Sunday, October 31, 2010

So...katapusan na ng Oktubre.

Bukas November 1 na.

Isa lang ang ibig sabihin non, UNDAS na naman.

Pag dumadating ang Undas, natural inaalala naten ang mga mahal natin sa buhay na nauna na saten para makipag-eye ball kay Lord. Andyan syempre ang mga taon-taong pagdalaw sa sementeryo, pagtitirik ng kandila at pagdarasal para sa mga kaluluwa nila na sana sila ay payapa na at sana'y pinagdarasal din nila tayo dito sa lupa.

Kapag Undas normally, umuuwi kami ng Quezon. Andon kase ang karamihan sa mga "patay" namin. Andon ang Papa ko, ang Lolo ko at iba pang mga kamag-anak na nakahimlay na. Andon din ang mga kaibigan ko na nakilala ko din sa Quezon na namatay na.

Isa don, si Ryan.

Matalik ko siyang kaibigan. Nung bata pa kami, isa siya sa mga naging "Pare ko" sa probinsya. Bilang ako'y isang bakasyunista, naging kababata, kabarkada at kainuman ko si Ryan. :)

Mahaba ang pinagsamahan namin ni Ryan, tuwing magbabakasyon ako sa Quezon, andon siya lage para sumalubong saken, nangungumusta at nangaasar kung gaano ako tumataba tuwing makikita niya ako ulet! :)

Hanggang dumating ang isang trahedyang hinde namen inaasahan lahat...nakursunadahan siya sa Laguna, where he was just having a short vacation. A cruel, gruesome and tragic death happened, he was murdered by some monsters who are still living a free-life. He was mercilessly stabbed and shot to death. Something I didn't expect to happen to my friend. I felt furiated on his killers, I wanted them dead. Naiyak talaga ako when I learned about how he died.

Pero ganon siguro talaga ang kamatayan...hinde mo alam kung kelan, hinde mo alam kung paano.

Until now, I want justice for Ryan.

Kung hinde man dito, I know sa TAAS meron.

Nung nabalitaan ko ang pagkamatay niya, kasabay din non namatay ang lovelife ko nung April, 18, 2008. :) Yup! Kaya hinde ko makakalimutan 'yon. Dalawa ang nawala saken, ang kaibigan ko at ang boyfriend ko noon. Parehong taong nawala na hinde ko na maibabalik. Pero tapos na 'yon, there are things we must not regret loosing, because they might be the things that made us stronger.

2 years mula ng nawala si Ryan, hinde ko pa rin sya nakakalimutan. At siguro kahit umabot pa ng ilang Undas, ipagtitirik ko pa rin at ipagdarasal ang kaluluwa ng isang kaibigang naging mahalagang parte ng buhay ko. :)

Magka-birthday din kami, December 13 din siya. Malapit na Ry...advance! :)


-------------------♦☻☺♦--------------------

Speaking of Undas...

Kakabit na ng Undas ang mga kuwentong multo or mga paranormal na mga pangyayari sa paligid tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay at Kaluluwa. Syempre, araw nga nila 'to eeh so parang celebration ito ng mga white ladies, black ladies at mga kaluluwang gala kaya kung saan-saan sila nakikitang nagpaparty at nagtsi-tsismisan.

Pero hinde lang tuwing Undas nagiging uso ang mga kaluluwang ganito...kahit sa araw-araw, andyan sila sa paligid. Hinde mo man laging napapansin or nararamdaman, andyan lang sila, naghihintay na makita.

Marami na'kong experiences with these inexplicable entities. Madalas, hinde sinasadya. Simula nung bata pa'ko, kahit nun baby pa daw ako sabi ng Mama ko, naging parang alarm niya ako pag may misteryong nakapaligid sa'men. Iyak ako ng iyak ng walang tigil. Maya-maya, makakaramdam na lang siya ng kakaiba...may multo na sa bahay.

At nung nagka-isip na'ko at nalaman ko na ang kaibahan ng buhay na tao sa multo...madalas din akong nakakakita at nakakaramdam ng mga kakaibang nilalang. Andyan yung mga anino lang na sumusungaw sa bintana, bumubukas at sumasarang bintana kahit na walang tao, mga bangungot na halos parang totoo na nakikita ko ang mga taong nasa harapan ko, at kung anu-ano pa. :/

One time pa nga, Undas din 'yon, napagtripan namen ang tito ko na takutin, blackout non dahil sa bagyong Rosing ata...(basta, Metro Manila was hit by a strong typhoon back then kaya nagkaroon ng massive blackout). Dahil lahat kami eh nasa bahay, napagtripan namen takutin ang tito ko na naliligo. Ako, kasama ang isa ko pang tito, umakyat kami sa kuwarto sa taas at magtatago sana sa kuwarto para pag-akyat ng tito ko do'n, gugulatin namen siya.

Hinde ko naman alam na ako ang magugulat!

I was holding a candle when we went upstairs;

there was no noise because everyone was downstairs, like they were watching a horror/comedy flick, waiting for things to unfold;

and definitely no air, because there's no fan and all windows were closed.

When I entered the room, I searched for a place to hide and accomplish my foolish, scary tactic. Papunta na sana ako sa cabinet na malaki. Pagtapat ko sa pinto nito, walang kaabog-abog...

...hinipan ang hawak kong kandila.

FREEZE!!!

Ganon ang naramdaman ko nun mga sampung segundo na hinde ako makagalaw at hinde ako makasigaw. Para akong binuhusan ng tubig na malamig mula sa freezer. Parang lahat ng balahibo ko, gusto nang magsommersault sa takot! While I was staring at the smoke coming from my candle heading towards my face.

Then I realized...the ghost...IS IN FRONT OF ME!!!

AAAAAHHHHHHHH!!!

May umihip ng kandila koooooooo!!!!!!!

Yan ang nasabi ko nung nahimasmasan na'ko! Para akong nagfast forward sa pagbaba! Ang tito ko na kasama ko sa pananakot, na medyo pilay, biglang napakaripas din sa pagtakbo...hinde ko alam kung paano niya ginawa! Hahaha...adrenaline rush it is! :)

Umiiyak ako pagdating ko sa baba. I was trembling and was so horrified.

Sabi ng mama ko..."ayan...ikaw ang nananakot, ikaw tuloy ang tinakot."

Sabi ng tito ko na tatakutin sana namen..."Bwahahahahahaha!!! Kala mo haaaa!!!"

Haaayyy grabe...totoo 'yan.

Marami pa'kong mga ghost stories. Kelan lang nakakita ako ng usok sa harap ng webcam ko...dumaan siya mismo sa harapan ko. Hinde lang isang beses, kundi dalawa. Walang pinanggalingan ang usok, wala naman akong yosi nung time na 'yon dahil nasa kuwarto na'ko at naka-aircon. So hinde ko ma-explain where that smoke came from...but one thing I was sure about...it's not normal. :/

Hmm...siguro kung magiging observant lang tayo sa paligid naten at ita-try na i-analyze lahat ng mga pangyayari sa ating buhay...we'll see and feel things that we don't normally encounter. You'll realize, hinde lang ikaw ang nakatira sa bahay niyo. There might be spirits around you, looking and watching upon you, waiting for you to feel them. These entities are already part of our lives, in a very mysterious way .

There are lots of mysterious things around us.

Ghosts.

Death.

And Even Life.

No comments: