Kung may isang bagay akong nasabi sa sarili ko ngayong araw na'to, 'yon ay...
Sa mga nakakakilala sa'ken, madalas nilang sabihin...
Mataray ako,
pasaway,
parang laging may kaaway,
suplada at masunget,
pero nagbabago na 'yon pag nakilala na nila 'ko ng lubusan. Mabait din naman pala ako at nakakatuwa.
Marami din nang-away saken, maraming nanakit, maraming nangutya at maraming nang-iwan.
Siguro kung pagsasama-samahin lahat ng 'yon, makakabuo ng isang malaking factor kumbaket naging ganito ako katapang at kataray, at kumbaket din ako naging ganito ka-insecure.
Kung gaano ako ka-tough sa panlabas, ganon naman ako ka-weak and ka-iyakin.
Kung gaano ako ka-tough sa panlabas, ganon naman ako ka-weak and ka-iyakin.
I'm not as tough as what others see in me.
I am a girl hiding in my shell, ayaw magpakita ng kahinaan, ayaw aminin na nasasaktan at nahihirapan.
Few months ago, I lost someone I loved so much. Pero 'yon e dahil inayawan niya ako.
Minsan tinatanong ko sa sarili ko, ano bang kulang or sobra sa'ken?
Siguro dahil sa kung sino ako, kaya niya ako iniwan.
Pero tama na 'yon, ano pa man ang rason, I've already learned to accept it. Hinde na mababago ang nangyari na, naiwan ako, nasaktan, at kelangan bumangon ulet.
But dealing with that pain made me realize things...
"Di ba puwedeng huwag na'kong masaktan? Puwede bang ako naman ang manakit?"
Nakakapagod din kase yong nasasaktan ka sa isang bagay na akala mo masarap ang feeling, kahit ipilit, kahit akala mo puwede...'yon pala, ikaw lang ang nag-iisip.
Ayoko na masaktan, ayoko na umiyak. Ayoko na ma-depress, magmukmok at magpumilit na ipagsiksikan ang isang bagay.
Ayoko na magtangka ng isa na namang katangahan.
Ba't ba pipilitin mong ipagkasya ang isang damit o sapatos na hinde naman bagay sa'yo?
Ba't mo pipiliting bilhin ang isang gamit kung hinde mo kaya?
Ba't mo pipiliting gustuhin ang isang bagay na hinde naman puwedeng maging sa'yo?
Baket mo ipipilit ang gusto mo sa isang bagay na hinde ka ginugusto?
Di'ba unfair?! Di'ba pakshet?!
Natuto na'ko.
Ayoko na'ng ginagago ang sarili ko. Ayoko na'ng masyadong binebenta ang sarili ko para matanggap, hinde na'ko magpapaka-clown lalong ayoko na'ng maging masokista.
Kaya ngayon...
Being so nice and sweet...sucks!
Hinde ako kalaban, hinde ako naghihiganti, hinde ako bitter...
gusto ko na lang siguro maging manhid.
Gaano man kakapal ang shell ko, mahina pa rin ako sa loob. Naaapektuhan. Nakakanti.
Umiiyak.
But this time, I promised myself...it won't hurt my butt!
Hindeng-hinde.
2 comments:
ako din ayoko na masaktan... ayoko na malungkot...:( lets just be happy... basta lagi mo isipan ha... no matter wat.. mahal ka namin.. promise ko yan sau
:) haayy, thanx yen. love you too. thanx for reading. nagdalawang -isip pa ko isulat 'to coz it's so emo! pero i know 1 or 2 people who'll get to read this might somehow relate themselves....just like you.
Post a Comment