"I learned that you should feel when writing, not like Lord Byron on a mountain top, but like a child stringing beads in kindergarten- happy, absorbed and quietly putting one bead after another."-Brenda Ueland
Monday, September 21, 2009
Ang Paboritong Libro ni Hudas
Dahil sa long weekend, at wala naman akong ibang pinagkakaabalahan kase nga isang kilong tamad ako...nakuha kong magbasa ng libro, ang Paboritong Libro ng Boss ko...ay!!!...Ang Paboritong Libro ni Hudas pala.
Fan ako ni Bob Ong. Actually siya ang isa sa mga inpirasyon ko sa paggawa ko ng blogs ko. Gustong gusto ko kung paano siya magsulat. His composition, story-telling and styles are so entertaining. His stories are real yet philosophical and quietly subversive. Street-Smart and cleverly-written. Ang mga libro niya puro nakasulat sa street Tagalog, salitang kanto, salitang palengke, salitang SM, salitang terminal at salitang naririnig mo sa tabi-tabi araw-araw. Walang plastikan, walang halong Tupperware, walang echos-ekleber-eklavoo, lahat TOTOO. Kaya nakaka-relate ako.
Ilan na rin ang nabasa ko sa mga books niya, tulad ng...
ABNKKBSNPLAKO? (a text-language style for “Aba, nakakabasa na pala ako?!”)
BAKET BALIGTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PILIPINO?
KAPITAN SINO
ANG PABORITONG LIBRO NI HUDAS
His other books na hinde ko pa nabibili ay ang STAINLESS LONGANISA, ALAMAT NG GUBAT at ang MACARTHUR.
Anywaaayyy...since ang title ng blog ko e Ang Peyborit na Libro ni Mojacko...I mean, Hudas...e let me give you some ideas kung ano ba'tong librong 'to.
Sa una pa lang alam ko na, maganda, balot pa lang e, simple lang pero unique, itim na may balot na itim, parang libro ni Hudas talaga. But knowing Bob Ong, hinde ito ang mga librong tipong puro kahindik-hindik na kuwento tungkol sa mga demonyo sa hell or sa mga gawain ni Hudas pagtapos niya ipagkanulo si Jesus Christ...but rather it's a reflection of our present lives.
Ginamit niya ang 7 deadly sins as Chapters. And lahat naman ng kuwento niya, may tahi--may connect sa bawat isang deadly sin na yon. Very funny how he made a story about COVETOUSNESS or Greed and with him not wanting to have a cellphone. Sabi niya, "AYAW KO'NG NASASANAY SA MGA BAGAY NA PUWEDE NAMANG WALA SA BUHAY KO." (which I really loved) But later on, bumili din naman siya.
Nakakatawa din ang kuwento niya sa GLUTTONY at kung paanong nai-connect niya ang utot, nutritionist at pagkain ng gulay dito. Ang kulet talaga. Nakakamangha kung paano niya naiisip pagtagpi-tagpiin ang mga istorya niya para makabuo ng isang makabuluhang libro.
Do'n ko din nabasa 'to...
Ano po ba ang "most affordable" niyong kuwarto? (tanong niya sa matanda)
Tumawa ang matanda, "Ha, ha..." na parang nanlilibak.
"Most Affordable??" inulit niya.
Di ko alam kung wrong grammar ako, palagay ko nga.
Dapat yata, "most affordest."
...hinde ko alam kung mababaw ako, pero sobrang natawa talaga ako dyan.
Ganyan ang humor sa libro ni Bob Ong, parang tanga pero unduly witty.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment