Thursday, September 30, 2010

Balik sa bago

Been working again full time for almost a month now. Mejo nakakapanibago talaga. Maraming mga bagay na binalikan...

Balik-gising ng maaga.

Balik-isip ng mga susuutin.

Balik-traffic.

Balik-trabaho buong araw.

At ang maganda lang dyan...

Balik-suweldo.

Tamaaa...at ngayong araw na'to...susuweldo na naman ako.

Masaya din naman ang pinanggalingan kong pagfi-freelance. May suweldo din naman, yon nga lang, matagal bago ko makuha ang mga cheke kong pinagkakahintay-hintay. Ang kaibahan ngayon, 15 days lang...bayad na ang mga pinagtatrabahuhan ko. Actually 'yon ang na-miss ko sa pag-fufull time. Tipong, di baleng maubos ngayon suweldo...after 15 days, replenished na ulet ang wallet. :)

Ang isa ko pang na-miss eh syempre ang trabaho.

Pag freelance kase, pagkatapos ng isang trabaho...maghihintay ako ulet ng panibagong project. May mga ilang araw or linggo na nakatengga ang utak ko. Wala akong ibang iniisip kundi paano ko gagamitin ang lahat ng oras ko simula sa pagising ko sa pagfe-facebook, panonood ng dvd, pagtulog or pagpunta sa mall kahit wala naman bibilihin, magpapalamig lang...ramdam na ramdam ko ang paglipas ng oras. At pagkatapos ng napakahabang araw, malalaman ko na lang, matutulog na pala ako ulet.

Nakakaburyang din paminsan-minsan. :/

Pero ngayon, araw-araw...pabago-bago ang ginagawa. Ngayon parang nasa ulirat lagi ang utak ko kung paano ko gagawin ang mga trabaho. Na halos wala ng oras para mag-isip kung paano manonood ng dvd at magfefacebook sa opisina. (Pwera ngayon, nasa office ako, wala ang bossing eh at tapos na ang mga trabaho ko. :P)

Ngayon hinde ko na nararamdaman ang paglipas ng oras...matutulog na pala ako ulet mamaya.

Balik din ako ulet sa hinayupak na traffic at pila sa terminal. Haayyy...Sa mga bagay na pinagdadaanan ko sa buong araw ng pagtatrabaho...ang pag-uwi at pag-biyahe ang pinaka-nakakapagod.

Kung puwede lang magteleport mula opisina pauwi...ginawa ko na ng isangdaang porsyento!

Masaya din bumalik sa dating kinagawian...marami kang nakukumpara. Marami kang malalaman na na-miss mo pala.

Pero hinde lahat ng binabalikan masaya.

May mga bagay na kailangan mo din balikan dahil kinakailangan.

May mga bagay din na kailangan mo balikan kase kailangan ka nila.

Pero sa kahit anong sitwasyon...kapag may binalikan ka...dapat walang pagsisisi.

Ang lahat ng bagay...kahit na binalikan mo ulet eh dapat maging...BAGO ulet para sa'yo.

Dahil kung hinde...walang magandang mangyayari sa binalikan mo. :)


No comments: