Friday, November 13, 2009

Still under medication

I've been sick for 3 days.

After a painful Urinary Tract Infection last week...cough, colds and fever naman ang dumapo sa'ken. I was totally bedridden within those days.

Pero 'wag ka! Ni isang pirasong gamot...wala akong ininom! As in!

Nagsawa na lang siguro ang sakit sa katigasan ng kukote ko dahil wala siyang nakukuhang gamot galing sa'ken kaya nilayasan na lang ako.

Pero may iniwan pa rin siyang...sniff...ubbooo...sniff...uboooo..haaayyy!

Nung bata pa tayo, pag nagkakasakit, parang napakabigat na ng dinadala naten no??! Ako pag nagkakasakit ako no'n, ampanget-panget ko talaga!!!

Di ako nagtu-toothbrush, di ako naghihilamos (buti na lang pag mataas ang lagnat, pinupunasan ako ng mama o ng yaya ko--naakananng!! yaya!!-- ng malamig na tubig na may alcohol, do'n lang napupunasan ang katawan ko), di ako nagsusuklay at lalong hinde ako tumitingin sa salamin, kase natatakot ako sa itsura ko. Para akong anak ng mangkukulam.

Tapos papangangahin ako at isusubo ang thermometer, na galing sa kilikili ko few hours ago, para malaman kung mataas pa ang lagnat.

Papainumin pa'ko ng mga lasang gamot na gamot! Sobrang alam na alam mo na gamot ang iniinom mo kase lasa at amoy gamot talaga! Di tulad ngayon, flavored na sila, hinde nakakatakot inumin at hinde mo na kailangan maluha-luha habang nilulunok ang cough syrup o Tempra.

Di pwede ang malamig na tubig o Zesto (namaaann!!! maligamgam na Zesto! whatdaaa!), o kahit anong matamis o maalat (ibig sabihin walang lasa!). Ang parusang pagkaing lugaw, noodles na chicken flavor, sopas na matabang at kweyker owts na walang asukal lang ang puwede!

Di pwede ang mga Chikadees at Cheezums, at iba pang junk foods na may FREE sa loob at lalong di puwede maglaro ng 1 by 1, 2 by 2, at 10, 20, 30, 40 at kung anu-ano pang laro namen ng mga friends ko outside! (shucks!)

Haaayy...nung bata pa tayo, sobrang lungkot magkasakit di'ba! Para kasing ang dami mong hinde nagagawa...kung puwede lang wag ka na dapuan ng mga sakit na 'yan!

Lalo na ng BEKE!

Hanggang ngayon hinde ko alam ang tawag sa inilalagay sa beke na kulay violet sa gilid ng tenga ko no'n. Me kasama pa 'yong suka! Naknang paksiw talaga!

Ampanget ko na, ang asim ko pa!!!


Naalala ko pa nga no'n, nagbirthday ako may beke ako. Ang saklaaaaap men! Pero nag-treat pa'ko no'n sa day care center na pinag-aaralan ko...so generous of me di'ba! Hinde ko alam baket ganon ako kadesperado mag-birthday party! Siguro, since kinder pa lang ako, first birthday party ko yata 'yon sa school kaya excited kahit parang kampanerang kuba ako na napunta sa mukha ang bukol o baka DEADMA lang talaga ako sa beke ko. Hinde ko na matandaan ang pakiramdam ko no'n, pero pag tuwing nakikita ko ang picture ko nung araw na 'yon!!!!

Nakupoooo talaga!!!

Nakadilaw akong blouse na maluwag, mga tipong blouse nila Caselyn Francisco at Lotlot sa That's kase me padding pa at naka-tuck in sa palda kong maong, tapos ang buhok ko eh naka-side ponytail at may ribbon pero hinde ko mawari kumbaket para akong sinabunutan ng mga kaklase ko sa sobrang gulo ng buhok ko, haggard na haggard ang face ko, halatang may nararamdaman...at maaayyyyyyy...MALAKI AKONG BUKOL SA PISNGI!

Hahahahhahahhaha!!! Tangina! Kung di ko kilala na ako 'yon, maaawa at matatawa talaga ako sa batang 'yon!

AMPANGET EEEEEEE!!!


Hahahahahahaaaaaaaa!!!! :P

Haaayyy...but those were the days! Maraming sakit na'kong pinagdaanan. Mapa-sakit ng kuko, ng ngipen, ng ulo, ng tiyan, ng puson o mga sakit na mas masakit pa sa akala ko'ng pinakamasaklap na beke...naramdaman ko na siguro.

Pero may mga karamdaman din tulad ng sakit sa puso or emotions, spiritual, financial and social. Sickness from sorrows, doubts, failures, disputes, anger, fear and pride. Mga sakit na walang ano mang gamot o pangpahid ang puwedeng basta lang lumunas. Mga sakit na walang ibang doktor na magpapagaling kundi Siya.

Kung iisipin ko, pareho lang din pala ako noon at ngayon kapag nagkakasakit ako.

Noon, takot ako uminom ng gamot...ngayon, matigas pa din ang ulo ko sa pag-inom ng gamot.

Noon, takot ako magpacheck-up sa doktor...ngayon, matigas pa din ang ulo ko sa pagpapacheck-up.

Noon, di ko puwede kainin at gawin ang mga gusto ko pag may sakit...ngayon, bawal din ang mga gusto ko tulad ng alak, yosi at marami pang iba!

Pero ang kaibahan lang,

Noon, simple lang ang mga sakit ko...

Ngayon, komplikado na. Iba't ibang sakit, sakit na may gamot, at sakit na hinde lang gamot ang solusyon.

Hangga't nabubuhay tayo, hinde mawawalan ng mga "sakit" at "pasakit". Ang kelangan lang eh mamili ng tamang gamot...at ng tamang doktor na magpapawi ng sakit na 'yon.

Sabi nga nila,

Sakit ng brabalibintawan-doktor ang kailangan
Sakit ng kalooban- Si Bro lang ang dapat takbuhan

Isa lang ang hinde ko na ginagawa ngayon na ginagawa ko nung bata ako pag nagkakasakit...

...ang mamoroblema sa excuse letter! Nakaka-stress kaya 'yon!


No comments: