Monday, October 18, 2010

Per-yuhd = !!!!!!!

It's my time of the month again. And I swear...I wish I can skip it!

Haayyy...kadalasan sinasabi ng mga babae,

"Buti pa mga lalake, isang beses lang nasasaktan sa buhay nila, yun eh pag "tinulian" sila."

"Samantalang ang mga babae, pwera sa panganganak na nuknukan ng saket, may buwan-buwan pang hinagpis na kailangan pagdusahan...ang pagkakaroon ng menstruation kasama ang sakit ng dysmenorrhea."

100% koreeeeek!!!

Mga lalakeng 'yan hinde alam ang sakit na pinagdadaanan ng mga babae tapos sila pa'tong magaling manloko!!!

Uhmm...ok, sorry I got carried away.

Anyways, ang dysmenorrhea eh ang tawag sa buwan-buwan kong nararamdaman everytime magkakamens ako. Ba't ba kase hinde na lang ako magkaroon ng maraming maraming MEN! Wag na lang MENS!!! Haayyy!!!

Ok sorry ulet...ayon nga. Pag may dysmenorrhea ako, andyan ang sobrang sakit ng puson, pinaghalong pakiramdaman na parang naje-jebs ka, puputok ang pantog sa ihi at kabag. Ewan alin sa tatlong yun ang totoo pero ganon ang pakiramdam ng tyan ko. Nakakasuka, nakakapanghina, nakakahilo, nakaka-oily ng mukha, nakakapanget at nakakabuwiseeetttt!!!

*Dysmenorrhea- (Primary) is severe, disabling cramps without underlying illness. Symptoms may include backache, leg pain, nausea, vomiting, diarrhea, headache, and dizziness. This kind of dysmenorrhea usually affects young woman within two years of the onset of menstruation and lasts one or two days each month.

Every month I have these severe abdominal cramp. Tipong ayoko na bumangon, gumalaw at makaramdam. Kung puwede lang gumising the day after ng dysmenorrhea, ia-alarm ko talaga ang orasan para do'n. Engkaso!!! Hinde! Kaya kelangan kong panindigan na isa akong babae at hinde pa ako buntis, ito ang proof dahil nagkakamens pa ako. (Haaysss!!! Mga baklang 'to, kung magpakababae daig pa tunay na mga babae!!! Sana mag-regla din kayo!)

Hinde lang dysmenorrhea ang pinagdadaanan ko monthly, minsan pa, may PMS (Premenstrual Syndrome) din ako. Kabaliwan ng mga babae in my term. At "Pass Me the Shotgun" cguro para sa mga lalake. (urbandictionary.com)

*Premenstrual syndrome The transformation of woman to beast, occurring once every month. Similar to the werewolf, a PMSing woman becomes a dog-like creature capable only of eating, sleeping, barking, annoying the neighbors, and leaving messes that she expects you to clean up. (According to Urbandictionary.com)

Oo...tinotopak talaga ako bago ako magkaroon. Alam na alam ko yan! Kung hinde ako war-freak, iyakin ako, kung hinde iyakin, lakas ng self-pity ko! Mood swing kung mood swing!!! Kaya delikadong mag-PMS ako ng may problema akong mabigat e...baka hinde na'ko mag-PMS sa isang buwan. At kapag inaway ko ang boyfriend ko sa walang kapararakang dahilan...tiyak! PMS yon!

Hay puson ko! Ano ba naman ito...di'ba?! Tangina! (to the tune of Pare ko song yan! Di ba swak?! E di wag mong kantahin noh! Lech!)

Hinde ko alam baket ginawa ng Diyos ang babae na naglalabas ng dugo. Nung ginawa niya ba kami...nasabi niya..."Maiba lang, paglalabasin kita ng dugo buwan-buwan." Haay...Lord why?! Di bale, mas ok na'to kesa sa bibig lumabas di'ba! Yuuucckkk!!!

At lalong kadiri din kung lalake ang lalabasan ng dugo sa pututoy nila.

"Napkin brad!"

Uhmm...uuhmmmm...eeeewwwwness!!!

Well, matalino talaga si Lord.

Pero naman...ang saket! Ang bugnot ko pag may ganito ako, para akong tongiterang limang oras na hinde pa rin nakaka-hits! Pakeningshet!

Mga babae, magaganda, mahihinhin, malamya at parang bulaklak na ubod ng sensitibo, pero pag darating ang kabuwanang siklo, parang nanang hinde mahawakan, ampanget at nagngangalit sa sakit, isang sagi mo lang...nakow! Ingat ka!

Kung hinde...masasabi mo na lang...

pesteng regla yan!

*Infairness to me, nakasulat ako ng blog dahil sa sakit ng puson ko! Woow! Iba din pala magka-regla e! May lighter side din. :P

2 comments:

Anonymous said...

tama ka jan! :)

Anonymous said...

like! :)