sa wishful thinkings ko na...

heto, dalawang magkaibang tao na kami ngayon,

magkahiwalay, magkaiba na ng mundo...

eventually, hinde ba puwedeng magsimula ulet?

Anak ng! BATUKAN mo nga ako! Please!

Katangahan na naman e!

Sabi nga niya, "Tingen mo magiging ok pa tayo? Hinde na siguro."

Hinde ko alam kung baket.

Pero siguro ganon talaga ako ka-unlikeable. Ganon siguro ako kasama.

At ganon siguro ako kapanget maging ka-relasyon.

Never imagine someone could possibly despise being with me again.

Baket ako? Parang hinde nasaktan? Parang hinde nag-hate?

Pero heto't parang tiklop-tuhod paring umaasa na sana maging kami pa rin.

TANGA nga ba ako talaga? O masukista.

Pero siguro nga tama siya, nagkita lang kami, nag-inuman, nagkuwentuhan.

Hanggang do'n na lang.

Kase wala nang puwedeng ibalik, wala nang puwedeng i-save, wala nang puwedeng mabago.

Minsan kelangan naten tanggapin, may mga bagay na hinde na talaga para sa'ten. No matter how you keep them, if they don't wanna stay, they never will.

Hinde enough ang mag-wish ka na magiging maayos pa rin ang mga bagay-bagay sa inyo, dahil hinde na 'yon ang wish niya, may wish man siya, hinde ka na kasama.

There's no more hope in love that's already dead.

After that night...it's still the same.

He's happy with his life.

And at the end of it all, we're still moving on...our separate ways.

Thursday, November 19, 2009

Another exam, failed.

Minsan sa buhay...bago ka gumawa ng isang bagay, kelangan mo mamili ng tama, bago mag-decide.

Mini-mini-may-nimo...

Pera o Bayong?

Sa pula o sa puti?

No. 1, 2, 3 o 4?

Letter a, b, c, d o none of the above?

Maraming choices, pero hinde lahat maibibigay sa'yo ang gusto mo. Hinde lahat, andon ang hinahanap mo. Hinde lahat, tama ang sagot. At hinde lahat, nararapat para sa'yo.

Isa o dalawa lang ang puwedeng tama...

at iba, mali.

Ang buhay, isang mahabang quiz.

Ang love, isang matinding practical exam.

Ang happiness, isang achievement test.

Lahat dadaanan ang pagpili ng tamang sagot o ng tamang gagawin bago mo maipasa ang buhay, ang pag-ibig, ang kaligayahan.

Ilang beses na'kong nag-take ng exams.

Madalas pasado.

Minsan pasang-awa.

At minsan, bagsak.

Eeeeeeeeeee...

Tanginang yaaann!!!


Ngayon...bagsak na naman!

Tsk...letter a. kase sinagot ko e!

Dami namang pagpipilian, hanggang letter z. pa ang multiple choices di'ba...

Hula-hula, kaswal-kaswal, laro-laro sa pagsagot ng exam...

'yan ang napala...BOKYA!!!

Haaayy...di bale may retake naman ng mga tests e, puwede pang baguhin ang sagot.

Baka next time...perfect na.

Tuesday, November 17, 2009

Chai versus Ipis II (Stalker's end)


"Isa lang ang dapat matira sa'teng dalawa...at ako 'yon!!!
"

'Yan ang mala-action-thriller movie line ko nung isang gabi.

Punyetang ipis 'yon, hinde ako pinatahimik!

Matutulog na sana ako. Isang bagay na inaasam ko pagkagaling ko ng tindahan namen, ang makapagpahinga na at matulog ng mahimbing. Nang biglang may nakita na naman akong napaka-healthy na ipis sa dingding ng kuwarto. Nasa taas siya ng painting na katapat ng kama ko, mga dalawang dipa pa ang layo. Nasa taas siya, mabagal maglakad at mukhang hinde naman lilipad. Tinititigan ko siya, nakikiramdam ako kung lilipad ba ang mortal enemy # 1 ko sa puwesto ko or anywhere na malapit saken.

"Hmmmm...mukhang mataba siya at harmless...hinde 'yan lilipad saken."

Wala siguro siyang diaphanous wings kaya hinde ito ang mga tipo ng ipis na nakakalipad. Kaya nag-decide na'kong magkumot at matulog. Medyo tinitingnan-tingnan ko pa siya kung andon pa rin sya sa wall...nakikita ko siya habang pababa at parang nag-iisip kung saan susunod na pupunta.

Dumaan siya sa painting ko na nakasabit at

Tadaaaa!!!
Nagblend ang hayop sa brown-black background na part ng painting!

Camouflage ano!!!


"Nakikita pa rin kita! Sa kintab ng exoskeletal covering mo...halata ko na ikaw pa rin yan ipis ka!"

Siguro nahalata niya na hinde umuubra ang mala-Terminator na pagka-camouflage niya, kaya naglakad na ulet siya pababa. Siyempre ako naman si tapang-tapangan, nagpanic na naman!

"Shet! Yan na naman siya!"

Napaupo na naman ako mula sa pagkakahiga...waiting for its next move. Para akong predator na naghihintay ng susunod na atake ng kalaban. Haayyy...pero walang hiya...alas-dos naaaaa!!! Ang tagal bumaba ng ipis na'to, parang nanood muna ng sine pagkatapos nag-Starbucks at tumambay saka naglakad pauwi.

Antok na antok na akooooo!!! Pota!

"Cg, papabayaan lang kita d'yan. Magiging mabait ako sa'yo, hinde kita papatayin ngayon. Huwaaaggg! Na huwag mo lang akong lalapitan! I swear!!! Magiging ping pong ball ka at maliligo ka sa sariling mo'ng stored fats sa katawan." Yan ang mind-to-mind na sinabi ko sa ipis.

Sa wakas, I don't know what happened, pero bigla siyang nawala sa paningin ko. Siguro natakot. Siguro may power na'kong makipag-usap sa roaches, nade-develop na ang aking human-animal communication skills.

Panatag na ang loob ko na nawala na ang pesteng 'yon sa kuwarto. Haayyy...saraaap matulog, lalo pa malamig ang kuwarto. Mag-uumpisa na sana akong magplunge sa'king unang dream, nang napatingen ako sa side cabinet na katabi ng kama ko...

"Huwatdaaaaa!!!"

"Mammmaaaaaa!!! Huhuhuhuhu!!! I-i-iiii-iiiiippppiiiiisssssss sa tabi kooohhhooo...alisin mo Maaaaaaa!!! Pliissss!" ( in a pasigaw-paiyak-takot-mahinang voice)

Gusto ko nang magwala, pero para akong batang nagsusumbong sa nanay ko. Di ako kumikibo sa pagkakahiga ko, kase baka ma-disturb...hinde si Mama...

kundi ang bwakanang ipis na 'yon!!!

Baka biglang tumalon saken!!! Waaaaaaa! Tangina talaga! Inis na inis ang Mama ko kase nagising siya sa commotion na nangyayari sa'ken (e ako lang naman at ipis 'yon! :D)...

ang importante...alisin mo yan Maaaaaa!!!

Nang nakakuha ako ng reinforcement mula sa nanay ko, saka pa lang ako nakabawi. Nawala ang ipis, nagtago! Bumangon na'ko at naghanap ng kaisa-isang weapon against that FUCCKING IPIS!

TSINELAS!

"Yari ka sa'ken. Walang hiya ka! Akala ko nagkaintindihan na tayo...'yon pala hinde ka pa natuwa na tinakot mo 'ko sa malayo...LUMAPIT ka pa talaga! Hinayupak ka! Stalkeeerrr!!!"

Hayop na ipis, parang may isip! Parang alam na alam niya na takot na takot ako sa kanya kaya nage-enjoy pa siyang takutin ako...tumabi pa talaga sa'ken!

Nang makita ko siyang naglalakad malapit na naman sa'ken, hinde ko siya tinigilan, kahit nakakatakas siya sa'ken, hinihintay ko siyang lumabas. Hinde ako titigil hangga't hinde ko nakikitang flat ang katawan niya. Hanggang sa, kinulang siguro ang cerci niya sa katawan kaya hinde niya na-perceive agad ang papalapit na air movement dala ng tsinelas ko, kaya...

PAK!!!

(Mama: Chai!!! Ano ba yan!!! Nagkakaganyan ka sa ipis! May natutulog na eehhh...")

"Uhhmmmm! Hayop ka! Pinahirapan mo'ko! Haaaaaahhhhh!!! Namatay din!"

Pinagpag-pagpag ko siya palabas ng kuwarto, hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Sabay spray ng Lysol sa lahat ng traces na dinaan ng flat na niyang katawan. Ewwww!!!

Pasado alas-tres na nang manalo ako against that household nuisance.

The end.

Friday, November 13, 2009

Still under medication

I've been sick for 3 days.

After a painful Urinary Tract Infection last week...cough, colds and fever naman ang dumapo sa'ken. I was totally bedridden within those days.

Pero 'wag ka! Ni isang pirasong gamot...wala akong ininom! As in!

Nagsawa na lang siguro ang sakit sa katigasan ng kukote ko dahil wala siyang nakukuhang gamot galing sa'ken kaya nilayasan na lang ako.

Pero may iniwan pa rin siyang...sniff...ubbooo...sniff...uboooo..haaayyy!

Nung bata pa tayo, pag nagkakasakit, parang napakabigat na ng dinadala naten no??! Ako pag nagkakasakit ako no'n, ampanget-panget ko talaga!!!

Di ako nagtu-toothbrush, di ako naghihilamos (buti na lang pag mataas ang lagnat, pinupunasan ako ng mama o ng yaya ko--naakananng!! yaya!!-- ng malamig na tubig na may alcohol, do'n lang napupunasan ang katawan ko), di ako nagsusuklay at lalong hinde ako tumitingin sa salamin, kase natatakot ako sa itsura ko. Para akong anak ng mangkukulam.

Tapos papangangahin ako at isusubo ang thermometer, na galing sa kilikili ko few hours ago, para malaman kung mataas pa ang lagnat.

Papainumin pa'ko ng mga lasang gamot na gamot! Sobrang alam na alam mo na gamot ang iniinom mo kase lasa at amoy gamot talaga! Di tulad ngayon, flavored na sila, hinde nakakatakot inumin at hinde mo na kailangan maluha-luha habang nilulunok ang cough syrup o Tempra.

Di pwede ang malamig na tubig o Zesto (namaaann!!! maligamgam na Zesto! whatdaaa!), o kahit anong matamis o maalat (ibig sabihin walang lasa!). Ang parusang pagkaing lugaw, noodles na chicken flavor, sopas na matabang at kweyker owts na walang asukal lang ang puwede!

Di pwede ang mga Chikadees at Cheezums, at iba pang junk foods na may FREE sa loob at lalong di puwede maglaro ng 1 by 1, 2 by 2, at 10, 20, 30, 40 at kung anu-ano pang laro namen ng mga friends ko outside! (shucks!)

Haaayy...nung bata pa tayo, sobrang lungkot magkasakit di'ba! Para kasing ang dami mong hinde nagagawa...kung puwede lang wag ka na dapuan ng mga sakit na 'yan!

Lalo na ng BEKE!

Hanggang ngayon hinde ko alam ang tawag sa inilalagay sa beke na kulay violet sa gilid ng tenga ko no'n. Me kasama pa 'yong suka! Naknang paksiw talaga!

Ampanget ko na, ang asim ko pa!!!


Naalala ko pa nga no'n, nagbirthday ako may beke ako. Ang saklaaaaap men! Pero nag-treat pa'ko no'n sa day care center na pinag-aaralan ko...so generous of me di'ba! Hinde ko alam baket ganon ako kadesperado mag-birthday party! Siguro, since kinder pa lang ako, first birthday party ko yata 'yon sa school kaya excited kahit parang kampanerang kuba ako na napunta sa mukha ang bukol o baka DEADMA lang talaga ako sa beke ko. Hinde ko na matandaan ang pakiramdam ko no'n, pero pag tuwing nakikita ko ang picture ko nung araw na 'yon!!!!

Nakupoooo talaga!!!

Nakadilaw akong blouse na maluwag, mga tipong blouse nila Caselyn Francisco at Lotlot sa That's kase me padding pa at naka-tuck in sa palda kong maong, tapos ang buhok ko eh naka-side ponytail at may ribbon pero hinde ko mawari kumbaket para akong sinabunutan ng mga kaklase ko sa sobrang gulo ng buhok ko, haggard na haggard ang face ko, halatang may nararamdaman...at maaayyyyyyy...MALAKI AKONG BUKOL SA PISNGI!

Hahahahhahahhaha!!! Tangina! Kung di ko kilala na ako 'yon, maaawa at matatawa talaga ako sa batang 'yon!

AMPANGET EEEEEEE!!!


Hahahahahahaaaaaaaa!!!! :P

Haaayyy...but those were the days! Maraming sakit na'kong pinagdaanan. Mapa-sakit ng kuko, ng ngipen, ng ulo, ng tiyan, ng puson o mga sakit na mas masakit pa sa akala ko'ng pinakamasaklap na beke...naramdaman ko na siguro.

Pero may mga karamdaman din tulad ng sakit sa puso or emotions, spiritual, financial and social. Sickness from sorrows, doubts, failures, disputes, anger, fear and pride. Mga sakit na walang ano mang gamot o pangpahid ang puwedeng basta lang lumunas. Mga sakit na walang ibang doktor na magpapagaling kundi Siya.

Kung iisipin ko, pareho lang din pala ako noon at ngayon kapag nagkakasakit ako.

Noon, takot ako uminom ng gamot...ngayon, matigas pa din ang ulo ko sa pag-inom ng gamot.

Noon, takot ako magpacheck-up sa doktor...ngayon, matigas pa din ang ulo ko sa pagpapacheck-up.

Noon, di ko puwede kainin at gawin ang mga gusto ko pag may sakit...ngayon, bawal din ang mga gusto ko tulad ng alak, yosi at marami pang iba!

Pero ang kaibahan lang,

Noon, simple lang ang mga sakit ko...

Ngayon, komplikado na. Iba't ibang sakit, sakit na may gamot, at sakit na hinde lang gamot ang solusyon.

Hangga't nabubuhay tayo, hinde mawawalan ng mga "sakit" at "pasakit". Ang kelangan lang eh mamili ng tamang gamot...at ng tamang doktor na magpapawi ng sakit na 'yon.

Sabi nga nila,

Sakit ng brabalibintawan-doktor ang kailangan
Sakit ng kalooban- Si Bro lang ang dapat takbuhan

Isa lang ang hinde ko na ginagawa ngayon na ginagawa ko nung bata ako pag nagkakasakit...

...ang mamoroblema sa excuse letter! Nakaka-stress kaya 'yon!


Monday, November 09, 2009

First jobless day

Yaaaawwwwwnnnnn!!!! Haaayyy...

Alas-onse na, kakagising ko lang. Parang Sabado, tinanghali na'ko sa kama...parang araw na walang pasok. Pero Lunes nga pala...at oo, wala na'kong pasok.

Unang araw ng pagiging palams, taumbahay at taong-tindahan ko.

At ngayong araw na'to...NANINIBAGO ako.

Parang ngayon lang nag-sink in na hinde na pala ako magiging katulad ng naging ako, 6 months ago.

Yong papasok ng 10 am. Magkakape sa may 7-11 ng Nescafe cold coffee habang nagyoyosi. Pag walang pera, magtitiyaga sa kapeng mainet sa opisina. Uupo sa maliit kong cubicle, magfe-Facebook muna bago umpisahan ang mga dapat tapusin. Pero kasabay pa rin no'n ang pagfe-Facebook at YM ko, isa yata akong multi-tasking employee. Sa ilang oras ko ring nakaupo sa loob, naka-ipod lang ako, full ang volume at sinasabayan ang mga songs nila Shakira at Michelle Branch at umiindak naman sa mga dance hits na nagpapagising ng diwa ko pag sobrang antok na antok na'ko.

Hinde na din pala ako makakapag-kulitan, asaran at harutan sa mga kaopisina ko, magtatawa ng malakas sa labas habang nakaupo sa 7-11 steps at nagmemeryenda o nagchichismisan. Makakapag-yosi kasama ang mga guy friends ko from upstairs. Makakapag-small talk with the guards and other tenants ng building. At hinde ko na makikita ang mga cute na asong wino-walk ng mga yaya o owner nila sa paligid ng Salcedo araw-araw.

Maraming bagay na hinde ko na pala magagawa...ngayon.

Simula ngayon.


Nakakalungkot din pala.

Nakakamiss.

Nakakapanibago.

Sunday, November 08, 2009

How about a career leap!?


Idle time, checking anything on Facebook then suddenly bumped into this page and became a fan of
Slim liquors.

It's a new line of alcohol drinks pero mukhang hinde pa ito available here. It has lesser alcohol and calories daw than the usual liquors mixed in cocktails or taken as it is. It has more natural flavors and variants like, Slim Gin, Vodka, Whiskey, Rhum and Tequila!

Hmmm...kung dito sa'ten para itong The Bar! Me flavors din and variants of Vodka and Gin.

