Sunday, October 31, 2010

So...katapusan na ng Oktubre.

Bukas November 1 na.

Isa lang ang ibig sabihin non, UNDAS na naman.

Pag dumadating ang Undas, natural inaalala naten ang mga mahal natin sa buhay na nauna na saten para makipag-eye ball kay Lord. Andyan syempre ang mga taon-taong pagdalaw sa sementeryo, pagtitirik ng kandila at pagdarasal para sa mga kaluluwa nila na sana sila ay payapa na at sana'y pinagdarasal din nila tayo dito sa lupa.

Kapag Undas normally, umuuwi kami ng Quezon. Andon kase ang karamihan sa mga "patay" namin. Andon ang Papa ko, ang Lolo ko at iba pang mga kamag-anak na nakahimlay na. Andon din ang mga kaibigan ko na nakilala ko din sa Quezon na namatay na.

Isa don, si Ryan.

Matalik ko siyang kaibigan. Nung bata pa kami, isa siya sa mga naging "Pare ko" sa probinsya. Bilang ako'y isang bakasyunista, naging kababata, kabarkada at kainuman ko si Ryan. :)

Mahaba ang pinagsamahan namin ni Ryan, tuwing magbabakasyon ako sa Quezon, andon siya lage para sumalubong saken, nangungumusta at nangaasar kung gaano ako tumataba tuwing makikita niya ako ulet! :)

Hanggang dumating ang isang trahedyang hinde namen inaasahan lahat...nakursunadahan siya sa Laguna, where he was just having a short vacation. A cruel, gruesome and tragic death happened, he was murdered by some monsters who are still living a free-life. He was mercilessly stabbed and shot to death. Something I didn't expect to happen to my friend. I felt furiated on his killers, I wanted them dead. Naiyak talaga ako when I learned about how he died.

Pero ganon siguro talaga ang kamatayan...hinde mo alam kung kelan, hinde mo alam kung paano.

Until now, I want justice for Ryan.

Kung hinde man dito, I know sa TAAS meron.

Nung nabalitaan ko ang pagkamatay niya, kasabay din non namatay ang lovelife ko nung April, 18, 2008. :) Yup! Kaya hinde ko makakalimutan 'yon. Dalawa ang nawala saken, ang kaibigan ko at ang boyfriend ko noon. Parehong taong nawala na hinde ko na maibabalik. Pero tapos na 'yon, there are things we must not regret loosing, because they might be the things that made us stronger.

2 years mula ng nawala si Ryan, hinde ko pa rin sya nakakalimutan. At siguro kahit umabot pa ng ilang Undas, ipagtitirik ko pa rin at ipagdarasal ang kaluluwa ng isang kaibigang naging mahalagang parte ng buhay ko. :)

Magka-birthday din kami, December 13 din siya. Malapit na Ry...advance! :)


-------------------♦☻☺♦--------------------

Speaking of Undas...

Kakabit na ng Undas ang mga kuwentong multo or mga paranormal na mga pangyayari sa paligid tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay at Kaluluwa. Syempre, araw nga nila 'to eeh so parang celebration ito ng mga white ladies, black ladies at mga kaluluwang gala kaya kung saan-saan sila nakikitang nagpaparty at nagtsi-tsismisan.

Pero hinde lang tuwing Undas nagiging uso ang mga kaluluwang ganito...kahit sa araw-araw, andyan sila sa paligid. Hinde mo man laging napapansin or nararamdaman, andyan lang sila, naghihintay na makita.

Marami na'kong experiences with these inexplicable entities. Madalas, hinde sinasadya. Simula nung bata pa'ko, kahit nun baby pa daw ako sabi ng Mama ko, naging parang alarm niya ako pag may misteryong nakapaligid sa'men. Iyak ako ng iyak ng walang tigil. Maya-maya, makakaramdam na lang siya ng kakaiba...may multo na sa bahay.

At nung nagka-isip na'ko at nalaman ko na ang kaibahan ng buhay na tao sa multo...madalas din akong nakakakita at nakakaramdam ng mga kakaibang nilalang. Andyan yung mga anino lang na sumusungaw sa bintana, bumubukas at sumasarang bintana kahit na walang tao, mga bangungot na halos parang totoo na nakikita ko ang mga taong nasa harapan ko, at kung anu-ano pa. :/

One time pa nga, Undas din 'yon, napagtripan namen ang tito ko na takutin, blackout non dahil sa bagyong Rosing ata...(basta, Metro Manila was hit by a strong typhoon back then kaya nagkaroon ng massive blackout). Dahil lahat kami eh nasa bahay, napagtripan namen takutin ang tito ko na naliligo. Ako, kasama ang isa ko pang tito, umakyat kami sa kuwarto sa taas at magtatago sana sa kuwarto para pag-akyat ng tito ko do'n, gugulatin namen siya.

Hinde ko naman alam na ako ang magugulat!

I was holding a candle when we went upstairs;

there was no noise because everyone was downstairs, like they were watching a horror/comedy flick, waiting for things to unfold;

and definitely no air, because there's no fan and all windows were closed.

When I entered the room, I searched for a place to hide and accomplish my foolish, scary tactic. Papunta na sana ako sa cabinet na malaki. Pagtapat ko sa pinto nito, walang kaabog-abog...

...hinipan ang hawak kong kandila.

FREEZE!!!

Ganon ang naramdaman ko nun mga sampung segundo na hinde ako makagalaw at hinde ako makasigaw. Para akong binuhusan ng tubig na malamig mula sa freezer. Parang lahat ng balahibo ko, gusto nang magsommersault sa takot! While I was staring at the smoke coming from my candle heading towards my face.

Then I realized...the ghost...IS IN FRONT OF ME!!!

AAAAAHHHHHHHH!!!

May umihip ng kandila koooooooo!!!!!!!

Yan ang nasabi ko nung nahimasmasan na'ko! Para akong nagfast forward sa pagbaba! Ang tito ko na kasama ko sa pananakot, na medyo pilay, biglang napakaripas din sa pagtakbo...hinde ko alam kung paano niya ginawa! Hahaha...adrenaline rush it is! :)

Umiiyak ako pagdating ko sa baba. I was trembling and was so horrified.

Sabi ng mama ko..."ayan...ikaw ang nananakot, ikaw tuloy ang tinakot."

Sabi ng tito ko na tatakutin sana namen..."Bwahahahahahaha!!! Kala mo haaaa!!!"

Haaayyy grabe...totoo 'yan.

Marami pa'kong mga ghost stories. Kelan lang nakakita ako ng usok sa harap ng webcam ko...dumaan siya mismo sa harapan ko. Hinde lang isang beses, kundi dalawa. Walang pinanggalingan ang usok, wala naman akong yosi nung time na 'yon dahil nasa kuwarto na'ko at naka-aircon. So hinde ko ma-explain where that smoke came from...but one thing I was sure about...it's not normal. :/

Hmm...siguro kung magiging observant lang tayo sa paligid naten at ita-try na i-analyze lahat ng mga pangyayari sa ating buhay...we'll see and feel things that we don't normally encounter. You'll realize, hinde lang ikaw ang nakatira sa bahay niyo. There might be spirits around you, looking and watching upon you, waiting for you to feel them. These entities are already part of our lives, in a very mysterious way .

There are lots of mysterious things around us.

Ghosts.

Death.

And Even Life.

Thursday, October 21, 2010

Spell boring?? T-O-D-A-Y

Fuck...

Naranasan mo na bang pumasok ng opisina para umupo sa harap ng computer,

mag-internet maghapon,

maghanap ng makakausap dahil wala ka naman ibang kakausapin sa tabi mo kundi upuan, electric fan at empty space,

at mapagod sa kakahikab??????

Naranasan mo na bang MABATO sa kinauupuan mo ng bonggang-bongga????

Ako...OO!

At ngayon 'yon!

Haaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!

Naubos ko na ang boredombusters ko dahil nabasa at naitawa ko na lahat sa mga blog na tinititigan ko kanina pang umaga.

Wala na din akong mabuting magawa sa Facebook dahil parang wala naman iba pang magagawa dito kundi magpabalik-balik sa HOME at WALL.

Wala din akong ibang maka-chat sa YM, dahil parang hinde naman sila katulad kong...WALANG GINAGAWA.

Paulit-ulit na lang din ang mga tugtog sa Itunes ko, namemorize ko na ata pati rap ni Eminem.

At maya-maya din matatapos na 'tong blog ko na'to tungkol sa kabatuhan...wala na naman akong magagawang iba. Haayyyy!!!

Ano pa bang ginagawa ko dito?!

Asan ba yung spaceship ni Kokey?!?!!

Puwede bang ilawan mo na ako ng laser beam mo at ipadala sa Saturn or kung di naman kalabisan, puwede na rin sa bahay na lang.

Gusto ko ng umalis sa napakalifeless na lugar na ito. Para akong itong kantang napapakinggan ko ngayon, "I'm not moving..."

pffffffttttttttt!!!

Buti pa 'yong mga plastik na nakikita kong lumilipad sa himpapawid sa labas ng balkon dito sa opisina, paikot-ikot sa hangin, bababa, tataas, iikot,bababa, tatataas, iikot...siguro parang mas masaya 'yon kesa magpainet ng puwet dito sa upuan ko. Haayyyyyy...

Ilang oras pa bago ako makauwi?

2 oras!!!

Effffiing crrraaap!

Dalawang oras pa bago magsimula ang araw ko. Kase sa sitwasyon ko ngayon, para pa rin akong mahimbing na natutulog! Para akong tulog sa upuan, kaibahan lang, bukas ang mga mata ko. Para akong nagsleep-walk papasok ng opisina. Kahit siguro 5 tasa ng kape ang inumin ko at ma-caffeine high pa ako...walang epekto sa sobrang kaboryangan ko dito.

Haayyy, 'tong tugtog na naman sa Itunes, parang pang-10 beses na tinugtog ngayong araw! Ang ironic pa,

"Party like it's the end of the world!!! Party like, party like..."

Pang-asaaaarrrr!!!

Shuduuuup!!!

Parang mas tama ang..."Ma-bore ka na parang wala ng bukas!"

Siyet!

I

AM

SOOOOOO

OWWWWVEEERRR

BOOOOOOOWWWWWWRRRD!!!

(Obvious ba! So na over pa!)

Magbilang na lang kaya ako ng hibla ng buhok ko...

1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9 ,10...

50, 51, 52, 53, 54, 55, 56, 57...

70, 71, 72, 73, 74, 75... (hohhhhuuummm...)

90, 91, 92, 93, 94, 95, 96...

102, 103, 104, 105...

105...

105???

105????

105 lang?!?!?!?

Fuck!

This is so hilarious!!!

If you're so pissed talking to a programmed answering machine...hahaha you gotta see this comic. :))

Legos...hahaha

I saw this in one of my favorite blogs and jeezz...it cracked me up!

Hahahahaha!!! Holy true! Nakakaiyak makaapak ng LEGO brick haah! :))

Tuesday, October 19, 2010

Till my heartaches end

Hahahahahahahaha...

Wala lang! Ang lungkot ng title tapos ang intro ko...hahahaha! Nakakaloka ako!

Ito kase 'yong movie nila Kim Chiu and Gerald Anderson na ipapalabas soon. They said this will be the last time they'll be seen together on the big screen kase nga according to chizzmizzzes naghiwalay na sila. Uhmm..kevs naman di'ba, hinde naman ako isa sa mga Kimerald fans so wapakels.

Anyways, back to the movie...I think it's a typical bf-gf relationship going through all the shits of it, including the "traumatic breaking up". Masyadong full of emotions, and by emotions I mean, really sad and heart-breaking emotions.

And why am I blogging about it?!

Coz obviously...I've been there dude!

And bilang isang taong nagmahal at nakipaghiwalay...nakakarelate ako ng bonggang-bongga!

Hahahahaha!!!

That's why I'm so aversed to this kind of movies eh! Affected!!!

Samahan mo pa ng makapagbagdamdaming theme song!

Pero may mga linya kaseng sobrang pumatok saken don eh! Eto,

Gerald to Kim: "So ikaw na naman ang martyr ngayon. Ikaw lagi ang nakakaawa."

Something like that. :)

Grabe...when I heard those words...parang nag-time travel ako sa past. I think I heard those lines before!!! Hahahaha!

Kim: "Dinala-dala mo'ko sa mga friends mo tapos hinde mo'ko kakausapin, hinde mo'ko papansinin!"

Gerald: "Hinde lang tayong dalawa ang tao sa mundo!"

Yup! Not exactly but always a hot issue to start a fight! :)

"Ilang beses mo na ba tinext? Mga 10 times?! Tapos magtataka ka pa ba't naasar. Kahit sinong lalake eh maaasar talaga."

Hahahaha...guilty! :D

"Sobra-sobra kitang mahal."

Uhmmm...oh! Next please.

Gerald: "Nakasakit ako ng babaeng mahal na mahal ako."

I don't know if guys really even think of that after a break-up.

Kim: "Ayaw na niya sa'ken. Ang sakit-sakit."

Default lines for those who got dumped! :)

Effect talaga 'tong movie na 'to sa mga mag-jowa at mga nakaranas ng break-ups. Parang everything in this movie pictures the true roller coaster love story between real people who loved, promised, changed and eventually drifted apart.

Sad but true. :(

Well...it's all in the past now. And this movie...natawa and natuwa lang ako to hear those lines again. I thought I owned my dramas back then ...'yon pala, nasasabi din 'yon ng iba. :)

Siguro pag pinanood ko pa 'tong movie na 'to mas bonggang-bonggang makaka-relate pa ako e.

Ewan ko...hmmmm...panoorin ko kaya?!

Hahaha baka maiyak lang ako eeeee!!!

Nuf said drama queen! :D

Para mas madrama...ito ang lyrics ng theme song. :/

TILL MY HEARTACHES END

I recall when you said that you would never leave me
You told me more, so much more like when the time you whispered in my ear
There was heaven in my heart
I remember when you said that you'd be here forever

Then you left without even saying that you're leaving
I was hurt and it really won't be easy to forget yesterday
And I pray that you would stay
But then you're gone and, oh, so far away

CHORUS
I was afraid this time would come
I wasn't prepared to face this kind of hurtin' from within
I have learned to live my life beside you

Maybe I'll just dream of you tonight
And if into my dream you'll come and touch me once again
I'll just keep on dreaming till my heartaches end

Link sa movieng pagiisipan ko pa kung papanoorin ko :D:


Monday, October 18, 2010

Per-yuhd = !!!!!!!

It's my time of the month again. And I swear...I wish I can skip it!

Haayyy...kadalasan sinasabi ng mga babae,

"Buti pa mga lalake, isang beses lang nasasaktan sa buhay nila, yun eh pag "tinulian" sila."

"Samantalang ang mga babae, pwera sa panganganak na nuknukan ng saket, may buwan-buwan pang hinagpis na kailangan pagdusahan...ang pagkakaroon ng menstruation kasama ang sakit ng dysmenorrhea."

100% koreeeeek!!!

Mga lalakeng 'yan hinde alam ang sakit na pinagdadaanan ng mga babae tapos sila pa'tong magaling manloko!!!

Uhmm...ok, sorry I got carried away.

Anyways, ang dysmenorrhea eh ang tawag sa buwan-buwan kong nararamdaman everytime magkakamens ako. Ba't ba kase hinde na lang ako magkaroon ng maraming maraming MEN! Wag na lang MENS!!! Haayyy!!!

Ok sorry ulet...ayon nga. Pag may dysmenorrhea ako, andyan ang sobrang sakit ng puson, pinaghalong pakiramdaman na parang naje-jebs ka, puputok ang pantog sa ihi at kabag. Ewan alin sa tatlong yun ang totoo pero ganon ang pakiramdam ng tyan ko. Nakakasuka, nakakapanghina, nakakahilo, nakaka-oily ng mukha, nakakapanget at nakakabuwiseeetttt!!!

*Dysmenorrhea- (Primary) is severe, disabling cramps without underlying illness. Symptoms may include backache, leg pain, nausea, vomiting, diarrhea, headache, and dizziness. This kind of dysmenorrhea usually affects young woman within two years of the onset of menstruation and lasts one or two days each month.

Every month I have these severe abdominal cramp. Tipong ayoko na bumangon, gumalaw at makaramdam. Kung puwede lang gumising the day after ng dysmenorrhea, ia-alarm ko talaga ang orasan para do'n. Engkaso!!! Hinde! Kaya kelangan kong panindigan na isa akong babae at hinde pa ako buntis, ito ang proof dahil nagkakamens pa ako. (Haaysss!!! Mga baklang 'to, kung magpakababae daig pa tunay na mga babae!!! Sana mag-regla din kayo!)

Hinde lang dysmenorrhea ang pinagdadaanan ko monthly, minsan pa, may PMS (Premenstrual Syndrome) din ako. Kabaliwan ng mga babae in my term. At "Pass Me the Shotgun" cguro para sa mga lalake. (urbandictionary.com)

*Premenstrual syndrome The transformation of woman to beast, occurring once every month. Similar to the werewolf, a PMSing woman becomes a dog-like creature capable only of eating, sleeping, barking, annoying the neighbors, and leaving messes that she expects you to clean up. (According to Urbandictionary.com)

Oo...tinotopak talaga ako bago ako magkaroon. Alam na alam ko yan! Kung hinde ako war-freak, iyakin ako, kung hinde iyakin, lakas ng self-pity ko! Mood swing kung mood swing!!! Kaya delikadong mag-PMS ako ng may problema akong mabigat e...baka hinde na'ko mag-PMS sa isang buwan. At kapag inaway ko ang boyfriend ko sa walang kapararakang dahilan...tiyak! PMS yon!

Hay puson ko! Ano ba naman ito...di'ba?! Tangina! (to the tune of Pare ko song yan! Di ba swak?! E di wag mong kantahin noh! Lech!)

Hinde ko alam baket ginawa ng Diyos ang babae na naglalabas ng dugo. Nung ginawa niya ba kami...nasabi niya..."Maiba lang, paglalabasin kita ng dugo buwan-buwan." Haay...Lord why?! Di bale, mas ok na'to kesa sa bibig lumabas di'ba! Yuuucckkk!!!

At lalong kadiri din kung lalake ang lalabasan ng dugo sa pututoy nila.

"Napkin brad!"

Uhmm...uuhmmmm...eeeewwwwness!!!

Well, matalino talaga si Lord.

Pero naman...ang saket! Ang bugnot ko pag may ganito ako, para akong tongiterang limang oras na hinde pa rin nakaka-hits! Pakeningshet!

Mga babae, magaganda, mahihinhin, malamya at parang bulaklak na ubod ng sensitibo, pero pag darating ang kabuwanang siklo, parang nanang hinde mahawakan, ampanget at nagngangalit sa sakit, isang sagi mo lang...nakow! Ingat ka!

Kung hinde...masasabi mo na lang...

pesteng regla yan!

*Infairness to me, nakasulat ako ng blog dahil sa sakit ng puson ko! Woow! Iba din pala magka-regla e! May lighter side din. :P

Sunday, October 10, 2010

Pinoy signs

Well...since blogging kills boredom...I'm guilty as charged.

I was thinking of a nice topic after a frustrating entry about Pnoy. Then suddenly a thought bubble floated with an image of a local street sign...and by street sign, I mean FUNNY! pinoy street sign.

Madami na'kong nakitang ganon kung saan-saan, hinde lang sa kalsada, pati na din sa internet. Kase madalas, ito eh topic na rin sa mga blogs and forums. Kase nga nakakatawa nga naman pag binasa mo.

Tulad ng mga ito:

Buti na lang yung mga presyo...tama (sana!)

Dami sigurong kumakaing lalake dito! Tsk!

Bawal Vicycle! Bicycle lang pwede!

Oo nga naman...tanga mo naman e! Hinde sila open, so malamang CLOSED sila! Engots!

Holy days...holy nights wala?!

Buti babae ako, pwede maki-jebs. Pag lalake...sorry! Balot mo na lang sa papel!


Hahahaha...seriously?! May nahuli kaya sila???

Ano ba talaga?! FEE or EP?!

When I saw this, I was really trying to decipher what the hell is "MONGUS SOAF". First, I thought this sign was for a SPA or something that sells soap...pero nung binasa ko na yung iba...pang-food pala! Then I realized...pucha!!!! MONGO SOUP! Oh my holy tawge!

Repair mo spelling niyo pleeeaase!!! Maryosep! Nose-bleed!!

Hehehehe...utang lang ng utang...NO PROBLEM pala e! :))

Manyak ba'to or manyak???!

Bed shit ka din!!!

Makikiinom ka na lang, pagko-computin ka pa! Kakalurky!

Hahahahaha winner 'to! Afffrrraaid!!!

Hayop! Yung hayop pa magkakasakit pag nakagat ka nila!
Ano magkakaFMD ba sila pag kumain sila ng tao!?
Saka yang machine na 'yan ha...walang utak!!!

Baka dyan ka nakatira ha!

Oling for what??? Ehaw?!

Hahahaha...isa pa'tong wagi e!

Kahit nalulunod ka na...wag mo sasabihin! Bawal nga e!

Sino si Mike Guisado?!

Pucha! Murahan ba'to???Sapakan na lang!


Keep ko? Saan? Sa bulsa puwede?!

Ewwww! Parang ayaw ko atang kumain ng tao! Lalo Europeans, mababaho 'yon!

O sige, atleast puwede pa bukas! :))

Tsk! Sa laki ng baga ng mga ipis...magka-cancer nga 'yon!

Pinoy nga naman...ang kukulet!!!! Di mo alam kung nagpapatawa o engots lang talaga. (hahahaha...)

We're really a country with good sense of humor. :)

Saturday, October 09, 2010

Nag 100 days na pala si Pnoy?!

Tsk, tingnan mo nga naman, isangdaang araw na palang nakaupo sa puwesto si Presidente Noynoy. (Di man lang tumayo?? :P)

First 100 days niya nung October 7, 2010.

Hmmm...actually wala akong pakialam. Hinde ko nga naramdaman e. And if ever man maramdaman ko, as if it would do anything significant in my daily life.

Naging mabenta lang kase ang isyung ito sa mga news online, sa twitter at mga blogs.

Nabasa ko lang na may mga nanggulong estudyante nun kasalukuyang nag-i-speech si Pnoy. Di ko din alam kumbaket, baka nagrereklamo kase baka anak yon ng isang taga-MWSS, nabawasan tuloy ang panggimik niya kase na-cut na ang extra allowances ng tatay niya.

Nabasa ko din ang ilan sa mga linya ng kanyang dayalogo.

"Malalim at malawak po ang mga problemang minana natin. Nag-ugat ito sa isang gobyernong parang tatlong matsing na nagbingi-bingihan, nagbulag-bulagan, at gumawa ng sariling katotohanan."

Haayyy...why does it always have to start with lambasting the previous administration and stressing out its never-ending list of faults.

Para siyang isang broken-hearted na babaeng iniwan ng syota niya at pinagpalit sa ibang babaeng mas makapal ang buhok . Hinde maka-move ooon!!! (Aheem...)

At nagsama pa ng matsing...well I guess he's the banana...coz he's yellow! Errr...

"Bumalik na po ang kumpyansa sa ating bansa."

Wooww...really?!

After insulting a Japanese reporter and making a sarcastic remark about him not being a jukebox to repeat his statements again and again. Helooww...magtaray ba teh?! Time of the month mo ba no'n Noy?!

After that Hongkong Hostage taking fiasco and having 8 people killed sa isang walang kapararakan na hostage drama. Matapos niyang taguan ang Hongkong gov't, hinde man lang siya pumunta sa China para personal na mag-apologize pagkatapos ang insidente. Hinde niya man lang sinabi na naglalaro sila ng PSP no'n ni Baby James at Josh!! At matapos niya kaming pakabahin dahil kasalukuyang nasa Hongkong kami noon! Jusmio! Hinde niya ba ako naisip!? (hahahahaha charot!!!)

Hinde din niya sinipot ang mga arrangements niya with other ASEAN countries. Ang trip niya sa Vietnam, hinde man lang nagpasabing hinde na siya pupunta...kahit man lang TEXT! Hmm baka walang load, hinde narasyonan ni Kris ng load from Smart. Ah basta hinde na lang niya trip umalis! Wapakels sa kanilang lahat!!!

Haayy...malamang nga...malaki ang kumpyansa ng ibang bansa sa Pinas sa pinaggagawa mo Pnoy.

"Nakita naman po natin ang katakut-takot na problemang minana natin, pero hindi po tayo natinag. Naisasaayos natin sa loob lamang ng isandaang araw ang hindi nagawa ng dating administrasyon sa loob ng tatlong libo, apat na raan, apatnapu’t walong (3,448) araw."

Jusmio! Ayan na naman po siya! Ano ba ang unang inutos niya sa unang araw niya...unang-una?!

WALA NG WANG-WANG! Helluueeerrr!!! May epekto ba 'yon sa 100 araw na nakaupo ka? Did it make him a better president than the previous? Did that make any jobs? Did that solve the country's economy?! What's up with that WANG-WANG anyway?!

And maybe that wang-wang rule made him different...kase na-late siya sa military meeting dahil napasarap ang tulog at na-stuck sa traffic dahil sa di paggamit ng WANG-WANG! Hayy nabu-wang!

Oh well, if there's one WANG-WANG that has made us proud and relevant...it's Charice's wang-wang voice resounding all over the world!

"Ang punto po natin dito: Walang maiiwan. Hindi po tayo papayag na yayaman ang iilan habang nalulunod sa kahirapan ang karamihan."

Oh how I wish I'll get some of that frigging riches he's promising coz if not I'll have him shot by Enrico Puno(his shooting buddy).

"Paulit-ulit po nating ididiin: trabaho ang pangunahing agenda ng ating administrasyon. At marami pong magandang balita ukol dito."

That's why he can't let go of his shooting buddy Enrico Puno, and also a very close friend. I can see how close they are, kase si Puno ang umako ng mga kapalpakan ni Noynoy nun nakaraang hostage drama. Hmmm...naging mag-jowa kaya sila?!

"Pati po ang buhok natin ginawang isyu. Dahil siguro binata pa tayo, hindi na tayo binigyan ng honeymoon."

Hahahaha sabi na nga ba eh...insecure 'to sa buhok niya! Hahahahaha kaya iniwan ng syota!

Alam niyo ba, nalaman ko sa isang blog na habang nagdadayalogo ng mga palabok at matatamis na salita ang Pnoy ng bayan, eh gumagawa naman ng sarili niyang dayalogo si Kris via Twitter. Announcing that she and her 2 kids have FMD or Food and Mouth Disease. Nakakalurky talaga si Kris! Ayaw papatalbog sa ate, este, kuya Noy niya!

Kung may "accomplishment report" (excuse me for the term!) ang kuya niyang si Noy, syempre hinde dapat mawalan ng update tungkol sa kanya. Kahit pa magkasabay...sabi siguro ni Kris,"Let's see who'll trend on Twitter! You or me? Oh..I'm sure it's me Noy...ha-ha-ha...mas kadiri kaya yung news about me ha-ha-ha...FMD! Yuccky du bah! Pero ok lang, goow Twitter, make me a trending topic! Ha-ha-ha!"

As if we so care about her having STD or TB or FMD or HIV! Crap!

As far as 100 days of Noynoy is concerned...I don't really care. I'd rather have care on all the aftermaths of his blah-blah-blah tuwid na landas, malinis, maasahan at NARCISSISTIC gobyerno, which now seems to be lousy and incompetent. I'm more concern on the next 100 days or more. Will Pnoy still hold on to his delusions and arrogance? Or should he accept, he's no superman and he has no other choice but to just concentrate on creating jobs and improving economy rather than wasting time on creating another speech to smother the previous administration, enough with that already!!!

"Great job Noy!!"----Sabi ng 3 wise monkeys who See no evil, hear no evil, speak no evil. :P