Hayyy, oo kakagising ko lang, puro muta pa. Pero heto, derecho sa computer para mag-check ng facebook at magsulat ng blog. Walang suklay-suklay, mumog-mumog at hila-hilamos! Game agad! Di bale wala naman akong katabi dito e, walang mangengealam kung ganito pa itsura ko.
I was happy to see na binabasa nga ng friend ko 'tong blog ko, she was the primary reason kumbaket ako nag-blog, she inspired me. I don't want her to feel lonely in Australia din, through my blog, puwede niyang ma-feel na parang malapit lang din siya dito samen sa Pinas.
Anyway, last night...'twas a fun night. Finally I was able to satisfy my cravings for Chili's' buffalo wings and steak again. Matagal-tagal na din since nung last kain ko don, andito pa ang bff kong si Grace. Sobrang na-miss ko kase ang pagfo-food trip nameng dalawa. Since she left for Dubai, wala na akong makayag na kumain sa Chili's or kahit sa mga madalas namen kainan sa Greenbelt tulad ng Pancake House, Coffeebean, o Via Mare. Wala na rin akong makasama sa mga lugar na lagi nameng tinatambayan tulad ng sa gilid ng Rustan's Supermarket, labas ng 7-11 o Mcdo. Sa mga lugar na wala kaming gagawin kundi magkuwentuhan, magmurahan, kumain, uminom at pagkatapos ay magyosi. Namiss ko na tuloy ang lagi nameng nakakasabay na matandang lalake pag kumakain kami sa Mcdo...ang tigas ng ulo non! Me TB na, panay pa rin ang tambay sa Smoking Area! Grabe pa naman umubo yon! Parang lalabas na lahat ng laman loob niya sa isang ubuhan lang! Hinde namen maintindihan, baket lagi siyang tumatambay sa smoking area kahit na alam niyang mauusukan siya don. Tapos nagagalit siya pag me nagyoyosi, pinapagpag ang mga usok...grrrrrrr....ang sarap sapukin! Hahahaha...pero nakakamiss din pala ang mga ganong eksena. :)
Well, back to Chili's, syempre we had our favorites, the Triple Play (a mixture of their buffalo wings, chicken crispers and spring rolls), Grilled Steak with their yummy mashed potato topped with tasty garlic sauce and Buffalo Chicken Fajitas. At syempre hinde mawawala ang beer! Hayyy...heaven!
Triple Play, yummy!
Grilled Steak
By the way, I was with Yeng and Tweet. Siguro masaya sila kase...LIBRE sila! Ako naman daw kase ang nag-invite! Do I have a choice, lady's choice?! Haaayyy!!! Grace! Diba tayo...mas madalas share?! Lalo tuloy kita na-miss!
Hahahaha...keri lang, sumaya naman ako. :D
*Photos are not mine, kinuha ko lang sa Google...hehehe but those are the real thing naman!
Hahahaha...keri lang, sumaya naman ako. :D
*Photos are not mine, kinuha ko lang sa Google...hehehe but those are the real thing naman!
4 comments:
Bakit ganon, saglit ka lang asarin ng LIBRE, naglibre ka naman kagad! Samantalang kapag ako, bago ko makuha ang OO mo ilang put*ngin* naman ang nakkuha ko! Appetizer ko lagi yun e! Hahahaha, hayyyyy kamiss ka talga peps, at sana tumambay ka naman sa mcdo, balitaan mo ako kung andon pa si manong TB, baka ksi "you know" namaalam na :P joke!!! miss you peps!!!
hahahahha! ta*gin*! haaayyy! namiss kita gagu ka! hahahaha! napatawa mo talaga ko! ayoko tumambay sa Mcdo mag-isa no! yaan mo pag me naaya ako ulet. hehehehe...
kapag andon pa si mamang tb, sabihan mo kagad ako... baka sakaling magisang table na kayong dalawa and baka sya na ang kapalaran mo :))wag matamatahin si manong, malay mo kanya pala ang buong greenbelt :))
hahahahhaha! shet! kung kanya ang buong greenbelt pipikit na lang at tatakpan ko na lng ang mukha niya! hahahahhaha
Post a Comment