"I learned that you should feel when writing, not like Lord Byron on a mountain top, but like a child stringing beads in kindergarten- happy, absorbed and quietly putting one bead after another."-Brenda Ueland
Sunday, September 20, 2009
Bored times ten to the tenth power
Looooonnnngggggg weekend na naman.
Medyo delayed na para sabihin yan kase Linggo na ngayon. Medyo tinatamad kase akong magsulat lately...or siguro ang tamang term e, tinatamad akong MAG-ISIP.
Masyadong maraming nangyari sa buhay ko nitong mga huling araw na mukha lang namang wala pero para saken parang madami kase I feel so tired and occupied kaya hinde ko na ginusto pang mag-isip ng isusulat sa blog ko. May mga times na naging masaya ako kase wala akong ginagawa sa opisina kundi ang magpakapal ng mukha at mag-photobooth lang sa MAC book pro na nasa table ko. May mga times din na sobrang idle ng utak ko, dahil wala akong trabaho, hinde ko na maisip kung paano ko uubusin ang oras ko sa mga walang kwentang bagay. Ilang folders na ata sa desktop ko ang inopen ko, lahat ng files, subfolders, subtitles, subject, subordinates, subtraction, submarine...lahat na ng paraan para matanggal ang umay ko sa kaboringan, nagawa ko na.
Parang ang tanging bagay na nakakastress lang ata saken e kung paano ako uutot na hinde naririnig ng mga kasama ko sa opisina.
Ganon ako ka-occupied nitong mga huling araw...
...nakakapagod din pala magisip ng WALA.
Naranasan ko din maboring sa Facebook at sa YM. Naku! That's bad!!! Hinde normal, hinde maganda...para akong may sapi at may sakit na terminal na pag nangyayari yon. Hinde rin pala masaya na wala akong magawa sa isang araw at paulit ulit lang na naghihintay sa pagdating ng another boring day.
Ilang beses din akong nakainom ngayong linggo. Masaya naman, parang yon lang ata ang naging highlight sa buhay ko ngayon. Masaya nga ang isang inom ko nung Friday night e, may tinamaan ng "The Bar"! Sa sobrang lakas ng pagkatama sa kanya ng ispirito nito...nagkalat ang durog-durog na kanin at himaymay ng gulay sa carpet, sahig, lababo at banyo namen. Ayos!!! Nalaman agad namen ang kinain niya nong dinner...ginisang pechay!
Ang kulet ng session na 'yon. Hinde siya ang ine-expect kong tutumba that night, may bago kase kaming recruit, bagong maglalampaso ng suka at magpapagod ng esophagus kakakatawa ng parang wala ng bukas. E kaso matibay pala sya. Hinde ako nag-succeed pagulapayin siya sa kalasingan, kase mukhang katulad ko, talamak din 'to sa alak...hinog sa inuman. Ok din sya ka-session, katulad ko makulet, maingay, bungangera pag nalalasing, parang may amplifier ang bibig! Pero mas ok sya, nakukuha pang mag-drive kahit bangenge na, yon ang pagkakaiba namen. Unang una, baka hinde ko na kayanin pa magdrive kung lasing na'ko kase manhid na ang senses ko at higit pa sa una...wala naman akong ida-drive e.
Natapos kaming tumitilaok na ang manok ng kapitbahay.
Pag oras na ng inuman...nawawala ang boredom na pumapatay saken. I feel so alive. Parang yon pa lang ang umpisa ng napakatagal kong araw.
Isang araw sa opisina, parang gusto ko na magpatiwakal sa sobrang tagaaaaaaaaaal ng oras...
lalong lalo pa dahil walang INTERNET!!!
Para akong nasa moon, walang gravitational pull, lahat ng bagay lumulutang, ang oras slow-motion, lahat ng bagay...mabagal. Gusto ko nang sumakay ng space shuttle at mag-zoom papunta sa lugar na bibilis ulet ang takbo ng dugo ko.
Yun ang lugar kung saan may INUMAN.
Buti na lang may isang keeeebiiiigaaaan na madaling kausap pagdating sa happy hours. Mabilis ang oras sa inuman, andami niyong pagkukuwentuhan, ambilis din maubos ng alak, kaya madali rin omorder agad. Sa sobrang bilis ng inuman, ambilis ko ring namungay at namanhid pero hinde pa naman yon sign na lasheengg na'ko. Hinde ako basta-basta nalalasing noh! (Hahahaha! Talaga!)
Buti nga nakauwi pa'ko e. Hinde ko alam kung mabait lang ba yong driver ng taxi at pinag-yosi ako sa taxi niya o talagang slightly drunk na'ko. Pero in fairness, andami namen napagusapan ni manong driver, di ko lang maalala kung anu-ano yon, alam ko lang ang ingay at ang daldal ko. Kung gagawa man siya ng masama, siguro tinatantya niya ako kung ako ba yong silent or nagger type...since nalaman niyang maingay at bungangera ako...alam niya agad, MALAKAS AKONG SUMIGAW!!!!!!
Ganyan kaproductive ang buong linggo ko. Parang ang dami kong ginagawa para hinde makaisip mag-isip di'ba?
Parang walang paglagyan ang ibang bagay sa lahat ng mga oras na wala akong magawa.
Parang ang hirap gumawa ng wala pag wala kang magawa.
At parang masaya ang walang ginagawa pero nakakapagod din pala pag tumagal.
Tao nga naman, naghahanap ng araw kung kelan mababakante ka at mapapahinga sa lahat ng gawain mo sa bahay at opisina. Nag-aasam ng araw kung kelan WALA NAMAN SILANG GAGAWIN.
Pero ba't ganon??? Inasam ko yong mga araw na'yon a.
Pero napagod pa din ako.
Pareho din pala, may gawin o wala kang gawin...mapapagod ka pa rin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment