First 100 days niya nung October 7, 2010.
Hmmm...actually wala akong pakialam. Hinde ko nga naramdaman e. And if ever man maramdaman ko, as if it would do anything significant in my daily life.
Naging mabenta lang kase ang isyung ito sa mga news online, sa twitter at mga blogs.
Nabasa ko lang na may mga nanggulong estudyante nun kasalukuyang nag-i-speech si Pnoy. Di ko din alam kumbaket, baka nagrereklamo kase baka anak yon ng isang taga-MWSS, nabawasan tuloy ang panggimik niya kase na-cut na ang extra allowances ng tatay niya.
Nabasa ko din ang ilan sa mga linya ng kanyang dayalogo.
"Malalim at malawak po ang mga problemang minana natin. Nag-ugat ito sa isang gobyernong parang tatlong matsing na nagbingi-bingihan, nagbulag-bulagan, at gumawa ng sariling katotohanan."
Haayyy...why does it always have to start with lambasting the previous administration and stressing out its never-ending list of faults.
Para siyang isang broken-hearted na babaeng iniwan ng syota niya at pinagpalit sa ibang babaeng mas makapal ang buhok . Hinde maka-move ooon!!! (Aheem...)
At nagsama pa ng matsing...well I guess he's the banana...coz he's yellow! Errr...
"Bumalik na po ang kumpyansa sa ating bansa."
Wooww...really?!
After insulting a Japanese reporter and making a sarcastic remark about him not being a jukebox to repeat his statements again and again. Helooww...magtaray ba teh?! Time of the month mo ba no'n Noy?!
After that Hongkong Hostage taking fiasco and having 8 people killed sa isang walang kapararakan na hostage drama. Matapos niyang taguan ang Hongkong gov't, hinde man lang siya pumunta sa China para personal na mag-apologize pagkatapos ang insidente. Hinde niya man lang sinabi na naglalaro sila ng PSP no'n ni Baby James at Josh!! At matapos niya kaming pakabahin dahil kasalukuyang nasa Hongkong kami noon! Jusmio! Hinde niya ba ako naisip!? (hahahahaha charot!!!)
Hinde din niya sinipot ang mga arrangements niya with other ASEAN countries. Ang trip niya sa Vietnam, hinde man lang nagpasabing hinde na siya pupunta...kahit man lang TEXT! Hmm baka walang load, hinde narasyonan ni Kris ng load from Smart. Ah basta hinde na lang niya trip umalis! Wapakels sa kanilang lahat!!!
Haayy...malamang nga...malaki ang kumpyansa ng ibang bansa sa Pinas sa pinaggagawa mo Pnoy.
"Nakita naman po natin ang katakut-takot na problemang minana natin, pero hindi po tayo natinag. Naisasaayos natin sa loob lamang ng isandaang araw ang hindi nagawa ng dating administrasyon sa loob ng tatlong libo, apat na raan, apatnapu’t walong (3,448) araw."
Jusmio! Ayan na naman po siya! Ano ba ang unang inutos niya sa unang araw niya...unang-una?!
WALA NG WANG-WANG! Helluueeerrr!!! May epekto ba 'yon sa 100 araw na nakaupo ka? Did it make him a better president than the previous? Did that make any jobs? Did that solve the country's economy?! What's up with that WANG-WANG anyway?!
And maybe that wang-wang rule made him different...kase na-late siya sa military meeting dahil napasarap ang tulog at na-stuck sa traffic dahil sa di paggamit ng WANG-WANG! Hayy nabu-wang!
Oh well, if there's one WANG-WANG that has made us proud and relevant...it's Charice's wang-wang voice resounding all over the world!
"Ang punto po natin dito: Walang maiiwan. Hindi po tayo papayag na yayaman ang iilan habang nalulunod sa kahirapan ang karamihan."
Oh how I wish I'll get some of that frigging riches he's promising coz if not I'll have him shot by Enrico Puno(his shooting buddy).
"Paulit-ulit po nating ididiin: trabaho ang pangunahing agenda ng ating administrasyon. At marami pong magandang balita ukol dito."
That's why he can't let go of his shooting buddy Enrico Puno, and also a very close friend. I can see how close they are, kase si Puno ang umako ng mga kapalpakan ni Noynoy nun nakaraang hostage drama. Hmmm...naging mag-jowa kaya sila?!
"Pati po ang buhok natin ginawang isyu. Dahil siguro binata pa tayo, hindi na tayo binigyan ng honeymoon."
Hahahaha sabi na nga ba eh...insecure 'to sa buhok niya! Hahahahaha kaya iniwan ng syota!
Alam niyo ba, nalaman ko sa isang blog na habang nagdadayalogo ng mga palabok at matatamis na salita ang Pnoy ng bayan, eh gumagawa naman ng sarili niyang dayalogo si Kris via Twitter. Announcing that she and her 2 kids have FMD or Food and Mouth Disease. Nakakalurky talaga si Kris! Ayaw papatalbog sa ate, este, kuya Noy niya!
Kung may "accomplishment report" (excuse me for the term!) ang kuya niyang si Noy, syempre hinde dapat mawalan ng update tungkol sa kanya. Kahit pa magkasabay...sabi siguro ni Kris,"Let's see who'll trend on Twitter! You or me? Oh..I'm sure it's me Noy...ha-ha-ha...mas kadiri kaya yung news about me ha-ha-ha...FMD! Yuccky du bah! Pero ok lang, goow Twitter, make me a trending topic! Ha-ha-ha!"
As if we so care about her having STD or TB or FMD or HIV! Crap!
As far as 100 days of Noynoy is concerned...I don't really care. I'd rather have care on all the aftermaths of his blah-blah-blah tuwid na landas, malinis, maasahan at NARCISSISTIC gobyerno, which now seems to be lousy and incompetent. I'm more concern on the next 100 days or more. Will Pnoy still hold on to his delusions and arrogance? Or should he accept, he's no superman and he has no other choice but to just concentrate on creating jobs and improving economy rather than wasting time on creating another speech to smother the previous administration, enough with that already!!!
"Great job Noy!!"----Sabi ng 3 wise monkeys who See no evil, hear no evil, speak no evil. :P
No comments:
Post a Comment