"I learned that you should feel when writing, not like Lord Byron on a mountain top, but like a child stringing beads in kindergarten- happy, absorbed and quietly putting one bead after another."-Brenda Ueland
Friday, August 07, 2009
Gusto ko ba maging artist?
Nung bata ako, dream ko maging Scientist...promise! Kase may Science Library kami noon sa bahay e, lagi kong ginagawa yong mga experiments sa book. Tuwang tuwa ako sa heavenly bodies, sa mga kakarampot na atoms na bumubuo ng molecules na bumubuo ng matter. Aliw na aliw ako sa mga experiments involving lights, colors, energy, friction, etc. Bilib na bilib ako noon ke Aristotle, Galileo Galilei, Isaac Newton, Alexander Grahambell at kung sino-sino pang taong lintek ang talino sa utak para makaimbento ng mga bagay bagay na kapakipakinabang sa buhay nateng lahat ngaun. Shet di ba! Haayyy!!! Baket ba hinde ako naging kasing henyo ng mga ito?!
Anyway, yon nga, sobrang pinangarap ko rin magkaroon ng Nobel Prize, hahahahaha! Well, hinde ko naman akalain na ibang imbentor pala ang kakabagsakan ko. Nung narerealize ko na,
"Ay! Ang hirap pala ng Science!"
Sa Chemistry, pasang-awa!! Pa'no ba 'tong mga elements na 'to!? Sa Physics, shet! Bumagsak ako dyan, muntik na 'kong hinde maka-graduate.
Then, I accepted, I'm not meant to be a scientist...for the simple reason that science doesn't like me.
Pero may isang subject na tanggap na tanggap ako, besides sa Christian Living at HELE, ang MAPE or Music, Arts and PE, lalo na sa ARTS. Wag ka! Lagi akong nakakasali sa poster-making contest, sa essay-writing (ewan ko nga ba!) at nananalo naman ako kahit paano. That time, nasabi ko sa sarili ko, hinde pala ako imbentor ng mga bagay bagay na magagamit, imbentor ako ng bagay na makikita. Imbentor ako ng mga drawings na makikita namen sa corridor na naka-post, or sa mga canvass na naka-display ngayon sa bahay namen, o sa mga brochure, newspaper, o magazine o billboards na makikita mo kung saan-saan.
I might not have invented the best equation or principle that will make a difference in every human's life, but I know I've invented ideas and designs that made a difference in a client or a boss' life.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
galing friend.. just letting you know im reading it... thanks :)
yen
thanx yen! :)
may nabasa akong word don sa blog na ito... "EQUATION" hmmmm yung parang 11x13 natin nung isang gabi, equation un di ba hahahahaha :))
@grace: hahahhahaa honga! equation un! tamo, kasimple simpleng equation, hinde ko masolve pano pa kaya ang equation na'to, 3Mg(OH)2 (aq) + 2H3PO4 (aq) ---> Mg3(PO4)2 (aq) + 6H2O (l)!!!
Aba!!! Iba talaga pag bata.. libre ang lahat ng pangarap. Hehe!! Imbentor/ Scientist pala ha!!! Dibale.. somehow natupad naman yun.. ibang way lang nga.
Post a Comment