Monday, December 14, 2009

the BARday 2009!

Huwaaaaw! Natapos na pala ang birthday ko ng ganon-ganon lang! Hahahaha!

Birthday nga naman, parang isang ordinaryong araw lang naman kung tutuusin...nagiging iba lang kase...

special day mo...

gagastos ka para sa handa...

mag-iimbita ka para may kumain ng mga handa na 'yon...

iinom kayo at magtatawanan ng malakas, wala kang pakealam sa kapitbahay kase birthday mo e...

at ito lang ang natatanging araw kung kelan isang guhit na naman ang nadagdag sa edad mo, at siguro sa mga linya mo sa mukha.

Kahapon, 'yon ang natatanging araw ko,

isang guhit sa edad at sa mukha, check!


28 na ako! Shet! At hinde pa rin ako nag-aasawa! Normal pa ba 'yon? I hope so. :)

Gumastos ako para sa handa, check!

Simple lang ang handa ko, puro gulay na pinaghiwa-hiwa, like carrots, cucumber at celery. May tostitos chips and marsh mallows. Gumawa ako ng sarili kong dips, like salsa, adobo cream and garlic mayo. I also cooked pasta, bbq and roasted chicken. Solb! Sarap!

Nag-imbita ako ng mga kakain ng handa ko, check!

Yong iba kong ininvite, wala e, di pumunta. Buti na lang may ibang mahilig mag-commute for the sake of fun and inuman. At meron din talagang mga kaibigan na laging present sa b-day ko. Salamat sa kanila, naubos ang pinagpaguran kong handa. :)

Uminom kami at nagtawanan ng malakas, keber sa mga kapitbahay, check!

Masaya talaga tumawa kapag medyo nasasapian ka na ng ispirito ng alak e, parang kahit hinde mo naintindihan ang kasama mo, basta tumawa siya, tawa ka na rin, para masaya, diba! Sabay patugtog pa ng malakas na party music, yeahhh! That's fun! Oo, kahit tulog na ang buong neighborhood, walang pakealamanan! May mga birthdays din kayo!!! Do'n na lang kayo bumawi!

Kaya kahapon, KAMPAIIIIII! tayo para sa kaarawan ko.

Ngayon, back to reality. Tapos na ang special day ko. Tapos na rin ang mga greetings na ipo-post sa facebook. Ubos na ang mga handa kagabi, wala nang natira, cake na lang. Araw na para i-upload ang mga pictures ng pinagwalaan kagabi at i-tag ang mga taong involved sa pictures na 'yon.

Haayyy...isang birthday na naman ang dumaan, isang taon na naman ang paghahandaan.

Salamat sa mga kaibigang dumating, nag-text, at tumawag para i-greet ako, at sa tinawagan ko pa para marinig ko'ng i-greet niya 'ko, salamat.

Higit sa lahat...salamat kay Bro!

Sa isa pang taon na ibinigay sa'ken. Kahit, kulang-kulang 20 years na siguro akong pasaway sa Kanya, hinde siya nagsasawang bigyan ako ng isa pang taon.

Salamat po.

Cheers to another year for me!






No comments: