Friday, January 22, 2010

Sipag at tiyaga...at sakit...at piyesta

Haayy, hellooooo blog!

It's been a while noh...I missed abusing my brain thinking of non-sense stuffs and writing them down. Hehehe, parang sabi ng utak ko, "Ayan ka na naman, papagurin mo na naman ako sa mga walang kuwenta mong blog, e ang hirap hirap mag-isip ng WALA. :) "

Enweis...actually hinde lang blog ang na-neglect ko this past few days, pati ang aking facebook. Buti na lang sawa na ako sa mga games ko don, kundi sirang-sira na siguro lahat ng pananim at mga pagkain kong niluluto.

One thing na nangyari sa akin this week e heto't, nagkasakit lang naman ako.

Dahil sa kakalagare ko para kumita ng pera...pangshopping, ooops joke! :)

I have a project in Makati. I have to work with them para gawin ang project. After my office hours, pupunta naman ako sa aking maliit na tindahan para mag-serve at mag-cashier naman sa gabi. Inaabot kami ng 3am sa tindahan namen dahil piyesta ngayon sa lugar namen do'n, kaya maraming tao.

Andyan ang mga taong nakiki-usyoso sa mga kumakanta at sumasayaw sa stage pag may contest na...

mga kabataang nakiki-inom lang ng tubig pagkatapos sumayaw sa stage (Jusko! hinde man lang naka-isip magdala ng jumbo Coleman! Mineral kaya ang tubig namen anooo!)...

mga bading na naghahanap ng binatang puwede nilang i-take home after ng contest (karamihan naman sa mga binatang sumasali don, mga madudungis! mukhang mababaho! haayyy!)...

mga babaeng hanggang singet na ang shorts, well sabagay, I think that's really the purpose di'ba, maraming lalake, maikli ang shorts...

mga na-stuck sa traffic, kaya nag-park lang muna kung saan-saang tabi at nanood ng contest, tapos bibili sa amin at tatambay...

at syempre hinde mawawala ang mga mandurukot, walang absent d'yan!

Ayoonn lang naman ang pinagkakaabalahan ko sa buong araw, trabaho sa umaga, trabaho sa gabi. Pagkauwi ng umaga, gigising ng 7am, papasok ulet sa opisinang napakalamig! Kaya hinde nakaya ng katawan ko, bumigay at dumaing na ng tuluyan. Pero keri pa naman. Hinde pa naman ka-ospi-ospital. :) Sabi nga ng mga friends sa facebook,

"Pahinga lang yan chai!"

Oo nga tama sila. Mahirap din pala ng ganon, kala mo kaya ng katawan mo lahat ng pagod at puyat. Hinde din pala puro sipag at tiyaga may nilaga, may kasama din 'yong sakit, pagod, puyat at hirap in between.

Pero ayos lang! Kakayanin naman ang lahat ng 'yan!

Tulad nga sa isang commercial, kakayanin ang anumang sakit, pero ang sakit ng pagiging broken hearted, mahirap kayanin 'yon! Hahahaha...buti na lang hinde na 'yon ang sakit ko.

Good night! :)

No comments: