Friday, January 08, 2010

New Year...year of the ano daw? Tiger!

Medyo late na 'tong blog na 'to para pag-usapan ang bagong taon...tingen mo?

Pero January pa rin naman, first month ng taon, so may spirit pa rin ng New Year.


Year of the Tiger daw ngayon. Kaya pala meron nang Tiger Energy biscuits...nagkataon? O itinaon? Kaya pala ang niregalo kay PBB housemate Sam ng nanay niya nung Pasko nila sa PBB house eh jacket na may tiger print. Hmm ano pa ba? Wala na akong maisip na related sa tiger na nakita ko..uhmm siguro isama mo na rin 'yong pagkabuko kay Tiger Woods na may mistress, hehehe. :)


Well, ang Year of the Metal Tiger daw eh taon ng mga masisipag, matatapang at agresibong tao. People born under the Tiger sign are said to be
intelligent, alert, and farsighted. They have their fingers on the pulse. Good strategists and tacticians, they often have a hidden agenda. Tigers are also incorrigibly competitive. Tigers always land on their feet, ready for their next act in life, pursuing it with unyielding energy and hunting it infallibly.

Does anyone born under this sign or any other signs, really feels like THIS IS MY YEAR...? Or do you live like a Tiger or a horse or a rat or a rooster for 12 months? Or does your life remarkably change? Or do you get really lucky because dammit, it's your year!

What's with the signs any way??? How does it affect you?

Uhhmmm...puwede namang bagong taon lang, baket may nalalaman pang mga taon ng mga kung anu-anong hayop?? May nababago ba kung ang nakaraang taon eh year of the Ox at ngayon eh Tiger? Meaning, kung last year mabagal ang kilos ng mga tao, ngayon magiging parang tigre sila sa bilis kumilos at dumiskarte!?

Baket walang year of the fruits like, year of the Mangoes, or Pineapple or Grapes or Fruitcocktail??? Tapos may description din, "Pag ikaw ay pinanganak sa year of the Apple, malutong ka, juicy, makinis ang balat at magiging in-demand ka sa mga okasyong malapit sa Pasko at bagong taon."

O kaya naman mga year of the colors like, year of the Red, or Blue, or White or rainbow?! "Kung ikaw ay pinanganak sa taon ng Brown, ikaw ay mahilig sa lupa, o kaya sa agrikultura o kaya ikaw ay isang environmentalist. Ang taong pinanganak sa taon ng Brown ay mapagkumbaba at may simpleng pananaw sa buhay, na parang magsasaka. Malamang malapit ka sa mga kalabaw."

Haayy..daming ganito ganyan...year of the chuva, year of the chuchu. Eeee pare-pareho lang naman, tumatakbo ang oras, ang araw, ang taon, ang panahon. Kahit anong year of the kulugo pa 'yan, hinde nababase ang buhay sa mga hayop. O sa mga katangian ng mga hayop na 'to na ni-research ng mga kuning-kuning na Chinese. Wala namang masamang maniwala sa mga ito at i-pattern ang buhay ayon sa Chinese Calendar, "Oi, this is my year, susuwertehin na'ko!". Pero hinde nakasalalay kay Roger Rabbit, Snoopy, Splinter, Islaw Kalabaw or Mighty Tiger ang kahihinatnan ng ating buhay.

Ang bawat taon ay Year of Life.

Bagong taon, bagong buhay. Bagong pagkakataon, bagong pangarap.

Siguro isama na rin naten, bagong taon, bagong sisirain.

Ganon lang 'yon, hinde porket ang taon na ito ay taon mo, suwerte ang hatid sa'yo. Hinde ka dadapuan ng sakit, hinde ka matatanggal sa trabaho, hinde kayo maghihiwalay ng karelasyon mo o hinde ka makakatikim ng hirap...hinde ka exempted, kahit taon mo 'to, tsong! Hinde din laging positive ang horoscope mo noh! :)

Ang mahalaga, may 365 days ka ulet na haharapin at pagsisikapang mailampas ulet para sa isa na namang 365 days. Panibagong 12 months para huminga, kumain, matulog, magtrabaho, magsumikap, magtiyaga...mabuhay.

Year ito ng bagong buhay. Year mo, year ko, year nateng lahat.

Happy New Year! Happy New life! :)


No comments: