Sunday, November 22, 2009

Bitterly

What if...

after so many months of anger, misery, hatred, fear and forget-him-please,

that dreadful day comes and lets you face the person who made an inexplicable pain in your life...

what will happen?

Simple lang.

Mag-iinuman na parang matagal nang magkaibigan.

Magkukuwentuhan na parang magka-tropa.

Magsasabihan ng sikreto na parang walang tinatago sa isa't isa.

Hinde maiiwasang may masasabing hinanakit.

At ayan na naman ako sa wishful thinkings ko na...

heto, dalawang magkaibang tao na kami ngayon,

magkahiwalay, magkaiba na ng mundo...

eventually, hinde ba puwedeng magsimula ulet?

Anak ng! BATUKAN mo nga ako! Please!

Katangahan na naman e!

Sabi nga niya, "Tingen mo magiging ok pa tayo? Hinde na siguro."

Hinde ko alam kung baket.

Pero siguro ganon talaga ako ka-unlikeable. Ganon siguro ako kasama.

At ganon siguro ako kapanget maging ka-relasyon.

Never imagine someone could possibly despise being with me again.

Baket ako? Parang hinde nasaktan? Parang hinde nag-hate?

Pero heto't parang tiklop-tuhod paring umaasa na sana maging kami pa rin.

TANGA nga ba ako talaga? O masukista.

Pero siguro nga tama siya, nagkita lang kami, nag-inuman, nagkuwentuhan.

Hanggang do'n na lang.

Kase wala nang puwedeng ibalik, wala nang puwedeng i-save, wala nang puwedeng mabago.

Minsan kelangan naten tanggapin, may mga bagay na hinde na talaga para sa'ten. No matter how you keep them, if they don't wanna stay, they never will.

Hinde enough ang mag-wish ka na magiging maayos pa rin ang mga bagay-bagay sa inyo, dahil hinde na 'yon ang wish niya, may wish man siya, hinde ka na kasama.

There's no more hope in love that's already dead.

After that night...it's still the same.

He's happy with his life.

And at the end of it all, we're still moving on...our separate ways.

No comments: