nagpapawis...
nanlilimahid...
nagmamantika...
nakakapang-inet ng ulo...
gaarrraaaabeeeee!
Sobrang inet sa earth!
Pa-ke-ning-shi-yeet!
Haayyy...31 degrees Celsius...holy hottcaaakke!
Napakainet ngayon dito sa Pilipinas...hinde ko alam kumbaket, kakatapos ko lang naman ng period ko...hmmm malamang dahil sa global warming at el nino muhlach.
Andami nang namamatay na hayop at pananim dahil sa dehydration at sobrang pagkatuyo ng lupa. Buti wala pa naman akong nababalitaan na taong namatay dahil sa sobrang inet or heatstroke o namatay sa sobrang uhaw. Nakakagulat siguro makabalita ng taong namatay dahil sa sobrang pagkauhaw...tsk...tingen ko, hinde siguro yon namatay sa sobrang pagkauhaw...malamang sa sobrang katamaran, iinom na lng ng tubig, tinatamad pa. Ayon! Na-deads!
Ako naman, nararanasan ko ang sobrang inet pag lalabas na ako ng bahay. Kung puwede ko nga lang bitbitin ang elektrikpan kasa-kasama ko saan man ako pumunta di'ba kaso baka magmukha akong asawa ng bumbay na nagpapahulugan ng elektrikpan. Kahit magdala ako ng mini-pan, 'yong di-baterya...nakowww! Di ubra sa galit ni Meydyor Sunny...nagngingitngit ang inet niya e, parang 'yong sa Mario bros. na game, 'yong araw do'n na pang-asar ang mukha tapos hahabulin ka pa pag na-tripan niyang pasuin ka...in fairness, buti si Mario hinde nahi-heat stroke anoh?!
Pero ano nga ba ang heat sroke?
Ano ba 'yang heat stroke na'yan at sikat na sikat tuwing summer, kasing-sikat ng Boracay, swimsuit at goggles.
Ang Heat stroke ay isang klase ng hyperthermia (which is defined as the overheating of the body.The word is made up of "hyper" (high) + "thermia" from the Greek word "thermes" (heat).)
There are a variety of heat-related illnesses, including heat stroke and heat exhaustion. Other heat-related health problems include heat cramps, heat rash and sunburn. Pero ang HEAT STROKE ang pinaka-fatal, nakakamatay.
Nagkaka-heat stroke ang isang tao kung hinde na nakayanan ng katawan niya na mag-release ng init at pagkatapos ay mag-cool down. One way of body's cooling itself down is through sweating...(hmmm...maraming paraan para pagpawisan right?) But in extremely hot temperature, and high humidity, sweat will not evaporate quickly, preventing the body to release heat. Thus causing the body temperature to rise and then...kaboooommmm!!!
Heat stroke!!!
Pero hinde lang ang direct exposure to extreme sunlight ang puwedeng cause ng heat stroke, kundi pati ang DEHYDRATION. Kaya importante ang tuloy-tuloy na pag-inom ng tubig.
At sa mga panahong sobrang inet din, alam mo bang hinde recommended ang sobrang page-exercise. Dahil nga most often than not, kapag mainet ang panahon, mataas din ang humidity. Kaya tayo nakakaramdam ng panlalagkit ng katawan. Kung sobra tayo magpapawis, at kung hinde ito mailalabas ng katawan dahil sa high-humidity...malamang, mahi-heat stroke ka din. Kung mage-exercise ka naman, make sure to take lots of fluids.
Ang mga symptoms ng pagkakaroon ng heat stroke: high body temperature (above 104 Fahrenheit), the absence of sweating (kaya mabuti pang manlimahid ka sa pawis kesa wala kang makitang pawis sa katawan mo kahit mainet, mas nakakatakot 'yon, hahaha...), rapid pulse, hallucination, difficulty in breathing, nausea, headache and seizure.
Kapag nakaramdam ka nito, e pumunta ka na agad sa lugar na malilim, uminom ng sangkatutak na tubig, basain ang katawan ng malamig na tubig at magpahinga.
Oraaayyyttt?!!?!
Haayy..sarap ng malamig na malamig na COOOOWWKKKK! 'Yong nasa malaking baso tapos punong-puno ng aayyyyssss!!! Whooaah!
Refreshing! :)