"I learned that you should feel when writing, not like Lord Byron on a mountain top, but like a child stringing beads in kindergarten- happy, absorbed and quietly putting one bead after another."-Brenda Ueland
Tuesday, September 01, 2009
September 1...anak ng kamote!
First morning ng September, ito ang gumising saken,
"Pasko na naman, O kay tulin ng araw. Paskong nagdaan tila ba kung kailan lang...Pasko, pasko, pasko na naman muli ang pag-ibig naghahariiiiiiiiii..."
Christmas song na laging pinapatugtog pag sumapit na ang simula ng BER months (September, October, November, December). Pag BER months na, ibig sabihin malapit na ang bonus, malapit na ang X-mas party, malapit na din ang sandamakmak na gastos!
Isang kantang nagpaganda din ng umaga ko...
Parang a good day's ahead of me. SANA NGA!
Sa biyahe, wala namang nangyaring kaimbye-imbyerna. Kahit na medyo mainet sa pwesto ko, ok lang, cool pa rin ako. Paypay na lang kesa mabuwiset. Wala ring traffic! Kakaiba ha! Pagdating ng office, wow! maaga ako. Usually 10 am ako dumadating, pero ngayon, wla pang 9:30 am nasa opisina na ko. Nice one!
Syempre kape tapos yosi, then Facebook. Pag tapos na ang mga paunang seremonyas ko...trabaho na.
Habang sinisipag ako sa paglilikot ng mga layers ko sa file ko at pagka-copy paste ng mga vectors from Adobe Illustrator to Photoshop (kung 'di niyo maintindihan, saka ko na lang ipapaliwanag), bigla akong tinawag ng isang kaopisina,
"Chai, kakausapin ka daw ni...boss."
So si ako, lapit naman sa phone sabay, "Hellowww!"
Do'n nagsimula masira ang magandang araw ng September 1.
Nagkaroon ng problema sa isang catalog dahil na-cut ang text sa gutter (ang fold mark ng isang catalog, yung gitna). Na-WARLA (war freak, nagalit, nagwawala) daw ang kliyente at binubungangaan ang boss kong kakagaling lang sa anxiety attack (hmmm...nagbabadyang sumpungin ulet...). Pinutakte ako ng sangkatutak na tanong, sino daw ang may gawa, sino daw ang nag-revise???
SINO ANG DAPAT SISIHIN...ANO ANG DAPAT SABIHIN SA KLIYENTE????
Usually sa isang project tulad ng catalog, merong mga designated artists para sa konsepto, sa shoot ng mga products na isasalpak sa loob ng catalog, sa layout ng mga teksto at sa kabuuang design nito. Isa ako don. Ang tawag sa'men Art Directors.
Hinde mawawala d'yan ang Copywriters, sila naman ang gumagawa at nagche-check ng mga copy or text na ilalagay sa bawat page ng print material.
Sa isang project na katulad nito, may stage naman kung saan ang lahat ng nagawa, na-lay out from cover to back cover ay chine-check ng maige, pinupulido ang bawat detalye, ang kulay, ang sizes, ang text, higit sa lahat ang technical aspects ng buong proyekto bago ito ipasa sa printer at i-produce. Ang tawag dito ay FINAL ART stage at ang taong in-charge dito ay ang Final Art Artist. At hinde ako yon! (Sa project na'to, hinde pa!)
Hmmm...so anong kinalaman nito? Baket ko kelangan i-explain ang mga yan??? Kase...ganito ang nangyari...
Sa aken at sa ka-team ko nagagalit ang boss ko dahil daw hinde namen inayos ang gawa namen. Na dapat sa amin palang na stage, WALA NG MALI! (Ang "stage namen" na sinasabi ko eh ang compre or initial stage ng pagdi-design at pagli-lay out at revisions, at take note...malayo pa ito sa Final art.) At dapat daw sa Final Art wala ng mali yon dahil, dahiiilll...hinde niya na makikita ang mga ganong detalye. Kaya dapat daw, sa akin pa lang, 0 MISTAKES!
TEKA! TAO AKO HA, HINDE AKO ROBOT!
AT TEKA! TEKA NGA...Tangina!
After namen i-revise bago i-color proof, may taong pinag-FA ng catalog, 2 beses bumalik sa kanya ang color proof ng buong catalog, ibig sabihin dalawang beses na niya nakita kung paano ito mapiprint sa totoong buhay. Dapat nakita na niya ang mga mali, ang kulay, ang bleeding, lalong lalo na ang mga teknikal na aspeto tulad ng mga text na tatama sa gutter. Dahil yon ang FINAL ART STAGE. Ba't hinde yo'n ang sisihin?! Ni hinde na nga bumalik sa'men ang color proof nito e! Nakng Baka!!!
Hayyy e ang kaso mo...PEYBORIT 'tong taong 'to! So kasing linaw ng sikat ng araw, hinde puwedeng siya ang mali dito!
"Final Art siya pero hinde na niya mache-check ang mga technical stuffs, like "gutter", lay-out lang iche-check niya at text. Ang technical, dapat kayo, ikaw, nung umpisa pa lang!" Sabi ng boss ko'ng hinde ata alam ang sinasabi niya.
"Ay!!! Teka baligtad ata!!! Hellloooowww!!
"FA?? Hinde technical, hinde nagche-check?? FA???", yan ang sinagot ko sa boss ko sa sobrang inis ko.
Ako na ang magtitingen ng technical ngayon? At siya? Ano na ang gagawin niya? Magco-color correct lang? E di hinde na Final Art yon, Color corrector lang yon.
Nakakabaliw talaga!
Parang ako ang magkaka-ANXIETY ATTACK ngayon e! Tangna!!!
O e di sino ang niyari????! KAMI!
Haayyy...punyetang buhay. Kung idedetalye ko pa ang pinagusapan namen, naku...mapupuno ng mura 'tong blog na 'to. Bottomline...kami ang sinisi at hinde ang PEYBORIT niyang empleyado.
Unang araw ng BER..."benerahan" din kami ng napakapanget na balita. Dahil sa isang kamoteng tao...magtanim na lang kaya siya ng kamote...doon walang "gutter."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
GOOSEFRABAHHHHHH.... GOOOSEFRABAAHHHHHH... GOOSEFRABAHHHH....
better???
ano ibig sabihn nito grace?! hehehehe....salamat peps. me nagreact dito...FUNNY! potah!!! ikaw b un??! hahahahhaha!!! nkakatawa ba tong blog na'to!? galit na galit na ko funny pa rin! hahahahha shet! mukha ba kong hinde seryoso!? :)
Post a Comment