Sunday, January 10, 2010

A conversation

I had a conversation with someone last week, just as soon as the year changed. It was very intimate, quiet and sincere.

Hmmm, so here it goes...

"Hi...", my voice was cold.

"I know it's been a while. Ang tagal kitang hinde nakausap. Ang tagal kitang hinde pinansin...halos nakalimutan na nga kita e."

"'Di ko namalayan ang panahon, natapos na pala ang 2009, ganito pa rin ako. Demanding pero cold pa rin. Ilang beses din kitang iniwan sa ere last year hah!"

"Pag napasaya mo na ako, ok na!!! Salamat, salamat, salamat. 'Yon lang ang kaya kong isukli sa nagawa mo para sa'ken. Tapos deadma ka na ulet sa'ken!"

"Pero namaaaan! Pag inabot na'ko ng kasumpungan at nadepress na ako ng todo-todo at feeling ko pinagsalpakan na'ko ng langit at lupa sa mga problemang nangyayari sa'ken...ayan ulet ako, syempre ikaw ang grief-absorber ko, kaya ikaw lagi ang nilalapitan ko."

"Siguro KSP ka lang talaga. Gusto mo pansinin kita dahil nakalimutan na naman kita. Ngayon siguro masayang masaya ka kase lumapit na naman ako sa'yo."

Pause.

"Pero alam mo, tama ka eh, unfair ako. Selfish ako. Sarili ko lang iniisip ko. Kung anong gusto ko, anong makakapagpasaya sa'ken, kung anong kelangan ko. Hinde ko naisip ang gusto mo...hinde ko naalala ang kelangan mo sa'ken. Puro ang kelangan ko lang sa'yo...tsk..."

"Pasensiya ka na."

"Tapos hinde pa'ko marunong tumupad ng promise. Lagi na lang napapako. Lagi na lang kitang pinapaasa..."

"Haayy, sorry talaga."

"Ilang beses akong umiyak nitong nakaraang taon, ilang beses kaming nagbreak ng ex ko hanggang sa tuluyang maghiwalay. Ilang beses din sinubok ang pagkatao ko nitong 2009, ilang beses akong nawalan ng work. Ilang beses akong nadapa, ilang beses akong nabigo. Sobrang nagtampo na nga ako sa'yo e, kase akala ko pinabayaan mo na'ko!"

"Ang kapal ng mukha kong magtampo noh..."

"...pero super sorry talaga ha."

"Andami ko rin ginawang priorities, pero ni hinde ata kita naisama sa top 5! Parang lagi ka atang last. Grabe, sobrang sama ko talaga sa'yo!"

"Sobrang sorring-sorry talaga."

"Wala na 'kong mukhang maiharap sa'yo e."

"Sobrang nahihiya ako."

"Hanggang ngayon, ito pa rin ang masasabi ko sa'yo...SORRY."

"Ilang taon na 'kong pagani-ganito sa'yo. Sorry ng sorry, tapos pag nakuha ang gusto, deadma na ulet. Pag nasaktan, saka lang babalik ta's sorry na naman ang masasabi ko."

"Buti hinde ka nagsasawa 'no? Kahit paulit-ulit at ilang milyong sorrys na ang nasabi ko sa'yo. Wala sigurong tao ang kayang maging katulad mo, ang iba d'yan ilang taon lang, hinde na kayang tumanggap ng sorry, pero ikaw, forever. Isa ka sigurong martyr. Ang pagmamahal mo saken, LOVE WITH COMPASSION, walang katulad."

"Sorry talaga sa kung baket ako ganito."

"Sorry dahil sa dami ng kasalanan ko sa'yo hinde ka nagsawang mahalin ako."

"Andyan ka pa rin, hinde mo'ko iniwan, hinde mo'ko binitawan."

"Hinde ka sumuko. Hinde ka lumayo."


"Kahit anong iwas, layo at limot man ang ginawa ko sa'yo, hinde ka umalis. Naghintay ka."

"You promised you'll never leave me, and you really did."

"Even in the dark, you didn't abandon me. Even when I already refused to know you, you still remembered me."


"I am really, really sorry...Lord."

"Ganon pa man, salamat dahil andito pa rin ako, nabubuhay at binigyan mo ulet ng isa pang taon para maging pasaway. Salamat sa pagmamahal na hinde nagdedemand ng kapalit. Isang bagong taon para matuto."

"Thank you so much."

"Amen."


Pagkatapos no'n, pinahid ko lang ang luha sa mga mata ko, at huminga ako ng malalim.

Isang conversation na matagal ko ng iniwasan at nakalimutan.

Isang conversation na, hinde ko alam, kailangang-kailangan ko pala.

Isang conversation na sana makapagpabago ng bagong taon ko.

:)

No comments: