Saturday, October 10, 2009

Eraserheads' nostalgic effect

Sabado day, sound trip day.

Walang magawa e...walang anda(pera), kaya nasa bahay lang ako ngayon. Gustuhin ko man mag-shopping...HINDE PUWEDE!!! Dahil hinde yon applicable sa mga taong mawawalan na ng trabaho. Pero ayos lang yon, medyo ok pa naman ang mga gamit ko, hinde pa naman maximum alert for another shopping spree.

Anyway, habang nagba-blog ako ngayon, tumutugtog ang mga kanta ng Eraserheads sa background (Gusto kong matutong mag-drive, gusto kong matutong mag-drive...mag-driiiiivvveeee, mag-driiveee...drive...). Pag naririnig ko ang mga kanta nila marami akong naaalala at gustong balikan. :) Nostalgia.

Naaalala ko ang huling reunion concert nila. Nanood kami non ng ex-bf ko. First concert na pinanood namen magkasama. Nag-away muna kami bago nakapag-decide na manonood pala ng concert. Masayang masaya ako no'n, besides the fact that I was there watching a very historical event, e dahil din syempre, magkasama kami ng ex ko. Pero tapos na 'yon, tulad nga ng sabi ni Ely sa kanta nilang Huling El Bimbo, "sa panaginip na lang pala kita maisasayaw..."

Naaalala ko din ang kabataan ko. :)

Nung nauso ang Eheads, highschool ako no'n. Mga siguro kakagraduate ko lang ng Grade 6 or pa-early highschool. Usong-uso ang kanta nilang Pare ko. At dahil nasa early adolescent stage pa ako, 'yon din ang stage na sangkatutak ang mga crushes ko, manliligaw, at simula na ng mga taghiyawat sa ilong, pati na sa pisngi. :)

Nauso din no'n yong may pangalan ang mga barkadahan niyo, tulad ng Koolitz, G-mik o Paurashecah JP Shemanie (hahahahhaha! yan ang tawag namen sa grupo namen ng mga highschool friends ko). Pero may isa pa 'kong set of friends, na mga kababata ko naman sa probinsya namen, syempre medyo baduy na yan ngayon kung iisipin ko, pero ang title namen

"Pare ko." :))

Hahahaha...nakakatuwa talaga i-reminisce yon. Anim kami, 4 na lalake, 2 babae. At dahil ako yong taga-Maynila kaya lahat ng friends kong boys, saken nagka-crush! Hahaha...ganda ko di'ba! :) Tapos 'yong isang girl na kasama namen, todo selos s'ya nung una syempre. Pero naging bestfriend ko siya later on. Siya nga ang tulay sa mga nanliligaw saken, pero minsan nag-aaway kami kase yong crushes niya, nagkakagusto saken. E kasalanan ko ba 'yon? Hehehe...kaya naging Pare ko ang pangalan ng grupo e kase...

"Pare ko, meron akong problema, wag mong sabihin na naman
inlove ako sa isang kolehiyala (well, highschool lang ako no'n),
di ko maintindihan...
wag na nating idaan sa maboteng usapan,
lalo lang madargdagan ang sakit sa ulo at bilbil sa tyan
Anong sarap kami'y naging magkaibigan
napuno ako ng pag-asa...
Masakit man tanggapin kung kelan ka naging seryoso
saka ka niya gagaguhin..."

Hehehe,oooo...hinde ibig sabihin e nanggagago na'ko kahit nung bata pa'ko ha. Hinde lang naman dahil sa lyrics ng kanta kaya naging ganon ang pangalan ng barkada ko, dahil din yon sa nagkaroon noon ng movie na bida sila Claudine at Rico Yan, na Pare Ko ang title. Pareho din, 6 na magkakaibigan, 2 babae at ang iba mga lalake. Isang babae lang din ang pinag-aagawan. (Hahahahaha...so ako si Claudine! Ganda ko!) Ganon din ang nangyari sa barkada ko, maraming masalimuot na agawan, ligawan, awayan pero puno din naman ng kasiyahan. Very movieish! :)

Masaya ang naging barkada kong yon. Naliligo kami sa ulan at poso nang magkakasama. Kami-kami lang din ang naliligo sa beach tapos mag-iihaw ng kung anu-ano. Lagi kaming magkakasama, kaya lagi din akong nakukurot sa singet ng mga tito't tita ko. Tuwing uuwi naman ako ng probinsya kapag bakasyon, andon na sila, nakaabang sa waiting shed, nakasalubong at malaking malaki ang mga ngite...parang nakakita ng artista. :) Nagsusulatan din kami. Kumustahan at tanungan kung kelan ulet ako magbabakasyon. Kaya tamang-tama din ang Sembreak na kanta ng Eheads...

"Naaalala kita pag umuulan, naaalala kita pag giniginaw...(Sembreak)

Naaalala kita...Ilang bukas pa ba bago tayo ay magkita
Ako'y naiinip na, bawat oras binibilang sabik na masilayan ka..."

Matagal din ang tinagal ng mga Pare Ko, kahit hanggang lumampas na kami ng early adolescent stage, magkakaibigan pa din kami. Pero may mga kaibigan akong wala na dito, na hanggang sa alaala ko na lang makikita. Maaga silang kinuha ni Bro. Ang iba, may mga sariling buhay at pamilya na. Kapag naririnig ko ang With a Smile, naaalala ko ang mga kaibigan ko'ng wala na dito (RIP Yayi and Ryan). Wala ako nung time na nahirapan sila sa buhay nila...kaya yan ang kanta ko sa kanila...

"Lift your head, baby don't be scared
of the things that could go wrong along the way...
You'll get by...with a smile...
You can't win at everything but you can try.

In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
And don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song..."


Parang naging kuwento ng pagkabata ko ang mga kanta ng Eraserheads. Ang mga kanta nila, tumatak sa pagkatao ko, sa mga karanasan ko sa pagkabata at naging bahagi ng buhay ko. Kaya siguro hinde maiiwasang gustung-gusto ko sila.

Their songs are like mirror of my life and of every single individual.


Mapatungkol sa pag-ibig at harana, sa pag-mamarijuana at pagiging high, sa pagda-drive sa hangggang kung saan, tindahan ni Aling Nena at ang El Bimbo ni Paraluman...lahat yan, covered sa Eheads songs.

Sabi nga sa kanta nilang Para sa Masa,

"Ito ay para sa mga masa
sa lahat ng nawalan ng pag-asa
sa lahat ng aming nakasama
sa lahat ng hirap at pagdurusa
naaalala nyo pa ba
binigyan namin kayo ng ligaya
ilang taon na rin ang lumipas
mga kulay ng mundo ay kumupas
marami na rin ang mga pagbabago
di maiiwasan pagkat tayo ay tao lamang"

Nawala man ang Eraserheads at nagkanya-kanya...hinde ko makakalimutan ang tuwang naibigay ng mga kanta nila sa buhay ko at sa barkada ko. :)

Sana puwedeng balikan ang mga panahong 'yon, nung bata pa kami, nung simple lang ang buhay...nung laging pinapatugtog ang kantang "Magasin".

No comments: