"I learned that you should feel when writing, not like Lord Byron on a mountain top, but like a child stringing beads in kindergarten- happy, absorbed and quietly putting one bead after another."-Brenda Ueland
Thursday, September 03, 2009
Inhale...exhale...
Natapos ang araw na'to na hinde ko nakita ang opisinang sobrang kinababadtripan ko these past few days. Kagabi pa lang, decided na 'ko...
"Hinde ako papasok bukas! Bahala sila!"
Atleast hinde ako nakakita ng kamote.
Pero kahit ganon, bitbit ko pa rin sa loob ko ang nangyari. Iniisip ko pa rin paano ako bukas pag pumasok na 'ko ulet at nagkita kami ng "Those-Who-Must-Not-Be-Named."
According to my sources, hinahanap daw ako ng mga boss ko kanina. Pero walang nakakaalam, hinde din naman kase ako nagpaalam na aabsent ako. Baka ang iniisip ng mga yon...AWOL na ko.
Umiikot ang puwet kung ano ba ang plano ko,
Hinde ba nagtext si Chai???
AWOL???
Hahanap na ba tayo ng kapalit??
Bastos talaga yong batang yon! Hinde man lang nagpaalam!
Parang mas confident ako na yung panghuli ang iniisip nila knina.
Sa ganitong sitwasyon, ang hirap mag-isip. Mahirap humagilap ng desisyon kase hinde mo alam kung magiging masaya ka ba sa kakalabasan non.
INHALE...EXHALE...
INHALE...EXHALE...
O ok na ba ako?
Puwedeng oo, pwedeng hinde.
Anong ang tama, mali at dapat???
Tama na mag-apologize ako dahil nakipag-away ako sa boss ko. Para wala siyang masabi sa'ken. Pasaway man ako...atleast hinde ako plastic.
Mali na ma-guilty sa isang bagay na isinisisi sa'men, period.
At Dapat makipagsabayan ako sa agos. Survive the current, whether it's strong and difficult...don't let it stop you.
Sabi nga sa song na The Climb,
The struggles I'm facing
The chances I'm taking
Sometimes might knock me down
But no, I'm not breaking...
Wag kang mag-reresign...ngayon.
Gagawin ko yan pag tama na ang timing. Yung wala akong pagsisisihan dahil ginawa ko yon, kase nagpadala ako sa galit.
Salamat sa mga kaibigang tumulong para makalma 'ko at para makapag-isip. Sobrang na-appreciate ko kayo! Minsan nga naiisip ko, para akong walang sariling utak...kelangan laging may naga-advice. :)
Kay Grace na nagpapahinga saken ng malalim at nagpa-pronounce pa ng words na hinde ko maintindihan. Ayos!
Buti andyan si Tweet, sinamahan akong maglubricate ng utak ko...alak lang pala ang katapat.
Salamat kay Teng, sa mga makabuluhan niyang suggestions at advices, lalong lalo na yung, "Pag hinde nakinig, sampalin mo na!" Alavet!
Sa mga ka-team ko na kasama ko'ng naghihimagsik ang kalooban sa mga nangyayari. Hehehe...they can't beat the mean girls!
Kay Yeng na isinabay ako hanggang Shangri-la para lang makipagkita kay Tweet. At sa mga opinions niya din sa nangyari.
Kay Maine na binasa na lang ang blog ko kesa ikuwento ko, hehehe, salamat na-appreciate mo 'to. Please lang wag mong ise-send ang link ng blog ko sa kanila!!! Utang na loob!!!
Kay Johnmer na hinde naman nagbabasa ng blog pero binasa niya yung Anak ng Kamote...lalong ayaw niya tuloy om-OO sa sinabi ni Pepe Smith.
Kay Yhen na todo advice at tiwala saken na makakaya ko 'to. Kahit na nasa Australia ka or Pinas, hinde talaga mawawalan ng ganitong conflicts...kelangan lang talaga magpakatatag.
Kay Bon na nagcomment sa status ko sa Facebook, salamat. :) I will survive.
Salamat sa mga nagbasa, nakaunawa at nakisimpatya... :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment