Tuesday, September 29, 2009

Mother Nature called ONDOY

Sabado, September 26, 2009-----Araw ng Kalikasan

Sabado. Nagising ako mga past 10 am. Umuulan, ang sarap pa sana matulog. Naririnig ko galing sa bintana ang lakas ng ulan, sinamahan pa ng hampas ng hangin sa mga puno ng saging sa kapitbahay.

Haaayyy...'yon yung mga araw na lagi naten sinasabi, "Ang sarap matulog noh?! Umuulan kase e. Nakakatamad bumangon sa kama."

Parang ang sarap nga maligo no'n sa ulan e, ang lakas kase, ang sarap tumapat sa mga "salulo" (tawag sa dinadaluyan ng tubig na galing sa bubong). Pero dahil bagong gising pa'ko at wala pa'ko sa mood magfeeling dalaginding sa ulan, hinde ko na tinuloy ang balak ko, instead, mga pamangkin ko na lang ang pinaligo ko sa ulan at pinatapat sa "salulo".

Malapit na mag-lunch nun tumigil sila, nangingitim na din kase ang mga labi sa sobrang lamig. Pero ang ulan, wala pa rin tigil, lalong lumalakas. Ang tubig sa kalsada, parang medyo naiipon sa mga gilid-gilid ng gutter a. Hmmmm...di naman siguro babaha yan, hanggang dyan lang yan sa labas ng gate. Dedma muna.

Masarap ang ulam, nilaga! Hehehe...

But despite the presence of our favorite nilaga...we become slightly uneasy kase...

water's rapidly racing through our gates in minutes...

in our door step in seconds...

and inside our house in a blink.

It was so fast...parang sa isang movie, when massive floods swallowed the whole New York, in The Day after Tomorrow. Parang hinde totoo, pero nangyayari pala talaga. Sa sobrang bilis nga ng mga pangyayari, hinde ko na nanamnam ang sarap ng nilaga.

Mabilis nang nilamon ng baha ang semento ng bahay namen. Mabilis din namen naitaas ang mga gamit sa 2nd floor ng bahay. TV, DVD player, speakers, carpet, kutson ng sofa, electric fan, vacuum, washing machine, lamesa at kung ano-ano pang maabot ng tubig...inakyat namen. Muntik nang hinde maiakyat ang ref, dahil sobrang bigat at hinde kakayanin ng adrenaline rush lang. Pangmalakasan ang laban do'n, parang dapat lasing ka sa Extra Joss para maikyat ang 'yon. Buti na lang lasing sila sa sabaw ng nilaga, naiakyat din naman nila ang ref, kahit sa platform lang ng hagdan (na medyo mataas pa din from the floor, mga 2 ruler siguro ang taas).

Tumaas ang baha sa loob ng bahay namen hanggang bewang, pero sa labas, hanggang tiyan or dibdib, depende sa height ng tao (hinde ko na tinry kung hanggang saan ko, I'm sure, malalim. :P) Wala na rin kaming kuryente, kelangan patayin kase aabot ang tubig sa mga saksakan. May mga nage-evacuate na din galing sa mas mabababang lugar sa subdivision namen, me dala-dalang gamit, pupunta sa ibang lugar na mas mataas. Ang kapitbahay namen na nakatira lang sa bungalow, nag-evacuate sa bahay ng tita ko sa katabing apartment. Ang kaibigan ko naman, nag-evacuate ang pamangkin at mga aso niya sa bahay.

No'n namen naramdaman ang urgency to help others.

Pero nakaramdam din ako ng takot. Takot para sa buhay namen. Nakikita ko kase ang lakas ng agos ng tubig sa tapat, sa bakanteng lote, galing sa hinde namen alam kung saan, at hinde natatapos ang pagbukal ng tubig-baha. Nakaisip na'ko,

Paano kami pag umabot na ang tubig sa 2nd floor?

Paano ang mga gamit namen?

Ang mga bata?

Si Mama?

Ang mga aso?

Ako?

Nakakatakot. Nakaka-praning!

Baket nagkaganito? Anong nangyari???

Linggo.Natapos na ang delubyo.

Nagka-kuryente na. Ang sahig, puro putik! Ang dumi. Ang mga dingding nagsipag-tuklapan! Ang mga gamit, halatang nababad sa tubig, namumuti, nagsipag-lunduyan ang mga kahoy (term namen sa bagay na na-deform or bumabagsak). Ang mga papeles, basang basa sa baha! Nakakapanlambot maglinis, nakakapagod. Pero walang magagawa....kelangan ibalik sa normal ang nasira ng di inaasahang pag-baha.

Pero may mas delubyo pa pala sa ibang lugar. Noon ko lang nakita ang kalunos-lunos na nangyari sa Metro Manila nung araw ng Sabado. Araw kung kelan naramdaman naten ang ngitngit ng bagyo, ang tag-team ng hangin at ng baha at ang hinanakit ng Kalikasan. Ang daming nawalan ng tirahan, nasira ang hanapbuhay, na-stranded sa baha at marami ang namatay. Sobrang dami ang naapektuhan, hinde mo aakalain, mapa-mayaman o mahirap, ordinaryong tao o artista, lahat apektado.

Walang exempted sa exam ni Mother Nature.
Kung hinde ka prepared, babagsak ka talaga. Kung prepared ka, mahihirapan ka pa rin.

Higit na naapektuhan ang mga lugar sa North tulad ng Rizal, Pasig, Marikina and Quezon City. Dito lampas-tao ang baha, nag-mistulang diving site ang mga lugar na'to. Pero marami din ang namatay. Bata, matanda, mahirap, mayaman. Walang pinili. Walang peybo-peyborit si Mother Nature.

Sa sakunang nangyari, baket nga ba nagkaganito?

Hagupit ba 'yon ni Inang Kalikasan sa mga taong katulad naten na wala ng pakialam sa lugar na ating tinitirhan? Baradong drainage, sangkatutak na basura, at kalbong mga bundok.

O man-made calamity ba ito dahil sa pagpapalabas ng tubig mula sa Angat dam.

O dahil nga lang sa super-exag na raindrops nun araw na'yon sabi ng PAGASA.

Hinde ako eksperto at hinde din ako perpektong tao para magturo ng sisi at hinde din ako environmentalist para magbigay ng opinyon tungkol sa kung ano ang gusto ni Mother Nature at kung ilan lahat ang patak ng ulan nung Sabado.

Ang alam ko lang, marami akong natutunan nung araw na 'yon. Na...

...ang buhay, napakabilis lang palang mawala. Parang baha na napakabilis ding tumaas.

...hinde mo mapipigilan ang kalikasan, ang tubig, ang hangin, ang bagyo. Pag kalikasan ang nagalit, walang kalaban-laban ang sinuman.

...sa mga sakunang katulad nito, maiisip mo, ang mahalaga magkakasama kayo ng pamilya mo.

...masarap ang makatulong sa iba lalo sa mga ganitong panahon.

...na iisa lang ang magiging takbuhan mo, iisa lang ang higit na nakakaalam ng mga nangyayari at iisa lang ang dapat na pag-alayan mo ng lahat...si God.


Nalaman ko din...

...na pag baha, automatic, ang laki ng CR mo!

No comments: