Saturday, August 29, 2009

Single ladies night out went hardcore!


W
hat a night!!!


Hang over again as usual, but, naa-aah! not from too much alcohol...from fatigue instead.

We had a blast last night. Me and my girlfriends went on a single ladies night out. After a 5 hour videoke at the Red Box, Greenbelt we moved to Absinth Bar, just beside the Red Box, and partied the night away! Bring out the moolaaah(datung)!!!

First, at Red Box...as usual, all-time favorite videoke songs. Mawawala ba ang Shakira's Whenever, wherever, Stay ni Lisa Loeb, Air Supply hits, Total Eclipse of the Heart, Michael Jackson, at mga bagong songs like Poker Face ni Lady Gaga, Neyo's hits and more. Si Tweet nga, may listahan pa e, siguro kung inenter niya lahat ng kantang yon para kantahin, baka abutin kami ng umaga...buti na lang hinde. May mga senti songs, meron naman sigawan lang, kahit wala sa tono...5 hours lang kami magpapaka-diva kaya ok lang yun! At sa buong stay namen non, wala kaming ginawa kundi mag-picture sa telepono nila...eh kasi ang Tweet, pinagdala ko ng camera...dinala nga, iniwan naman sa kotse! Haayyy! So ayuunnn...kanta to sawa...and buti na lang me 2 complimentary drinks na kasama ang P500 per pax na bayad namen...kaya sing and drink kami don.

While having a yosi break outside Red Box (di kase pwedeng mag-yow inside so smokers have to go out pa), I heard the party music starting to spin on both sides, sa BED and Absinth. Naisip ko,

Oiiiiii! I wanna partteeyy!!! Hmm...payag kaya sila? Try ko nga! hehehehe

Ang naging ending namen...Absinth. :)

In Absinth...it's a pretty small place, with couch and tables, medyo maliit lang ang dance floor pero ok na din. We paid P250 per head, with 1 Absinth cocktail na walang kalasa-lasa (mukhang isang kutsarang vodka lang ang nilagay don at kinulayan ng green at tinimpalahan ng ewan). Maganda ang sounds, pero medyo paulit-ulit yong mga bago. Well...it's ok lang din, as long as it can make me move my butt and dance. Nice sounds, great mixes of rnb, house, techno or mash-ups. Smoking Area ang buong place, so another 1 point for me. :)

Habang kumikembot-kembot ako sa kinauupuan ko at umiinom ng margarita habang nagyo-yow, may isang couple na katabi ng table namen, a Filipina poker face (hmmm alam niyo na ibig sabihin niyan) and a foreigner na parang hip-hop, ang nakatawag ng pansin namen. As in super TAWAG-PANSIN talaga! Like everyone inside the club is looking and talking about them.

This couple I'm talking about is
F*k*ng getting WILD! Yes they are...really wild!

One look at them, the girl's on top of the guy, magkatalikod, doing a lap dance while kissing and petting and everything, then next look, the girl's facing the guy na and doing her thing!
Shooccckkssss!!! We tried hard not to pay attention to these dogs...but God! They're really owning the place! Parang may LIVE SHOW sa bandang sulok ng bar na 'yon. People were trying to be civilize despite of these uncivilize sight. Hahahaha...pero ang mga tao hinde pwedeng hinde maging tsismoso. Tulad ko, binlog ko pa nga eh! Hehehehehe....

Pero suuuupppeeeerrr...sabog yong dalawang yon!!! Kung ano-ano siguro ang tinira nila, ecstasy, shabu, marijuana, valiums, salvia, anti-histamine, paracetamol, stresstabs, bonamine, aspilet, rugby, acetone...sobrang lampas langit ang pagka-high eh!

Yong Pinay, she looks good pa naman. Pero gusto mo na lang siyang sabihan na..


Hey girl! Where's your Mom??? Does she know you're here f*k*ng in the club???

Hahaha...astig di'ba! Pero meron pang finale yan, if you think yon lang ang ginawa nila...well guys! No! After nila mag-sayaw ng lambada at mala-Careless Whisper dance, napagod na sila at umupo. Pero upong bahay haaaa! Nakataas na ang paa ng babae at nakapatong na sa hita ng kapreng Kano. May lalake ng nanonood sa harap nila, napagod na siguro kaka-usyoso habang naglalakad pabalik-balik sa harap nila, nag-stay na lang siya don at naki-usyoso. Nakakatawa!

But the two, they kept on doing what they're doing!

Sarap sabihan,
Hoooyyy!!! Mag-mot-mot na kayo! Potaaaa!!!

Hmmmmmm...ooooooooo!!! Anong iniisip niyo!? Kung ano yong iniisip niyo, yon na yon! Hahahahaha!

Ayoko na! Baka magmukhang XEREX na 'tong Blog ko pucha!


After a tiring night, with hardcore show on the side, umuwi na din kami. Bat empty na kami pare-pareho. Sobrang pagod, sobrang antok.

Ako sobrang sakit ng paa...dahil kahapon lang ako nagsuot ng high-heels ng halos 20 oras--straight!!! Parang hinde ko na maitungtong ang paa ko sa sahig.

Pero ok naman...sumaya naman ang gabi ko. :)

Wednesday, August 26, 2009

Morning surprise


I
t's Wednesday. A different day but I know same old crap's ahead of me.


I was a little angry bago pa lang ako pumasok. Something went wrong that made me feel it's not a good day and I'm not really in the mood for work or even going to the office. But still I got up, did my usual morning routine and went off to work.

Pagdating ng office, first things first, coffee and yosi. Then Facebook na syempre.

I saw something that made my day gloomier, as if the sun's already set as early as 7:00 am.

It's been 5 months, haven't seen my ex-boyfriend personally or even in pictures. Suddenly I saw him in a friend's album uploaded on Facebook.

"Para akong binuhusan ng tubig na may yelo. Chills, in a second, saddened me."

He's still the same, except that he's become bigger, siguro nagwo-work out. I don't know, I'm not sure, maybe not seeing a person that long makes you look at him differently. He looks happy. He's hanging out with his college friends.

He looks a lot better.


My eyes were teary, my heart beat went faster...but my senses went really really slow.

Again, for countless times, I felt numb.

It's not that I'm sad kase nakita ko masaya siya. Hinde ko alam why I felt sad. Maybe because ngayon ko lang ulet siya nakita. Ngayon ko lang ulet nakita yong ngite niya, na dati araw araw kong nakikita.

Siguro kase naisip ko sana kasama ko rin siya.


Pero tapos na 'yon.

The waters between us are blurry. And it has already passed. Our love was like a flowing water, it was once clear and full of life, then it moved rapidly out of control, making us realize, this water's already drifting us apart. Hanggang sa hinde na namin mahabol ang tubig na nag-uugnay sa'men noon...

...naagos na siya ng tuluyan, hinde na bumalik.


I'm facing a day na hinde ko alam paano matatapos nor paano sisimulan. Well, yes, I started it with writing how I feel. But will it change every second, minute and hours I still have to deal with? I don't know.

Minsan...ang isang bagay na nasira na...mahirap na talaga ma-solusyunan pa.

Parang ang araw ko ngayon.

At parang ang love namen noon.

Saturday, August 22, 2009

Stupid Cupid


Me cliche na tanong di ba, yung...

"What if the person you like won't like you back, will you still choose to like or even love him? "

May friend ako, tinanong ako ng ganyan, paano daw ang gagawin niya sa ganong sitwasyon? Sabi ko,

" Baket ba hinde ka niya pwedeng i-love? Or kahit like? Baket? TAKEN na ba siya?"

Sabi niya, "Cg, let's put it in the worst situation, YES, he is already TAKEN."

Hmmm...sabi ko, nakooww! Mahirap yan. E yun ngang mahalin mo yong isang tao na wala kang kaagaw, pero nagkukulang pa rin siya sa pagmamahal na binibigay niya sayo, MASAKIT na e, yon pa kayang magmahal ka ng taong me kaagaw ka at alam mong halos 1/4 or baka wala pa sa 1/4 ang pagmamahal at oras na maibibigay niya sayo...di'ba mas masakit yon?!

Sabi niya, "E kase nakakainis, ba't kase I learned to like him! Paano naman kase he's sweet, makulet, laging lumalapit, parang pag magkasama kami, parang wala siyang sabit."


Yon! Parang hinde taken...sana nga ganon, para mas makatotohanan ang happiness niya, kaso hinde...hinde yan parang commercial ng shampoo na "walang sabit!"

But why does this guy show so much affection to that girl kahit na he's already taken?

Does he like her too?

O baka naman he's just fond of flirting?

Or baka naman nami-miss niya lang ang kabataan niya?

Is he even aware of my friend's feelings?

Naisip niya ba na nagfa-fall na ang friend ko sa kanya?

Or it's just plain fun.

Haaaayy...funny how guys love to play with girl's emotions...and funny how they love boosting their huge ego. (Bias thoughts ba?)

Pero bilib din naman ako sa mga babaeng sumasabak sa ganitong laban, kahit na alam nilang talo sila sa lahat ng bagay, sa oras, sa attention, sa security at sa love.


Ang LOVE nila, parang loan or tindahan, "Love now, pay when able."

Pero paano nga 'yon?
Ang hirap sagutin. Ang hirap gawan ng solusyon pag andon ka na.
Paano mo aayawan ang isang bagay na nagpapa-ngiti sayo?
Paano mo iiwasan ang isang bagay na hinihintay mo sa buong araw na makita or makasama mo?
Paano mo tatapusin ang isang bagay na ni hinde mo man lang nakitang nagsimula?
At paano mo sasabihin sa sarili mo, "MASAYA NA KO NA KAIBIGAN NA LANG KITA"?

Sabi nga nila, "Nobody's perfect."

Not even Cupid.

Siguro may mga taong tinamaan ng pana ni Kupido, asintado!

Pero yung mga ganitong sitwasyon...malamang tipsy si Kupido no'n, nakainom kasama ang isa pang anghel, si San Mig Light.

May mga love story na nagiging winner ang ending.Winner dahil tama ang taong minahal nila.

May mga love story na nagiging OLATS ang ending (tulad ng aken). Olats dahil hinde tama ang ipilit ang love, kahit wala na.

At may mga love story naman na...walang kasiguraduhan ang ending. Walang kasiguraduhan dahil hinde mo sigurado paano kayo magkikita, paano kayo mag-uusap, paano kayo magiging kayo na parang hinde kayo...basta...parang EWAN lang.

Sabi ko sa kaibigan ko, "Kung masaya ka sa ginagawa mo, ikaw ang bahala. Pero sana handa ka din sa lahat ng bagay na kasama sa larong pinasok mo."

Kung saken naman mangyari yon, sasabihin ko sa sarili ko...

"Haaayyy...masasaktan ka na naman Chai."

Shuttle Stories 1


"Ayalaaaa! Ayalaaaa!!!"

Yan ang sigaw ng barker ng shuttle sa may amin every morning. Iba-ibang sasakyan na biyaheng Ayala sa umaga at Las Pinas naman sa gabi. Very convenient na rin kesa ang mag-bus o jeep pwera lang kung inabot ka ng malas dahil yong pinakamainet na shuttle ang nasakyan mo.

Madaming iba't ibang klase ng tao ang sumasakay sa shuttle, kahit na karamihan dyan kilala mo na sa mukha kase nga uma-umaga na lang eh sila ang kasakay mo, hinde nga lang lahat kabatian mo ng, "Oi! Late na tayo!" Minsan nga pag wala pang shuttle, 'yong mga magkakabatian ng "Hi!" ang lagi namang magkakasabay pag magta-taxi na lang kase nagmamadali sila. Kaya maganda ding maging friendly ka kahit ayaw mo, atleast me karamay ka sa pagta-taxi, kung suplada ka at ayaw mamansin sa umaga...naku! mabubuwiset ka lang kakahintay sa shuttle na super-tagal bumalik ng terminal...lalo kung late ka na ng 1 oras! Malamang sa malamang...magji-jeep ka na lang.

Anyway...almost 1 1/2 hours ang ginugugol ko sa loob ng shuttle na yon papasok at pauwi. Kaya di maiiwasan...me maitatawag na'ko sa mga kasakay ko don. Isa sa mga favorite kong kasakay ay si...

Miss Alarm Clock.

Nung una ko siyang makasabay, hinde ko akalain ganon siya matulog. Unang reaksyon ko talaga nong nakatulog na siya...NATAWA TALAGA AKO! Kahit antok na antok pa'ko sa shuttle no'n, nung nakita ko na tulog na siya, nakanganga, at ang leeg niya eh parang orasang umiikot na pa-clockwise/counter clockwise...di ko talaga napigilan humagikhik! Naisip ko, hinde niya ba nararamdaman na umiikot ang ulo niya? Ganon talaga siya kahimbing matulog?!! Tapos magigising na lang siya pag andon na siya sa bababaan niya. Sa totoo lang nga...para nga siyang ALARM CLOCK, kase ganon sia matulog tapos pag bababa na siya, parang me alarm sa katawan niya na gigising sa kanya...na parang walang nangyari. Yan si Ms. Alarm Clock.

(Sana sa kama hinde ganyan ang ulo niya pag natutulog noh! Kung ako makatabi niyan sa kama tapos umiikot pa din ulo, taena!!! Magfe-freak out talaga ako! Yaaayyy!!)

Meron naman minsan si Miss May I sleep on your shoulder. (haba!)

Nakakatuwa din 'tong si Miss May I eh, ang sarap good time-in kung napasobrang pasaway lang talaga ako. Ang drama kase nito, pagsakay pa lang ng shuttle, tulog na yan! Parang yong pagsakay lang sa shuttle ang oras niya para matulog...mistulang kama niya ang shuttle na yon! Tapos...di ko alam kung malas mo o swerte mo pag nakatabi mo siya. Tuwing makakaharap ko siya tapos makikita ko na yong makakatabi niya, hehehehe, isip-isip ko..."Yari ka!"

Pag pumikit na ang mata niya, mawawala na yong kaluluwa niya sa katawang tao niya sa sobrang sleeping like crazy nitong babaeng 'to! Hinde niya din alam na nagkakaroon siya ng instant UNAN.

Hala! Sandal sa balikat sa kanan, sa kaliwa!!! Minsan nga, kaharap ko sila, napapatawa na lang din ako kase yung katabi niya naiinis na kakasandal sa balikat niya (siguro mabigat :P), so umuurong na siya palabas don sa upuan, so si Ms. May I, pag bumabagsak na yong ulo niya, naiipit yong ulo niya sa likod ng katabi niya...nagigising na lang siya, may malaking likod sa mukha niya! HAHAHAHAHA!!! Bulaga!

Kung si Miss May I, patagilid ang bagsak ng ulo niya, meron namang mga bumabagsak ang ulo paharap at patalikod. Sila sila Miss/Mr. Manok at Miss/ Mr. Ouch! or Blue Sky.

Si Miss/ Mr. Manok. Sila yong mga taong kung matulog eh parang manok na tumutuka ng palay. Madami saten ang ganyan, kahit ako ganyan e. Normal lang naman yang ganyang mga gestures pag natutulog, minsan lang nadadagdagan ng kakwelahan. Kunwari may taong nakasalamin tapos tulog na tulog at biglang napatuka...kung saktong nakita mo siya na gumanon tapos nakita mo rin na biglang nahulog yong salamin niya sa sahig, mapapangisi ka na lang siguro.

Si Miss/Mr. Ouch o Blue Sky (tawag ni Grace) naman eh yong mga kasakay ko sa shuttle na pag tumilapon naman ang ulo nila eh, patalikod. Minsan nagaganito din ako...at minsan nakakahiya. Pag tahimik na tahimik sa shuttle tapos biglang me narinig kang "BOG!", si Ms./ Mr. Ouch yon! Tumama ang ulo sa salamin! Ouch! I'm sure patay malisya yan...tulog ulet...kunwari hinde nasaktan! Hahahahhaaa!!! Ganon din kase ako e.

(Ang Ms./Mr. Blue Sky, para yon sa nagji-jeep,kase pag tulog sila at nagising sila na nakabend na ang ulo nila sa likod sa labas ng bintana ng jeep, masasabi na lang nila, "Ay! Blue Sky!" Mahirap maging ganito sa jeep ha...baka paggising mo wala ka ng ulo! Hehehehe)

Meron naman akong nakakasakay na sobrang K*PAL talaga. Si Mr. K*ps.

Isa siya sa mga kasakay ko na hinde nakakatuwa. Kase mayabang at ungas ang isang katulad niya. Siya yong tipong, hinde pwedeng magshort-cut ang driver kesihodang mamatay kayo lahat sa gutom at maipit sa napakatagal na trapik, hinde niyo ko pwedeng pag-jeepin, kelangan ihatid ako ng driver dahil nagbayad ako pipti pesos!!!
Yon! Siya yon!!! Peste di'ba! Sarap itulak habang pababa ng pinto ng shuttle! Samantalang sabit lang naman siya dahil sa Paranaque sia bumababa, eh ang biyahe namen ay Las Pinas, pasalamat na nga lang siya at dumadaan ang shuttle don sa lugar niya. Pero kung traffic, umiiwas ang shuttle sa lugar nila, pero pwedeng isakay niya na lang ng jeep dahil malapit na lang naman. Yon eh kung me konting bait 'tong taong to...KASO WALA!

Nagagalit siya pag pinakikiusapan siya ng driver na mag-jeep na lang pabalik, malapit na lang naman at bibigyan siya ng pamasahe, ayaw niya! Wala daw siyang pakelam sa mahabang traffic na susuungin namen pabalik matapos siya ihatid, ang importante nagbayad siya kaya ihatid siya! TANGINA MO!!! MAG-TAXI KA!!! Hinayupak na'to! Haayyy!!! Kakahigh-blood pag yan ang kasakay ko e!

Marami pang mga iba't ibang characters ang makikilala niyo sa shuttle. Break muna tayo.

Meryenda muna mga friends! :)


Friday, August 21, 2009

And the Little Tokyo saga continues...

"Moshi moshi!"
Yeah right...we're turning Japanese again.
Kahapon, I really wanted to go out, have dinner and drink. Muntik na nga hinde matuloy e, buti na lang nairaos pa rin ang inuman. Hehehe, kung gusto talaga, gagawan ng paraan.
Anyway, sa Little Tokyo na naman kami napadpad kase gusto ng isa kong friend ng Japanese food so there's no other place to go but there. We tried another restaurant this time,
the OISHINBO.

Pag-upo pa lang namen ni Chao may lumapit nang waitress, makulit at maharot pero entertaining at approachable, si Christie. Actually mukhang siya lang ang hinde tatangaping japayuki ng mga Hapon don e, pero in fairness, mukhang siya naman ang pinakamaraming suki don kase nga ang daldal at ang kulet niya, palengkera pa! San ka nakakita, tinawag namen, ang sabi saken,

"Teka, wag kang magulo dyan, baka masaktan ka saken."

Hahahaha, taena...sabi ko,"Ahhh, o cg, hinde ko na lang 'to babayaran ha."

Biglang sabi niya, "Joke lang friend!"

Si Christie, ang waitress na pasaway!
Hahahaha o di ba friends na kami non ha! Pwedeng pwede siya sa mga comedy bars.

Kaya nakakatuwa kung siya ang magse-serve sa'yo. Si Christieng pasaway...isa sa mga reasons why we had a great night when we ate in that restaurant. Nakakatawa siyang serbidora. Hehehe...
Night out with Chao and Miles
Sa 3 restaurants na na-kainan na namen dito sa Li'l Tokyo, I think I would like this more. Mas masarap ang food, tama lang ang servings and prices. Medyo mahal nga lang ang beer, 75 bucks!

Here, we tried the SUKIYAKI. Na dati alam ko lang na Sukiyaki ay kanta. Nabasa ko kase sa isang blog, masarap daw ang Sukiyaki na natikman nila don sa Li'l Tokyo. :) So we tried it and hinde naman kami nagsisi, masarap nga! It's in a huge bowl, good for 3-4 persons. It's something sweet, salty, beefy and tofy. :)

We also had the house specialty, TEPPANYAKI. We had pork teppan, and yes, masarap din siya. :)

But Japanese food's not enough without the Sashimis, right? So we got tuna sashimi. Medyo mahal siya for 7 pieces. Buti na nga lang pasaway si Christie, dinagdagan niya kami ng isa pang slice so naging 8. Hehehe...kaso ang hirap i-divide sa tatlong tao, kaya nag-MAIBA WALANG SASHIMI-game pa kami...talo si Miles...kaya siya 2 slices lang, kami ni Chao, tig-3.

After the main course part, we tripped to have a dessert. It's something called Cream Asinimitsuutsuu...I don't know! Nyeta! Basta, it's a Vanilla ice cream with Japanese mongo and jellies. It's not good for sharing though, if you're more of an i-love-ice-cream person.

Pero hinde pa don natapos ang food tripping namen. Naku-curious kase si Chao sa SAKE or Japanese rice wine. Kaya kahit tipsy na sa beers, hala!

"Psssttt!!! Christie, kukuha kami ng SAKE! Anong masarap?"

Christie: "Hot Sake!"

"OK...haaaahhh...hot?! Hot na alak?!?! Amp!"

Haayyy, wala din choice, sige! Go pa din! Isip-isip ko...mainet na alak?! Shet! Pero ok lang, later on, curiosity will be satisfied, sabi nga ni Miles.

Pagdating ng Sake, 4 na maliliit na baso, at maliit na bote.


Wooow! Parang yong mga napapanood ko sa movies na Chinese pag me nag-iinuman or sa movies ni Jackie Chan dati, yong pag-ininom niya, iikot-ikot na siya at magtutumba tumbang lasing na parang baliw pero makikipag-kung fu pa! Drunken Master kumbaga! Yon!

Aaaaatttt!!! Mainet nga! Nampota! Imaginin mo ang Grand Mang mainet! (Grand Matador) Or Gin na binilad sa araw.

Anak ng San Mig Light! Pano ba 'to iinumin!?!


Sinimulan na ni Chao, namawis ang puta! Hahahaha!!! Natawa ako! Hmm...sabi ko sige, game na, ako na din! Pag-inom ko...

"WOOOOOHHHHHH!!! whoooooooohhhh!!! Shet!"

Mainet! Nakakapawis nga! Swabe naman ang hagod sa lalamunan. Parang Gin, kontian mo lang ang inet sa esophagus. May sipa din, pero medyo malumanay. Pero mas gugustuhin ko na siguro mag-Tequilla na lang! Ayoko na ulet nito! Haayyyy!!!

Pero syempre, sayang ang 300 kung hinde uubusin, panindigan na lang ang pagiging lasinggera!
Isang tagay para kay Grace! :)

Pagtapos ng gabi...hati-hati na sa bayad, ok lang kahit mabigat, masarap naman lahat ng kinain namen at nalaman namen na hinde pala nkakatuwa inumin ang Sake (para saken lang yan ha).
:)

Pahinga...sa wakas!


Ang sarap! Long weekend!

Minsan lang sa buhay ko ang ma-excite sa pagpasok. Isa ang araw na'to don. Kase Huwebes ngayon, at hinde tulad ng ibang linggo, today is the last day of the week. Dahil...........

WALANG PASOK BUKAS!!!

Shet! Alavet!

Pag kase walang pasok ang Friday, parang ang saya saya, parang ang haba ng pahinga, parang ang sarap mabuhay! Di'ba?!

Kahit na wala ka naman pupuntahang lugar sa weekend or kahit maglalaba ka lang naman ng mga damit niyo sa bahay at manonood ng Wowowee o mga pirated DVDs, OK lang!!! Basta long weekend...walang problema. Basta madagdagan lang ang Sabado at Linggong pahinga.

Ako, ano bang plano ko ngayong long weekend?

Naku! Ang dami!

Una, matulog ng lampas 10-12 hours, yung tipong nahihilo na'ko pagbangon ko sa sobrang kalasingan sa tulog.

Second, uminom! Syempre naman, mawawala ba yan?! Long weekend ba??? Mahaba-habang inuman yan!

Third, magsulat dito sa blog ko ng kung anu-ano pang kalechehan ko sa buhay.

Fourth, Facebook syempre!

Pang-lima, uhhhmmm...bumili ng shirts sa People are people. Ooooo!!! Hinde ako aabutin ng sampung libo promise!!!!

Anim, magpa-ligo ng aso.

Pito, manood ng buong linggong episodes ng Boys Over Flower sa youtube.com.

At maraming pang iba na masarap gawin habang bakasyon at malayo ako sa mga trabahong sinasampal sa mukha ko araw-araw. Kung sana baliktad na lang ang pasok ng tao sa opisina, weekdays ang weekend, at weekend ang weekdays. Parang ang tamad tamad naman naten non! Hehehe...

Tonight, I had dinner/drink with Chao and Miles. As usual sa Little Tokyo, sa ibang restaurant naman. Parang ayaw namen masyado ang lugar na'to noh...parang puro Little Tokyo na ang laman ng blog ko e. But in fairness sa restau na kinainan namen...super sarap, better ito compare sa mga una nameng kinainan. Bukas, ikukuwento ko ang dinner namen at mga pics!

Ngayon, magtu-2 am na...Friday na. Mababawasan na ng isa ang 3-day weekend. Kelangan simulan na ang mga plans. Una don...ang matulog. :)

Sia! Sia! Pumipikit na mga mata ko...Di ko na alam sinusulat kiglahrw9hr3hn;;eda,,.

Sunday, August 16, 2009

2 HOURS=10K shopping spree!

11:30 am...as usual kakabangon ko lang.

Patimpla agad ng kape sabay yosi. Kumukulo na ang tiyan ko...obviously, coz it's already time for lunch. Ok, so I had my lunch...sinangag, ginisang mongo (a repeat performance of friday's favorite ulam) and longganisang lucban with suka! Yummy! Solb! No mor lonli rice!(Ika sa isang commercial)

Ayon...after having lunch, while slouching in the sofa, I thought,

"Ang boring ah!"

Palibhasa kase hinde ko sinimulan ang Saturday ko na bubuksan ko agad ang computer para mag-Facebook at mag-blog.

My day today was somewhat...different.

Hinde ko din trip ang uminom ngayon, kakaiba talaga! But there's one thing I'm sure I won't refuse to do today...ang mag-shopping!

So I went to the mall together with my couz. Pagpasok pa lang, palinga-linga, patingen-tingen kung saan unang magandang pumasok. Nakita ko agad ang Calliope, Everything at P699! Wow! Pasok agad syempre...asus! mga lumang collection na pala ang mga mura so deadma na lang kahit bagsak-presyo. Next stop was at MANGO, good! SALE pa din! I saw a nice black pair of jeans, it was cut half its original price so I decided to grab it. Pero naalala ko, wala pa pala akong pera, withdraw muna tayo! :)

After recharging my wallet, we went straight to Mango, bought the jeans and went upstairs for more fitting and shopping. Hinde ko na namalayan na nakabili na pala ako ng bagong watch sa Aldo, ng dalawang bags, ng scarf, ng belts at ng bago na namang shoes! Hinde ko na din namalayan na sa dalawang oras namen ng pag-iikot sa mall na yon...naubos na pala ang winithdraw kong SAMPUNG LIBO!

Holy Mother of Zara!! What happened?!

Hinde pa don yon natapos, I forgot na kakain pa pala kami, so I have to withdraw again for the food and ofcourse for the take-out pasalubong. Natapos ang gabi na ang dami naming dalang paper bags ng kasama ko habang naglalakad at iniisip kung gaano kalaki ang nagastos ko!

Shet! This calls for budget meal!
Nasabi ko na lang, "Last shopping galore ko na'to! Promise!!!!!"

But for me, it's all worth it, at least I had fun! I'm happy with what I bought. Besides, nawala din kahit papaano ang boredom sa utak ko at ang depression na sumasapi saken lately. :)

Hayy, ang mahal ma-depress! Tsk! tsk!

Wednesday, August 12, 2009

Katangahan strikes again!


H
aggard ang buong araw ko ngayon...sobrang inet ng sikat ng araw, late pa ako dumating sa pre-prod meeting, sobrang saket ng likod ko at bumalik ang isang trabahong ayoko ng gawin. Haaayyy...ambigat na ng katawan ko, gustong gusto ko na umuwi. Pero hinde ko akalain me mas magpapahaggard pa pala saken bago matapos ang araw.

Ibang klase nga naman ang buhay noh! Kahapon lang parang wala ng bukas kung humalakhak ako sa saya, sobrang sayang saya ako sa galak! (exag na noh! pero kase talagang ang saya ko kahapon e!) Biglang ngayon, hinde ko akalain...luluwa ang mata ko sa sobrang lungkot. At lalong hinde ko akalaing...masasaktan pa rin pala'ko. Haaayyy..tanginang yan o!

BAKET BA KASEEEE!!!

Okei! Ganito kase yon. Nasa pila na'ko ng shuttle, sobrang haba ng pila at sobrang pawis na ang kili-kili ko. Hinde ko alam baket ko ba kase tinawagan ang kebigan ko nung college, na common friend namen ng, eheeemm...ex-bf ko. E kase naman itong taong to, nun isang linggo sabi niya tatawagan niya ko para uminom, tapos hinde na ko tinawagan ulet. Hinde ko naman akalain na ang pagiging talamak ko sa inuman e magiging dahilan para masira ng tuluyan ang araw ko! Ayun nga, I just asked her, "O ano na neh! Kala ko ba may session tayo!?" Sabi niya lang wala pa siyang time ngayon...so, ok!

Akala ko hanggang don lang usapan namen kase wala naman pala akong mapapalang inuman sa kanya...e ang kaso humabol pa ang hitad...

"Oi, Chai, kayo ba ulet ni "ex"?
"Baket? Hinde na!"
"Owss, di nga! E kc me kinuwento si "common friend" naten..."

Sabay biglang..."tooottt..tooot...tooott..."

Tangina! Wala na'kong load! Shet! Ano yoonnn??!! Hinde pwede 'to kelangan ko malaman, parang kinakabahan ako eeeee...Haaayy..text! text!

"Oi! Kaw tumawag saken, wala na'kong load! Bilis!!!!"

Tsk! Tagaalll!!!..........Ay! Ayan na!

"O ano ba yuuunnn?!?!" ganon talaga agad ang bungad ko sa kanya!

So after niya ko murahin kase wala na akong load kinuwento na niya, parang b-day daw noon ng dati nameng classmate na classmate din ni "ex"...nagg-get together daw sila. Hmmm...medyo naku-curious na'ko ha, at nanginginig na ang boses ko, ang heartbeat ko, parang mas mabilis pang makakarating sa mga shuttle sa terminal kung naging van lang 'to! I'm sure!

"Talaga? So anong meron doooooon?!?!!?!?", sabi ko.

"Meron daw tawag ng tawag ke "ex" nung night na yon, babae. Inaasar nga nila kase sabi ikaw naman ata yon, hinde pa naman ata kayo hiwalay talaga," sabi ni friend. Napataas ang kilay ko sabay hingang malalim, "Ahh talagaaaaaa???? Hhhmm hinde yata ako yon..."

"Nyee...sino yon?"
"Baka ate niya..." sabi ko.

Yayks!!! Yon ang nasabi ko, hahahaha! tangina! Ate?! Super call??? Di siguro!

Hinde ko namalayan na sumasakay na pala ako ng shuttle, nakaupo na at nakikipagkiskisan ng malagkit na siko sa katabi ko. Pero deadma lang! Parang nage-echo saken yung mga kinuwento ng friend ko. Hinde ako yon tumawag na yon. IBA YON...IBA NA YON.

Mahaba pa ang naging usapan namen, sabi ng friend ko aalamin pa daw niya ang ibang details kase mukhang palagi silang nagkikita-kita lately...makikisagap daw siya ng juicy chika. Sabi ko lang, cg, salamat.

Before the call ended, she told me, "O, BAKA MAGPAKAMATAY KA NA NAMAN SA NALAMAN MO HA."
Sabi ko, "Sus! Hinde noh!"

Pagkababa...para na nga akong zombie, walang naririnig, walang nararamdaman kahit na sobrang inet sa shuttle, wala akong ibang naiisip, kundi...

ITO ANG KINATATAKUTAN KONG MALAMAN, MAY GF NA BA SIA? GANON KABILIS?

Hinde ko alam mararamdaman ko, para akong natataeng hinde ko maintindihan, lalong nanakit ang likod ko, bumigat ang ulo ko.
Ang dibdib ko parang gustong sumabog...ang mga mata ko...ang hapdi! Hirap na hirap pigilan ang luha! Shet! Not again!!!

Haayyy...ang haba na nitong sinusulat ko...isa lang naman ang patutunguhan, isa lang naman ang gustong tumbukin e.

AFFECTED AKO. OO! AT NAKAKAINIS DAHIL NAIIYAK PA RIN AKO!

I hate putting myself in this misery again, pagod na'ko dito e, sobra. Pero baket ganon? Para akong di makabitaw, yong totoong toong bitaw! Ewan ko ba...sabi ng isang friend, deadma lang! Sana nga ganon lang kadaling deadmahin. Sana nga pwedeng magtanggal ng memories sa utak...kung pwede lang ganon, yong memories kumbaket kami nasira ang una kong tatanggalin...kase habang andon ang memories na yon...lagi akong magtatanong, lagi akong masasaktan at lagi akong may regrets. Haayyy...sana pagtapos maghiwalay, hiwalay na talaga noh, wala ng saket...wala ng iyakan pa. Baket kase ako na nga ang hiniwalayan, ako pa rin yong nasasaktan. Ang unfair naman saken diba. Alam ko naman yon e pero baket pinipili ko pa ring maging ganon.

TANGA NGA KASE TALAGA AKO!

Haayyy...mabuti pang itulog na lang 'to!

Wala din naman mangyayari. Wala din naman maibabalik. Isa lang naman ang hinde mababago...ang pagiging tanga ko. :(


Monday, August 10, 2009

What a Graceful night...


Peeeeepppssss!!!


Yan ang tawagan namen ng bff kong si Grace. Nasa Dubai na siya, kaya medyo madalang kaming mag-abot sa yahoo messenger para magchat (4 hours ang time difference between Dubai and Manila, advance tayo ng apat na oras). Tuwing magpa-pop out ang window ng YM ko na me pangalan niya, yan ang una kong makikita...PEPS!!!

Si Grace ang naging super friend ko nung nasa Bluebottle pa'ko. Nung una hinde ko trip yang babaeng yan...di ko feel ang aura niya. Pero nung nalaman ko na nagyoyow din sia...sabi ko aahhh...magkakasundo din pala kami nito. After our first yosi together...that was also the time when that girl became one of my most treasured friends. Lagi kaming magkadikit, sa pagkain, pag-uwi, pagwiwithdraw, pago-o.t., at maniniwala ba kayo...kahit sa pag-jebs...magkasabay kaming dalawa, nagtatanungan pa kung ano? mabaho ba??? Hahahaha! Ganon kadikit ang bituka namen ni Grace. Pero may mga times din naman na hinde maiiwasan na magkatampuhan din kami. We have the same birth signs, kaya pareho kami ng characteristics, ma-pride, matalas magsalita at parehong prangka, sasabihin namen sa isa't isa kung naiinis kami...but I think being in the same sign, also made us compatible, our personalites are very much alike,

"parang the other person is the perfect counterpart of the other
."

Minsan nga, hinde ko na kailangan magsalita, alam na niya ang iniisip ko. Hinde na din namen kailangan mag-isip, minsan pareho kami, alam na namen kung anong gagawin or saan kami pupunta...we are so connected.

Sample:
Chai: "Grace! Ayoko pa umuwi, tambay muna tayo."
Grace: "Cg, tara...kung saan tayo dalhin ng paa naten."

Hanggang makikita mo na lang kami nasa Mcdo, o nasa labas ng Greenbelt, Coffeebean o kahit nasa labas ng 7-11, nagsusuba.

Sobrang si Grace ang naging takbuhan ko nung mga panahon na lunod na lunod ako sa kalungkutan at katangahan. Siya ang mistulang stress-depression-absorber ko, isa sa mga pain-relievers ko, at avid-fan ko pag nagsimula na 'kong umiyak, tumawa at umiyak-tumawa ng sabay. Si Grace din ang naging pari ko na laging nagre-remind ng mga pangaral ng Diyos, teacher na laging nagtuturo kung ano ang tama at mali, at siya rin ang rallyistang tao sa buhay ko na lagi na lang nagpo-protesta tuwing me gagawin na naman akong katangahan sa buhay.

But you know, Grace have been a very bright light in my life. She was there when I can't see anything, not even myself. She never left me when I was strayed in the dark.

Pero ngayon wala na siya...iniwan na niya ko...huhuhuhu...baket Grace!!!!!!
Sabi ko naman sayo huwag kang gigive up e!!! Sabi ko wag kang iinom ng lason e!

JOKE! Hehehehehe...:P

Serious na...

Mag-i-isang buwan na na nasa Dubai si Grace, sa YM na lang kami nagkakausap, minsan sa Facebook. Pero hinde pa din namen nakakalimutan kumustahin ang isa't isa. Lagi pa din namen pinaguusapan ang mga bagay na nakasanayan na namen gawin dito. Kahit minsan paulit-ulit-ulit-uliiiiittttt na lang na pinaguusapan...hinde nakakasawa! Kase masaya talaga alalahanin ang mga oras na magkasama kami. Kung tutuusin, mas matagal pa kami nagkasama ni Grace kesa sa asawa niya. Hehehehee...kaya yung asawa niya nagtatanong tuloy...

"Sino ba ka-relasyon mo? Ako o si Chai?"


Hahahahahaha...hinde kami lesbians ni Grace...wala lang kaming magagawa, mas naging matagal kaming magkasama kesa sa kanilang dalawa ng asawa niya e. :D

Kanina, magkausap na naman kaming dalawa...parang walang kasawaan...parang hinde nauubusan ng kuwento. Pero sabagay, me juicy naman akong chinika sa kanya kanina e. Kaso nagngingitngit sa inis ang puta! Hahahahaha! Ganyan kaming dalawa...anything under the sun...pag-uusapan at pag-tsitsismisan.

Miss na miss ko na ang Grace na yan! Sana...matapos na ang isang taon...para magkita kami ulet. :)

Grace...sabi sa psych test...YOU ARE MY TWIN SOUL.

Love you!


Sunday, August 09, 2009

I need a drink...again!


W
oooww!!! Saket ng ulo ko! Hang oveeerrrr!!!

Facebook Status: hang over na naman...

Comment ng isang friend: Lasing ka na naman.

Syempre! Lango na naman ako kagabi, me bago ba don? Haayyy, kaya ngayon sakit ng ulo ko. El Hombre Tequilla, ayos! Di pa nasiyahan pagtapos ng tequilla, inubos na din namen ang natirang The Bar nung huli nameng session. Barbeque, dried mangoes at pochi ang pulutan (thanx to Miles!). Solb na solb!

Hinde ko alam baket gustong gusto ko uminom. Yong iba nga diyan, ni hinde makaubos ng isang bote ng beer! Ako, pag lalong nalalasing, lalong naghahanap ng iinumin. Hinde naman ako alcoholic nyan no? I don't know why I loved the feeling of getting drunk pero pag nagsusuka na'ko at hinde na makagulapay sa sobrang kalasingan...and when sobering up is so hard cause of a bad bad hang over...

SINUSUMPA KONG HINDE NA KO IINOM ULET
!!!!!

Pero hinde ko naman napapanindigan yon kase tiyak yan, after a few weeks, NOMO TIME na naman.

Baket daw ba kelangan ko uminom para maging masaya? Sa totoo lang, very shallow and absurd, pero pag umiinom ako, parang keberrr sa lahat ng problema ko sa buhay, parang wala akong pakealam sa mangyayari bukas, parang kering-keri ko ang gaan ng buhay kahit na pabigat ng pabigat naman ang ulo at katawan ko everytime na tatagay na ko. Sabi nga sa isang quote, "One reason I don't drink is that I want to know when I'm having a good time.
" Well, saken naman, "Drinking is equals to having a good time.Whether you know it or you don't, still it's fun!"

I'm not a self-proclaimed Alcoholic kase hinde ko naman nakikita ang sarili ko na kaya kong uminom ng alcohol araw-araw. Siguro 3 or 4 days na sunud-sunod na araw na inuman pa lang ang nakaya ko. Parang kahit pawis ko, amoy alak na ata. Hahaha...imaginin mo ako pag katabi mo tapos amoy lambanog ako...kadiri!!!

Dati naging karamay ko ang alak, nong time na sobrang down ako, sobrang depressed. Totoo, kapag uminom ako nakakalimutan ko ang problema ko, ang lungkot, ang sakit...pero lahat yon pansamantala lang. Wala naman talagang sakit na natanggal ang San Mig Light e, o wala namang problemang nasolve ang lambanog o
Carlo Rossi, at lalong wala namang hapding napawi ang tequilla o Red Horse. Masaya lang sila lahat inumin, masaya lang lahat ang feeling pag senglot na at hinde mo na alam ang ginagawa at sinasabi mo...pero pagtapos ng lahat...lugmok pa rin ako sa sakit at depression na kinalalagyan ko bago pa man ako nalasing.

Pero hoy!!! Tapos na ko don! Hinde na pain reliever ang tingen ko sa alak ngayon...kase wala na namang pain na ire-relieve e. Hinde na gamot ang alak ngayon saken...it's just simply a drink. At masaya ako kase nakainom na naman ako kagabi pero naiinis dahil ang saket pa din sa ulo...haaayyy...I think I need some ice!


Friday, August 07, 2009

To treat or not to eat?


Yaaaaawwwnnnn!!! (alas-onse na, kakabangon ko lang sa kama)

Hayyy, oo kakagising ko lang, puro muta pa. Pero heto, derecho sa computer para mag-check ng facebook at magsulat ng blog. Walang suklay-suklay, mumog-mumog at hila-hilamos! Game agad! Di bale wala naman akong katabi dito e, walang mangengealam kung ganito pa itsura ko.

I was happy to see na binabasa nga ng friend ko 'tong blog ko, she was the primary reason kumbaket ako nag-blog, she inspired me. I don't want her to feel lonely in Australia din, through my blog, puwede niyang ma-feel na parang malapit lang din siya dito samen sa Pinas.

Anyway, last night...'twas a fun night. Finally I was able to satisfy my cravings for Chili's' buffalo wings and steak again. Matagal-tagal na din since nung last kain ko don, andito pa ang bff kong si Grace.
Sobrang na-miss ko kase ang pagfo-food trip nameng dalawa. Since she left for Dubai, wala na akong makayag na kumain sa Chili's or kahit sa mga madalas namen kainan sa Greenbelt tulad ng Pancake House, Coffeebean, o Via Mare. Wala na rin akong makasama sa mga lugar na lagi nameng tinatambayan tulad ng sa gilid ng Rustan's Supermarket, labas ng 7-11 o Mcdo. Sa mga lugar na wala kaming gagawin kundi magkuwentuhan, magmurahan, kumain, uminom at pagkatapos ay magyosi. Namiss ko na tuloy ang lagi nameng nakakasabay na matandang lalake pag kumakain kami sa Mcdo...ang tigas ng ulo non! Me TB na, panay pa rin ang tambay sa Smoking Area! Grabe pa naman umubo yon! Parang lalabas na lahat ng laman loob niya sa isang ubuhan lang! Hinde namen maintindihan, baket lagi siyang tumatambay sa smoking area kahit na alam niyang mauusukan siya don. Tapos nagagalit siya pag me nagyoyosi, pinapagpag ang mga usok...grrrrrrr....ang sarap sapukin! Hahahaha...pero nakakamiss din pala ang mga ganong eksena. :)

Well, back to Chili's, syempre we had our favorites, the Triple Play (a mixture of their buffalo wings, chicken crispers and spring rolls), Grilled Steak with their yummy mashed potato topped with tasty garlic sauce and Buffalo Chicken Fajitas. At syempre hinde mawawala ang beer! Hayyy...heaven!


Triple Play, yummy!

Grilled Steak

By the way, I was with Yeng and Tweet. Siguro masaya sila kase...LIBRE sila! Ako naman daw kase ang nag-invite! Do I have a choice, lady's choice?! Haaayyy!!! Grace! Diba tayo...mas madalas share?! Lalo tuloy kita na-miss!

Hahahaha...keri lang, sumaya naman ako. :D


*Photos are not mine, kinuha ko lang sa Google...hehehe but those are the real thing naman!

Gusto ko ba maging artist?


N
ung bata ako, dream ko maging Scientist...promise! Kase may Science Library kami noon sa bahay e, lagi kong ginagawa yong mga experiments sa book. Tuwang tuwa ako sa heavenly bodies, sa mga kakarampot na atoms na bumubuo ng molecules na bumubuo ng matter. Aliw na aliw ako sa mga experiments involving lights, colors, energy, friction, etc. Bilib na bilib ako noon ke Aristotle, Galileo Galilei, Isaac Newton, Alexander Grahambell at kung sino-sino pang taong lintek ang talino sa utak para makaimbento ng mga bagay bagay na kapakipakinabang sa buhay nateng lahat ngaun. Shet di ba! Haayyy!!! Baket ba hinde ako naging kasing henyo ng mga ito?!

Anyway, yon nga, sobrang pinangarap ko rin magkaroon ng Nobel Prize, hahahahaha! Well, hinde ko naman akalain na ibang imbentor pala ang kakabagsakan ko. Nung narerealize ko na,

"Ay! Ang hirap pala ng Science!"

Sa Chemistry, pasang-awa!! Pa'no ba 'tong mga elements na 'to!? Sa Physics, shet! Bumagsak ako dyan, muntik na 'kong hinde maka-graduate.

Then, I accepted, I'm not meant to be a scientist...for the simple reason that science doesn't like me.

Pero may isang subject na tanggap na tanggap ako, besides sa Christian Living at HELE, ang MAPE or Music, Arts and PE, lalo na sa ARTS. Wag ka! Lagi akong nakakasali sa poster-making contest, sa essay-writing (ewan ko nga ba!) at nananalo naman ako kahit paano. That time, nasabi ko sa sarili ko, hinde pala ako imbentor ng mga bagay bagay na magagamit, imbentor ako ng bagay na makikita. Imbentor ako ng mga drawings na makikita namen sa corridor na naka-post, or sa mga canvass na naka-display ngayon sa bahay namen, o sa mga brochure, newspaper, o magazine o billboards na makikita mo kung saan-saan.

I might not have invented the best equation or principle that will make a difference in every human's life, but I know I've invented ideas and designs that made a difference in a client or a boss' life.

Will you still love me tomorrow...


Y
eah right...I'm going emo here. Just listening to Amy Winehouse's version of
"Will you still love me tomorrow?" Awww...sweet but sad isn't it? Siguro isa yan sa pinaka-nakakatakot na tanong na puwedeng sagutin ng taong mahal mo. What will he/she answer you? Yes? No? Maybe? We can't tell.

One time I asked a person that same question. He answered...yes. But one day he just said...we can't work it out anymore. We have to part.

So where's the love he said? Did it just fade after sunrise? Baket wala nang love ngayon? Bukas? Sa isang araw, buwan, taon...kahit kelan.

Will he still love me tomorrow???

I guess not.


Thursday, August 06, 2009

Little Tokyo

I wanna share with you a place na medyo nagiging favorite namen kainan coz of their authentic Japanese food and ambiance, and it will somehow transport you into a city in the Land of the Rising Sun. Twice pa lang akong kumakain dito with my friends, and fortunately lahat naman ng kain ko doon ay LIBRE! :) I think you've already heard so much about the place...it's Makati's Little Tokyo.

Little Tokyo is a small compound with various Japanese restaurants located in Pasong Tamo, Makati, near Makati Cinema Square (well you can also visit MCS for new DVDs). Actually matagal na 'tong pinupuntahan ng mga officemates ko before, pero hinde pa ako nakasama, so ngayon ko lang siya na-experience. Pag pumasok ka sa alley doon, meron pang mga restaurants sa loob ng compound, doon kami pumupunta. The first restaurant we tried was Kagura.


The Kagura restaurant

It's not so pricey, hinde masakit sa bulsa, at ang maganda pa dito, their food are good for sharing, hinde katiting para sa 200+ na price. Pati ang beer, hinde over-priced. Yon nga lang maliit lang ang place nila sa loob so ang hirap pag dine-in, konti lang ang kanilang Japanese table. Nasa labas lang kami, pero ok lang, I bet, me nangangamoy na paa naman sa loob. :) Atsaka smoking area please! :)


Yeah! I love it...lalo na pag me beer! yum yum!:)


This is their crispy chicken something, don't know what it's called in Japanese. :) But it's quite ok.


Here, you'll find the real takoyaki (octopus dumpling)! With real octopus bits! :)


Their famous Okonomiyaki (A Japanese pancake, maraming laman sa loob, may seafoods, bacon, noodles etc.)

Malou wanting a piece of Okonomiyaki. :)

By the way, it was Chao's bday and this was her treat! Thanx!

The next one was Nodasho, it's in front of Kagura. :) But this one, unlike Kagura, medyo mahal ang food and very small ang servings, pang-isahan lang. Nevertheless, the food's more Japanese here, mas maraming sushi, sashimi and all those raw Japanese dishes, at mas masarap. Mas malaki ang restaurant nila so mas maraming Hapon sa loob...but then again, smoking area please! :) Here we tried, ramen, sashimi, makis, rice bowls and their yakisoba. Gosh, they all tasted really good! And ofcourse, beer!


With my Bluebottle and Picket officemates

Subsob si Chao a, bumabawi! hahahaha :P

Bluebottle peeps!

B-day girl Tweet with Teng. Thanx Tweety! Muah!

Pose lang

With Tweety bird...apparently, I'm slightly tipsy. :)

So that's it! A little Japanese treat in the South. One thing I wanna see there...cherry blossoms! :) hehehe...

Wednesday, August 05, 2009

Tie a yellow ribbon round the ole oak tree...


Today marked one of the most memorable funeral ceremony and procession in Philippine's history. Today, former President Corazon Aquino was laid to her final rest. Though heavy rains poured all over Manila, it didn't fail almost 500,000 people to gather and pay their last respect to whom they called "Mother of Philippine Democracy." Sobrang dami ng tao, ngayon lang ako nakakita ng funeral convoy na ganon kadami ang dumalo, hinde lang para maki-usyoso or mang-snatch ng wallet ng mga tao don or manantsing sa mga babaeng walang kamalay-malay...hinde lahat yon mga taong mananamantala, kundi mga taong nandoon para makiramay, sumaludo at magbigay pugay sa isang taong naging mahalaga sa ating bansa at sa kanilang buhay.

Yellow flooded the whole city, dahil yon ang naging kulay na simbolo ng pakikipaglaban ng Pilipinas noong pagkatapos mamatay ni Ninoy at mahalal si Cory as president. Kahit saan, me yellow ribbon, me nakasuot ng dilaw na shirts, me posters na may mukha ni Cory na may nakasulat na " CORY HINDE KA NAG-IISA!", at sa lahat ng sulok ng kalsada hinde mawawalan ng yellow pages na ginawang confetti (kawawang mga MMDA). Today is indeed, yellow day!

Wala pa akong kamalay-malay sa nangyari noon kay Ninoy, 3 years old pa lang ata ako non. Hinde ko din alam ang nangyari sa People Power 1 nung 1986, puwera lang sa mga history books and news. Pero ngayon, looking at Cory's funeral cortege and seeing how she was loved by so many people, I think I've already had a glimpse of what happened that time, nung mga panahon na gustong gustong kumawala ng mga tao. Perhaps, hinde ito kasing dami noon, kung kinikilabutan na ako sa mga nakita ko ngayon, siguro mas nakapangingilabot ang pagkakaisa ng mga tao noong panahon ni Ninoy at ng People Power 1. I never thought a woman could ever make a big difference in our history.

Hinde ko masasabing makabayan ako, hinde ko din masasabing sobrang mahal ko ang pagiging Pilipino, dahil minsan naiisip ko, sana kasing ganda ko at sexy si Charlize Theron or mga models ng Victoria Secret. Hinde ko din masasabing napaka-patriotic ko kase hinde ako masyadong nanonood nga pelikula or dulang Tagalog at mas gusto ko pa ang mga kanta ni Beyonce, Akon at Lady Gaga. At hinde ko din masasabing mahal ko ang Pilipinas ng sobra, dahil hinde ako bumoboto dahil wala naman akong tiwala sa botohan dito sa Pilipinas. So paano ko ba masasabing masarap maging Pinoy? Na isa akong tunay na Pinoy, na mahal ko ang bayan ko at ang pagiging anak nito. Is being a Filipino enough for me to say I'm proud to be a Filipino? Hanggang saan ba nasusukat ang pagiging makabayan at pagmamahal mo sa lupang tinubuan? Ang lalim no? Tama na ba yan pagiging malalim para sabihin mong sinasabuhay mo ang sinabi ni Gat. Jose Rizal, "Ang 'di magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda." Baket ba nasabi ni Cory na,"Filipinos are worth dying for"? Sa totoo lang, hinde ko din alam ang sagot, dahil sa puso ko, hinde ko din alam na masarap palang maging Pilipino. Ang alam ko lang kase masarap mabuhay, masarap magmahal, masarap tumulong at masarap maging mabuti sa kapwa, hinde kelangan Pinoy ka, Hapon, Amerikano, German o kahit saang planeta ka man galing...ang importante, marunong kang makipagkapwa-tao, marunong kang makisama at marunong kang magpakumbaba.


Sabi nga ni Cory, "I would rather die a meaningful death than to live a meaningless life." What's important is how you lived your life, no matter what you are, Pinoy man o hinde, kung si Cory man ay Pilipino or kahit anong nationality niya pa, kung ginawa niya ang mga ginawa niya noon dahil yon ang nararapat at hinde lang dahil nasa Pilipinas siya kundi dahil isa siyang mabuting tao, mamahalin pa rin siya ng kanyang mga kababayan...at kaya niya pa rin sabihin, "Thank you God for making me a Filipino (or Chinese, Malaysian, American or Mexican)."



Saturday, August 01, 2009

Isang taon na pala


L
ast year, July din noon, we had one of our saddest times. Our Tatay passed away. Ngayon, ambilis ng panah
on, isang taon na pala siyang nasa piling ni Lord. I can still recall nong time na malagutan siya ng hininga, I was holding him, that day, I wished I could have done something. Hinde kami makapaniwala non kase it was so fast, parang yesterday lang he was still there, then the next day he's gone. I missed Tatay, napaka-cool niya, palabiro, palatawa kahit isa na lang ang ngipen nya sa harap :)... at sobrang sarap magluto. Naaalala ko tuloy ang tinuto niya (our version of LAING), sooobrang yummy!

Losing someone so dear is so hard to bear...especially if he's someone you look up to, someone na minahal mo ng mahabang panahon. But come to think of it, isa lang akong apo...nakakalungkot na para saken...paano pa ang lungkot na nararamdaman ng isang asawa. Si Nanay, alam namen kahit iniwan na siya ni Tatay, hinde niya nakakalimutan kausapin ang asawa niya, kahit sa panaginip, alam namen nagkikita sila. We often hear her call his name,
"Tatay, tatay, hintayin mo naman ko..."

Nung time na may saket ang Nanay, si Tatay ang nag-alaga sa kanya, (Nanay has Parkinson's disease, so she can hardly walk, move and do things a normal person can do, besides that, she got other complications). Tatay was her nurse all those times. We never even thought na me saket na pala ang Tatay, hinde siya nagsasabi. He just kept it to himself...so as to stay strong for Nanay. Perhaps that's how much he loved him, hinde na baleng nahihirapan siya, basta't naalagaan niya ang kanyang asawa. When Tatay was in the hospital, he kept asking about Nanay, he even wanted his sons to go home to look after Nanay and don't mind him. That's how selfless Tatay was.

A day before Tatay died, Nanay woke up looking for him..sabi niya,
"Asan na si Tatay, asan na 'yong pagkain na inaabot niya kanina. Andito na siya e, pinapakain na ako." No one answered, we felt goosebumps hoping that what she said was not some kind of a premonition. Then we just told her, "Nananaginip ka lang Nay." That time, Tatay was lying in the hospital bed, weak, exhausted...patuloy na lumalaban para madagdagan pa ang buhay, siguro para makita pa uli ang Nanay (at kahit sa huling sandali, we knew, dinalaw niya si Nanay kahit sa panaginip lang). The next day, Tatay was already struggling over death, sa mga sangkatutak na suwero at needles na nakaturok sa kanya, sa mga nurses na nagpapakalma sa kanya tuwing aatakehin siya at ita-try siyang i-revive ulet, he was so eager to fight, but his body and heart won't.

Every moment was dreadful, every second was uncertain, but we knew, everything was going to end somehow. When he calmed down after having a shot of a tranquilizer, time felt so slow as if we're in a twilight. Pinikit niya na ang mga mata niya at natulog, hinde namen alam na yon ang huling pagkakataon na makikita namen siyang gising. While in my arms, I saw tears from his eyes, looking somewhere far, then he closed them. After a while, Tatay had his last gasp.
God must have the best reason why He have to take him away from us, we don't know, all we know is that Tatay was already freed from pains and afflictions.

But the hardest part was...paano sasabihin kay Nanay.

It took us some time para masabi kay Nanay, we had to be careful dahil baka hinde niya kayanin, baka sumunod siya ng 'di oras. Until the time she knew about it, she mourned. But God was great, He never left Nanay in her pains, grief and loss.

Ngayon, isang taon na...okay na ang Nanay...at alam namen okay na din si Tatay. At kahit na nagkahiwalay man sila, hinde nawawala ang pagmamahal nila sa isa't isa. Their love story is endless, pure and full of compassion...not even death can tear them apart.


Love you Tay! Andito na ang sasakyan...papunta na kami dyan. :)