"I learned that you should feel when writing, not like Lord Byron on a mountain top, but like a child stringing beads in kindergarten- happy, absorbed and quietly putting one bead after another."-Brenda Ueland
Monday, September 21, 2009
Anak ng Ipiiiissssss!!!
Kanina pagkatapos ko isulat ang last blog ko, pagkapatay ko ng computer at pagtayo ko sa upuan, eksakto palabas na ako ng kuwarto para maligo, may nakita akong malaki at sobrang brown na IPIS na nakatambay sa sahig. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa Raid Insecticide para spray-an ang nananahimik na insekto...
Tip-toe, tip-toe...(di puwedeng marinig niya akong papalapit!)
Piiisssssssssssssttttttt...(inisprayan ko na ng Raid)
Ang buong akala ko mangingisay na siya...
EEEEEEEEEEEEEEHHHHHHHHHH!!!!
Tang-i-----naaaaaaaa!!!
Hinayupak na ipis, nakuha pang makalipad!!! Waaaaaahhhhh!!!
Buti na lang palabas ng kuwarto. Kaya super bilis ko'ng sinara ang pinto!
Shet! I'm doomed!
Pa'no ko makakalabas dito! I'm sure lilipad 'yon saken!!!
Haaaahhhh!!! Sobrang kinakabahan na'ko! Naiiyak na'ko! Ba't ko ba kase ini-sprayan e! Wrong move!
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, nakikiramdam ako kung may lilipad sa mukha ko...
Hmmmm...wala. Ok!!! Go!
Kabado akong naglakad papuntang kabilang kuwarto, tigbi-tigbi pa ang pawis ko sa sobrang takot na madapuan. Nang biglang may naramdaman akong mala-bunot na nakakapit sa likod ng binti ko. Parang isang libong ga-buhok na paa na lumalakad sa balat ko....
Eeeeeehhhhhhhhh!!! pppiiiiiiissssss!!!!!!!
Para akong sinilihan sa puwet na hinde magkandaugaga kakatalon at tago sa kuwarto para makaiwas sa hinayupak na insektong yon!
Lintek talaga!
Ba't ba kase may ipis!!!
Ba't ba kelangan ng ipis!!!
At ba't ba takot na takot ako sa ipis!!!
Maraming beses na'kong halos mamatay sa kakasigaw at iyak dahil lang sa...oo...IPIS.
Kung meron mang isang bagay na sobrang kinatatakutan ko...sila yon! Utang na loob!!! Kahit pa magtago ako sa ilalim ng kumot buong gabi, magkanda-hulog sa hagdan sa pagtakbo para lang makapagtago at sumuot sa ilalim ng lamesa para hinde madapuan...huwag na huwag lang talaga akong makaramdam ng ipis sa katawan ko! Siyeeeeeeet!!!
Pag naaamoy ko na ang amoy ng lupa, yung tipong alimuom kapag bago umulan, alam ko na'yan. Maya-maya pa makikita mo na lang silang nagtata-tumbling at nagsa-sommersault sa loob ng bahay...ipis dito, ipis doon. Ako naman, tumitindig na ang balahibo ko sa mga nakikita ko, naghahanda na'ko ng tsinelas para ipamalo sa kung sino man ang magtangkang lumapit at lumipad sa'ken.
Piping-pongin ko talaga yon!!! Grrrrrrrrrr!!!
Pero maa-anxiety attack na'ko ng lagay na yan! Ganyan ako katakot sa ipis.
Pero sabi nga ni Bob Ong, nakakamangha IPIS=ISIP.
Hmmmm...siguro naman hinde ako isip-ipis ano!
...
PAAAKKKKKKK!!!
"Naman si Ate Chai! Akala ko kung ano!!! Ipis lang pala! Ang liit-liit niyan kesa sa'yo takot na takot ka! Ayan patay na! Baba na! Nakakatawa ka talaga!", sabi ng pinsan ko'ng saksakan ng tapang!
"Heh!!! Anong nakakatawa don! E sa takot nga sa ipis! Tssssss...!!!"
Saka pa lang ako nakalabas ng kuwarto para maligo.
Salamat na lang naimbento ang tsinelas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
alam ko ikaw yan nag-funny grace! hahaha taena mo!
oo sobrang takot nga si chai sa ipis, kpag nasa hallway kami don sa may backdoor ng BB, palaging may nakatihayang ipis don! tapos sisipain ko... or kami kami ng iba naming kasama, parang hockey puck tapos si chai nagtitinikling habang sumisigaw at syempre NAGMUMURA! hahhaha
kung minsan, habang nakatayo kami sa may entrance ng building, tahimik lang kami.. minsan nattripan ko lang sabihin ng sobrang mahinahon na may ipis akong nakita.. ganito o "chai o, ipis" tapos ayun na GULO NA!!! Kung kami e mga spy, wala na nabulilyaso na cover namin gawa lang ng ipis! NAKNANG!
tumpak! palakpakan ang mga ipis!!!
Post a Comment