Sunday, August 16, 2009

2 HOURS=10K shopping spree!

11:30 am...as usual kakabangon ko lang.

Patimpla agad ng kape sabay yosi. Kumukulo na ang tiyan ko...obviously, coz it's already time for lunch. Ok, so I had my lunch...sinangag, ginisang mongo (a repeat performance of friday's favorite ulam) and longganisang lucban with suka! Yummy! Solb! No mor lonli rice!(Ika sa isang commercial)

Ayon...after having lunch, while slouching in the sofa, I thought,

"Ang boring ah!"

Palibhasa kase hinde ko sinimulan ang Saturday ko na bubuksan ko agad ang computer para mag-Facebook at mag-blog.

My day today was somewhat...different.

Hinde ko din trip ang uminom ngayon, kakaiba talaga! But there's one thing I'm sure I won't refuse to do today...ang mag-shopping!

So I went to the mall together with my couz. Pagpasok pa lang, palinga-linga, patingen-tingen kung saan unang magandang pumasok. Nakita ko agad ang Calliope, Everything at P699! Wow! Pasok agad syempre...asus! mga lumang collection na pala ang mga mura so deadma na lang kahit bagsak-presyo. Next stop was at MANGO, good! SALE pa din! I saw a nice black pair of jeans, it was cut half its original price so I decided to grab it. Pero naalala ko, wala pa pala akong pera, withdraw muna tayo! :)

After recharging my wallet, we went straight to Mango, bought the jeans and went upstairs for more fitting and shopping. Hinde ko na namalayan na nakabili na pala ako ng bagong watch sa Aldo, ng dalawang bags, ng scarf, ng belts at ng bago na namang shoes! Hinde ko na din namalayan na sa dalawang oras namen ng pag-iikot sa mall na yon...naubos na pala ang winithdraw kong SAMPUNG LIBO!

Holy Mother of Zara!! What happened?!

Hinde pa don yon natapos, I forgot na kakain pa pala kami, so I have to withdraw again for the food and ofcourse for the take-out pasalubong. Natapos ang gabi na ang dami naming dalang paper bags ng kasama ko habang naglalakad at iniisip kung gaano kalaki ang nagastos ko!

Shet! This calls for budget meal!
Nasabi ko na lang, "Last shopping galore ko na'to! Promise!!!!!"

But for me, it's all worth it, at least I had fun! I'm happy with what I bought. Besides, nawala din kahit papaano ang boredom sa utak ko at ang depression na sumasapi saken lately. :)

Hayy, ang mahal ma-depress! Tsk! tsk!

3 comments:

jen said...

what? 10k pang shopping mo lang! astig and grabe ka! bes need mong magtipid! di lahat ng oras may pera ka! if u want to buy something make sure its worth it! di ung wala lang gusto ko eh! think about it!

chai said...

hahaha...kaya nga last shopping spree na e! :) promise!!! :B

MarshMalou said...

ADIK!!! tigilan mo yan... pero malupit ka.... di kita sesermonan. alam mo na ang tama at ang mali. matanda ka na...(syempre di malaki...hehhe!!!)