Sunday, September 20, 2009

Ito ang usapang lasing


L
ast Friday, nag-session na naman ako with my friends dito sa amin. Katulad ng nasabi ko sa nauna kong blog, may bago kaming recruit. Friend ni Miles, si Dhang. Mabait sya, makulet din, maingay din tulad ko, husky ang boses parang paos, matangkad at maputi, nag-aral sa UPHLP, naka-iphone, may asawa na at may mga anak, may CRV siya kulay pula, taga-Camella 5 at may nunal siya sa mukha, may balat din siya for sure hinde ko lang alam kung saan...no'n lang kmi nagmeet talaga...hinde pa kami gaanong close ng lagay na yan ha. Hehehe, hinde... no'n lang kase siya sinama ni Miles sa bahay para makipag-inuman. Kaya no'n ko lang din sya nakilala ng mala-mala lubusan. Pero mabait siya, nagdala sila ng pulutan. :)

The Bar ang tinira namen this time. Sanay na'ko sa Dabar. Mas nalalasing ako pag may halo or naka-mix ito sa juice. Mas keri ko pa ang pure, tapos chaser na lang ang juice. Para na rin kase 'tong mixed drink e, may flavor na, orange or lemon. Kaya kung ihahalo ko pa sa iced tea, parang naghalo halo na'ko ng drinks non, NAKAKALASING NA NAKAKATAE!

During the session, masaya naman. As usual, tawanan pero medyo normal na tawa pa lang. Wala pa namang humahagalpak sa tawa sa sobrang kalasingan. At wala pa namang nababaliw sa katatawa sa isang maliit na bagay tulad ng ipis. Tamang kuwentuhan lang, tamang chika. Ako ang tanggera, walang labis, walang kulang, walang gulangan. Habang umiikot ang baso, habang unti-unting nababawasan ang pulutan, habang unti-unti ring bumababa ang puting alak sa bote, mabilis namang umiinit ang mukha at katawan namen. Haaaaahhh...I can feel the rush of alcohol in my veins. Mainet, gumuguhit pero parang nagiging mas masaya.

Nakakatawa na! Ang isang kasama ko...NGENGE na! Sumasayaw na sa tabi at kung anu-ano na ang sinasabi. Naghahanap ng pole! Aba! Gustong maging instant pole dancer! Ang likot! Ang harot-harot! Pero masaya.

Ang sabi niya, "Ang sharap sharap malasheeng noh! Ba't kaya ang sharap malasheeng! Parang walang problema. Ang shaya di'ba! Alaaaaaaaak paaaaaa!"

Ang kuleeett!

Ngayon ang sarap nang tumawa. Parang bawat HA-HA-HA-HA-HA ko may bayad! Parang may amplifier na ang bibig ko sa lakas ng tawa ko. Pati pagsasalita, parang di lang ako nalalasing, nabibinge pa! Ganon kaming lahat. Siguro kung may tanod na nag-roroaming nung gabing yon, nabaranggay na kami.

Napag-usapan ang mga taong sobrang nalalasing pero hinde na alam ang ginagawa nila. Sabi ni Dhang, hinde siya naniniwala sa mga nagsasabing,

" Sobrang lasing na'ko e, wala na'ko sa 'wisyo, hinde ko alam na nagawa ko yon or nasabi ko yon!"

Dahil kung wala ka na daw sa 'wisyo, ibig sabihin no'n, tulog ka na or worst, patay ka na. Ang lasing alam ang ginagawa at sinasabi, alam ang nangyayari, pero ang kaibahan ng lasing sa hinde lasing, hinde niya na kontrolado ang mga bagay.

I agree!!!

Totoo yon. May mga bagay na nagagawa ka pag lasing ka na hinde mo nagagawa pag hinde ka bangenge. Maraming bagay tulad ng pagsasabi mo ng totoo mong nararamdaman, pampalakas ng loob, either galit ot pagkagusto sa isang tao, malaking booster ang alak. Mga kilig moments ba! Kaso nga lang lasing ka e, kaya kinabukasan magtatanungan lang kayo,

"Totoo ba yung mga sinabi mo??? Lasing ka lang ata e!"


Ilang beses na'kong nagka-boy friend kinabukasan dahil sa alak. Hahahaha...tanginang yan.

Pero meron din naman na ginagamit sa maling paraan. O e wag na tayo sa maling paraan, kase hinde naman ako ganon. :) Wholesome 'to noh!

May mga bagay na nagagawa niyo pag lasing kayo, kahit na hinde niyo pinag-planuhan bago pa kayo maging weng-weng. Kase hinde niyo na kontrolado ang sarili niyo. Di'ba nga pag lasing ka parang nadagdagan ka na ng 10 kilos sa sobrang bigat ng kamay mo pag humampas sa katabi mong lasing din. Pasalamat ka na lang at hinde ka niya ginagantihan, kase baka pag naging sober ka na, makita mo na lang na may black eye ka.

Pero excused ang sumuntok sayo!! Lasheeng kayo e, hinde niya kontrolado.

Meron din namang tao na pag nalalasing e nasasabi niya ang mga hinanakit niya sa buhay na hinde niya nasasabi kapag matino siya. Or kapag lasing, do'n mo lang malalaman na may dinadala pala siyang problema. Buti na lang alak ang ininom niya, nakapagsalita pa siya, kesa naman Racumin o Mertayolet o Muriatic Acid, malamang hinde salita ang lalabas sa bibig niya...bula.

At meron din namang mga tao na pag lasing na...

GWAAAAAARRKKKKKK!!!!!!

...

e sumusuka...

tulad ni Miles.

Apir tayo Miles! Nalabhan na ang carpet! Tara! Suka ka ulet!

:)

No comments: