Me cliche na tanong di ba, yung...
"What if the person you like won't like you back, will you still choose to like or even love him? "
May friend ako, tinanong ako ng ganyan, paano daw ang gagawin niya sa ganong sitwasyon? Sabi ko,
" Baket ba hinde ka niya pwedeng i-love? Or kahit like? Baket? TAKEN na ba siya?"
Sabi niya, "Cg, let's put it in the worst situation, YES, he is already TAKEN."
Hmmm...sabi ko, nakooww! Mahirap yan. E yun ngang mahalin mo yong isang tao na wala kang kaagaw, pero nagkukulang pa rin siya sa pagmamahal na binibigay niya sayo, MASAKIT na e, yon pa kayang magmahal ka ng taong me kaagaw ka at alam mong halos 1/4 or baka wala pa sa 1/4 ang pagmamahal at oras na maibibigay niya sayo...di'ba mas masakit yon?!
Sabi niya, "E kase nakakainis, ba't kase I learned to like him! Paano naman kase he's sweet, makulet, laging lumalapit, parang pag magkasama kami, parang wala siyang sabit."
Yon! Parang hinde taken...sana nga ganon, para mas makatotohanan ang happiness niya, kaso hinde...hinde yan parang commercial ng shampoo na "walang sabit!"
But why does this guy show so much affection to that girl kahit na he's already taken?
Does he like her too?
O baka naman he's just fond of flirting?
Or baka naman nami-miss niya lang ang kabataan niya?
Is he even aware of my friend's feelings?
Naisip niya ba na nagfa-fall na ang friend ko sa kanya?
Or it's just plain fun.
Haaaayy...funny how guys love to play with girl's emotions...and funny how they love boosting their huge ego. (Bias thoughts ba?)Pero bilib din naman ako sa mga babaeng sumasabak sa ganitong laban, kahit na alam nilang talo sila sa lahat ng bagay, sa oras, sa attention, sa security at sa love.
Ang LOVE nila, parang loan or tindahan, "Love now, pay when able."
Pero paano nga 'yon?
Ang hirap sagutin. Ang hirap gawan ng solusyon pag andon ka na.
Paano mo aayawan ang isang bagay na nagpapa-ngiti sayo?
Paano mo iiwasan ang isang bagay na hinihintay mo sa buong araw na makita or makasama mo?
Paano mo tatapusin ang isang bagay na ni hinde mo man lang nakitang nagsimula?
At paano mo sasabihin sa sarili mo, "MASAYA NA KO NA KAIBIGAN NA LANG KITA"?
Sabi nga nila, "Nobody's perfect."
Not even Cupid.
Siguro may mga taong tinamaan ng pana ni Kupido, asintado!
Pero yung mga ganitong sitwasyon...malamang tipsy si Kupido no'n, nakainom kasama ang isa pang anghel, si San Mig Light.
May mga love story na nagiging winner ang ending.Winner dahil tama ang taong minahal nila.
May mga love story na nagiging OLATS ang ending (tulad ng aken). Olats dahil hinde tama ang ipilit ang love, kahit wala na.
At may mga love story naman na...walang kasiguraduhan ang ending. Walang kasiguraduhan dahil hinde mo sigurado paano kayo magkikita, paano kayo mag-uusap, paano kayo magiging kayo na parang hinde kayo...basta...parang EWAN lang.
Sabi ko sa kaibigan ko, "Kung masaya ka sa ginagawa mo, ikaw ang bahala. Pero sana handa ka din sa lahat ng bagay na kasama sa larong pinasok mo."
Kung saken naman mangyari yon, sasabihin ko sa sarili ko...
"Haaayyy...masasaktan ka na naman Chai."
2 comments:
hahahah! parang ako un ha...mahirap tlg bes kasi u dont where u stand. masakit kasi lam mo may kahati ka but still its ok kasi mahal mo o like mo...whatever!!! un nga lang mukha kang tanga kasi sa bandang huli iiwan ka din nya dahil mas mahal pa rn nya ang orig! matagal bago mawala ung feelings...hate that! gusto mong umasa pero di pwede. need to accept things na di tlg pwede..he's not the right guy for you vice versa... so kahit sa tingin mo sya magpapasaya...let go kasi ung saya sa mga mata mo will turn into tears kasi nasasaktan ka. til now mahirap takasan pero that's life..sabi mo nga ...NOBODYS PERFECT! kahit mukha ka ng XIONGA go kasi happy ka eh! but tell ur friend to take it easy...the reason maybe kung bakit nya like ung guy coz nagpapkita ng motibo and sa bandang huli...wag mo sanang bigyan ng malice...i like u as friend..un lang un..ouch sakit dba kaya tell her/him deadma na! hehehhehe
hahahahahhaha!!! OUCH! I DID THOSE THINGS COZ I LIKE YOU AS A FRIEND! hahahaha..olats naman!
Post a Comment