"I learned that you should feel when writing, not like Lord Byron on a mountain top, but like a child stringing beads in kindergarten- happy, absorbed and quietly putting one bead after another."-Brenda Ueland
Saturday, September 05, 2009
8MCDO online
Bagong araw, bagong tanghali, bagong gabi.
Pero pareho pa ang pakiramdam ko. Parang kalat pa ang utak. Parang sabaw pa ang brain cells.
Ang sloooooooooooow. Ampphh...walang nangyayari sa araw ko.
Kagabi parang ang bilis, ang hyper...pero ngayon lintek, brain-dead.
Lutang, lutang, lutang.
Daig ko pa ang nakikinig ng mga lumang kanta tuwing Sunday, mga tipong Frank Sinatra or Engelbert Humperdinck (nakanang pangalan yan o!)...ang bagal ng takbo ng araw ko pati dugo ko ata naka-park. Eeehh ang pinapakinggan ko naman eh mga kanta ng Black Eyed Peas tulad ng I gotta Feeling at Jump ni Flo Rida...naka-loop na ang mga party music ko...Walang epekto!
Buti na lang medyo nag-snap out of slow motion ang utak ko for 10 seconds at naisip kong mag-order na lng nga ako sa Mcdo online. Mcdelivery.com.ph. Fried Chicken, Sundae, Twister Fries.
Ayos! Palakpakan! Conggrraatulatiooons!
ICEBREAKER.
Nagising ako kahit paano.
Saka ko lang naalala...kaya siguro ambagal ng sistema ko, eh kase...alas-8 na ng gabi...
...di pa pala ako naliligo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment