Isa lang ang importante no'n, ako.
Ilang taon ang dumaan, nagkaroon na ng cakes, balloons, pansit, spaghetti, hotdog na may marshmallows at iba pang mga handa. Importante na rin ang mga bisita...at regalo syempre!
Tuwing birthday ko din, nangyayari ang makabuluhang pagbabago sa buhay ko bilang isang tao.
Nung mga unang birthdays ko, hinde ko pa nararamdaman na tumatanda na'ko.Pero habang dumadagdag ang edad ko, pa-level up ng pa-level up din ang mga regalong nakukuha ko. From fun toys hanggang sa mas nagiging boring nang regalo.
(wala ng dolls, jackstone, puzzles, snakes 'n ladders, mga de-bateryang laruan, at lutu-lutuan...napalitan na ng mga books na pampatalino, gamit sa school, towels o kaya stuffed toy na pang-display. grrrrr :S)
Pero nung teenager na'ko, naging masaya ulet ang birthdays. May mga regalo ulet na nakaka-excite.
Mga pang-dalaginding na syempre!
Mga malalanding damit, brassieres at panties na may lace or may takong nang sandals. Meron na rin akong lip gloss at pabangong pandalaga. Exciting pa ang pagiging teen, parang hinihintay ko pa ang susunod kong birthday para makaakyat na ng sixteen, seventeen, lalo na ang eighteeen.
May lisensya na rin ako para makaramdam ng crush at LOVE.
When it was time to say goodbye to teenager years including my petty and super girlie stuffs, another stage is about to unfold a deeper meaning of this so-called life.
My life as an adult.
Panahon na kasama ng bawat birthday, eh ang pagdedesisyon sa maraming bagay. Bawat taon na nadadagdag saken, nadadagdagan din ang mga responsibilidad ko sa buhay. Kung noon, mga laruan, kakiyan at mga kababawan lang ang iniisip ko sa pagsapit ng natatanging araw na 'yon, ngayon hinde na. Marami na akong nalalaman, nare-realize, pinagdadaanan at pina-prioritize.
Ngayon may mga bagay na mas importante pa sa mga handa at regalo, mas malaki at mas malalim...
...ako, ang karera, ang pamilya, ang lovelife, health at ang hinaharap.
Ako, dahil iniisip ko, "Tumatanda na naman ako. Ilang taon na lang, makikitaan na'ko ng mga guhit guhit sa balat, yayks! At ilang taon na lang, mawawala na'ko sa kalendaryo, makakapag-asawa pa kaya ako??? Tsk!"
Ang career ko, madalas natatanong ko sa sarili ko, "Sa edad ko'ng 'to, ano na ba ang narating ko? Pucha, parang ang tagal ko nang nangangapa sa malawak na industriya ng pagtatrabaho, asan na ba 'kong level?"
Ang pamilya dahil, "Isang taon na naman ang dumaan na magkakasama kami, at andito pa rin ako, bread-winner para sa kanila. Paano kung mawala ako?"
Ang love life ko, pero hanggang ngayon nagtatanong pa rin ako, "Baket?"
Ang health, "Magkakaroon din ako ng lakas ng loob na harapin ka."
Ang future ko dahil, "Another year's ahead of me...ano kayang mangyayari? Sana may magbago na sa buhay ko."
---------(*)----------
Ilang oras na lang, ika-28 na kaarawan ko na.
Ang bilis!
Dalawampu't walong taon na pala akong buhay sa mundo, dalawampu't walong taon na rin akong tao.
Marami na'ng nangyari, marami na'ng dumaang birthdays.
Itong taon siguro ang pinakamalungkot kong birthday.
Kumbaket??? Wag na.
Ayoko nang hayaang ma-overwhelm ako ng kalungkutang 'yon. Kahit na habang sinusulat ko'to, nangingilid ang luha ko sa mata.
Di bale...ang lungkot naman, puwedeng i-suppress eh, pero ang birthday, hinde.
Marami pa rin naman reasons para maging masaya sa birthday ko.
27 years to be thankful for and another year to live for.
Ang birthday isang beses lang sa isang taon...ngayon, may pagkakataon pa akong mag-celebrate.
Habang magagawa ko pa 'yon, magiging masaya ako.
HAPPY BIRTHDAY TO ME.
3 comments:
Hoy chai! Belated happy birthday! kaya ka nga nagbibirthday dahil yun ang araw mo e, at wala kang karapatang maging malungkot no, ang kalungkutan pangpatay lang yun! tsaka isipin mo nalang na MAS MASAYA ka lang nung mga nakaraang birthday mo kesa ngayon, pero masaya ka pa din. haha labo. think positive! hayaan mo makakarma din yun haha ironic, nega agad.
hahaha sinong makakarma!?!??!?!
yung reason bakit mas masaya ka noon.hehe.
Post a Comment