Natuwa ako sa website nila kase me mga tips for mixing drinks. They have their Bartending 101, Mix-it! page kung saan may tips for drink formulas, party snack recipes and the basic know-hows


I luuurrvve it!


Siguro nga talagang mahilig akong uminom...at isa sa mga gusto kong mangyari sa buhay ko ay matutong magtimpla ng alak! And this website is a winner! Puwede siya for both starters and pros.

I also loved their marketing visuals...artsy fancy. Slims on paintings.






Super-impose kung super-impose! :)

Haayyy...one day, now that I'm one of those jobless people in the world...I have all the time para matutong mag-mix ng drinks for parties at inuman with friends...lalo na malapit na ang birthday ko. :)

One drink I'm going to master first is my favorite:

Mojito!

Ingredients

  • 2 oz Slim Rum
  • 4 oz Lemon-Lime Soda
  • 10 Mint Leaves, 3 Lime Wedges

Pilsner Glass, Jigger, Shaker, Muddler, Tall Straw

Technique:

  1. Drop Mint Leaves and two Lime Wedges into the empty shaker.
  2. Pour Slim Rum into the shaker.
  3. Muddle the Mint and Lime with Slim.
  4. Fill the shaker 2/3 full with ice.
  5. Shake vigorously for 10 seconds.
  6. Without straining the liquid, pour the contents of the shaker into the Pilsner Glass.
  7. Top off your Slim Mojito with Lemon-Lime Soda.
  8. Stir with a straw and garnish with the remaining Lime Wedge.
Tadaaahh!!! Mojito in the house!
Bartending/ Mixing drinks---next big step!

Saturday, November 07, 2009

Tanglaw Project

Malapit na nga ang eleksyon ano???

Andami-dami na kasing lumalabas sa TV na mga advertisements ng mga aspiring leaders ng bayan.

Anjan 'yong ad tungkol sa akala mo trapo yon pala ka-tropa mo na si Manny Villar,

ang bagong umagang darating kasama si Chiz Escudero,

ang galing at talinong ipapamalas ni Gilbert Teodoro,

ang lingkod-bayan ng walang kasawaan sa pagtakbo bilang presidente na si Loren Legarda ,

ang walang patumanggang paghahakot ng simpatiya ng mga squatter ni Joseph Estrada

at ang latest...ang magarbong production, artist-packed, at last song syndrome ko, ang "Hinde Ka Nag-iisa" ad ni Noynoy Aquino.

Iba-iba talaga ang paraan ng pangangampanya...isa do'n ang paggawa ng maganda at catchy na jingle o kanta. At 'yon ang ginawa nila para sa pangangampanya ni Noynoy.

Maganda ang song... patriotic and aspirational. Si Regine Velasquez pa ang kumanta at si Ogie Alcasid ang nag-compose, what do you expect?! The songbird singing the campaign made it more powerful and heart-felt. Nung una, hinde ko siya masyadong napapansin, pero dahil paulit-ulit siyang pinapakita sa TV at paulit-ulit din siyang pinapakinggan ng ka-office mate ko'ng solid Regine fan, naging last song syndrome ko na rin 'to.

Now I had the liberty to download the video and post it here...para ma-share naman ang kinalalast song syndromean ko. Enjoy! :)




“HINDI KA NAG IISA”
Composed by: Ogie Alcasid
Sung by: Regine Velasquez

Sasamahan ka namin
Kahit paligid ay madilim
Iilawan ang daan tungo sa magandang kinabukasan.
Ika’y mamuno,kami ay susunod
pagkakaisa’y ating itaguyod
ang Pilipinas ay naghihintay
handa kaming kumilos,handang umalalay.

Hindi ka nag-iisa
sa paggising ng bayan
kami ay kasama,hindi ka mag-iisa.
Isasapuso ang dangal ng ating bayan
Sa tulong at biyaya ng maykapal

Magkakapit bisig,tayo…
ituloy natin laban ni Ninoy at Cory,
Nang bawa’t mamamayan
pagmamahal natin sa bayan
‘wag na nating itago, ‘di tayo susuko

Hindi ka nag-iisa
Sa paggising ng bayan
kami ay kasama,hindi ka mag-iisa
isasa puso ang dangal ng ating bayan

Sa tulong at biyaya ng maykapal
Magkakapit bisig,tayo…
Sama-sama bawat Filipino
Mula noon,ngayon at kailan pa man
hindi ka nag iisa...

Friday, November 06, 2009

Tik-tak-tik-tak...the end.


I
t's been a while! Tagal na ng last blog ko a. Busy-busyhan kase ako, sa pagtatapos ng trabaho ko at pag-aasikaso ng aming kumikitang kabuhayan.

Speaking of pagtatapos...

ngayon ang huling (as in totoo na'to) araw ko sa office.

Tinapos ko na rin ang mga kelangan tapusin. Para naman clear ang records, parang ga-graduate, kelangan kumpleto ang signature sa clearance. 

Hinde naman ako masyadong sad, hinde naman kase ako ganon katagal dito sa opisinang 'to, 6 months lang, and I think that's not enough to make a strong foundation for friendship. Though I had one with few of my officemates. Hinde naman katulad sa huling company na pinasukan ko na almost 5 years...medyo mahirap talaga mag-let go. Dahil halos lahat naging kaut-utang dila ko na! Dito kase kami lang ng mga ka-team ko ang magkakasama lagi, nagchichikahan at naghihingahan ng saloobin kaya sila lang ang naging "kapanatag friends" ko dito.

Well...ganon pa man, malungkot pa rin ang mag-good bye to everyone. 
True to the line,

"Saying goodbye is never an easy thing."

Naging masaya din naman kase ang mga araw na ipinasok ko dito. Pero some things never really last. May mga bagay na hinde aayon sa gusto mo. Dahil may mga bagay na mas gusto kang mangyari at mas nararapat para sa'yo. 

Tumatakbo ang bawat segundo, minuto at oras...

hanggang dito na lang...

ang pakikipag-away araw-araw sa mga spreads na may mala-duwende at higanteng produkto...

ang pakikipaglaban sa mga nagsusumigaw na call-outs, heads at offers...

ang pakikihalubilo sa mga iba't-ibang images sa internet at stock photos...

at pakikipag-diskusyon sa mga pagination at leader list ng bawat campaign.

Hanggang dito na lang ang mala-adventure, suspense, action, horror at drama anthology na kuwento ng isang artist for direct-selling brochure.

tik-tak-tik-tak...

3 oras...bago ang 

...Wakas.

Sunday, October 25, 2009

Ang huling yugto

Wooow!

6 months na pala akong nagtatrabaho sa office namen. Opisinang naging tampulan ng usapan at asaran at mga hinanakit sa buhay-opisina.

Haayyy...parang kelan lang aaa.

Ngayon, isang linggo na lang, lalayas na'ko don. Marami ring nangyari saken kahit na 6 months pa lang ako. Andon yong,

...magtatawanan lang kami sa labas ng mga ka-team ko (Emy & Nats) habang pinagkukuwentuhan ang mga anime at robots sa TV, at mga kuwentong baklaan at okrayan
...nalaman ko din sa kanya na ang taong nakahigh-waist na pantalon ay nagtatrabaho sa DPWH (department of public works and HIGHWAIST)
...na once in our lives, nagkakaroon tayo ng kakilalang dinosaur
...nadagdagan ang friends ko sa facebook kaya nadagdagan din ang mga invites ng kung anu-anong games
...nakipag-away sa boss dahil sa isang kamote
...napag-initan ng kliyente dahil sa pakikipag-away sa boss dahil sa isang kamote
...natanggalan ng facebook, ym, youtube at lahaaattt ng social networking via internet... Warning: MARTIAL LAW imposed inside the office

Haayy...sa wakas. It's over.

Masaya naman sana sa opisinang 'yon. Wala akong problema sa mga kasama ko puwera sa mangilan-ngilang higop. Kahit kami lang ng mga ka-team ko ang mag-usap buong araw, hinde ako mababagot kase masaya pa rin kahit paano. Hinde din gaanong mabigat ang work pero hinde ko na din 'yon sure kung sakali mang na-extend ako, baka sooner or later e ako din ang sumuko.
Naging civil ang pag-end ng contract ko, no hard feelings. It was a mutual decision between me and my employer. At para sa'ken, once I leave that office, I'm burying the hatchet there. Ayoko na dalhin pa 'yon, it won't do me any good.

Kung may dadalhin man ako, 'yon yung friendship na nakuha ko from the people I worked with. Ilan lang sila! Hahahahah! Ilan lang naman kase kami don...10???

Well...life goes on. People come and people go. But memories stay.

Tulad ng mga moments pag nagaasaran kami nila Emy and Nats at magtatawanan lang sa loob na parang wala kaming mga kasama. (Nakakaasar siguro 'yon kung ako 'yong outkast)

Pag inaasar namen si Yeng, na wala naman magawa kundi ngumite, tumawa, ngumite, tumawa!


Magyoyosi ako mag-isa sa labas tapos may lalapit para maki-light, tapos no'n friends na kayo at binobola ka na niya at sinesendan ng invites sa facebook. (Hahahaha! :P)


At madami pa.

Pag umaalis ako sa isang opisina, nakakalungkot. Pero nakakatuwa. Kase alam ko, kahit paano may naiiwan akong memories para sa kanila. At sa tingen ko, hinde nila ako makakalimutan.

Ako si VERY-OPINIONATED CHAI.

Signing off.

Wednesday, October 14, 2009

Slumbook Revisited: Subject 1- "Crush or Infatuation"

Ang sakit na ng likod ko dito sa kinauupuan ko...kanina pa'ko nakaupo sa sahig habang nagla-lap top, nagfe-facebook at nakikipag-chat. Haayyy...ouch!

Sa buong araw na nakatutok ako sa computer, wala akong nagawa kundi mag-isip ng idadagdag na gimik sa Kaynan namen at makipag-gaguhan sa mga ka-chat ko. At ngayon ko lang napagtanto, habang kino-compose ko 'tong blog na'to, all this time e puwede naman pala akong sumandal sa dingding! Haayy ischoopiid!

Nainspire ako ngayon sa linyang 'to...

"Maging tulad ka ulet ng dati, isang tanong isang sagot, hinde ka kakausapin pag hinde mo kinausap at dadaan ang araw na hinde kayo nagpapansinan...na dati namn walang kaso sayo!!!!"

Baket nga ba ganon???

Dati naman, wala lang sa'yo yong taong 'yon di'ba? Ni hinde siya nage-exist. Parang hinde mo siya ka-close, ni parang hinde kayo acquainted. Dinadaan-daanan ka lang, dinadaan-daanan mo lang din sya. Parang mas nagsstick pa sa utak mo ang utot ng katabi mo kesa sa mukha niya! Ni hinde mo nga natandaan ang pangalan niya e, at dadaan ang isang araw na hinde mo man lang napansin na nasa upuan niya pala siya...isa lang siyang nobody, nobody but you! Tseeeeehh!!!
At ganon ka rin naman para sa kanya, I'm sure. :)

Pero dumaan ang mga araw...parang himalang nagkapansinan na kayo. Nagiging close na, nagha-hi with matching sparkling eyes, may mga panakaw na sulyap at nag-kukuwentuhan with super laking ngite. Di mo namamalayan, kumekerengkeng ka na pala! Hahahaha! Di'ba? Lagi na kayong nag-uusap, nagkukulitan at naglalambutsingan. At pag kausap mo siya...kulang na lang e maging model ka ng Hapee toothpaste, dahil over sa kutitap ang mga mata mo. Haaayyy..dear, kung ganyan ka na...I'm so sure...CRUSH na 'yan.

Pero hinde ko lang alam sa mga lalake kung ganyan din ha. Kase ang mga lalake, mahirap malaman ang nararamdaman, hinde mo alam kung katulad mo, kinikilig din ba siya? Natutuwa din ba siyang nakikita ka or masaya din ba siyang kausap ka niya. O baka naman kase wala lang siyang choice or wala lang ibang gumagawa non sa kanya kaya natutuwa siya at me kaharutan siyang katulad mo. Mahirap malaman kung gusto ka din niya. Hinde kase sila katulad ng mga babae, napaka-showy at expressive...kung ano man ang ginagawa naten ngayon, yon eh dahil 'yon ang nafi-feel naten at 'yon ang totoo. Hinde lang dahil isa kang pa-sweet na hitad!

Ngayon, nafi-feel mo na 'yong hinde buo ang araw mo kung hinde ka niya kausapin. Naiinis ka at nagngitngit sa asar kapag hinde ka niya pinapansin! Kulang na lang sabunutan mo 'yong babaeng kausap niya at ipagduldulan mo sa mukha niya na naiinis ka dahil hinde ka niya kinakausap. Samantalang ang lalake, deadma, napaka-insensitive, daig pa ang pinaglihi sa balat ng kalabaw! At dahil do'n hinde mo din siya papansinin para mapansin niya na nabubuwiset ka sa kanya kaya susungitan mo siya to the fullest! Hanggang sa maloloka na lang siya kumbaket para ka na namang nakainom ng sarili mong regla sa sobrang inet ng ulo mo! Kahapon lang kumekyeme ka sa kanya, ngayon, daig mo pa ang matandang dalaga sa sobrang kasungitan.

Haaayyy...ang babae nga naman, ka-gulo!

Sala sa inet, sala sa lamig.
(Pero wala na atang hihigit sa pagiging hot or cold, yes or no ko.)


Minsan nakakaasar magkagusto sa isang tao noh???

Kahit pa sabihin mong hinde mo siya mahal at hinde pa ganon kalalim...nasasaktan ka pa rin. Masakit pag hinde ka niya pinapansin or kinakausap. Nakakainis pag bumalik kayo sa dati, 'yong parang invisible kayo sa isa't isa.

Kung puwede lang sabihin mo na lang sa kanya ang totoong nararamdaman mo di'ba, para malaman niya. Pero hinde sa lahat ng pagkakataon applicable ang pagiging totoo sa feeling mo sa isang tao, lalo kung hinde dapat. At lalo kung hinde mo kayang panindigan.

Hmmm...sabagay...CRUSH lang naman e...hehehehe...:)

Sagot ko dati sa,

What is crush?

Crush is infatuation or admiration.

o kaya minsan naman para maiba,

Crush is R_a_ _a_. (Syempre pangalan ng crush ko noon!)

(ahahahahhahaha!)

Tuesday, October 13, 2009

Ka-y-nan

Few months ago, I was so furiated sa mga nangyari sa'ken sa opisinang pinapasukan ko. Kung puwede lang matawag na UNYON ang isang tao, isa na'ko don! At dahil do'n, hanggang katapusan na lang ako sa opisinang 'yon. Hehehehe...magiging isa na'ko sa milyon-milyong miyembro ng KBP (Kapisanan ng mga Batugang Pilipino).

Hmmmpp...pero teka, teka, teka...

Hinde naman ako magpapaka-batugs pagkatapos kong mawalan ng trabaho noohh!!!

Magbabakasyon ako, oo...pero hinde para magpakasarap. Magtatrabaho pa rin ako actually. Andyan pa ang business namin ng Mama ko, ang franchise namin ng Hongkong Style Fried Noodles. And we are now preparing for another food biz...featuring our sisig, tapsilog and a lot more.

KAYNAN (ka-y-nan)
(Sisig, tapsi atbp.)

Hehehe...hinde tao si NAN ha, lalong hinde ko siya alter-ego. Ang KAYNAN e galing sa salitang...KAINAN...binakla ko lang ng konti yong salita para medyo maging konting social climber ang dating. Hahahaha...o di' ba?

Syempre andyan ang aming specialty, ang Sisig ng Pampanga. Yummy talaga! Sa taste-test pa lang namen, aprub na! (Gotta try it! Sarap pulutan! :P)

Tapsilog na recipe ng Mama ko. Masarap 'yan syempre, luto ni Nanay e. At kasama pa ang iba pang ulam na puwedeng may SILOG.

At iba pang mga comfort food, mga ulam na lutong-bahay, lutong-nanay.

Medyo hinde pa perpekto ang mga preparations, marami pang kulang, maraming pang kinakapa. Pero we know, later on makukuha din namen ang secret para magkaroon ng isang successful food business and eventually makapag-branch out! (wahahaha!!! hmmm..why not!)

Nae-excite na'ko. Nauna nang nagbukas ang Noodle business namen don, at so far, maganda ang result. Salamat kay Lord, at binigyan nya kami ng bago at magandang lugar. Nawalan man ako ng regular job, I know, God has given me another one, to work for our own business.

He really knows our needs and He provides. :)

Kahit pasaway ako, palaban at matigas ang ulo...love pa rin ako ni Bro. I'm thankful coz I'm blessed.

0:-)

Monday, October 12, 2009

Candy man

Nakng tinapa naman talaga o!

Baket kaya may mga taong napakabilis magpa-uto?!

At baket may mga taong kina-career ang mang-uto?!

Kelan lang nanggagalaiti ka sa galit, halos murahin mo na siya dahil sa nangyari. Kung nakakamatay lang ang "mura", nakoowwww! Deads na 'yon!

Kelan lang naiiyak ka dahil pakiramdam mo na-agrabyado ka. Kung puwede lang siguro, ipagsisigawan mo 'yon sa mukha niya tapos duduruin mo siya ng duduruin hanggang sa pumasok lahat sa kukote niya ang hinanakit mo sa ginawa niya sa'yo.

Kelan lang ayaw mo na siya makita at makausap. Nag-decide ka na nga na burahin siya sa utak mo, sa puso mo, pati sa cellphone, facebook, myspace,multiply, friendster, tagged, hi5 at sa yahoo messenger. Ayaw mo na maalala na magkakilala pala kayo.

Kelan lang ang tibay-tibay ng paninindigan mo na ayaw mo na aaah!!! Na ayaw mo na siyang maging parte ng buhay mo kase hinde ka naman niya ginagawang parte ng buhay niya. Akala ko ba na-realize mo na na unfair ang ginagawa mo sa sarili mo?

Eeeee baket ngayon...

NAGPAPA-UTO ka na naman!!!

Nagpapadala ka na naman sa mga boladas niya!

Kinikilig ka naman sa mga kalokohang pinagsasabi niya!

Nangitian ka lang, nahawakan ka lang, nadampian ka lang ng konting pansin...

OK NA ANG LAHAT?!?!?!!? Anak ng!!!

E kung 'di ka ba naman talaga UTO-UTO and 1/4 e!!!

Hinde ka ba natututo? Hinde ka ba nadadala? Hinde ka pa ba nagigising?

At hinde ka ba titigil sa kagagahan mo?

Hinde kasalanan ang magmahal ka sa isang tao...

pero lalong hinde kasalanan ang hinde ka mahalin.

Kaya huwag mong parusahan ang sarili mo sa isang bagay na hinde mo puwedeng ipaglaban kahit saang korte man tayo makarating.

There's no love in forcing.

Everything will only be as good as wishful thinking.

Wishful thinking...hanggang sa mabaliw ka na kakaisip...wala pa rin mangyayari.

Kaya kung ako sa'yo...tumigil ka na.

Huwag ka na magpapadala sa mga pa-cute ng taong 'yan.

He's just a sweet-talking sugar-coated man.


Haayyy...nakakainis talaga manood ng teleserye!!! Nakakastress! Affected!

Sunday, October 11, 2009

Isn't it ironic?

Ang buhay parang pregnancy test kit.

Puwedeng positive, puwedeng negative.

Positive pag maganda ang nangyayari sa buhay mo, pag masaya, pag walang problema. Tulad ng isang magandang balita, isang magandang oportunidad at isang masayang pamilya, trabaho at social life. Very positive di'ba?

Negative kung lagi kang bad trip, puro sablay at walang kinahihinatnan ang buhay mo. Tulad ng isang masamang karanasan, panget na lifestyle, walang progress sa trabaho o away sa pamilya o sa trabaho. Nega-ever!

Pero paano kung ang nangyari sa'yo POSITIVE pero NEGATIVE???

Isn't it ironic? Don't you think?.....----Alanis Morissette

May isa akong kakilala, masaya siyang kasama, makulet, responsable at ulirang ina...pero pagdating sa marriage...nakupow, palpak! Naghiwalay sila ng husband niya at naiwan sa kanya ang anak nila. Mahabang panahon din na wala siyang naging karelasyon, naging single lady for quite a long time. Puro trabaho...and after a negative phase in her life, she started seeing the brighter side of things.

She started dating...she started loving again.

Pero hinde pa din pala 'yon ang taong matagal niya ring hinintay. Kase mukhang katulad ng mga iba, hinde ito ang para sa kanya. Now that she was ready...she thought ok na ang lahat. Later on it turned out bittersweet...and unsuccessful. So again, they split up.

BUT! It didn't end there, just like how she wanted it.

Paano kung may naiwan palang isang bagay ang taong tinalikuran niya?

Bagay na magpapabago ulet ng buhay niya.

Isang bagay na POSITIVE...pero sana naging NEGATIVE na lang.

Isang bagay na hinde niya inaasahan pero alam niyang puwedeng mangyari at hinde na puwedeng talikuran pa.

Isang bagay...na may buhay.

Haayyy laaaayyyfffff...hinde mo alam ang mangyayari sa'yo sa makalawa o sa isang linggo o buwan o taon. O kahit sa susunod na minuto lang.

Parang ang kakilala ko, kanina isang guhit lang...after a few minutes...dalawa na.

Kung ano man ang nararamdaman niya ngayon..positive man o negative, ang mahalaga...
ginawa niya kung ano ang TAMA.

Saturday, October 10, 2009

Eraserheads' nostalgic effect

Sabado day, sound trip day.

Walang magawa e...walang anda(pera), kaya nasa bahay lang ako ngayon. Gustuhin ko man mag-shopping...HINDE PUWEDE!!! Dahil hinde yon applicable sa mga taong mawawalan na ng trabaho. Pero ayos lang yon, medyo ok pa naman ang mga gamit ko, hinde pa naman maximum alert for another shopping spree.

Anyway, habang nagba-blog ako ngayon, tumutugtog ang mga kanta ng Eraserheads sa background (Gusto kong matutong mag-drive, gusto kong matutong mag-drive...mag-driiiiivvveeee, mag-driiveee...drive...). Pag naririnig ko ang mga kanta nila marami akong naaalala at gustong balikan. :) Nostalgia.

Naaalala ko ang huling reunion concert nila. Nanood kami non ng ex-bf ko. First concert na pinanood namen magkasama. Nag-away muna kami bago nakapag-decide na manonood pala ng concert. Masayang masaya ako no'n, besides the fact that I was there watching a very historical event, e dahil din syempre, magkasama kami ng ex ko. Pero tapos na 'yon, tulad nga ng sabi ni Ely sa kanta nilang Huling El Bimbo, "sa panaginip na lang pala kita maisasayaw..."

Naaalala ko din ang kabataan ko. :)

Nung nauso ang Eheads, highschool ako no'n. Mga siguro kakagraduate ko lang ng Grade 6 or pa-early highschool. Usong-uso ang kanta nilang Pare ko. At dahil nasa early adolescent stage pa ako, 'yon din ang stage na sangkatutak ang mga crushes ko, manliligaw, at simula na ng mga taghiyawat sa ilong, pati na sa pisngi. :)

Nauso din no'n yong may pangalan ang mga barkadahan niyo, tulad ng Koolitz, G-mik o Paurashecah JP Shemanie (hahahahhaha! yan ang tawag namen sa grupo namen ng mga highschool friends ko). Pero may isa pa 'kong set of friends, na mga kababata ko naman sa probinsya namen, syempre medyo baduy na yan ngayon kung iisipin ko, pero ang title namen

"Pare ko." :))

Hahahaha...nakakatuwa talaga i-reminisce yon. Anim kami, 4 na lalake, 2 babae. At dahil ako yong taga-Maynila kaya lahat ng friends kong boys, saken nagka-crush! Hahaha...ganda ko di'ba! :) Tapos 'yong isang girl na kasama namen, todo selos s'ya nung una syempre. Pero naging bestfriend ko siya later on. Siya nga ang tulay sa mga nanliligaw saken, pero minsan nag-aaway kami kase yong crushes niya, nagkakagusto saken. E kasalanan ko ba 'yon? Hehehe...kaya naging Pare ko ang pangalan ng grupo e kase...

"Pare ko, meron akong problema, wag mong sabihin na naman
inlove ako sa isang kolehiyala (well, highschool lang ako no'n),
di ko maintindihan...
wag na nating idaan sa maboteng usapan,
lalo lang madargdagan ang sakit sa ulo at bilbil sa tyan
Anong sarap kami'y naging magkaibigan
napuno ako ng pag-asa...
Masakit man tanggapin kung kelan ka naging seryoso
saka ka niya gagaguhin..."

Hehehe,oooo...hinde ibig sabihin e nanggagago na'ko kahit nung bata pa'ko ha. Hinde lang naman dahil sa lyrics ng kanta kaya naging ganon ang pangalan ng barkada ko, dahil din yon sa nagkaroon noon ng movie na bida sila Claudine at Rico Yan, na Pare Ko ang title. Pareho din, 6 na magkakaibigan, 2 babae at ang iba mga lalake. Isang babae lang din ang pinag-aagawan. (Hahahahaha...so ako si Claudine! Ganda ko!) Ganon din ang nangyari sa barkada ko, maraming masalimuot na agawan, ligawan, awayan pero puno din naman ng kasiyahan. Very movieish! :)

Masaya ang naging barkada kong yon. Naliligo kami sa ulan at poso nang magkakasama. Kami-kami lang din ang naliligo sa beach tapos mag-iihaw ng kung anu-ano. Lagi kaming magkakasama, kaya lagi din akong nakukurot sa singet ng mga tito't tita ko. Tuwing uuwi naman ako ng probinsya kapag bakasyon, andon na sila, nakaabang sa waiting shed, nakasalubong at malaking malaki ang mga ngite...parang nakakita ng artista. :) Nagsusulatan din kami. Kumustahan at tanungan kung kelan ulet ako magbabakasyon. Kaya tamang-tama din ang Sembreak na kanta ng Eheads...

"Naaalala kita pag umuulan, naaalala kita pag giniginaw...(Sembreak)

Naaalala kita...Ilang bukas pa ba bago tayo ay magkita
Ako'y naiinip na, bawat oras binibilang sabik na masilayan ka..."

Matagal din ang tinagal ng mga Pare Ko, kahit hanggang lumampas na kami ng early adolescent stage, magkakaibigan pa din kami. Pero may mga kaibigan akong wala na dito, na hanggang sa alaala ko na lang makikita. Maaga silang kinuha ni Bro. Ang iba, may mga sariling buhay at pamilya na. Kapag naririnig ko ang With a Smile, naaalala ko ang mga kaibigan ko'ng wala na dito (RIP Yayi and Ryan). Wala ako nung time na nahirapan sila sa buhay nila...kaya yan ang kanta ko sa kanila...

"Lift your head, baby don't be scared
of the things that could go wrong along the way...
You'll get by...with a smile...
You can't win at everything but you can try.

In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
And don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song..."


Parang naging kuwento ng pagkabata ko ang mga kanta ng Eraserheads. Ang mga kanta nila, tumatak sa pagkatao ko, sa mga karanasan ko sa pagkabata at naging bahagi ng buhay ko. Kaya siguro hinde maiiwasang gustung-gusto ko sila.

Their songs are like mirror of my life and of every single individual.


Mapatungkol sa pag-ibig at harana, sa pag-mamarijuana at pagiging high, sa pagda-drive sa hangggang kung saan, tindahan ni Aling Nena at ang El Bimbo ni Paraluman...lahat yan, covered sa Eheads songs.

Sabi nga sa kanta nilang Para sa Masa,

"Ito ay para sa mga masa
sa lahat ng nawalan ng pag-asa
sa lahat ng aming nakasama
sa lahat ng hirap at pagdurusa
naaalala nyo pa ba
binigyan namin kayo ng ligaya
ilang taon na rin ang lumipas
mga kulay ng mundo ay kumupas
marami na rin ang mga pagbabago
di maiiwasan pagkat tayo ay tao lamang"

Nawala man ang Eraserheads at nagkanya-kanya...hinde ko makakalimutan ang tuwang naibigay ng mga kanta nila sa buhay ko at sa barkada ko. :)

Sana puwedeng balikan ang mga panahong 'yon, nung bata pa kami, nung simple lang ang buhay...nung laging pinapatugtog ang kantang "Magasin".