Sabado, September 26, 2009-----Araw ng Kalikasan
Sabado. Nagising ako mga past 10 am. Umuulan, ang sarap pa sana matulog. Naririnig ko galing sa bintana ang lakas ng ulan, sinamahan pa ng hampas ng hangin sa mga puno ng saging sa kapitbahay.
Haaayyy...'yon yung mga araw na lagi naten sinasabi, "Ang sarap matulog noh?! Umuulan kase e. Nakakatamad bumangon sa kama."
Parang ang sarap nga maligo no'n sa ulan e, ang lakas kase, ang sarap tumapat sa mga "salulo" (tawag sa dinadaluyan ng tubig na galing sa bubong). Pero dahil bagong gising pa'ko at wala pa'ko sa mood magfeeling dalaginding sa ulan, hinde ko na tinuloy ang balak ko, instead, mga pamangkin ko na lang ang pinaligo ko sa ulan at pinatapat sa "salulo".
Malapit na mag-lunch nun tumigil sila, nangingitim na din kase ang mga labi sa sobrang lamig. Pero ang ulan, wala pa rin tigil, lalong lumalakas. Ang tubig sa kalsada, parang medyo naiipon sa mga gilid-gilid ng gutter a. Hmmmm...di naman siguro babaha yan, hanggang dyan lang yan sa labas ng gate. Dedma muna.
Masarap ang ulam, nilaga! Hehehe...
But despite the presence of our favorite nilaga...we become slightly uneasy kase...
water's rapidly racing through our gates in minutes...
in our door step in seconds...
and inside our house in a blink.
It was so fast...parang sa isang movie, when massive floods swallowed the whole New York, in The Day after Tomorrow. Parang hinde totoo, pero nangyayari pala talaga. Sa sobrang bilis nga ng mga pangyayari, hinde ko na nanamnam ang sarap ng nilaga.
Mabilis nang nilamon ng baha ang semento ng bahay namen. Mabilis din namen naitaas ang mga gamit sa 2nd floor ng bahay. TV, DVD player, speakers, carpet, kutson ng sofa, electric fan, vacuum, washing machine, lamesa at kung ano-ano pang maabot ng tubig...inakyat namen. Muntik nang hinde maiakyat ang ref, dahil sobrang bigat at hinde kakayanin ng adrenaline rush lang. Pangmalakasan ang laban do'n, parang dapat lasing ka sa Extra Joss para maikyat ang 'yon. Buti na lang lasing sila sa sabaw ng nilaga, naiakyat din naman nila ang ref, kahit sa platform lang ng hagdan (na medyo mataas pa din from the floor, mga 2 ruler siguro ang taas).
Tumaas ang baha sa loob ng bahay namen hanggang bewang, pero sa labas, hanggang tiyan or dibdib, depende sa height ng tao (hinde ko na tinry kung hanggang saan ko, I'm sure, malalim. :P) Wala na rin kaming kuryente, kelangan patayin kase aabot ang tubig sa mga saksakan. May mga nage-evacuate na din galing sa mas mabababang lugar sa subdivision namen, me dala-dalang gamit, pupunta sa ibang lugar na mas mataas. Ang kapitbahay namen na nakatira lang sa bungalow, nag-evacuate sa bahay ng tita ko sa katabing apartment. Ang kaibigan ko naman, nag-evacuate ang pamangkin at mga aso niya sa bahay.
No'n namen naramdaman ang urgency to help others.
Pero nakaramdam din ako ng takot. Takot para sa buhay namen. Nakikita ko kase ang lakas ng agos ng tubig sa tapat, sa bakanteng lote, galing sa hinde namen alam kung saan, at hinde natatapos ang pagbukal ng tubig-baha. Nakaisip na'ko,
Paano kami pag umabot na ang tubig sa 2nd floor?
Paano ang mga gamit namen?
Ang mga bata?
Si Mama?
Ang mga aso?
Ako?
Nakakatakot. Nakaka-praning!
Baket nagkaganito? Anong nangyari???
Linggo.Natapos na ang delubyo.
Nagka-kuryente na. Ang sahig, puro putik! Ang dumi. Ang mga dingding nagsipag-tuklapan! Ang mga gamit, halatang nababad sa tubig, namumuti, nagsipag-lunduyan ang mga kahoy (term namen sa bagay na na-deform or bumabagsak). Ang mga papeles, basang basa sa baha! Nakakapanlambot maglinis, nakakapagod. Pero walang magagawa....kelangan ibalik sa normal ang nasira ng di inaasahang pag-baha.
Pero may mas delubyo pa pala sa ibang lugar. Noon ko lang nakita ang kalunos-lunos na nangyari sa Metro Manila nung araw ng Sabado. Araw kung kelan naramdaman naten ang ngitngit ng bagyo, ang tag-team ng hangin at ng baha at ang hinanakit ng Kalikasan. Ang daming nawalan ng tirahan, nasira ang hanapbuhay, na-stranded sa baha at marami ang namatay. Sobrang dami ang naapektuhan, hinde mo aakalain, mapa-mayaman o mahirap, ordinaryong tao o artista, lahat apektado.
Walang exempted sa exam ni Mother Nature.
Kung hinde ka prepared, babagsak ka talaga. Kung prepared ka, mahihirapan ka pa rin.
Higit na naapektuhan ang mga lugar sa North tulad ng Rizal, Pasig, Marikina and Quezon City. Dito lampas-tao ang baha, nag-mistulang diving site ang mga lugar na'to. Pero marami din ang namatay. Bata, matanda, mahirap, mayaman. Walang pinili. Walang peybo-peyborit si Mother Nature.
Sa sakunang nangyari, baket nga ba nagkaganito?
Hagupit ba 'yon ni Inang Kalikasan sa mga taong katulad naten na wala ng pakialam sa lugar na ating tinitirhan? Baradong drainage, sangkatutak na basura, at kalbong mga bundok.
O man-made calamity ba ito dahil sa pagpapalabas ng tubig mula sa Angat dam.
O dahil nga lang sa super-exag na raindrops nun araw na'yon sabi ng PAGASA.
Hinde ako eksperto at hinde din ako perpektong tao para magturo ng sisi at hinde din ako environmentalist para magbigay ng opinyon tungkol sa kung ano ang gusto ni Mother Nature at kung ilan lahat ang patak ng ulan nung Sabado.
Ang alam ko lang, marami akong natutunan nung araw na 'yon. Na...
...ang buhay, napakabilis lang palang mawala. Parang baha na napakabilis ding tumaas.
...hinde mo mapipigilan ang kalikasan, ang tubig, ang hangin, ang bagyo. Pag kalikasan ang nagalit, walang kalaban-laban ang sinuman.
...sa mga sakunang katulad nito, maiisip mo, ang mahalaga magkakasama kayo ng pamilya mo.
...masarap ang makatulong sa iba lalo sa mga ganitong panahon.
...na iisa lang ang magiging takbuhan mo, iisa lang ang higit na nakakaalam ng mga nangyayari at iisa lang ang dapat na pag-alayan mo ng lahat...si God.
Nalaman ko din...
...na pag baha, automatic, ang laki ng CR mo!
"I learned that you should feel when writing, not like Lord Byron on a mountain top, but like a child stringing beads in kindergarten- happy, absorbed and quietly putting one bead after another."-Brenda Ueland
Tuesday, September 29, 2009
Tuesday, September 22, 2009
Noynoypalaboy
Haaayyy...di ko alam kung tanga lang nga ba talaga ako tulad ng laging sinasabi ni Teng o matalino ako tulad ng dating sinasabi ng nanay ko...
...kase hinde ko alam baket si Noynoy ang gustong manalo ng mga tao para maging Presidente e.
Di ko din alam kung baket nangongolekta sila ng PISO para sa pangangampanya ni Noynoy o baket merong Piso para kay Noynoy. (Bata ba yan na kelangan ng pambili ng kending hubad? At kelan pa naging Ilog Pasig itong si Noynoy? Saka ba't hinde si Kris ang gumastos? E di'ba sagot nga daw niya ang kasal ni Noynoy! "Ganyan ako sa kabait na kapateed, Bhooy!"--Kris, SNN)
At di ko din alam kumbaket magbebenta daw ng bahay sila Kris Aquino at Boy Abunda para makaipon ng pera sa pangangampanya ni Noynoy. (Puwede ba sa ukay-ukay yan...bibili talaga akooooo!!! Lalo yong mga backless ni Kris na gowns! Maiging pang-damit sa TV.)
Di ko din alam kumbaket kelangan niya pa mangampanya, e di ba, kilalang kilala na siya? Siya ang anak ni Ninoy at ni Cory Aquino...
...di naman siguro siya mapapagkamalang 'yong singer di'ba. Si Noynoy Volante. (Wahahahahaha!!! Tawa ka kunwari! :P naayyykss...cornflakes!)
Di ko din alam kung baket ang hilig makialam ni Kris Aquino sa kapatid niyang si Noynoy, at nag-promise pa siya on national TV na behave na siya...
...haayy wala naman akong pakealam kung behave siya or hinde...di naman ako yayaman kung maging quiet pa siya or daldalera.
...lalong hinde rin ako natutuwa sa pagfi-feeling first lady niya. 'Di sana si James Yap na lang pinatakbo niya...kaso sa court lang yun uubra.
Sabi ng nanay ko na medyo nagmamala-political analyst, hinde daw naman mananalo si Noynoy.
Kase wala pa naman daw siyang nagagawa...kahit sa Senado kung saan ilang taon siyang naging Senator, at sa kongreso kung saan ilang taon din siyang naging kongresman at kung anu-ano pa na hinde ko naman talaga alam.
...saka FAD lang daw na parang kabute ang pag-usbong ng career ni Noynoy at tumakbo for President. Parang de javu ng Cory Aquino's Homemaker-turns-politician-story.
Saka daw hinde porke anak siya ni Ninoy at Cory e, pareho na sila mag-isip at magplano para sa future ng bayang 'to. (Heeellllooowwww...do I need to say more about Krissie?)
Saka...hinde naman niya iboboto kase si Noynoy...kundi si Manny Villar. (Akala mo konyo, yon pala laking Tondo. Akala mo petiks, yon pala hinde...akala mo, akala mo...wala, wala, wala!)
E kung sinu-sino na nga ang naglalabo-labo sa TV para lang makatakbo for President.
Si Lacson parang baklang tinakbuhan nga mga syota niyang macho dancer!!! Parang lahat ng maibubulgar sa mga tao, ibinulgar na! Langya! Pero gusto ko lang yong EXPOSE niya kay ERAP! Hehehe...me kapitbahay kaya kami no'n, member ng Kuratong Baleleng gang ang asawa niya...ang daming pera nun mga yon, pero low profile syempre!!!
Pero totoo talaga, kinukwento nun sa nanay kong may pagka-tsismosa din ng konti, e si toot-toot at si toot-toot daw ang boss nila. (Naaayyyyy...uuhhmmm...sino kaya yun! Shhhhhh!!!) E pero syempre, kuwento lang nila yon! (Hahahahahah!!! Sabay gano'n!)
Si ERAP! Kungdi ba naman talaga kasing tanga ko 'yan, napatalsik na nga, gusto pa rin ipagsiksikan ang malaki n'yang t'yan sa Malacanang! Haaayyyy! Hellooowww!! Kuya!!! Gising naman dyan! Alam ko maraming tao ang tangang katulad ko ano...pero siguro naman mas maraming matalino pa rin at kahit naman tanga kami, hinde naman kami saksakan ng BOBO para iboto ulet si ERAP! Looorrrddd!!! Save us!
Pati si Willie Revillame pinapatakbo din...haaayyyy...anak ng Hep-Hep Horraay o!
E si Noynoy kaya saka si Mar Roxas, paano kaya kapag kaharap nila si Korina Sanchez??? (Hmmm...very Tayong dalawa di'ba. Audrey, JR and Dave.)
Ewan ko! Ang tagal pa ng eleksyon...kaliwa't kanan yan na ang news, nakakalokaaaaa!!!
Puro NOYNOY!!!
Pag si Noynoy ang nanalo...naku!
Mauumay kayo sa mukha ni Kris, t'yak yan!
Kaya ako, hinde ako nagpa-register. Ayoko bumoto! Bahala na kayo mamili ng basura niyo! Tse!
Ang dami ko'ng basurang dapat pulutin sa tabi ko, pati ba naman malaking basura poproblemahin ko pa...samantalang sila, pinoproblema nila agad ang MALALAKING basurang gustong gusto nila idispatcha, e yung maliit na kalat naman na nasa harap nila ni hinde nila malinis...paano pa ang basura ng bayan. Tssssss...eeeewan!
Politics talaga...ang kulay, ang daming kuwento, ang habang nobela, wala namang katorya-torya! Puro basura! Dapat ito ang may campaign e, PISO PARA SA PAGLILINIS NG BASURA SA MALACANANG.
Suuusss...parang ako ang tali-talino ko magsalita a...parang andami kong alam...
eeehhhh...
...nagfe-facebook lang naman ako, sunshine ranch, restaurant city at kung ano-ano pang games ska chat sa YM. :)
Monday, September 21, 2009
Anak ng Ipiiiissssss!!!
Kanina pagkatapos ko isulat ang last blog ko, pagkapatay ko ng computer at pagtayo ko sa upuan, eksakto palabas na ako ng kuwarto para maligo, may nakita akong malaki at sobrang brown na IPIS na nakatambay sa sahig. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa Raid Insecticide para spray-an ang nananahimik na insekto...
Tip-toe, tip-toe...(di puwedeng marinig niya akong papalapit!)
Piiisssssssssssssttttttt...(inisprayan ko na ng Raid)
Ang buong akala ko mangingisay na siya...
EEEEEEEEEEEEEEHHHHHHHHHH!!!!
Tang-i-----naaaaaaaa!!!
Hinayupak na ipis, nakuha pang makalipad!!! Waaaaaahhhhh!!!
Buti na lang palabas ng kuwarto. Kaya super bilis ko'ng sinara ang pinto!
Shet! I'm doomed!
Pa'no ko makakalabas dito! I'm sure lilipad 'yon saken!!!
Haaaahhhh!!! Sobrang kinakabahan na'ko! Naiiyak na'ko! Ba't ko ba kase ini-sprayan e! Wrong move!
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, nakikiramdam ako kung may lilipad sa mukha ko...
Hmmmm...wala. Ok!!! Go!
Kabado akong naglakad papuntang kabilang kuwarto, tigbi-tigbi pa ang pawis ko sa sobrang takot na madapuan. Nang biglang may naramdaman akong mala-bunot na nakakapit sa likod ng binti ko. Parang isang libong ga-buhok na paa na lumalakad sa balat ko....
Eeeeeehhhhhhhhh!!! pppiiiiiiissssss!!!!!!!
Para akong sinilihan sa puwet na hinde magkandaugaga kakatalon at tago sa kuwarto para makaiwas sa hinayupak na insektong yon!
Lintek talaga!
Ba't ba kase may ipis!!!
Ba't ba kelangan ng ipis!!!
At ba't ba takot na takot ako sa ipis!!!
Maraming beses na'kong halos mamatay sa kakasigaw at iyak dahil lang sa...oo...IPIS.
Kung meron mang isang bagay na sobrang kinatatakutan ko...sila yon! Utang na loob!!! Kahit pa magtago ako sa ilalim ng kumot buong gabi, magkanda-hulog sa hagdan sa pagtakbo para lang makapagtago at sumuot sa ilalim ng lamesa para hinde madapuan...huwag na huwag lang talaga akong makaramdam ng ipis sa katawan ko! Siyeeeeeeet!!!
Pag naaamoy ko na ang amoy ng lupa, yung tipong alimuom kapag bago umulan, alam ko na'yan. Maya-maya pa makikita mo na lang silang nagtata-tumbling at nagsa-sommersault sa loob ng bahay...ipis dito, ipis doon. Ako naman, tumitindig na ang balahibo ko sa mga nakikita ko, naghahanda na'ko ng tsinelas para ipamalo sa kung sino man ang magtangkang lumapit at lumipad sa'ken.
Piping-pongin ko talaga yon!!! Grrrrrrrrrr!!!
Pero maa-anxiety attack na'ko ng lagay na yan! Ganyan ako katakot sa ipis.
Pero sabi nga ni Bob Ong, nakakamangha IPIS=ISIP.
Hmmmm...siguro naman hinde ako isip-ipis ano!
...
PAAAKKKKKKK!!!
"Naman si Ate Chai! Akala ko kung ano!!! Ipis lang pala! Ang liit-liit niyan kesa sa'yo takot na takot ka! Ayan patay na! Baba na! Nakakatawa ka talaga!", sabi ng pinsan ko'ng saksakan ng tapang!
"Heh!!! Anong nakakatawa don! E sa takot nga sa ipis! Tssssss...!!!"
Saka pa lang ako nakalabas ng kuwarto para maligo.
Salamat na lang naimbento ang tsinelas.
Ang Paboritong Libro ni Hudas
Dahil sa long weekend, at wala naman akong ibang pinagkakaabalahan kase nga isang kilong tamad ako...nakuha kong magbasa ng libro, ang Paboritong Libro ng Boss ko...ay!!!...Ang Paboritong Libro ni Hudas pala.
Fan ako ni Bob Ong. Actually siya ang isa sa mga inpirasyon ko sa paggawa ko ng blogs ko. Gustong gusto ko kung paano siya magsulat. His composition, story-telling and styles are so entertaining. His stories are real yet philosophical and quietly subversive. Street-Smart and cleverly-written. Ang mga libro niya puro nakasulat sa street Tagalog, salitang kanto, salitang palengke, salitang SM, salitang terminal at salitang naririnig mo sa tabi-tabi araw-araw. Walang plastikan, walang halong Tupperware, walang echos-ekleber-eklavoo, lahat TOTOO. Kaya nakaka-relate ako.
Ilan na rin ang nabasa ko sa mga books niya, tulad ng...
ABNKKBSNPLAKO? (a text-language style for “Aba, nakakabasa na pala ako?!”)
BAKET BALIGTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PILIPINO?
KAPITAN SINO
ANG PABORITONG LIBRO NI HUDAS
His other books na hinde ko pa nabibili ay ang STAINLESS LONGANISA, ALAMAT NG GUBAT at ang MACARTHUR.
Anywaaayyy...since ang title ng blog ko e Ang Peyborit na Libro ni Mojacko...I mean, Hudas...e let me give you some ideas kung ano ba'tong librong 'to.
Sa una pa lang alam ko na, maganda, balot pa lang e, simple lang pero unique, itim na may balot na itim, parang libro ni Hudas talaga. But knowing Bob Ong, hinde ito ang mga librong tipong puro kahindik-hindik na kuwento tungkol sa mga demonyo sa hell or sa mga gawain ni Hudas pagtapos niya ipagkanulo si Jesus Christ...but rather it's a reflection of our present lives.
Ginamit niya ang 7 deadly sins as Chapters. And lahat naman ng kuwento niya, may tahi--may connect sa bawat isang deadly sin na yon. Very funny how he made a story about COVETOUSNESS or Greed and with him not wanting to have a cellphone. Sabi niya, "AYAW KO'NG NASASANAY SA MGA BAGAY NA PUWEDE NAMANG WALA SA BUHAY KO." (which I really loved) But later on, bumili din naman siya.
Nakakatawa din ang kuwento niya sa GLUTTONY at kung paanong nai-connect niya ang utot, nutritionist at pagkain ng gulay dito. Ang kulet talaga. Nakakamangha kung paano niya naiisip pagtagpi-tagpiin ang mga istorya niya para makabuo ng isang makabuluhang libro.
Do'n ko din nabasa 'to...
Ano po ba ang "most affordable" niyong kuwarto? (tanong niya sa matanda)
Tumawa ang matanda, "Ha, ha..." na parang nanlilibak.
"Most Affordable??" inulit niya.
Di ko alam kung wrong grammar ako, palagay ko nga.
Dapat yata, "most affordest."
...hinde ko alam kung mababaw ako, pero sobrang natawa talaga ako dyan.
Ganyan ang humor sa libro ni Bob Ong, parang tanga pero unduly witty.
Sunday, September 20, 2009
Ito ang usapang lasing
Last Friday, nag-session na naman ako with my friends dito sa amin. Katulad ng nasabi ko sa nauna kong blog, may bago kaming recruit. Friend ni Miles, si Dhang. Mabait sya, makulet din, maingay din tulad ko, husky ang boses parang paos, matangkad at maputi, nag-aral sa UPHLP, naka-iphone, may asawa na at may mga anak, may CRV siya kulay pula, taga-Camella 5 at may nunal siya sa mukha, may balat din siya for sure hinde ko lang alam kung saan...no'n lang kmi nagmeet talaga...hinde pa kami gaanong close ng lagay na yan ha. Hehehe, hinde... no'n lang kase siya sinama ni Miles sa bahay para makipag-inuman. Kaya no'n ko lang din sya nakilala ng mala-mala lubusan. Pero mabait siya, nagdala sila ng pulutan. :)
The Bar ang tinira namen this time. Sanay na'ko sa Dabar. Mas nalalasing ako pag may halo or naka-mix ito sa juice. Mas keri ko pa ang pure, tapos chaser na lang ang juice. Para na rin kase 'tong mixed drink e, may flavor na, orange or lemon. Kaya kung ihahalo ko pa sa iced tea, parang naghalo halo na'ko ng drinks non, NAKAKALASING NA NAKAKATAE!
During the session, masaya naman. As usual, tawanan pero medyo normal na tawa pa lang. Wala pa namang humahagalpak sa tawa sa sobrang kalasingan. At wala pa namang nababaliw sa katatawa sa isang maliit na bagay tulad ng ipis. Tamang kuwentuhan lang, tamang chika. Ako ang tanggera, walang labis, walang kulang, walang gulangan. Habang umiikot ang baso, habang unti-unting nababawasan ang pulutan, habang unti-unti ring bumababa ang puting alak sa bote, mabilis namang umiinit ang mukha at katawan namen. Haaaaahhh...I can feel the rush of alcohol in my veins. Mainet, gumuguhit pero parang nagiging mas masaya.
Nakakatawa na! Ang isang kasama ko...NGENGE na! Sumasayaw na sa tabi at kung anu-ano na ang sinasabi. Naghahanap ng pole! Aba! Gustong maging instant pole dancer! Ang likot! Ang harot-harot! Pero masaya.
Ang sabi niya, "Ang sharap sharap malasheeng noh! Ba't kaya ang sharap malasheeng! Parang walang problema. Ang shaya di'ba! Alaaaaaaaak paaaaaa!"
Ang kuleeett!
Ngayon ang sarap nang tumawa. Parang bawat HA-HA-HA-HA-HA ko may bayad! Parang may amplifier na ang bibig ko sa lakas ng tawa ko. Pati pagsasalita, parang di lang ako nalalasing, nabibinge pa! Ganon kaming lahat. Siguro kung may tanod na nag-roroaming nung gabing yon, nabaranggay na kami.
Napag-usapan ang mga taong sobrang nalalasing pero hinde na alam ang ginagawa nila. Sabi ni Dhang, hinde siya naniniwala sa mga nagsasabing,
" Sobrang lasing na'ko e, wala na'ko sa 'wisyo, hinde ko alam na nagawa ko yon or nasabi ko yon!"
Dahil kung wala ka na daw sa 'wisyo, ibig sabihin no'n, tulog ka na or worst, patay ka na. Ang lasing alam ang ginagawa at sinasabi, alam ang nangyayari, pero ang kaibahan ng lasing sa hinde lasing, hinde niya na kontrolado ang mga bagay.
I agree!!!
Totoo yon. May mga bagay na nagagawa ka pag lasing ka na hinde mo nagagawa pag hinde ka bangenge. Maraming bagay tulad ng pagsasabi mo ng totoo mong nararamdaman, pampalakas ng loob, either galit ot pagkagusto sa isang tao, malaking booster ang alak. Mga kilig moments ba! Kaso nga lang lasing ka e, kaya kinabukasan magtatanungan lang kayo,
"Totoo ba yung mga sinabi mo??? Lasing ka lang ata e!"
Ilang beses na'kong nagka-boy friend kinabukasan dahil sa alak. Hahahaha...tanginang yan.
Pero meron din naman na ginagamit sa maling paraan. O e wag na tayo sa maling paraan, kase hinde naman ako ganon. :) Wholesome 'to noh!
May mga bagay na nagagawa niyo pag lasing kayo, kahit na hinde niyo pinag-planuhan bago pa kayo maging weng-weng. Kase hinde niyo na kontrolado ang sarili niyo. Di'ba nga pag lasing ka parang nadagdagan ka na ng 10 kilos sa sobrang bigat ng kamay mo pag humampas sa katabi mong lasing din. Pasalamat ka na lang at hinde ka niya ginagantihan, kase baka pag naging sober ka na, makita mo na lang na may black eye ka.
Pero excused ang sumuntok sayo!! Lasheeng kayo e, hinde niya kontrolado.
Meron din namang tao na pag nalalasing e nasasabi niya ang mga hinanakit niya sa buhay na hinde niya nasasabi kapag matino siya. Or kapag lasing, do'n mo lang malalaman na may dinadala pala siyang problema. Buti na lang alak ang ininom niya, nakapagsalita pa siya, kesa naman Racumin o Mertayolet o Muriatic Acid, malamang hinde salita ang lalabas sa bibig niya...bula.
At meron din namang mga tao na pag lasing na...
GWAAAAAARRKKKKKK!!!!!!
...
e sumusuka...
tulad ni Miles.
Apir tayo Miles! Nalabhan na ang carpet! Tara! Suka ka ulet!
:)
Bored times ten to the tenth power
Looooonnnngggggg weekend na naman.
Medyo delayed na para sabihin yan kase Linggo na ngayon. Medyo tinatamad kase akong magsulat lately...or siguro ang tamang term e, tinatamad akong MAG-ISIP.
Masyadong maraming nangyari sa buhay ko nitong mga huling araw na mukha lang namang wala pero para saken parang madami kase I feel so tired and occupied kaya hinde ko na ginusto pang mag-isip ng isusulat sa blog ko. May mga times na naging masaya ako kase wala akong ginagawa sa opisina kundi ang magpakapal ng mukha at mag-photobooth lang sa MAC book pro na nasa table ko. May mga times din na sobrang idle ng utak ko, dahil wala akong trabaho, hinde ko na maisip kung paano ko uubusin ang oras ko sa mga walang kwentang bagay. Ilang folders na ata sa desktop ko ang inopen ko, lahat ng files, subfolders, subtitles, subject, subordinates, subtraction, submarine...lahat na ng paraan para matanggal ang umay ko sa kaboringan, nagawa ko na.
Parang ang tanging bagay na nakakastress lang ata saken e kung paano ako uutot na hinde naririnig ng mga kasama ko sa opisina.
Ganon ako ka-occupied nitong mga huling araw...
...nakakapagod din pala magisip ng WALA.
Naranasan ko din maboring sa Facebook at sa YM. Naku! That's bad!!! Hinde normal, hinde maganda...para akong may sapi at may sakit na terminal na pag nangyayari yon. Hinde rin pala masaya na wala akong magawa sa isang araw at paulit ulit lang na naghihintay sa pagdating ng another boring day.
Ilang beses din akong nakainom ngayong linggo. Masaya naman, parang yon lang ata ang naging highlight sa buhay ko ngayon. Masaya nga ang isang inom ko nung Friday night e, may tinamaan ng "The Bar"! Sa sobrang lakas ng pagkatama sa kanya ng ispirito nito...nagkalat ang durog-durog na kanin at himaymay ng gulay sa carpet, sahig, lababo at banyo namen. Ayos!!! Nalaman agad namen ang kinain niya nong dinner...ginisang pechay!
Ang kulet ng session na 'yon. Hinde siya ang ine-expect kong tutumba that night, may bago kase kaming recruit, bagong maglalampaso ng suka at magpapagod ng esophagus kakakatawa ng parang wala ng bukas. E kaso matibay pala sya. Hinde ako nag-succeed pagulapayin siya sa kalasingan, kase mukhang katulad ko, talamak din 'to sa alak...hinog sa inuman. Ok din sya ka-session, katulad ko makulet, maingay, bungangera pag nalalasing, parang may amplifier ang bibig! Pero mas ok sya, nakukuha pang mag-drive kahit bangenge na, yon ang pagkakaiba namen. Unang una, baka hinde ko na kayanin pa magdrive kung lasing na'ko kase manhid na ang senses ko at higit pa sa una...wala naman akong ida-drive e.
Natapos kaming tumitilaok na ang manok ng kapitbahay.
Pag oras na ng inuman...nawawala ang boredom na pumapatay saken. I feel so alive. Parang yon pa lang ang umpisa ng napakatagal kong araw.
Isang araw sa opisina, parang gusto ko na magpatiwakal sa sobrang tagaaaaaaaaaal ng oras...
lalong lalo pa dahil walang INTERNET!!!
Para akong nasa moon, walang gravitational pull, lahat ng bagay lumulutang, ang oras slow-motion, lahat ng bagay...mabagal. Gusto ko nang sumakay ng space shuttle at mag-zoom papunta sa lugar na bibilis ulet ang takbo ng dugo ko.
Yun ang lugar kung saan may INUMAN.
Buti na lang may isang keeeebiiiigaaaan na madaling kausap pagdating sa happy hours. Mabilis ang oras sa inuman, andami niyong pagkukuwentuhan, ambilis din maubos ng alak, kaya madali rin omorder agad. Sa sobrang bilis ng inuman, ambilis ko ring namungay at namanhid pero hinde pa naman yon sign na lasheengg na'ko. Hinde ako basta-basta nalalasing noh! (Hahahaha! Talaga!)
Buti nga nakauwi pa'ko e. Hinde ko alam kung mabait lang ba yong driver ng taxi at pinag-yosi ako sa taxi niya o talagang slightly drunk na'ko. Pero in fairness, andami namen napagusapan ni manong driver, di ko lang maalala kung anu-ano yon, alam ko lang ang ingay at ang daldal ko. Kung gagawa man siya ng masama, siguro tinatantya niya ako kung ako ba yong silent or nagger type...since nalaman niyang maingay at bungangera ako...alam niya agad, MALAKAS AKONG SUMIGAW!!!!!!
Ganyan kaproductive ang buong linggo ko. Parang ang dami kong ginagawa para hinde makaisip mag-isip di'ba?
Parang walang paglagyan ang ibang bagay sa lahat ng mga oras na wala akong magawa.
Parang ang hirap gumawa ng wala pag wala kang magawa.
At parang masaya ang walang ginagawa pero nakakapagod din pala pag tumagal.
Tao nga naman, naghahanap ng araw kung kelan mababakante ka at mapapahinga sa lahat ng gawain mo sa bahay at opisina. Nag-aasam ng araw kung kelan WALA NAMAN SILANG GAGAWIN.
Pero ba't ganon??? Inasam ko yong mga araw na'yon a.
Pero napagod pa din ako.
Pareho din pala, may gawin o wala kang gawin...mapapagod ka pa rin.
Saturday, September 12, 2009
All I wanted
"Cause you're everywhere to me
And when I close my eyes it's you I see
You're everything I know
that makes me believe
I'm not alone , I'm not alone"
"And when I touch your hand
It's then I understand
The beauty that's within
It's now that we begin
You always light my way
I hope there never comes a day
No matter where I go
I always feel you so"
And when I close my eyes it's you I see
You're everything I know
that makes me believe
I'm not alone , I'm not alone"
"And when I touch your hand
It's then I understand
The beauty that's within
It's now that we begin
You always light my way
I hope there never comes a day
No matter where I go
I always feel you so"
Everywhere...first song ni Michelle Branch na narinig at nakita ko sa MTV.
Ang ex-boyfriend ko ang nagsabi saken tungkol sa kanya. Siya rin ang nagsabi na theme song niya saken yan song na yan. At siya din ang nagsabi saken na KAMUKHA ko daw si Michelle Branch. (Walang kokontra! Hahahaha)
Hinde naman ako naniwala sa kanila noon kase hinde lang siya ang nagsabi saken na kamukha ko nga si MB, pati ibang tao. Kapal naman ng mukha ko kung isipin ko yon. E ang ganda-ganda ni Michelle Branch para maging kamukha ko, parang nakakahiya naman sa kanya di'ba? Pero...habang tinitingnan ko nga sya at habang tumatagal...
"Ayyy...hmmm medyo nga noh. May resemblance."
Hahahahaha!!!
But more than me looking like her...I become more "into" her music. I loved her voice, hinde maingay pero may power. Soft and sweet pero hinde nakakaantok. And her music, nakaka-relate ako. Nung time na sumikat siya, her songs were like theme songs of the young ones. Rival niya non si Avril Lavigne, na medyo mas sumikat sa Pop Rock Genre. Pero ako, siguro dahil hinde naman ako rockstar, I liked Michelle Branch's music more. Besides, naging favorite namen siya ng ex- bf ko.
I loved her "All you wanted", "Goodbye to you", "Sweet Misery", "One of these Days", "Breathe", "Game of Love" and of course "Everywhere". Marami pa siyang songs na magaganda, but those were the songs na talagang tumatak saken. Hanggang ngayon nasa ipod ko yan.
After being away from the lime light for quite some time coz of her cute little angel, Owen, a baby girl. She is back with a new single! Sooner or Later. Actually narinig ko na'to sa radio, hmmmm...it's very her. I can't wait for her new album. I'm sure, may idadagdag na naman ako sa ipod ko. :)
Here are some of her pics na gusto ko kase pag tinitingnan ko...parang kamukha ko nga siya! Hahahahhahaha!!! Bluff!
Aaaayyyy...sorry naisama ko 'yong picture ko. Heheheheheee :P
Pero pag tinitingnan ko siya...gusto ko ngang maging kamukha niya...magpapahaba din ako ng hair at magpapakulot, magpapaliit ako ng bibig, magpapaputi ako at mag-aaral akong mag-gitara! :)) O di' ba! Second rate trying hard copy cat and dating ko! :)
Ang ex-boyfriend ko ang nagsabi saken tungkol sa kanya. Siya rin ang nagsabi na theme song niya saken yan song na yan. At siya din ang nagsabi saken na KAMUKHA ko daw si Michelle Branch. (Walang kokontra! Hahahaha)
Hinde naman ako naniwala sa kanila noon kase hinde lang siya ang nagsabi saken na kamukha ko nga si MB, pati ibang tao. Kapal naman ng mukha ko kung isipin ko yon. E ang ganda-ganda ni Michelle Branch para maging kamukha ko, parang nakakahiya naman sa kanya di'ba? Pero...habang tinitingnan ko nga sya at habang tumatagal...
"Ayyy...hmmm medyo nga noh. May resemblance."
Hahahahaha!!!
But more than me looking like her...I become more "into" her music. I loved her voice, hinde maingay pero may power. Soft and sweet pero hinde nakakaantok. And her music, nakaka-relate ako. Nung time na sumikat siya, her songs were like theme songs of the young ones. Rival niya non si Avril Lavigne, na medyo mas sumikat sa Pop Rock Genre. Pero ako, siguro dahil hinde naman ako rockstar, I liked Michelle Branch's music more. Besides, naging favorite namen siya ng ex- bf ko.
I loved her "All you wanted", "Goodbye to you", "Sweet Misery", "One of these Days", "Breathe", "Game of Love" and of course "Everywhere". Marami pa siyang songs na magaganda, but those were the songs na talagang tumatak saken. Hanggang ngayon nasa ipod ko yan.
After being away from the lime light for quite some time coz of her cute little angel, Owen, a baby girl. She is back with a new single! Sooner or Later. Actually narinig ko na'to sa radio, hmmmm...it's very her. I can't wait for her new album. I'm sure, may idadagdag na naman ako sa ipod ko. :)
Here are some of her pics na gusto ko kase pag tinitingnan ko...parang kamukha ko nga siya! Hahahahhahaha!!! Bluff!
Aaaayyyy...sorry naisama ko 'yong picture ko. Heheheheheee :P
Pero pag tinitingnan ko siya...gusto ko ngang maging kamukha niya...magpapahaba din ako ng hair at magpapakulot, magpapaliit ako ng bibig, magpapaputi ako at mag-aaral akong mag-gitara! :)) O di' ba! Second rate trying hard copy cat and dating ko! :)
Gweilos and Gilbeys
Parang nabuo na naman ang buwan ko.
Una, suweldo na .
Pangalawa, nakapag-update na'ko ng blog ko.
Pangatlo, nakasama ko ang mga kaibigan ko'ng madalas akong iniindyan sa inuman.
At pang-apat, nakainom na naman ako. (Me bago ba don??? Masanay na kayo.)
Haayyy...parang nebulizer ang alak sa'ken e, (alam ko me magre-react dyan, di'ba Grace?). Parang tranquilizer, anti-depressant, sedative...in simple term, parang gamot na hinde ko na maiwasan. (Michael Jackson???) Parang hinde talaga nabubuo ang linggo or buwan ko pag hinde ako nakainom, BISYO na nga siguro. Pero hinde ako alcoholic, I swear! Daming concerned citizen regarding my habitual drinking, well, alam ko naman 'yon at na-apreciate ko ang mga paalala niyo pero hinde ko din alam kung paano yan ipapaalala sa sarili ko e. Kaya namnamin na lang muna naten ang alak...mas masarap lalo pa kung malamig. :)
Anyway...naging masaya ang gabing 'to para saken.
Friday night is a good night, indeed.
Kahit na isang oras akong naghintay kay Paula sa Red Ribbon...ayos lang. Ang importante hinde niya ako ININDYAN! Walang nambiten sa inimbita ko tonight...walang tinamaan ng indyan.
Medyo malakas ang ulan at hangin pero deadma...walang makakapigil sa inuman kahit ang bagyo. Andon si Sarah, na kakapanganak pa lang at nagbe-breast feed pa (Hinde do'n syempre noh!). At si Rhea, my cousin.
We settled at Gweilos, a small restaurant and bar in the SM Mall of Asia. Meron din nito sa Palanca, Makati, na madalas pag-tambayan ng mga utaw ng mga taga-ahensya. Masarap ang pizza nila in all fairness, the crunchy crust made it more pleasing. Yummy din ang Sisig, though hinde ito katulad ng sisig sa Gerry's na may kasamang chicharon, nevertheless, puwede na rin itong pamatid gutom. Very friendly at attentive ang mga staffs.
What made the place more fun were the performers that night. May 2 bands na nagpe-perform do'n every Friday. Nung una, kala ko magiging boring sila, pero it turned out na they were able to wow the crowd with their voices and ability to entertain. Magagaling sila, mapa-Beyonce, Lady Gaga, Rihanna, Michael Jackson or Wonder Girls...hinde naman nakakasuka ang pagkanta nila. Effective din kase napapa-"Just Dance" kami pag medyo upbeat ang mga songs. The crowd loved them. I loved them! :)
Nakakatuwa nga naman talaga, kase hinde lang kami nagkita-kita para maglabasan ng mga issues sa buhay...nag-enjoy din kami. Sabi nga ni Sarah, pagka-upo niya pa lang sa harap namen,
"Hinde ako iinom...nagpapa-breast feed pa ako e. Saka na lang."
Pero pagkatapos ng 1 bote ng Gilbeys, 1 bote ng San Mig Light at ilang sticks ng yow... malamang...lasing na ang anak niya kapag nagpa-dede siya. Baka nga may usok pa. Hahahaha!
Pero kahit na nagawa niya yon, I'm happy I saw her smiled, laughed and enjoyed the night. Something na hinde ko nakita just before she had her first bottle and puffed on her first stick.
I'm also glad to see Paula...matagal din kaming hinde nagkita, puro murahan lang sa telepono ang alam namen gawin...pero kahit ganon, kahit ilang indyanan pa ang nangyari...ayos lang. Buti na lang sinipag si gago. :P hahahaha...tangina nga lang...sabi hinde daw siya papasok...pero biglang papasok din pala. Hinde nga nang-indyan, nambiten naman. Nampota talaga yan...wala sa ayos! Ako pa ang sinisisi. Haayyy...pero love ko yan si Paula (hehehehe, kasi mababasa niya 'to e). Kahit niloloko na naman siya ng boypren niya...hahaha...joke!
Sumunod din ang pinsan kong lagi kong katsokaran sa inuman. Siguro kahit kaming dalawa na lang ang natitirang tao na marunong uminom sa mundo...hinde kami malulungkot. Masayang masaya pa siguro kami kase wala kaming kaagaw. Hahahahaha! Yari!
Sayang wala ang isa pa nameng friend...I'm sure she would have enjoyed the night out too. Kahit hinde yon umiinom...ok lang sa kanya, nalalasing naman siya sa usok at basta may pulutang usa...usapan. :P Di'ba Yhen? Hehehe...We missed you!
Naalala ko din ang katabi naming table.
Lakas ng trip ng tatay! Me bonding with son, who's I think, only 3 years old. Astig yon, umiinom ang tatay ng Red Horse, ang bata naka-iced tea. Nagtataka talaga kami...
"Bakettt??? Baket dito?"
Naisip ko..."Baka sarado na ang Jolibee kanina kaya dito na lang sila." or
"Baka naghiwalay yan ng asawa niya kaya gustong uminom, eh, walang yaya ang anak, so join na lang din!"
Gusto kong sabihin sa tatay,
Kuya!!! Puwede naman, bukas ka na uminom, ihanap muna naten ng magbabantay kay baby ha!
Weird noh! Makakakita ka ng bata sa bar...at sa smoking area pa! Gosh! Nung patapos na nga sila, mukhang lasing na yong bata e...lasing sa usok, sa iced tea at sa ice cream. Haayyy...kaloka!
Nakakatawang nakakainis...kase ang agang training sa bata para maging gimikero siya paglaki.
Pero seriously, sana hinde niya na lang dinala ang bata sa ganong lugar. Tsk! Gusto tuloy siya i-breast feed ni Sarah. Hahahaha!
Hayyy, I love hanging out with friends. And I love drinking with them. Makes me feel so stress-free.
Antok na ako...yyyaaawnnnn. :D
Sia! Sia! G'nyt friends! :)
Saturday, September 05, 2009
N.B.S.B. or No Boylet Since Birth
Kakasabi ko lang kanina sa naunang blog ko...lutang pa'ko. Pero since omorder na'ko sa Mcdo, nakakain na'ko,at lalong lalo na...nakaligo na'ko, I'm so awake. Parang ngayon pa lang nagumpisa ang araw ko...ngayon pa lang ako nabuhayan.
Nakapanood din ako ng Maalaala mo Kaya sa ABS kanina habang nagdi-dinner. Nakakatuwa ang itsura ni Maja Salvador, maitim siya na naka-braces. Tungkol ito sa isang babaeng N.B.S.B. o No Boyfriend Since Birth (eehheemmm). Nakakatawa siya kase parang ini-imagine niya ang mga lalakeng nagugustuhan niya e meron din gusto sa kanya pero sa totoo wala talaga. Ginagawa niya din ang lahat para magustuhan siya ng lalakeng dine-dream dream niya.
May isang scene na todo bihis pa sya at emote na parang sila Claudine at Rico Yan sa Got to Believe in Magic, magkikita sila ng crush niya and she thought that's her dream coming true...yon pala, hinde!!! Wahahahaha! Iniwan lang siya sa ere. Tsk...bad trip yon!
Ang sarap ma-in love, right???
Pero paano kung N.B.S.B. ka???
Tipong ni hinde mo naranasan tawagin kang "girlfriend" ng isang "boyfriend".
Yun bang hinde mo pa man lang nararanasan madampian ng "unang halik". (wahahahahaha!!!! cheesssyyyy!)
Ikaw ba yong tipong pag nakakita ng mag-jowa eh bigla ka na lang mawawala sa katawang tao mo at mai-imagine mo na lang na may kasama ka ring lalake, holding hands while walking or kissing in the park. O baka naman isa ka sa mga bitter N.B.S.B. na pag nakakita ng mag-jowa eh magme-make face na lang at magroroll ng eyes habang sinasabing,
"Sus! Baket siya may bf?? E mas maganda naman ako di hamak sa kanya...baket ako wala??!"
Or baka naiinget ka sa mga friends mong nag-a-anniversary, monthsary or datesary (kulang na lang pati minuto or segundo na naging sila magkaroon ng okasyon).
Or maybe at your age, you're still thinking of a happily ever after love story like those of Cinderella's, Snow White's or Sleeping Beauty's fairy tale romance. Akala mo naman mangyayari yon sa totoong buhay.
Kung N.B.S.B. ka, malamang sa malamang virgin ka pa. Di' ba???
So meaning...masikip pa. Masikip pa ang turnilyo mo pagdating sa love. (O!!! Bastos kayo!) Kase karamihan sa nai-in love na at naranasan ng magkaroon ng relasyon, lumuluwang talaga ang turnilyo pagdating sa love(Oo, aminado ako, maluwag na talaga...ang turnilyo ko! Huusss!!!Mga bastos!). Hahahaha..ano bang kinalaman ng turnilyo sa pagka-virgin??? Nawala na'ko, hirap kase magpalusot eh! Hmmm...ganito yan. Nasabi ko kaseng masikip pa ang turnilyo mo pagdating sa love kaya virgin ka pa, e dahil syempre...uhhmm...syempre hinde mo pa binibigay ang lahat lahat sa lalakeng pinakamamahal mo. Di'ba?
Hinde ka pa nahahangal sa pagmamahal!
Lalong lalo na, e buo pa ang pagmamahal mo sa sarili mo. Kase pag nagmahal ka na, taga mo sa noo mo...ang hirap na i-divide ang love, either mas malaki yong sa'yo or 'yong sa kanya. (O double meaning na naman!)
Kidding aside, masuwerte ka na rin siguro kung isa kang N.B.S.B.
Para sa'ken na nagkaroon na ng maraming relasyon sa kung kani-kanino, mapa-babae man or lalake...ang magmahal at mahalin ng isang tao ay isang IRONY sa buhay. Masarap pero masaket, masaya pero nakakatakot, exciting pero nakakapraning. Perpekto pero walang kasiguraduhan na panghabang buhay.
Hinde naman lahat ng No Boylet since Birth eh hinde pa nakakaranas magmahal, meron dyan nagmamahal na...pero siguro N.B.S.B. pa rin sila kasi wala naman chance para maging sila ng taong nagugustuhan niya, or maybe natatakot siya na pumasok sa relasyon or maybe din...talagang ayaw sa kanya ng gusto niya. Masaklap man tanggapin na hinde mo pa nararanasan na mahawakan ang kamay mo ng lalakeng gusto mo at mahalikan ka niya kahit man lang sa hinlalatok tapos titindig lahat ng balahibo mo sa batok at para ka nang magse-seizure sa sobrang kakiligan...
...huwag kang mawawalan ng pag-asa.
Siguro habang hinde ka pa tumutuntong sa stage na 'yon ng buhay (na matagal ng na-eexperience ng maraming tao huh!)...lubos-lubusin mo na ang pagmamahal mo sa sarili mo. Sabi nga nila, kailangan bago ka magmahal ng iba, kailangan buo muna ang pagmamahal mo sa sarili mo kase kung hinde, wala kang kapasidad magbigay ng pagmamahal.
Ako, nung nawalan ako ng boyfriend, maraming beses, akala ko katapusan na ng buhay. Sa totoo lang, pakiramdam ko para akong isang tsinelas na nawalan ng kapares, wala ng silbi, patapon na, wala nang pagmamahal sa sarili. Ang hirap bumangon, ang hirap hanapin ulet yong mga missing pieces, pero dumating naman yong time na unti-unti naiidaos ko ang bawat araw na, NO BOYFRIEND na ko but not SINCE BIRTH. Inisip ko na lang muna ang sarili ko, matagal na panahon na hinde ko rin masyadong nagawa. I loved someone so much, I lost the love I owed to myself.
Mahirap at malungkot talaga maging N.B.S.B, dahil masaya naman talaga magmahal at mahalin. Masarap mangarap ng Prince Charming na sasagipin ka sa singlehood na kinatatayuan mo. And it's so exciting to dream of the years you and your partner will share together 'til forever.
Yon nga lang baka sa ngayon e inaayos pa ni Bro ang layout ng love life mo.
Baka malay mo, ang lovelife na ibibigay pala sayo eh hinde tulad ng kay Snow White or Cinderella...drawing at hanggang story books lang...
...yong sa'yo may buhay, gumagalaw at walang "THE END".
8MCDO online
Bagong araw, bagong tanghali, bagong gabi.
Pero pareho pa ang pakiramdam ko. Parang kalat pa ang utak. Parang sabaw pa ang brain cells.
Ang sloooooooooooow. Ampphh...walang nangyayari sa araw ko.
Kagabi parang ang bilis, ang hyper...pero ngayon lintek, brain-dead.
Lutang, lutang, lutang.
Daig ko pa ang nakikinig ng mga lumang kanta tuwing Sunday, mga tipong Frank Sinatra or Engelbert Humperdinck (nakanang pangalan yan o!)...ang bagal ng takbo ng araw ko pati dugo ko ata naka-park. Eeehh ang pinapakinggan ko naman eh mga kanta ng Black Eyed Peas tulad ng I gotta Feeling at Jump ni Flo Rida...naka-loop na ang mga party music ko...Walang epekto!
Buti na lang medyo nag-snap out of slow motion ang utak ko for 10 seconds at naisip kong mag-order na lng nga ako sa Mcdo online. Mcdelivery.com.ph. Fried Chicken, Sundae, Twister Fries.
Ayos! Palakpakan! Conggrraatulatiooons!
ICEBREAKER.
Nagising ako kahit paano.
Saka ko lang naalala...kaya siguro ambagal ng sistema ko, eh kase...alas-8 na ng gabi...
...di pa pala ako naliligo.
Lutang na loob
Ambigat ng ulo ko, umiikot parang Vertigo.
Konting bagay parang ang hirap intindihin, pero nkakatawa.
Kanina nakaupo lang ako e, biglang ang ligalig ko na. Laging nakatayo, hinde na makaupo.
Ang daming sinasabi! Ang daming talkies...ang daldal!
Ang bigat ng ulo ko pero ang gaan ng loob. Ang sarap sumayaw.
Di baleng wala ng ulam, kanin lang ok na, basta makasubo.
Ang lakas ng boses ko, gusto kong sumigaw. Pero maliit lang ang lugar, sigurado mabubulabog ang mga tao.
Ang active ng utak ko, biglang nag-isip ah, kanina naman walang pakialam.
Ang saya ngayon, parang walang problema, parang walang nangyari.
Pero trip ko din maiyak, kase naalala ko ang taong una kong nalalapitan pag namomoroblema ako. Kaso naalala ko din, wala na pala kami.
Ang dami kong trip. Ang bawat hit, iba-iba.
Wag lang akong masasanay, baka ang hirap bumaba pag sobrang high.
Ang saya, parang cool ang lahat, parang walang sablay ang buhay.
Parang lutang ka...parang ang saya-saya.
Thursday, September 03, 2009
Inhale...exhale...
Natapos ang araw na'to na hinde ko nakita ang opisinang sobrang kinababadtripan ko these past few days. Kagabi pa lang, decided na 'ko...
"Hinde ako papasok bukas! Bahala sila!"
Atleast hinde ako nakakita ng kamote.
Pero kahit ganon, bitbit ko pa rin sa loob ko ang nangyari. Iniisip ko pa rin paano ako bukas pag pumasok na 'ko ulet at nagkita kami ng "Those-Who-Must-Not-Be-Named."
According to my sources, hinahanap daw ako ng mga boss ko kanina. Pero walang nakakaalam, hinde din naman kase ako nagpaalam na aabsent ako. Baka ang iniisip ng mga yon...AWOL na ko.
Umiikot ang puwet kung ano ba ang plano ko,
Hinde ba nagtext si Chai???
AWOL???
Hahanap na ba tayo ng kapalit??
Bastos talaga yong batang yon! Hinde man lang nagpaalam!
Parang mas confident ako na yung panghuli ang iniisip nila knina.
Sa ganitong sitwasyon, ang hirap mag-isip. Mahirap humagilap ng desisyon kase hinde mo alam kung magiging masaya ka ba sa kakalabasan non.
INHALE...EXHALE...
INHALE...EXHALE...
O ok na ba ako?
Puwedeng oo, pwedeng hinde.
Anong ang tama, mali at dapat???
Tama na mag-apologize ako dahil nakipag-away ako sa boss ko. Para wala siyang masabi sa'ken. Pasaway man ako...atleast hinde ako plastic.
Mali na ma-guilty sa isang bagay na isinisisi sa'men, period.
At Dapat makipagsabayan ako sa agos. Survive the current, whether it's strong and difficult...don't let it stop you.
Sabi nga sa song na The Climb,
The struggles I'm facing
The chances I'm taking
Sometimes might knock me down
But no, I'm not breaking...
Wag kang mag-reresign...ngayon.
Gagawin ko yan pag tama na ang timing. Yung wala akong pagsisisihan dahil ginawa ko yon, kase nagpadala ako sa galit.
Salamat sa mga kaibigang tumulong para makalma 'ko at para makapag-isip. Sobrang na-appreciate ko kayo! Minsan nga naiisip ko, para akong walang sariling utak...kelangan laging may naga-advice. :)
Kay Grace na nagpapahinga saken ng malalim at nagpa-pronounce pa ng words na hinde ko maintindihan. Ayos!
Buti andyan si Tweet, sinamahan akong maglubricate ng utak ko...alak lang pala ang katapat.
Salamat kay Teng, sa mga makabuluhan niyang suggestions at advices, lalong lalo na yung, "Pag hinde nakinig, sampalin mo na!" Alavet!
Sa mga ka-team ko na kasama ko'ng naghihimagsik ang kalooban sa mga nangyayari. Hehehe...they can't beat the mean girls!
Kay Yeng na isinabay ako hanggang Shangri-la para lang makipagkita kay Tweet. At sa mga opinions niya din sa nangyari.
Kay Maine na binasa na lang ang blog ko kesa ikuwento ko, hehehe, salamat na-appreciate mo 'to. Please lang wag mong ise-send ang link ng blog ko sa kanila!!! Utang na loob!!!
Kay Johnmer na hinde naman nagbabasa ng blog pero binasa niya yung Anak ng Kamote...lalong ayaw niya tuloy om-OO sa sinabi ni Pepe Smith.
Kay Yhen na todo advice at tiwala saken na makakaya ko 'to. Kahit na nasa Australia ka or Pinas, hinde talaga mawawalan ng ganitong conflicts...kelangan lang talaga magpakatatag.
Kay Bon na nagcomment sa status ko sa Facebook, salamat. :) I will survive.
Salamat sa mga nagbasa, nakaunawa at nakisimpatya... :)
Wednesday, September 02, 2009
APPLE Q (Quit) to Shut down or Restart???
Today's a really bad bad bad BAAAAAAD DAY.
Parang kanta, "Cause you had a bad day chuchuchuchu...So where is the passion when you need it the most..."
Parang wala yon ngayon. Ang passion...biglang nawala, tangina dahil sa isang pagtatalak. O siguro wala na rin naman yon dati pa, meron man ga-kulangot na lang, nawala pa ngayon ng tuluyan.
Naranasan mo na ba makipag-away sa boss mo? Ako oo, hinde ko maalala kung ilang beses na, pero ngayon nangyari yon ulet. Pero pinagtanggol ko lang ang sarili ko. Kahit boss pa yan, sabi nga niya, very transparent daw kasi ako, kaya alam niya kung galit ako, nakikita niya sa mukha ko. O e di ilabas na naten ng tuluyan, hinde lang sa mukha, pati sa salita at sa gawa.
Nagmemeeting kami, sabi niya...
"Dont give me that look Chai, don't give me that stare."
E hinde ko naman siya tinitingnan, sa mga papel ako nakatingen, sa dingding, sa monitor at sa sahig. Paano ko siya tiningnan at inirapan. E sa matalas lang talaga ang mata ko e. Pero hinde ko ide-deny mainet ang ulo ko sa sinasabi niya. Dahil ako ang pinapatamaan niya (feeling ko lang ha, pero I know kasama ako sa mga pinapatamaan niya). Dahil ngayong araw na'to nagsalita na siya about sa nangyari sa catalog na yon.
Summary:
Yari ako, hinde ako paborito e. Kaya ako ang pinatamaan.
Peyborit ka, sige siya bahala sayo...lalabas na konti lang ang kasalanan mo, ni hinde mararamdaman na nagkamali ka. Sagot kita baby!
Haayyyy...buti na lang hinde ako peyborit, hinde ako galit sa sarili ko. Kase galit ako sa paborito e. Tangina! At galit ako sa nagbibigay ng maling KAMPI statement.
Oo na! wala ng mali!!! Kami na ang mali!
Kaya ngayon kating-kati ako magresign! Kung nadagdagan ng konti pang sapak ang ulo ko, talagang AWOL ang issue bukas!
Pero wala pang FINAL decision, wala pang final verdict! Fuck! Final! Hate that term!
Sabi ng kaibigan ko, mag-isip ng mabuti, weigh things right without the anger. Ewan...how will you weigh things right if everything feels so wrong.
Haaaaaaayyyyy...malalim na malalim na malalim na hinga. Hinga galing talampakan (O well, mababaw lang yon para sa iba tsk).
Kanina gusto ko na mag- APPLE Q (shortcut for Quit sa MAC computer), or CONTROL Q (quit naman to para sa PC).
Ngayon, naka-hang ako. Umiikot lang ang color wheel, hinde ko pa alam kung magqu-QUIT na'ko para I-SHUT DOWN or Restart na lang muna.
Mahirap mag-decide pag walang laman ang utak...kelangan ng pampadulas, kelangan ng alkohol.
Tuesday, September 01, 2009
September 1...anak ng kamote!
First morning ng September, ito ang gumising saken,
"Pasko na naman, O kay tulin ng araw. Paskong nagdaan tila ba kung kailan lang...Pasko, pasko, pasko na naman muli ang pag-ibig naghahariiiiiiiiii..."
Christmas song na laging pinapatugtog pag sumapit na ang simula ng BER months (September, October, November, December). Pag BER months na, ibig sabihin malapit na ang bonus, malapit na ang X-mas party, malapit na din ang sandamakmak na gastos!
Isang kantang nagpaganda din ng umaga ko...
Parang a good day's ahead of me. SANA NGA!
Sa biyahe, wala namang nangyaring kaimbye-imbyerna. Kahit na medyo mainet sa pwesto ko, ok lang, cool pa rin ako. Paypay na lang kesa mabuwiset. Wala ring traffic! Kakaiba ha! Pagdating ng office, wow! maaga ako. Usually 10 am ako dumadating, pero ngayon, wla pang 9:30 am nasa opisina na ko. Nice one!
Syempre kape tapos yosi, then Facebook. Pag tapos na ang mga paunang seremonyas ko...trabaho na.
Habang sinisipag ako sa paglilikot ng mga layers ko sa file ko at pagka-copy paste ng mga vectors from Adobe Illustrator to Photoshop (kung 'di niyo maintindihan, saka ko na lang ipapaliwanag), bigla akong tinawag ng isang kaopisina,
"Chai, kakausapin ka daw ni...boss."
So si ako, lapit naman sa phone sabay, "Hellowww!"
Do'n nagsimula masira ang magandang araw ng September 1.
Nagkaroon ng problema sa isang catalog dahil na-cut ang text sa gutter (ang fold mark ng isang catalog, yung gitna). Na-WARLA (war freak, nagalit, nagwawala) daw ang kliyente at binubungangaan ang boss kong kakagaling lang sa anxiety attack (hmmm...nagbabadyang sumpungin ulet...). Pinutakte ako ng sangkatutak na tanong, sino daw ang may gawa, sino daw ang nag-revise???
SINO ANG DAPAT SISIHIN...ANO ANG DAPAT SABIHIN SA KLIYENTE????
Usually sa isang project tulad ng catalog, merong mga designated artists para sa konsepto, sa shoot ng mga products na isasalpak sa loob ng catalog, sa layout ng mga teksto at sa kabuuang design nito. Isa ako don. Ang tawag sa'men Art Directors.
Hinde mawawala d'yan ang Copywriters, sila naman ang gumagawa at nagche-check ng mga copy or text na ilalagay sa bawat page ng print material.
Sa isang project na katulad nito, may stage naman kung saan ang lahat ng nagawa, na-lay out from cover to back cover ay chine-check ng maige, pinupulido ang bawat detalye, ang kulay, ang sizes, ang text, higit sa lahat ang technical aspects ng buong proyekto bago ito ipasa sa printer at i-produce. Ang tawag dito ay FINAL ART stage at ang taong in-charge dito ay ang Final Art Artist. At hinde ako yon! (Sa project na'to, hinde pa!)
Hmmm...so anong kinalaman nito? Baket ko kelangan i-explain ang mga yan??? Kase...ganito ang nangyari...
Sa aken at sa ka-team ko nagagalit ang boss ko dahil daw hinde namen inayos ang gawa namen. Na dapat sa amin palang na stage, WALA NG MALI! (Ang "stage namen" na sinasabi ko eh ang compre or initial stage ng pagdi-design at pagli-lay out at revisions, at take note...malayo pa ito sa Final art.) At dapat daw sa Final Art wala ng mali yon dahil, dahiiilll...hinde niya na makikita ang mga ganong detalye. Kaya dapat daw, sa akin pa lang, 0 MISTAKES!
TEKA! TAO AKO HA, HINDE AKO ROBOT!
AT TEKA! TEKA NGA...Tangina!
After namen i-revise bago i-color proof, may taong pinag-FA ng catalog, 2 beses bumalik sa kanya ang color proof ng buong catalog, ibig sabihin dalawang beses na niya nakita kung paano ito mapiprint sa totoong buhay. Dapat nakita na niya ang mga mali, ang kulay, ang bleeding, lalong lalo na ang mga teknikal na aspeto tulad ng mga text na tatama sa gutter. Dahil yon ang FINAL ART STAGE. Ba't hinde yo'n ang sisihin?! Ni hinde na nga bumalik sa'men ang color proof nito e! Nakng Baka!!!
Hayyy e ang kaso mo...PEYBORIT 'tong taong 'to! So kasing linaw ng sikat ng araw, hinde puwedeng siya ang mali dito!
"Final Art siya pero hinde na niya mache-check ang mga technical stuffs, like "gutter", lay-out lang iche-check niya at text. Ang technical, dapat kayo, ikaw, nung umpisa pa lang!" Sabi ng boss ko'ng hinde ata alam ang sinasabi niya.
"Ay!!! Teka baligtad ata!!! Hellloooowww!!
"FA?? Hinde technical, hinde nagche-check?? FA???", yan ang sinagot ko sa boss ko sa sobrang inis ko.
Ako na ang magtitingen ng technical ngayon? At siya? Ano na ang gagawin niya? Magco-color correct lang? E di hinde na Final Art yon, Color corrector lang yon.
Nakakabaliw talaga!
Parang ako ang magkaka-ANXIETY ATTACK ngayon e! Tangna!!!
O e di sino ang niyari????! KAMI!
Haayyy...punyetang buhay. Kung idedetalye ko pa ang pinagusapan namen, naku...mapupuno ng mura 'tong blog na 'to. Bottomline...kami ang sinisi at hinde ang PEYBORIT niyang empleyado.
Unang araw ng BER..."benerahan" din kami ng napakapanget na balita. Dahil sa isang kamoteng tao...magtanim na lang kaya siya ng kamote...doon walang "gutter."
Subscribe to:
Posts (Atom)