"I learned that you should feel when writing, not like Lord Byron on a mountain top, but like a child stringing beads in kindergarten- happy, absorbed and quietly putting one bead after another."-Brenda Ueland
Saturday, September 05, 2009
N.B.S.B. or No Boylet Since Birth
Kakasabi ko lang kanina sa naunang blog ko...lutang pa'ko. Pero since omorder na'ko sa Mcdo, nakakain na'ko,at lalong lalo na...nakaligo na'ko, I'm so awake. Parang ngayon pa lang nagumpisa ang araw ko...ngayon pa lang ako nabuhayan.
Nakapanood din ako ng Maalaala mo Kaya sa ABS kanina habang nagdi-dinner. Nakakatuwa ang itsura ni Maja Salvador, maitim siya na naka-braces. Tungkol ito sa isang babaeng N.B.S.B. o No Boyfriend Since Birth (eehheemmm). Nakakatawa siya kase parang ini-imagine niya ang mga lalakeng nagugustuhan niya e meron din gusto sa kanya pero sa totoo wala talaga. Ginagawa niya din ang lahat para magustuhan siya ng lalakeng dine-dream dream niya.
May isang scene na todo bihis pa sya at emote na parang sila Claudine at Rico Yan sa Got to Believe in Magic, magkikita sila ng crush niya and she thought that's her dream coming true...yon pala, hinde!!! Wahahahaha! Iniwan lang siya sa ere. Tsk...bad trip yon!
Ang sarap ma-in love, right???
Pero paano kung N.B.S.B. ka???
Tipong ni hinde mo naranasan tawagin kang "girlfriend" ng isang "boyfriend".
Yun bang hinde mo pa man lang nararanasan madampian ng "unang halik". (wahahahahaha!!!! cheesssyyyy!)
Ikaw ba yong tipong pag nakakita ng mag-jowa eh bigla ka na lang mawawala sa katawang tao mo at mai-imagine mo na lang na may kasama ka ring lalake, holding hands while walking or kissing in the park. O baka naman isa ka sa mga bitter N.B.S.B. na pag nakakita ng mag-jowa eh magme-make face na lang at magroroll ng eyes habang sinasabing,
"Sus! Baket siya may bf?? E mas maganda naman ako di hamak sa kanya...baket ako wala??!"
Or baka naiinget ka sa mga friends mong nag-a-anniversary, monthsary or datesary (kulang na lang pati minuto or segundo na naging sila magkaroon ng okasyon).
Or maybe at your age, you're still thinking of a happily ever after love story like those of Cinderella's, Snow White's or Sleeping Beauty's fairy tale romance. Akala mo naman mangyayari yon sa totoong buhay.
Kung N.B.S.B. ka, malamang sa malamang virgin ka pa. Di' ba???
So meaning...masikip pa. Masikip pa ang turnilyo mo pagdating sa love. (O!!! Bastos kayo!) Kase karamihan sa nai-in love na at naranasan ng magkaroon ng relasyon, lumuluwang talaga ang turnilyo pagdating sa love(Oo, aminado ako, maluwag na talaga...ang turnilyo ko! Huusss!!!Mga bastos!). Hahahaha..ano bang kinalaman ng turnilyo sa pagka-virgin??? Nawala na'ko, hirap kase magpalusot eh! Hmmm...ganito yan. Nasabi ko kaseng masikip pa ang turnilyo mo pagdating sa love kaya virgin ka pa, e dahil syempre...uhhmm...syempre hinde mo pa binibigay ang lahat lahat sa lalakeng pinakamamahal mo. Di'ba?
Hinde ka pa nahahangal sa pagmamahal!
Lalong lalo na, e buo pa ang pagmamahal mo sa sarili mo. Kase pag nagmahal ka na, taga mo sa noo mo...ang hirap na i-divide ang love, either mas malaki yong sa'yo or 'yong sa kanya. (O double meaning na naman!)
Kidding aside, masuwerte ka na rin siguro kung isa kang N.B.S.B.
Para sa'ken na nagkaroon na ng maraming relasyon sa kung kani-kanino, mapa-babae man or lalake...ang magmahal at mahalin ng isang tao ay isang IRONY sa buhay. Masarap pero masaket, masaya pero nakakatakot, exciting pero nakakapraning. Perpekto pero walang kasiguraduhan na panghabang buhay.
Hinde naman lahat ng No Boylet since Birth eh hinde pa nakakaranas magmahal, meron dyan nagmamahal na...pero siguro N.B.S.B. pa rin sila kasi wala naman chance para maging sila ng taong nagugustuhan niya, or maybe natatakot siya na pumasok sa relasyon or maybe din...talagang ayaw sa kanya ng gusto niya. Masaklap man tanggapin na hinde mo pa nararanasan na mahawakan ang kamay mo ng lalakeng gusto mo at mahalikan ka niya kahit man lang sa hinlalatok tapos titindig lahat ng balahibo mo sa batok at para ka nang magse-seizure sa sobrang kakiligan...
...huwag kang mawawalan ng pag-asa.
Siguro habang hinde ka pa tumutuntong sa stage na 'yon ng buhay (na matagal ng na-eexperience ng maraming tao huh!)...lubos-lubusin mo na ang pagmamahal mo sa sarili mo. Sabi nga nila, kailangan bago ka magmahal ng iba, kailangan buo muna ang pagmamahal mo sa sarili mo kase kung hinde, wala kang kapasidad magbigay ng pagmamahal.
Ako, nung nawalan ako ng boyfriend, maraming beses, akala ko katapusan na ng buhay. Sa totoo lang, pakiramdam ko para akong isang tsinelas na nawalan ng kapares, wala ng silbi, patapon na, wala nang pagmamahal sa sarili. Ang hirap bumangon, ang hirap hanapin ulet yong mga missing pieces, pero dumating naman yong time na unti-unti naiidaos ko ang bawat araw na, NO BOYFRIEND na ko but not SINCE BIRTH. Inisip ko na lang muna ang sarili ko, matagal na panahon na hinde ko rin masyadong nagawa. I loved someone so much, I lost the love I owed to myself.
Mahirap at malungkot talaga maging N.B.S.B, dahil masaya naman talaga magmahal at mahalin. Masarap mangarap ng Prince Charming na sasagipin ka sa singlehood na kinatatayuan mo. And it's so exciting to dream of the years you and your partner will share together 'til forever.
Yon nga lang baka sa ngayon e inaayos pa ni Bro ang layout ng love life mo.
Baka malay mo, ang lovelife na ibibigay pala sayo eh hinde tulad ng kay Snow White or Cinderella...drawing at hanggang story books lang...
...yong sa'yo may buhay, gumagalaw at walang "THE END".
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment