Sunday, August 15, 2010

One toothless Sunday...

(Ang sumusunod na kuwento ay kinakailangan ng patnubay ng magulang. :P)

Linggo, ke aga-aga...

Napagdesisyunan kong magpunta sa dentista at magpabunot ng ngipen.

Minsan lang 'yon mangyari sa buhay ko, ang bumisita sa dentist.

Siguro dahil:

a.) kusa na lang nalalaglag ang ngipin ko pag kelangan na niya magpaaalam kaya di na kelangan ng bunot
b.) takot ako sa bunot
c.) all of the above

ANSWER: C!

Matigas kase ang ulo ko at takot ako sa dentista. Pero iba ang nangyari kanina, parang ang tapang ko. Parang sobrang trip ko makipagbuno sa dentista at ipa-overhaul ang mga ngipin ko.

Soooo...pagdating sa clinic. Hmmm...malinis naman and presentable ang clinic though it's a bit small. Medyo pricey. Her extraction and oral prophalyxis costs P400 and fills cost ranges from P400-P650. Pero I don't really mind 'yon price e, kahit mahal or average, as long as maganda ang services, ok lang saken. Besides, I saw her stuffs, they're pretty complete, new, and well-sterilized and organized.

Maganda din ang dentist, kamukha siya ni Bangs Garcia. Mabait and very accomodating. Kaya naman napalagay agad ang loob ko. Nawala ang takot...parang na-excite pa nga ako. In addition to that, mabait din sya sa mga bata. Dahil kasama ko din ang pamangkin kong takot din sa dentist and surprisingly...naging ok naman ang kanilang session.

Nung ako na ang nakasalang sa dental chair...

Una, cleaning muna. Happy naman siya kase wala pa akong masyadong patay na ngipin. Pero marami na akong kelangan pa-pastahan bago pa magka-cavities. Ok lang...mas gusto ko 'yon kesa masira.

Then, I had may front tooth, filled. Nabitak kase ito, kaya kelangan ko nang ipaayos.

Ang mga unang ginawa niya saken...KERI ko pa eh...pero itong huli, ang extraction NG MOLAR...ito ang madugo at kelangan ng ibayong tapang at tibay ng dibdib. (Kung puwede lang sana laklakin ang anesthesia na parang Cobra energy drink!!)

So ayon nga, I had to have my 2nd molar extracted. Nagkaroon na kase ng opening, though hinde naman siya masakit. Pero ayoko na hintayin ang time na sumakit pa ito, ayoko na rin ng pasta, kase hinde din magtatagal, masisira na rin ito sa loob. Kaya nagdecide na akong ipatsugi na talaga siya. Kesa ipa-root canal ko...pinabunot ko na lang! Masyadong mahal ang magpa-root canal noh, tapos ipapa-jacket pa. Kaya ayown...since kuripot ako, kelangan ko magtiis sa bunot.

Simula na ng kalbaryo ko...

Haayy...hinde pa niya natuturukan ng anesthesia, kinakabahan na'ko. Natatakot akong masaktan talaga. Nang mamanhid na, sinimulan na niya turturin si Bags (as in bagang). Matapos ang 3 turok ng anesthesia at paghikit-ikot-pukpok kay Bags, kinailangan nang i-break ito sa dalawa dahil medyo nahihirapan na si doc, dahil malaki ang ngipin at masyado pang nakadikit sa buto ko ang tip niya. Feeling ko isu-surgery na ako.

Soooowwbraaanngggg saket! Hinde na tumalab ang anesthesia saken. Kaya kahit na may pamamanhid, nararamdaman ko pa rin ang mga gingawa niya sa loob ng bibig ko. At dahil don halos mahihimatay na'ko sa pinaghalong pressure, anxiety at pain.

Inaaliw ko na lang ang sarili ko sa mga bagay na pwedeng pagdivertan ng utak ko, kesa sa sakit na nararamdaman ko.

Sumagi din sa utak ko...

"Mas masakit ang manganak, wala pa sa kalingkingan ng pagbunot ng ngipin...kaya wag kang umiyak Chai, kayanin mo yaa...aaaaawwwwwww..." (napangiwi ako no'n at halos mangiyak-ngiyak nang maramdaman ko'ng iniikot niya ang kalahati ng ngipin ko.)

Kapag napapapikit ako...feeling ko mahihimatay na ako at wala na'kong maramdaman. Lambot na lambot na'ko. Nanlalabo na ang pandinig at paningin ko.

Gusto ko na ibalik ang oras at bawiin ang tapang ko kaninang umaga.

Baket ko pa kase pinabunot!

Pero andito na, isa na lang mahihingan ko ng tulong.

"Lord, pabunot mo na siya please...", iyan na lang ang dasal ko sa mga oras na 'yon.

"Chai...ito na ha...relax...ayan..." (biglang naramdaman ko ang sakit na parang umakyat hanggang sa tuktok ng ulo ko).

"Tapos na...", sabi ni doc.

"Haaahhh..." napahinga ako ng malalim. My gosh! Gusto ko na umuwi!

"May isa pang half...game na ha," sabi ni doc.

Isip isip ko..."Huwaaattt!!! Oo nga pala...shet!"

"Ok ka pa Chai? Masaket ba?? Ok lang yan, kaya mo 'yan diba?", tanong ni doc.

Gusto ko sana sumagot, pero buti na lang hinde ako makapagsalita! Kung hinde...haayyy!

Nang narinig kong sinabi ni doc..."Ok na Chai! Gargle ka na."

Parang bumalik ulit ang kaluluwa ko sa katawang-tao ko. Wala akong maramdaman, parang no'n lang tumalab ang anesthesia. Ang alam ko lang...TAPOS NA.

Kahit gaano pa kahirap ok lang, mas mahirap ang pagsakitan ng ngipin...sakit na wala kang kalaban-laban., kulang na lang, mag-overdose ka sa Mefenamic Acid.

Anuman ang dahilan kumbaket halos mahimatay na'ko sa hirap ng session na 'yon...hinde na importante at hinde ko na masyadong dinamdam. Masaya akong napaayos ko ang mga gusto kong ipaayos sa bibig ko.

Ang mahalaga, natapos ang kalbaryo ko sa clinic na 'yon. :)

No comments: