Saturday, October 09, 2010

MCS: Before and After

Wala ako magawa...hinde pa'ko inaantok.

Marami akong gustong isulat dito, di ko na nga alam kung paano ko sisimulan at alin ang uunahin ko...

nakakatamad kase!

Anyway...e since wala nga akong magawa, might as well start turning my thoughts into words.

Which I am very good at...lalo pag praning! Hahahaha! :P

Hmm...ano bang una? Ok ito muna.

My workplace. :)

As I've mentioned in my previous entries, I'm currently working full-time again di'ba.

So far ok naman ang trabaho. Hinde sobra, hinde kulang...sakto lang, parang coke.

Ang lugar naman...hmmm parang FEU Tamaraws nun last finals...LOSER!

Yup! Sad to say...para akong saleslady na pumapasok sa Ever Gotesco. Jusko...kulang na lang sa'ken I.D. at bag na Heartstrings ang tatak...pasado na'kong saleslady sa Afficionado o HBC. (hahahahaha :P)

Eh pa'no naman! Kailangan kong pumasok sa loob ng isang napakalumang MALL...ang Makati Cinema Square.

Na parang Quiapo na sa dami ng Muslim at di-be-deh! Kase ang office namen eh located sa loob ng mall na ito, ang Makati Ciname Square TOWER. Andon ang mga opisina at condominium units for residents and office establishments, like ours. So no choice talaga kundi dumaan sa mall, unless magpaka-Spiderwoman ako at umakyat na lang sa mga pader papuntang balkonahe ng aming unit!

Haayy...minsan naisip ko na 'yon. Kung pwede lang magtrampolin para makatalon hanggang abutin ko ang 14th floor...gagawin ko e! Para lang hinde na'ko makapag-elevator bago makarating ng Tower Lobby.

Pucha naman kase ang amoy ng elevator do'n!

NAKAKASULASOK!

Hinde ko talaga alam kumbaket ganon ang amoy non...parang sign ba 'yon ng sobrang tanda at luma na ng building na itoooo??? Mistulang matandang hukluban na amoy lupa na ang elevator!!! Jusmio! Pag sumasakay ako sa elevator na 'yon may mga ilang segundo akong hinde nanghihinayang sa pagpigil ko ng hininga. Kase pag huminga ako, parang mas maaga akong mate-tegi!!

Hinde ko maexplain ang amoy!

Parang amoy arabong maantot na bad breathe na amoy kanal na amoy paa na amoy patay na daga na amoy damit na hinde natuyo!!!

Anoooo?! Tingen mo ba may babaho pa don?! Deadly talaga! (Exag ng konti...pero maarte kase ako...kaya ganyan ang pagkadescribe ko! hahaha!)

Anyways...tama na sa elevator na amoy cabinet ni Padre Damaso.

On a lighter note...alam mo, ang MCS ang nagmistulang GLORIETTA or SM MOA sa'men noon. :)

Oye! Oye!

Bilang kami ay lumaki sa Makati at malapit ang bahay namen sa MCS noon...ito ang pinakamalapit na Dept. store sa'men. Wala pa noon ang QUAD or Glorietta na ngayon. Wala pa din ang pamosong Greenbelt. At masyado pang sosyal ang Landmark at Makati Supermarket para samen. Ang SM Makati ngayon, SHOE MART pa noon.

Yup! Those we're the days! Kaya kahit ginaganito ko ang MCS...may pitak ito sa puso ko!

Naaks! Hehehe...

Ito kaya ang unang Mall na nakagisnan ko. Bago pa ang Masagana, ang Shoe Mart at Harrison Plaza.

Parang MOA saken ng MCS dati. Dito kami nagsha-shopping ng buong pamilya. Nago-grocery at kumakain. Pag walang assignment, pumupunta kami sa McDonald's para maglaro sa play room, sa isang tub na punong-puno ng mga plastic balls! Tapos magdi-dinner sa Pancake House.

Dito din, hinde ko makakalimutan, binili ako ng Papa ko ng Kaypee shoes...yung may ilaw sa ilalim. Ilang barbie dolls din ang nabili namen dito. Dito din ako bumili ng in-na-in noong Tretorn sneakers. Ang huling bagay na naaalala kong nabili namen don eh yung baunan na stainless na 2-layers. 'yon kase ata ang huling gamit na binili ng Papa ko para sa'ken. Or siguro yon lang yung huli kong natatandaan. (Papa wag ka magalit, baka dalawin mo'ko! hehehe)

At! Di lang yon, dito din kami nanonood ng sine! Biruin mo! Me sinehan ang bulok na mall na 'yon!

Helluer!!! Kaya nga makati CI-NE-MA square diba!

Yup! At apat pa kamo! Do'n ako nakapanood ng LOVEBOAT ni Lotlot at Monching! Pagkatapos ng movie, may sumigaw ng sunog! Nag-stampede sa sinehan! Buti nakakarga pa'ko no'n ng mga tito ko! :))

Pucha! Totoo yooonnn!!! Dami ngang tsinelas na nagkalat e!

Ngayon ang mga sinehan na 'yon, pugad na ng mga bulag na nagmamasahe. Ewan kumbaket! Pero atleast madilim pa rin yung lugar...para sa mga bulag. :) At astig yung mga yoooon! Hinde nila nakikita ang orasan or relo nila, pero alam nila pag time's up na, tigil masahe na! May alarm clock sa katawan noh!

Ayon...ang MCS noon at ngayon.

Laki ng pinagbago. Laki ng nawala. Laki ng pinag-iba ng paligid...lalo ng amoy.

Pero kahit ganon pa man...may mga lugar na hinde ako makakalimutan. Isa na do'n ang lugar na'to.

Naging parte ng kabataan ko ang MCS.

Ngayon parte na din ng katandaan ko...

wag na lang naten isama yung elevator. :)

No comments: