Yaaaawwwwwnnnnn!!!! Haaayyy...
Alas-onse na, kakagising ko lang. Parang Sabado, tinanghali na'ko sa kama...parang araw na walang pasok. Pero Lunes nga pala...at oo, wala na'kong pasok.
Unang araw ng pagiging palams, taumbahay at taong-tindahan ko.
At ngayong araw na'to...NANINIBAGO ako.
Parang ngayon lang nag-sink in na hinde na pala ako magiging katulad ng naging ako, 6 months ago.
Yong papasok ng 10 am. Magkakape sa may 7-11 ng Nescafe cold coffee habang nagyoyosi. Pag walang pera, magtitiyaga sa kapeng mainet sa opisina. Uupo sa maliit kong cubicle, magfe-Facebook muna bago umpisahan ang mga dapat tapusin. Pero kasabay pa rin no'n ang pagfe-Facebook at YM ko, isa yata akong multi-tasking employee. Sa ilang oras ko ring nakaupo sa loob, naka-ipod lang ako, full ang volume at sinasabayan ang mga songs nila Shakira at Michelle Branch at umiindak naman sa mga dance hits na nagpapagising ng diwa ko pag sobrang antok na antok na'ko.
Hinde na din pala ako makakapag-kulitan, asaran at harutan sa mga kaopisina ko, magtatawa ng malakas sa labas habang nakaupo sa 7-11 steps at nagmemeryenda o nagchichismisan. Makakapag-yosi kasama ang mga guy friends ko from upstairs. Makakapag-small talk with the guards and other tenants ng building. At hinde ko na makikita ang mga cute na asong wino-walk ng mga yaya o owner nila sa paligid ng Salcedo araw-araw.
Maraming bagay na hinde ko na pala magagawa...ngayon.
Simula ngayon.
Nakakalungkot din pala.
Nakakamiss.
Nakakapanibago.
No comments:
Post a Comment