Saturday, September 05, 2009

Lutang na loob


A
mbigat ng ulo ko, umiikot parang Vertigo.


Konting bagay parang ang hirap intindihin, pero nkakatawa.

Kanina nakaupo lang ako e, biglang ang ligalig ko na. Laging nakatayo, hinde na makaupo.

Ang daming sinasabi! Ang daming talkies...ang daldal!

Ang bigat ng ulo ko pero ang gaan ng loob. Ang sarap sumayaw.

Di baleng wala ng ulam, kanin lang ok na, basta makasubo.

Ang lakas ng boses ko, gusto kong sumigaw. Pero maliit lang ang lugar, sigurado mabubulabog ang mga tao.

Ang active ng utak ko, biglang nag-isip ah, kanina naman walang pakialam.

Ang saya ngayon, parang walang problema, parang walang nangyari.

Pero trip ko din maiyak, kase naalala ko ang taong una kong nalalapitan pag namomoroblema ako. Kaso naalala ko din, wala na pala kami.

Ang dami kong trip. Ang bawat hit, iba-iba.

Wag lang akong masasanay, baka ang hirap bumaba pag sobrang high.

Ang saya, parang cool ang lahat, parang walang sablay ang buhay.

Parang lutang ka...parang ang saya-saya.

No comments: