Tuesday, September 22, 2009

Noynoypalaboy


H
aaayyy...di ko alam kung tanga lang nga ba talaga ako tulad ng laging sinasabi ni Teng o matalino ako tulad ng dating sinasabi ng nanay ko...

...kase hinde ko alam baket si Noynoy ang gustong manalo ng mga tao para maging Presidente e.

Di ko din alam kung baket nangongolekta sila ng
PISO para sa pangangampanya ni Noynoy o baket merong Piso para kay Noynoy. (Bata ba yan na kelangan ng pambili ng kending hubad? At kelan pa naging Ilog Pasig itong si Noynoy? Saka ba't hinde si Kris ang gumastos? E di'ba sagot nga daw niya ang kasal ni Noynoy! "Ganyan ako sa kabait na kapateed, Bhooy!"--Kris, SNN)

At di ko din alam kumbaket magbebenta daw ng bahay sila Kris Aquino at Boy Abunda para makaipon ng pera sa pangangampanya ni Noynoy.
(Puwede ba sa ukay-ukay yan...bibili talaga akooooo!!! Lalo yong mga backless ni Kris na gowns! Maiging pang-damit sa TV.)

Di ko din alam kumbaket kelangan niya pa mangampanya, e di ba, kilalang kilala na siya? Siya ang anak ni
Ninoy at ni Cory Aquino...

...di naman siguro siya mapapagkamalang 'yong singer di'ba. Si Noynoy Volante.
(Wahahahahaha!!! Tawa ka kunwari! :P naayyykss...cornflakes!)

Di ko din alam kung baket ang hilig makialam ni Kris Aquino sa kapatid niyang si Noynoy, at nag-promise pa siya on national TV na behave na siya...

...haayy wala naman akong pakealam kung behave siya or hinde...di naman ako yayaman kung maging quiet pa siya or daldalera.

...lalong hinde rin ako natutuwa sa pagfi-feeling first lady niya. 'Di sana si James Yap na lang pinatakbo niya...kaso sa court lang yun uubra.

Sabi ng nanay ko na medyo nagmamala-political analyst, hinde daw naman mananalo si Noynoy.

Kase wala pa naman daw siyang nagagawa...kahit sa Senado kung saan ilang taon siyang naging Senator, at sa kongreso kung saan ilang taon din siyang naging kongresman at kung anu-ano pa na hinde ko naman talaga alam.

...saka
FAD lang daw na parang kabute ang pag-usbong ng career ni Noynoy at tumakbo for President. Parang de javu ng Cory Aquino's Homemaker-turns-politician-story.

Saka daw hinde porke anak siya ni Ninoy at Cory e, pareho na sila mag-isip at magplano para sa future ng bayang 'to.
(Heeellllooowwww...do I need to say more about Krissie?)

Saka...hinde naman niya iboboto kase si Noynoy...kundi si
Manny Villar. (Akala mo konyo, yon pala laking Tondo. Akala mo petiks, yon pala hinde...akala mo, akala mo...wala, wala, wala!)

E kung sinu-sino na nga ang naglalabo-labo sa TV para lang makatakbo for President.

Si
Lacson parang baklang tinakbuhan nga mga syota niyang macho dancer!!! Parang lahat ng maibubulgar sa mga tao, ibinulgar na! Langya! Pero gusto ko lang yong EXPOSE niya kay ERAP! Hehehe...me kapitbahay kaya kami no'n, member ng Kuratong Baleleng gang ang asawa niya...ang daming pera nun mga yon, pero low profile syempre!!!

Pero totoo talaga, kinukwento nun sa nanay kong may pagka-tsismosa din ng konti, e si
toot-toot at si toot-toot daw ang boss nila. (Naaayyyyy...uuhhmmm...sino kaya yun! Shhhhhh!!!) E pero syempre, kuwento lang nila yon! (Hahahahahah!!! Sabay gano'n!)

Si ERAP!
Kungdi ba naman talaga kasing tanga ko 'yan, napatalsik na nga, gusto pa rin ipagsiksikan ang malaki n'yang t'yan sa Malacanang! Haaayyyy! Hellooowww!! Kuya!!! Gising naman dyan! Alam ko maraming tao ang tangang katulad ko ano...pero siguro naman mas maraming matalino pa rin at kahit naman tanga kami, hinde naman kami saksakan ng BOBO para iboto ulet si ERAP! Looorrrddd!!! Save us!

Pati si Willie Revillame pinapatakbo din...haaayyyy...anak ng Hep-Hep Horraay o!

E si Noynoy kaya saka si Mar Roxas, paano kaya kapag kaharap nila si Korina Sanchez???
(Hmmm...very Tayong dalawa di'ba. Audrey, JR and Dave.)

Ewan ko! Ang tagal pa ng eleksyon...kaliwa't kanan yan na ang news, nakakalokaaaaa!!!

Puro NOYNOY!!!


Pag si Noynoy ang nanalo...naku!

Mauumay kayo sa mukha ni Kris, t'yak yan!


Kaya ako, hinde ako nagpa-register. Ayoko bumoto! Bahala na kayo mamili ng basura niyo! Tse!
Ang dami ko'ng basurang dapat pulutin sa tabi ko, pati ba naman malaking basura poproblemahin ko pa...samantalang sila, pinoproblema nila agad ang MALALAKING basurang gustong gusto nila idispatcha, e yung maliit na kalat naman na nasa harap nila ni hinde nila malinis...paano pa ang basura ng bayan. Tssssss...eeeewan!

Politics talaga...ang kulay, ang daming kuwento, ang habang nobela, wala namang katorya-torya! Puro basura! Dapat ito ang may campaign e, PISO PARA SA PAGLILINIS NG BASURA SA MALACANANG.

Suuusss...parang ako ang tali-talino ko magsalita a...parang andami kong alam...

eeehhhh...

...nagfe-facebook lang naman ako, sunshine ranch, restaurant city at kung ano-ano pang games ska chat sa YM. :)


1 comment:

Unknown said...

dami mong sinabi, dami mong comments, naknang.. hindi ka pala naman boboto!!!