Ilang araw din akong hinde nakapag-blog huh! Kung hinde pa nainip ang isa kong friend kase nago-OT siya at wala siyang magawa, naghahanap siya ng entertainment, at isa daw ang blog ko don (ano 'ko That's Entertainment???)...e hinde ko pa maiisipan i-refresh itong blog na 'to.
This past few days, busy ang mga TV stations sa pagpapalabas ng mga charity works ng mga iba't ibang klase ng tao para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at bagyong Pepeng super laki...daw ang sakop sa himpapawid.
Kaniya-kaniyang relief good operations, mga donations sa kung saan-saan at libreng viewing din ng mga artista syempre. Parang hinde lang goods ang libre, pati sine. Sabi nga ni Kris, "Di'ba mas maganda kung ang ang magbibigay ng relief goods, magaganda." Nganaman si Kris ano, kabanidosahan pa rin ang naiisip sa gitna ng pagtulong. E tama nga rin naman siya kahit paano, siguro kung si Piolo Pascual o si Gerald Anderson ang magbibigay saken ng relief goods...haaayyy...kahit ilang ulit akong pumila keri lang!
Lately din, lagi kong naririnig si Kris na bumibida sa bigayan, namimigay ng kung anu-ano, feeling Mrs. Claus! Si Jayson Gaynza papadeliveran niya daw ng dining set, pati si Brad Pete. Ganon sila ka-close kay Kris??? Ang sarap niya maging friend ano?? Kung friendship din kami ni Kris, hihinge ako sa kanya ng Pangkabuhayan Showcase na lang, mas magiging masaya pa ako. At hinding-hinde ako maririndi sa bunganga niya...promise!
Pero siya si Kris e, kahit anong kalechehan at kairi-irita ang gawin niyan sa TV, lulusot pa rin. Kahit pa obvious na obvious naman na pinangangampanya niya si Noynoy. Asan nga pala si Noynoy nitong mga huling araw? Parang walang acts of public service a...hmmmm, disappearing act ang drama. Ahhh...para hinde maakusahang political agenda ang pagtulong. Sabagay, si Erap, hinde din yan nangangampanya habang tumutulong e...mahilig lang talaga siya kumaway sa fans...haayyy!!!
Kung gaano kadami ang ulan na dinulot ni Ondoy para bumaha ang Metro Manila...
at kung gaano din kalakas ang hanging dala ni Pepeng...
...ganon din ka-powerful si Kris.
Pag sinabi niya, di pwedeng tumutol, kahit si Boy Abunda.
Pag hiniling niya, hinde pwedeng hinde ibibigay ng ABS-CBN or ng mga sponsors niya.
Pag tinanong niya, hinde pwedeng hinde magre-research si Kuya Kim.
Pag nagsalita siya, hinde na makakasinget si Ruffa for sure.
Haayy si Kris...dati lang nahulog pa siya sa stage ng GMA Supershow...
...kelan kaya ulit siya mahuhulog sa stage???
Haayyy...kung buntis lang ako, napaglihihan ko na 'to si Kris e. Paglabas ng anak ko, pula din ang buhok, naka-backless at nagsasalita na rin ng---The Buzz at tumatawa ng hahaha...bongga ka mommy, bonggaaa!
(Nakakaloka anoooo!)
No comments:
Post a Comment