Wednesday, October 14, 2009

Slumbook Revisited: Subject 1- "Crush or Infatuation"

Ang sakit na ng likod ko dito sa kinauupuan ko...kanina pa'ko nakaupo sa sahig habang nagla-lap top, nagfe-facebook at nakikipag-chat. Haayyy...ouch!

Sa buong araw na nakatutok ako sa computer, wala akong nagawa kundi mag-isip ng idadagdag na gimik sa Kaynan namen at makipag-gaguhan sa mga ka-chat ko. At ngayon ko lang napagtanto, habang kino-compose ko 'tong blog na'to, all this time e puwede naman pala akong sumandal sa dingding! Haayy ischoopiid!

Nainspire ako ngayon sa linyang 'to...

"Maging tulad ka ulet ng dati, isang tanong isang sagot, hinde ka kakausapin pag hinde mo kinausap at dadaan ang araw na hinde kayo nagpapansinan...na dati namn walang kaso sayo!!!!"

Baket nga ba ganon???

Dati naman, wala lang sa'yo yong taong 'yon di'ba? Ni hinde siya nage-exist. Parang hinde mo siya ka-close, ni parang hinde kayo acquainted. Dinadaan-daanan ka lang, dinadaan-daanan mo lang din sya. Parang mas nagsstick pa sa utak mo ang utot ng katabi mo kesa sa mukha niya! Ni hinde mo nga natandaan ang pangalan niya e, at dadaan ang isang araw na hinde mo man lang napansin na nasa upuan niya pala siya...isa lang siyang nobody, nobody but you! Tseeeeehh!!!
At ganon ka rin naman para sa kanya, I'm sure. :)

Pero dumaan ang mga araw...parang himalang nagkapansinan na kayo. Nagiging close na, nagha-hi with matching sparkling eyes, may mga panakaw na sulyap at nag-kukuwentuhan with super laking ngite. Di mo namamalayan, kumekerengkeng ka na pala! Hahahaha! Di'ba? Lagi na kayong nag-uusap, nagkukulitan at naglalambutsingan. At pag kausap mo siya...kulang na lang e maging model ka ng Hapee toothpaste, dahil over sa kutitap ang mga mata mo. Haaayyy..dear, kung ganyan ka na...I'm so sure...CRUSH na 'yan.

Pero hinde ko lang alam sa mga lalake kung ganyan din ha. Kase ang mga lalake, mahirap malaman ang nararamdaman, hinde mo alam kung katulad mo, kinikilig din ba siya? Natutuwa din ba siyang nakikita ka or masaya din ba siyang kausap ka niya. O baka naman kase wala lang siyang choice or wala lang ibang gumagawa non sa kanya kaya natutuwa siya at me kaharutan siyang katulad mo. Mahirap malaman kung gusto ka din niya. Hinde kase sila katulad ng mga babae, napaka-showy at expressive...kung ano man ang ginagawa naten ngayon, yon eh dahil 'yon ang nafi-feel naten at 'yon ang totoo. Hinde lang dahil isa kang pa-sweet na hitad!

Ngayon, nafi-feel mo na 'yong hinde buo ang araw mo kung hinde ka niya kausapin. Naiinis ka at nagngitngit sa asar kapag hinde ka niya pinapansin! Kulang na lang sabunutan mo 'yong babaeng kausap niya at ipagduldulan mo sa mukha niya na naiinis ka dahil hinde ka niya kinakausap. Samantalang ang lalake, deadma, napaka-insensitive, daig pa ang pinaglihi sa balat ng kalabaw! At dahil do'n hinde mo din siya papansinin para mapansin niya na nabubuwiset ka sa kanya kaya susungitan mo siya to the fullest! Hanggang sa maloloka na lang siya kumbaket para ka na namang nakainom ng sarili mong regla sa sobrang inet ng ulo mo! Kahapon lang kumekyeme ka sa kanya, ngayon, daig mo pa ang matandang dalaga sa sobrang kasungitan.

Haaayyy...ang babae nga naman, ka-gulo!

Sala sa inet, sala sa lamig.
(Pero wala na atang hihigit sa pagiging hot or cold, yes or no ko.)


Minsan nakakaasar magkagusto sa isang tao noh???

Kahit pa sabihin mong hinde mo siya mahal at hinde pa ganon kalalim...nasasaktan ka pa rin. Masakit pag hinde ka niya pinapansin or kinakausap. Nakakainis pag bumalik kayo sa dati, 'yong parang invisible kayo sa isa't isa.

Kung puwede lang sabihin mo na lang sa kanya ang totoong nararamdaman mo di'ba, para malaman niya. Pero hinde sa lahat ng pagkakataon applicable ang pagiging totoo sa feeling mo sa isang tao, lalo kung hinde dapat. At lalo kung hinde mo kayang panindigan.

Hmmm...sabagay...CRUSH lang naman e...hehehehe...:)

Sagot ko dati sa,

What is crush?

Crush is infatuation or admiration.

o kaya minsan naman para maiba,

Crush is R_a_ _a_. (Syempre pangalan ng crush ko noon!)

(ahahahahhahaha!)

No comments: