"I learned that you should feel when writing, not like Lord Byron on a mountain top, but like a child stringing beads in kindergarten- happy, absorbed and quietly putting one bead after another."-Brenda Ueland
Sunday, August 09, 2009
I need a drink...again!
Woooww!!! Saket ng ulo ko! Hang oveeerrrr!!!
Facebook Status: hang over na naman...
Comment ng isang friend: Lasing ka na naman.
Syempre! Lango na naman ako kagabi, me bago ba don? Haayyy, kaya ngayon sakit ng ulo ko. El Hombre Tequilla, ayos! Di pa nasiyahan pagtapos ng tequilla, inubos na din namen ang natirang The Bar nung huli nameng session. Barbeque, dried mangoes at pochi ang pulutan (thanx to Miles!). Solb na solb!
Hinde ko alam baket gustong gusto ko uminom. Yong iba nga diyan, ni hinde makaubos ng isang bote ng beer! Ako, pag lalong nalalasing, lalong naghahanap ng iinumin. Hinde naman ako alcoholic nyan no? I don't know why I loved the feeling of getting drunk pero pag nagsusuka na'ko at hinde na makagulapay sa sobrang kalasingan...and when sobering up is so hard cause of a bad bad hang over...
SINUSUMPA KONG HINDE NA KO IINOM ULET!!!!!
Pero hinde ko naman napapanindigan yon kase tiyak yan, after a few weeks, NOMO TIME na naman.
Baket daw ba kelangan ko uminom para maging masaya? Sa totoo lang, very shallow and absurd, pero pag umiinom ako, parang keberrr sa lahat ng problema ko sa buhay, parang wala akong pakealam sa mangyayari bukas, parang kering-keri ko ang gaan ng buhay kahit na pabigat ng pabigat naman ang ulo at katawan ko everytime na tatagay na ko. Sabi nga sa isang quote, "One reason I don't drink is that I want to know when I'm having a good time." Well, saken naman, "Drinking is equals to having a good time.Whether you know it or you don't, still it's fun!"
I'm not a self-proclaimed Alcoholic kase hinde ko naman nakikita ang sarili ko na kaya kong uminom ng alcohol araw-araw. Siguro 3 or 4 days na sunud-sunod na araw na inuman pa lang ang nakaya ko. Parang kahit pawis ko, amoy alak na ata. Hahaha...imaginin mo ako pag katabi mo tapos amoy lambanog ako...kadiri!!!
Dati naging karamay ko ang alak, nong time na sobrang down ako, sobrang depressed. Totoo, kapag uminom ako nakakalimutan ko ang problema ko, ang lungkot, ang sakit...pero lahat yon pansamantala lang. Wala naman talagang sakit na natanggal ang San Mig Light e, o wala namang problemang nasolve ang lambanog o Carlo Rossi, at lalong wala namang hapding napawi ang tequilla o Red Horse. Masaya lang sila lahat inumin, masaya lang lahat ang feeling pag senglot na at hinde mo na alam ang ginagawa at sinasabi mo...pero pagtapos ng lahat...lugmok pa rin ako sa sakit at depression na kinalalagyan ko bago pa man ako nalasing.
Pero hoy!!! Tapos na ko don! Hinde na pain reliever ang tingen ko sa alak ngayon...kase wala na namang pain na ire-relieve e. Hinde na gamot ang alak ngayon saken...it's just simply a drink. At masaya ako kase nakainom na naman ako kagabi pero naiinis dahil ang saket pa din sa ulo...haaayyy...I think I need some ice!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
tama na ang pag inom.... wala maganda idudulot yan!!
yen
hahahahaa...noted! but not applicable! :P
the Liver is a durable organ. It is the only one in the human body that is capable of regenerating itself and can continue to function after three fourths (3/4's) of it has been destroyed. Certain diseases and medical conditions can severely compromise the liver's ability to perform it's essential duties.
Damage to the liver cells caused by poor eating habits, abusive intake of alcohol, prescribed and over-the-counter drugs can cause the liver cells to be permanently damaged or scarred. Hepatitis, cirrhosis or cancer fpr example, can also lead to life threatening conditions. New reports have highlighted rising incidents of Hepatitis B today which are probably due to poor health habits or complications.
The body needs LIVERAIDE to acheive and maintain good health.
TAKE LIVERAIDE SILYMARIN CAPSULE :p
hahahahhaha!!! galing mo grace!!! lavet! yaan mo liveraide ang gagawin kong pulutan!
Post a Comment