At isa kami do'n. :)
Huweell...matagal-tagal na din akong hinde nakanood ng teleseryeng 'to, but I don't know why I really wanted to watch the last episode last night. Siguro dahil andaming mga naglalabasang news about it na maganda, touching and bongga ang last episode nila. Andaming tweets ng mga artista sa twitter regarding the ending, inviting people to watch it kase madami raw artista at nakakaiyak daw for sure. And true enough, nakita ko nga kagabi na halos lahat ata ng artista ng ABS-CBN andon sa ending, nagmistulang Station ID ng channel 2.
Namatay si Santino (saaad!!!) dahil sa kawalanghiyaan ni Tilde, na uhmm, pinsan ko, si Desiree del Valle, sino pa ba. Hahahaha...pasensya naman po at pinatay ng pinsan ko si Santino ano. E sabeeeee ng direktor eeeeeee...kailangan mamatay si Santino sa pagkakabagok niya mula sa pagkakasampal ni Tilde. Hahaha, mejo harsh para sa bata pero puwede bang mangyari 'yon? Deads agad??? Sabagay, hinde naman naten alam paano tayo mamatay e, may iba nga dyan namamatay dahil lang sa saludsod.
Enweis...so ayon na nga, nadedbol na si Santino. Naglabasan ang mga artistang nakasama niya at naging guest na nagbago ang buhay dahil kay Santino at Bro. Hinde ko lang matandaan kailan nag-guest si Piolo sa May Bukas pa...hmmm, parang hinde ko siya maalala. Pero kung ang purpose naman nga pala e magmukhang station ID ito ng ABS, well the end justifies the means. :)
Pinakita ang most awaited reunion ni Santino with his nanay, Chin-chin Gutierrez (Teresa) and tatay, Albert Martinez (Mayor), which is I think the very first mission of the kid, to find his true family. Pero naging huli ito sa kuwento, dahil kung hinde pa siya namatay, hinde niya malalaman kung sino ang mga magulang niya. In that case, let's give credit to my cousin.
Pero pasintabi sa mga amponelia at ulilakunyelo! Paano kung magkaroon ng idea ang mga ampons o mga nabuhay na hinde kilala ang mga magulang nila...mamaya niyan maisip nila, in search of my true identity and true family, I will kill myself, or puhhleaase...kill me now!
Hahaha, kakaloka 'yon!
Ok, back to Santino...so ayon nga super crayola ang mga utaw sa pagkamatay ni Miracle Boy, habang siya eh nakikipagharutan sa mga magulang niya sa highest level, heaven (pero in fairness haaa...kahit gaano ka kasama, talagang may kapatawaran para sa mga kasalanan mo, at mapupunta ka pa rin sa langit, tingnan mo si Mayor, bongga dibaaa!).
Eeeee ang kaso, dumating si Bro...sinusundo na si Santino. E di nabasag naman ang trip ng happy family. Just when they thought na tapos na ang kuwento dahil nagkita-kita na sila, eh hinde pa pala...
Dinala ni Bro si Santino kay Mama Mary (Charo Santos...aheemmm...
uhm, wala bang iba???) at sinabing may misyon pa siya sa lupa...
Tadaaaa...in short parang si Bro, nang may ika...uhmm, ilang minuto...nabuhay nang muli, si Santino.
I'm not really a devoted fan of this serye, but when I saw that scene, I had goosebumps aaaaall ooooverrr! Lalo nung makita ni Ryan Agoncillo ang pagkabuhay ni Santino while he was sitting on Bro's lap. That was just...oh my God! (feeling ko may mga natanggal na balahibo sa balat ko sa sobrang standing ovation nila!)
Just how I expected things to happen, I know ABS won't end the serye just like that. May Bukas Pa was one of their cream of the crops, multi-awarded and highly recommended. Too bad they have to end it to give way to other shows (Aguabendita). But they didn't end it because it was not rating anymore (hellueer! Dream on! :P). Marami na rin napakita ang serye. At marami na din ang na-inspire nito. I guess ending the show now is a good decision for the management...end while people are still crazy over it, rather ending the show without people noticing it. Atleast may excitement pang matitira sa mga viewers, for sure they'll still talk about it over the weekend and wait for the next season.
So that's how the adventures of Santino and Bro ended...but not for long, magpapahinga lang si Santino. Ikaw ba namaaan! Ilan beses ka nang nakidnap at pinagtangkaang patayin, hinde ka ba mapapagoooddd!!! Give him a break nooh! Akala niya siguro tapos na ang mga pangingidnap sa kanya, sorry little boy...there's more to come. :) Hahahaha...
Pero one thing's for sure...
si Bro hinde nagpapahinga. :)
AMEN!
Focus on the 4 dots in the center of this image. After 10 seconds, tumingen ka sa wall...sino nakita mo? :)
No comments:
Post a Comment