Tuesday, October 06, 2009

Buhay St., Life City


N
ung medyo hinde na'ko masyadong bata, madalas naiisip ko,


"Ano kayang mangyayari sa buhay ko?"

Nung bata pa'ko, hinde ko naman naiisip yan. Puro lang ako laro, puro lang ako aral. Ang taas pa nga ng dream job ko no'n e, scientist. Pero dumating din sa buhay ko na dream ko maging "cashier" sa mall. (di'ba, bi-polar ata talaga ako e)

Kase parang ang saya e. Parang ang daming hinahawakang pera, tapos tingen-tingen ka lang ng presyo tapos ii-scan mo lang, tapos pipindutin yung cash register...sabay lalabas yong pera!

Ang keeeewllll di'ba!

Minsan bumabalik pa din ako sa pagkabata na walang worries, walang takot, walang iniintinding BUKAS. Parang bata pa rin na namimili lang ng laruan, pag ayaw na, papabili ulet.

Pero madalas, hinde na pwedeng ganon e. Ang buhay ko ngayon, mahirap nang gawing laro. Hinde na din pwedeng mangarap na maging "CASHIER" na lang at lalong hinde kakayaning maging "scientist". Bukod sa dahilang parehong me MATH ang dalawa, e wala yan sa mga tinake-up ko nun college.

Kanina sa taxi, narinig ko 'tong song na'to ni Pauline Wilson, 'yong Follow your Road.

There so many roads that seem to lead down to the sea,
I wonder which road will be the right one for me.
Others may fall away, dead ending left and right.
But there is this one road that journeys far out of sight.

Have you wondered where your road will lead you?
Maybe to a bright day of sunshine,
or a starry night in heaven.
Or it might be you're afraid to go, afraid to go,
But you've got to follow your road,
or you'll never know, never know.


You've got to follow your road, follow your road, follow your road.
And maybe someday your road will take you far away...


Di' ba ang buhay parang ganyan noh? Sanga-sangang daan. Hinde mo alam kung saan ka dadalhin. Hinde mo alam kung kelan ka makakarating sa pupuntahan mo or kung me pupuntahan ka pa ba talaga.

Marami na'ng mga desisyon sa buhay na kelangan gawin hinde lang para sa sarili ko, kundi para rin sa mga taong malalapit sa'ken. Parang namimili ako kung saan street ako dadaan, sa shortcut ba o sa highway o sa express way, sa baku-bako o sa aspaltong daan. Minsan pa hinde ko sigurado ang kalsada, kaya naliligaw ako.

Maraming streets na'kong napasukan, ang iba, ayoko na balikan, though meron iba, wish ko sana makita ko ulet. Meron ibang kalsada sa buhay ko, isang beses ko lang nadaanan, hinde na puwedeng daanan ulet. Manghihinayang na lang ako, na sana hinde natapos yong kalsadang 'yon. Pero kung hinde naman natapos 'yon, walang bagong eskinita o highway ang bubungad sa'ken.

Sa mga nangyayari sa buhay ko, maraming daan na magtatapos at maraming kalsadang pagpipilian kung saan ko gusto pumunta. Sabi nga sa kanta, baka takot lang ako sa daan na hinde ko pa alam kung sa'n pupunta, pero paano ko malalaman kung hinde ko susubukan.


Ang buhay ay isang map na punung-puno ng streets, avenues, alleys, highways, o kahit underpass o overpass. At sa pagpili ng kalsadang papasukan, kelangan ko pa rin mag-mini-mini-may-ni-mo. Kung puwede nga lang sana "all of the above" na lang ang piliin para madaanan ko lahat nang 'yon. Para walang pagsisisi kumbaket hinde ang street na isa ang napili ko or sana nag-shortcut na lang ako.


Saan man 'tong kalsadang 'to, alam ko'ng hinde ito ang huling kalsadang puwede kong puntahan, marami pa.

Mahaba pa ang biyahe.

Marami pang kalsada.

At marami pang multiple choices.


Malay mo, puwede pa pala akog maging cashier...ng sarili kong negosyo.

O scientist...ng sarili kong scientific kulangot.



No comments: