"I learned that you should feel when writing, not like Lord Byron on a mountain top, but like a child stringing beads in kindergarten- happy, absorbed and quietly putting one bead after another."-Brenda Ueland
Saturday, September 12, 2009
Gweilos and Gilbeys
Parang nabuo na naman ang buwan ko.
Una, suweldo na .
Pangalawa, nakapag-update na'ko ng blog ko.
Pangatlo, nakasama ko ang mga kaibigan ko'ng madalas akong iniindyan sa inuman.
At pang-apat, nakainom na naman ako. (Me bago ba don??? Masanay na kayo.)
Haayyy...parang nebulizer ang alak sa'ken e, (alam ko me magre-react dyan, di'ba Grace?). Parang tranquilizer, anti-depressant, sedative...in simple term, parang gamot na hinde ko na maiwasan. (Michael Jackson???) Parang hinde talaga nabubuo ang linggo or buwan ko pag hinde ako nakainom, BISYO na nga siguro. Pero hinde ako alcoholic, I swear! Daming concerned citizen regarding my habitual drinking, well, alam ko naman 'yon at na-apreciate ko ang mga paalala niyo pero hinde ko din alam kung paano yan ipapaalala sa sarili ko e. Kaya namnamin na lang muna naten ang alak...mas masarap lalo pa kung malamig. :)
Anyway...naging masaya ang gabing 'to para saken.
Friday night is a good night, indeed.
Kahit na isang oras akong naghintay kay Paula sa Red Ribbon...ayos lang. Ang importante hinde niya ako ININDYAN! Walang nambiten sa inimbita ko tonight...walang tinamaan ng indyan.
Medyo malakas ang ulan at hangin pero deadma...walang makakapigil sa inuman kahit ang bagyo. Andon si Sarah, na kakapanganak pa lang at nagbe-breast feed pa (Hinde do'n syempre noh!). At si Rhea, my cousin.
We settled at Gweilos, a small restaurant and bar in the SM Mall of Asia. Meron din nito sa Palanca, Makati, na madalas pag-tambayan ng mga utaw ng mga taga-ahensya. Masarap ang pizza nila in all fairness, the crunchy crust made it more pleasing. Yummy din ang Sisig, though hinde ito katulad ng sisig sa Gerry's na may kasamang chicharon, nevertheless, puwede na rin itong pamatid gutom. Very friendly at attentive ang mga staffs.
What made the place more fun were the performers that night. May 2 bands na nagpe-perform do'n every Friday. Nung una, kala ko magiging boring sila, pero it turned out na they were able to wow the crowd with their voices and ability to entertain. Magagaling sila, mapa-Beyonce, Lady Gaga, Rihanna, Michael Jackson or Wonder Girls...hinde naman nakakasuka ang pagkanta nila. Effective din kase napapa-"Just Dance" kami pag medyo upbeat ang mga songs. The crowd loved them. I loved them! :)
Nakakatuwa nga naman talaga, kase hinde lang kami nagkita-kita para maglabasan ng mga issues sa buhay...nag-enjoy din kami. Sabi nga ni Sarah, pagka-upo niya pa lang sa harap namen,
"Hinde ako iinom...nagpapa-breast feed pa ako e. Saka na lang."
Pero pagkatapos ng 1 bote ng Gilbeys, 1 bote ng San Mig Light at ilang sticks ng yow... malamang...lasing na ang anak niya kapag nagpa-dede siya. Baka nga may usok pa. Hahahaha!
Pero kahit na nagawa niya yon, I'm happy I saw her smiled, laughed and enjoyed the night. Something na hinde ko nakita just before she had her first bottle and puffed on her first stick.
I'm also glad to see Paula...matagal din kaming hinde nagkita, puro murahan lang sa telepono ang alam namen gawin...pero kahit ganon, kahit ilang indyanan pa ang nangyari...ayos lang. Buti na lang sinipag si gago. :P hahahaha...tangina nga lang...sabi hinde daw siya papasok...pero biglang papasok din pala. Hinde nga nang-indyan, nambiten naman. Nampota talaga yan...wala sa ayos! Ako pa ang sinisisi. Haayyy...pero love ko yan si Paula (hehehehe, kasi mababasa niya 'to e). Kahit niloloko na naman siya ng boypren niya...hahaha...joke!
Sumunod din ang pinsan kong lagi kong katsokaran sa inuman. Siguro kahit kaming dalawa na lang ang natitirang tao na marunong uminom sa mundo...hinde kami malulungkot. Masayang masaya pa siguro kami kase wala kaming kaagaw. Hahahahaha! Yari!
Sayang wala ang isa pa nameng friend...I'm sure she would have enjoyed the night out too. Kahit hinde yon umiinom...ok lang sa kanya, nalalasing naman siya sa usok at basta may pulutang usa...usapan. :P Di'ba Yhen? Hehehe...We missed you!
Naalala ko din ang katabi naming table.
Lakas ng trip ng tatay! Me bonding with son, who's I think, only 3 years old. Astig yon, umiinom ang tatay ng Red Horse, ang bata naka-iced tea. Nagtataka talaga kami...
"Bakettt??? Baket dito?"
Naisip ko..."Baka sarado na ang Jolibee kanina kaya dito na lang sila." or
"Baka naghiwalay yan ng asawa niya kaya gustong uminom, eh, walang yaya ang anak, so join na lang din!"
Gusto kong sabihin sa tatay,
Kuya!!! Puwede naman, bukas ka na uminom, ihanap muna naten ng magbabantay kay baby ha!
Weird noh! Makakakita ka ng bata sa bar...at sa smoking area pa! Gosh! Nung patapos na nga sila, mukhang lasing na yong bata e...lasing sa usok, sa iced tea at sa ice cream. Haayyy...kaloka!
Nakakatawang nakakainis...kase ang agang training sa bata para maging gimikero siya paglaki.
Pero seriously, sana hinde niya na lang dinala ang bata sa ganong lugar. Tsk! Gusto tuloy siya i-breast feed ni Sarah. Hahahaha!
Hayyy, I love hanging out with friends. And I love drinking with them. Makes me feel so stress-free.
Antok na ako...yyyaaawnnnn. :D
Sia! Sia! G'nyt friends! :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment