Thursday, November 19, 2009

Another exam, failed.

Minsan sa buhay...bago ka gumawa ng isang bagay, kelangan mo mamili ng tama, bago mag-decide.

Mini-mini-may-nimo...

Pera o Bayong?

Sa pula o sa puti?

No. 1, 2, 3 o 4?

Letter a, b, c, d o none of the above?

Maraming choices, pero hinde lahat maibibigay sa'yo ang gusto mo. Hinde lahat, andon ang hinahanap mo. Hinde lahat, tama ang sagot. At hinde lahat, nararapat para sa'yo.

Isa o dalawa lang ang puwedeng tama...

at iba, mali.

Ang buhay, isang mahabang quiz.

Ang love, isang matinding practical exam.

Ang happiness, isang achievement test.

Lahat dadaanan ang pagpili ng tamang sagot o ng tamang gagawin bago mo maipasa ang buhay, ang pag-ibig, ang kaligayahan.

Ilang beses na'kong nag-take ng exams.

Madalas pasado.

Minsan pasang-awa.

At minsan, bagsak.

Eeeeeeeeeee...

Tanginang yaaann!!!


Ngayon...bagsak na naman!

Tsk...letter a. kase sinagot ko e!

Dami namang pagpipilian, hanggang letter z. pa ang multiple choices di'ba...

Hula-hula, kaswal-kaswal, laro-laro sa pagsagot ng exam...

'yan ang napala...BOKYA!!!

Haaayy...di bale may retake naman ng mga tests e, puwede pang baguhin ang sagot.

Baka next time...perfect na.

No comments: