Tuesday, February 09, 2010

Valentines day??? Yeah, sweet!

Pebrero na.

So?!

Valentines day na.

Sooooooo???!!!

Araw ng mga puso.

O e baket may puso naman ako since birth e, ngayon lang ba nauso ang puso???!!!

Magdi-date ang mga in a relationship.

O e ano ngayon??? Maghihiwalay din yang mga 'yan, tingnan mo!

Sweet ang mga tao pagdating ng Valentines.

E ano ngayon kung sweet sila, I'm not into sweets you know!

Magbibigayan sila ng flowers and teddy bears.

Haaayy...gastos lang 'yan!

Mamumutakte na naman ng mga I love yous.

Asus...isang araw lang 'yan, next day, i hate you na!

Love is in the air, di mo ba nalalanghap???

May sipon ako! (sniff! sniff!)

Hinde ka pa ba napapana ni kupido?

Ayun! Si kupido...sino ba talaga yang kupido na 'yan? Yan ang may pakana ng lahat ng kalokohan pag Valentines e.

Ayokong magpapana kay kupido noh!

Pag nakita ko siya malilintikan siya saken at imbes na pana ang gamitin niya sa'ken, band aid! Para matigil na 'tong sugat sa puso ko na kagagawan din niya, hinayupak na kupido 'yan! Papana lang, sablay pa e! Di man lang inasinta, imbes na sa puso, sa noo ata tumama, ayan puro sakit lang ng ulo ang nakukuha ko dahil sa katangahan sa love.

Ano bang silbi ng Valentines na 'yan kase?! E puwede naman araw-araw kayong magmahalan ano! Kelangan ba sa Valentines lang ipakita ang pagiging passionate sa pagmamahal?

HELEEURR!!!

Tapos super date pa! Hayyy! Anong kinaiba ng date niyo pag Valentines sa date niyo nung isang araw? Nung Sabado, nung isang sweldo, nung isang buwan na monthsary niyo, nung anniversary niyo at kung kelan-kelan pa?!

Ngayon ka lang ba nakaisip magbigay ng flowers and chocolates?

At ngayon lang ba kakaiba ang I love you mo, kase Valentines day?

DUUUUHHH!

Naku ha! At syempre pag Valentines day, bawal ang mga magkakarelasyong magka-away. Ceasefire muna si gf or misis sa pagna-nag at lie low muna si bf or mister sa mga kalokohan or pagngitngit niya sa partner niya.

Kelangan love is in the air...parang alikabok.

Hala sigeeee...let's try to save this relationship...Valentines naman e.

Bukas back to normal tayo.

Jusme!

Nakakaloka ang pag-ibig noh! Nakakabaliw!

Tuwing Valentines daw dapat kasama mo ang love mo...

E pano kung ang love ko 'yung sapatos kong bagong bili. Ano??? Magde-date kami ng sapatos ko? Manonood kami ng sine at papakainin ko siya ng steak??? O wow! Sweet!

O kaya love ko ang aso ng kapitbahay namen...wow...I'll ask him for dinner. Too bad I don't love his owner...'yong aso lang talaga. Tatanggapin kaya siya sa Chili's? At magugustuhan niya kaya ang wine na iinumin namen?

Kaleeerrrrrky!

Kung may bf kaya ako, ganito din ang maisusulat ko?

Hahahaha...malamang hinde!

Malamang kasama ako sa mga taong nagpapaka-cheesy ngayon! Naku! Next topic puhlease!


Haaayyyy...bitter! Pa-pait-an!

:P



No comments: