Sunday, February 07, 2010

Gano'n pala ang feeling...

Last night, while in a cab going to our tindahan, may nakita akong kakaiba sa mga usual na nakikita ko sa kalsada.

When our cab turned right towards Buendia Ave., we saw a bunch of people screaming and hailing for help. Ang mga babae umiiyak, ang mga lalake hinde alam ang gagawin. Buti na lang may pulis na nage-escort sa isang bus na puno ng mga Koreano. Nakita ko na nagtakbuhan at hinarang ng mga tao ang mamang pulis para sabihin na,

"KUYAAA!!! HINOLD-UP KAMIIII!!!"

"Tulungan niyo kami!!!"

"DOON! DOON TUMAKBO!!!"

Instant hero si manong pulis!

In that short span of time, kung gaano kabagal ang tinatakbo ng aming taxi para makita ang mga nangyayari, gano'n naman kabilis umakyat ang takot at kaba sa dibdib ko.

"Shet! Nahold-up sila manong! Tsk! Grabe! Kawawa naman!"

"Oo nga, gago talaga mga tao ngayon!", sabi ni manong.

"Saan na kaya yong holdaper?? Sana mahuli!!!"

"Shocks!", isip-isip ko.

Malayo na kami sa scene of the commotion pero 'yon pa rin ang iniisip ko.

Ganon pala ang feeling ng makakita ng mga nahold-up! Parang mistulang kasama ako do'n sa pangyayari. Parang ako din 'yon nawalan ng pera at cellphone. Napapanood ko lang 'yan sa mga balita at movies, pero iba pala talaga pag nasa personal. And sometimes when I see it in the movies or news, nagtataka ako, anong ginagawa ng mga kalalakihan, bakit hinde sila lumalaban???

Isa lang siguro ang sagot d'yan, siguro dahil gusto pa nilang MABUHAY.

Nakakatakot, nakakanerbyos, nakakaawa at nakakagalit para sa mga taong walang pakundangan kung gumawa ng ganitong gawain.

Minsan naiisip ko, baket may mga taong ganito? Mga taong wala nang takot sa batas at sa Diyos.

May isa akong kaibigan, may kakilala daw silang member ng AKYAT BAHAY GANG at nakakainuman pa nila.

Sabi ko,

"Huuuuuuhhhh!!! Puta! Baka isa ka rin sa kanila ha! Baka biglang may mawala na lang na gamit namin pag-alis mo!" :))

"Hoy! Di ako ganon nohh!", sabi niya.

Hehehehe...natanong ko siya,

"Baket daw nila nagagawa 'yon? Anong nasa isip nila? Hinde ba sila natatakot? Wala na ba silang konsensya?"

Sabi niya, "Hinde na sila takot, para sa kanila, hobby na 'yon!"

"Huwaaaattt!! Hobby! Tangnang hobby 'yan ha!!"

"Oo, parang addiction na, hinde sila napapakali pag wala silang nananakawan. Pero syempre pinipili din nila. Mas malaking bahay, mas masaya."

"Hahaha potangna, masaya?! Parang party lang anoooh!!!"

"Oo, minsan nga nag-iinuman kami, biglang mawawala 'yon isa eh, makikita na lang namen nasa bubong na ng target nilang bahay, paglabas, may mga dala ng gamit. Tapos babalik, may pang-inom na naman kami! Hehehe...", kuwento pa ng kaibigan ko.

"Anoooo! Oi teka, 'to bang pinang-iinom naten...baka galing to sa bubong haaaa!!!", napasigaw ako.

"Tanga! Hinde naman ako nagpabili ng inumin naten ah! Ikaw!!! Engot!"

"Ay ok! E di mas maganda! Atleast alam ko hinde galing sa bubong! Jusko namaaan! Talaga ganon ba sila??? Ang cool lang ano, magnanakaw lang saglit tapos ipambibili ng lalaklakin niyo, parang walang nangyari. Buti hinde kayo nabilaukan or nabangungot man lang pagkatapos!", sabi ko.

"At parang Robinhood ng mga tomador sa kanto. Samantalang ang ninakawan niya, nangangabaliw na dahil nanakawan siya samantalang kayo nagpapakawasak sa alak na galing sa pera niya! Walanghiya!!!"

Sabi ng kaibigan ko, "Hoyyy! hinde naman ako ang nagnakaw ano...nakikiinom lang ako!"

"GAGOOO!!! Tado ka pala e! Baket hinde mo isinumbong sa pulis!"

"Mahal ko pa buhay ko!", 'yon lang ang nasabi niya.

Haaayyyy...ako kaya? Makakapagsumbong din kaya ako?? O alak lang ang katapat ko?

Nakakatakot ano...pero totoo 'yan. Minsan madaling manghusga at magsalita pag wala tayo sa sitwasyon, pero pag andon na...mas nauunahan tayo ng takot para sa sarili at sa pamilya naten.

What's more important?? To be righteous or to be safe?

:)

No comments: