Wednesday, August 04, 2010

So QmZtaH nGa???

I know this topic's kinda outdated na pero dahil ngayon lang ulet ako nagsulat, isusulat ko na din.

Nung habang tinatamad ako magsulat, nauso ang mga JEJEMONS.

yOwn pOwhN m9A 9n2uH MgTyP3 sKa m9tXzt pOwH...

yEan pOwh aN9 mGa jEJeMOnzzz.

hnDe Q Alam pNU AT Sn ng-OrIgIn8 aNG SLitANG JeJEmoN At SIN0h aNg HnyUPK Na nGPuSO NiYN p0WH. P0wH. p0wH.pERo MHuxai sIla at Nk2buWisEt loLZ!

No ba 'yan pati ako najejejers!

Shhhhuuuu!!Shuuuuhhh!!!

Haayy...

Ang mga bata ang bilis natuto. Parang virus na kumalat sa buong bansa. Virus sa mga taong ang sarap sampalin at ibalik sa Grade 1 para matuto ulet ng ABKDEGHILMNNGPRSTUWY at ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ!

Parang ang sarap ulet nila pagbasahin ng dilaw na babasahin na may mga katagang:

a-so=aso
i-law=ilaw
ba-ka=baka
o-po=opo (hinde naman powh diba!)
a-ko=ako (baket naging aQ??)

Jusmioperdon! Pag nakakabasa ako ng ganito sa cellphone or sa internet, nagrarambol rambol ang mga letters sa utak ko, feeling ko nagpaparty sila doon at para na silang mga lasing! Hinde ko maintindihaaaannn!!! Utang na loob!

Baket kelangan pahirapan nila ang sarili sa pagtatype ng mga salitang ang dali lang naman itype or bigkasin or basahin. Tulad na lang nito...

Normal: Hello.

Jejemon: "eOw p0WH"

Normal: Ok.

Jejemon: "0K p0wH."

Normal: Hello, what are you doing?

Jejemon: "30W p0WHzZzZzZ...... 4n0 p0WhzZzZ G4w4 NiY00!?!?!????!!?!?........... üüüüü"

Normal: Hahaha

Jejemon: "Jajajajaja...jejejejeje.....üüüüü"

At marami pang iba!

Pinoy nga naman, hilig maging kakaiba! Pati sa pagpapauso ng mga walang kapararakang language, mahusay!

Lately, naging national issue na ang JEJEMON Phenomenon. O diba! Infer, sumikat pa sila sa kajologsan nila! Few months ago, The Department of Education has issued an ALL OUT WAR against the so-called Jejemons.


Which is tama naman. Dahil talagang nakakainis makakita ng mga ganitong sulat or text. At take note, may mga style pa ang mga batang ito sa kanilang pananamit. Isa lang ang itsura nila at kung paano sila pomorma. Pag nakakita ka ng mga kabataang mukhang galing sa sayawan sa kanayunan...sila 'yon! Mga batang madaming kolorete sa mukha, madaming burluloy sa katawan na puro neon colors, may cap na stripes ang mga lalake, may highlights ang buhok, nakasuot ng maluluwag na jerseys at iba pang pormang hinde mo masasabing SIMPLE!

Ngayon pakalat-kalat pa rin ang mga jejemons sa paligid. Minsan may nababasa pa rin akong ganyan. At matic 'yan...DELETE agad sa inbox! Nakakaasar kaya!

Buti na lang wala pa akong anak na mahahawa sa kajejemonan ng paligid ngayon...

...kundi baka naitapon ko ang cellphone niya at paluluhurin ko siya sa asin habang binibigkas ang ABAKADA at ABC hanggang sa bumalik siya sa normal na pag-iisip!

bYeE3 lOlzzzzz!

:P

No comments: