Sunday, August 15, 2010

One toothless Sunday...

(Ang sumusunod na kuwento ay kinakailangan ng patnubay ng magulang. :P)

Linggo, ke aga-aga...

Napagdesisyunan kong magpunta sa dentista at magpabunot ng ngipen.

Minsan lang 'yon mangyari sa buhay ko, ang bumisita sa dentist.

Siguro dahil:

a.) kusa na lang nalalaglag ang ngipin ko pag kelangan na niya magpaaalam kaya di na kelangan ng bunot
b.) takot ako sa bunot
c.) all of the above

ANSWER: C!

Matigas kase ang ulo ko at takot ako sa dentista. Pero iba ang nangyari kanina, parang ang tapang ko. Parang sobrang trip ko makipagbuno sa dentista at ipa-overhaul ang mga ngipin ko.

Soooo...pagdating sa clinic. Hmmm...malinis naman and presentable ang clinic though it's a bit small. Medyo pricey. Her extraction and oral prophalyxis costs P400 and fills cost ranges from P400-P650. Pero I don't really mind 'yon price e, kahit mahal or average, as long as maganda ang services, ok lang saken. Besides, I saw her stuffs, they're pretty complete, new, and well-sterilized and organized.

Maganda din ang dentist, kamukha siya ni Bangs Garcia. Mabait and very accomodating. Kaya naman napalagay agad ang loob ko. Nawala ang takot...parang na-excite pa nga ako. In addition to that, mabait din sya sa mga bata. Dahil kasama ko din ang pamangkin kong takot din sa dentist and surprisingly...naging ok naman ang kanilang session.

Nung ako na ang nakasalang sa dental chair...

Una, cleaning muna. Happy naman siya kase wala pa akong masyadong patay na ngipin. Pero marami na akong kelangan pa-pastahan bago pa magka-cavities. Ok lang...mas gusto ko 'yon kesa masira.

Then, I had may front tooth, filled. Nabitak kase ito, kaya kelangan ko nang ipaayos.

Ang mga unang ginawa niya saken...KERI ko pa eh...pero itong huli, ang extraction NG MOLAR...ito ang madugo at kelangan ng ibayong tapang at tibay ng dibdib. (Kung puwede lang sana laklakin ang anesthesia na parang Cobra energy drink!!)

So ayon nga, I had to have my 2nd molar extracted. Nagkaroon na kase ng opening, though hinde naman siya masakit. Pero ayoko na hintayin ang time na sumakit pa ito, ayoko na rin ng pasta, kase hinde din magtatagal, masisira na rin ito sa loob. Kaya nagdecide na akong ipatsugi na talaga siya. Kesa ipa-root canal ko...pinabunot ko na lang! Masyadong mahal ang magpa-root canal noh, tapos ipapa-jacket pa. Kaya ayown...since kuripot ako, kelangan ko magtiis sa bunot.

Simula na ng kalbaryo ko...

Haayy...hinde pa niya natuturukan ng anesthesia, kinakabahan na'ko. Natatakot akong masaktan talaga. Nang mamanhid na, sinimulan na niya turturin si Bags (as in bagang). Matapos ang 3 turok ng anesthesia at paghikit-ikot-pukpok kay Bags, kinailangan nang i-break ito sa dalawa dahil medyo nahihirapan na si doc, dahil malaki ang ngipin at masyado pang nakadikit sa buto ko ang tip niya. Feeling ko isu-surgery na ako.

Soooowwbraaanngggg saket! Hinde na tumalab ang anesthesia saken. Kaya kahit na may pamamanhid, nararamdaman ko pa rin ang mga gingawa niya sa loob ng bibig ko. At dahil don halos mahihimatay na'ko sa pinaghalong pressure, anxiety at pain.

Inaaliw ko na lang ang sarili ko sa mga bagay na pwedeng pagdivertan ng utak ko, kesa sa sakit na nararamdaman ko.

Sumagi din sa utak ko...

"Mas masakit ang manganak, wala pa sa kalingkingan ng pagbunot ng ngipin...kaya wag kang umiyak Chai, kayanin mo yaa...aaaaawwwwwww..." (napangiwi ako no'n at halos mangiyak-ngiyak nang maramdaman ko'ng iniikot niya ang kalahati ng ngipin ko.)

Kapag napapapikit ako...feeling ko mahihimatay na ako at wala na'kong maramdaman. Lambot na lambot na'ko. Nanlalabo na ang pandinig at paningin ko.

Gusto ko na ibalik ang oras at bawiin ang tapang ko kaninang umaga.

Baket ko pa kase pinabunot!

Pero andito na, isa na lang mahihingan ko ng tulong.

"Lord, pabunot mo na siya please...", iyan na lang ang dasal ko sa mga oras na 'yon.

"Chai...ito na ha...relax...ayan..." (biglang naramdaman ko ang sakit na parang umakyat hanggang sa tuktok ng ulo ko).

"Tapos na...", sabi ni doc.

"Haaahhh..." napahinga ako ng malalim. My gosh! Gusto ko na umuwi!

"May isa pang half...game na ha," sabi ni doc.

Isip isip ko..."Huwaaattt!!! Oo nga pala...shet!"

"Ok ka pa Chai? Masaket ba?? Ok lang yan, kaya mo 'yan diba?", tanong ni doc.

Gusto ko sana sumagot, pero buti na lang hinde ako makapagsalita! Kung hinde...haayyy!

Nang narinig kong sinabi ni doc..."Ok na Chai! Gargle ka na."

Parang bumalik ulit ang kaluluwa ko sa katawang-tao ko. Wala akong maramdaman, parang no'n lang tumalab ang anesthesia. Ang alam ko lang...TAPOS NA.

Kahit gaano pa kahirap ok lang, mas mahirap ang pagsakitan ng ngipin...sakit na wala kang kalaban-laban., kulang na lang, mag-overdose ka sa Mefenamic Acid.

Anuman ang dahilan kumbaket halos mahimatay na'ko sa hirap ng session na 'yon...hinde na importante at hinde ko na masyadong dinamdam. Masaya akong napaayos ko ang mga gusto kong ipaayos sa bibig ko.

Ang mahalaga, natapos ang kalbaryo ko sa clinic na 'yon. :)

Friday, August 13, 2010

Sale monster!

Oh! Before I sleep, I just wanna write this down. :)

I just went shopping this afternoon (which kinda feels good!).

Haven't done splurging on stuffs for uhhhmmm...a loooooooong time. And I realized, I missed the feeling of buying clothes, shoes, etc. for myself, I mean in a very impulsive way.

I really wanted to go to the mall kanina, kase I just felt really really bored in the house. Meyn! I've been doing nothing since forever! Yeah...I was just waiting for money to drop (meaning, just waiting for my checks from clients!)...kase all my works were already done. I didn't accept anymore projects since I said yes to a new full time job on September.

And waiting makes me kinda,sorta lethargic already! Zuper!

Oh well back to my boredombuster habit...shopping.

I remember my pre-historic post here (hahaha...tagal na kase 'yon!) about my shopping escapade! Where I spent P15,000 bucks in just 2 hours of impulsive buying. Well...I swore to myself, I will never ever ever do that again! Unless I do that in Hongkong (ahemm...which will happen next week! woot!).

Thank heavens...I didn't. Oh almost...but not really. Half lang. :D

But I'm guilt-free this time. Kase halos lahat naman ng aking pinamili ay...

SALE. RED TAG SALE. 70% OFF! 30% DISCOUNTED... S-A-L-E!

Yup! I'm a Sale grabber.

And if before, sa P15k na 'yon eh, 5-6 items lang ang nabili ko...ngayon...with half of the said amount, I was able to buy more than 5-6 pieces. (I think I should be proud!)

(uhhmm...ok, pampalubag loob, why not!)

Masaya kase I was able to buy stuffs I need in reduced prices. Though meron iba akong nabili, hinde SALE, ok na din. Guilt-free pa rin...konti. :)

Hayy...sayang kase daming SALE! Pero this time...I think I'm becoming a little more frugal in spending money. I'm starting to see myself prudently saving and looking forward to a less-shopping-more-savings year. I WISH!

Mas malaki na kase ang pinapangarap kong mabili in the future. Mga bagay na hinde na lang kakasya sa paper bags or kahon ng sapatos. Mga bagay na hinde basta basta nabibili kung SALE. Mga bagay na hinde nabibili in an impulsive way...kundi talagang pinaghahandaan at pinagiipunan.

Ito ang wish ko ngayon...i-level up ang pagshoshopping ko. Hahaha...taray di'ba! :)

Hosya! Alas-tres na ng madaling araw! Makaborlog na! G'nyt! :)

What's new?


Hmmm...sounds intriguing.

SOON.

Wednesday, August 04, 2010

So QmZtaH nGa???

I know this topic's kinda outdated na pero dahil ngayon lang ulet ako nagsulat, isusulat ko na din.

Nung habang tinatamad ako magsulat, nauso ang mga JEJEMONS.

yOwn pOwhN m9A 9n2uH MgTyP3 sKa m9tXzt pOwH...

yEan pOwh aN9 mGa jEJeMOnzzz.

hnDe Q Alam pNU AT Sn ng-OrIgIn8 aNG SLitANG JeJEmoN At SIN0h aNg HnyUPK Na nGPuSO NiYN p0WH. P0wH. p0wH.pERo MHuxai sIla at Nk2buWisEt loLZ!

No ba 'yan pati ako najejejers!

Shhhhuuuu!!Shuuuuhhh!!!

Haayy...

Ang mga bata ang bilis natuto. Parang virus na kumalat sa buong bansa. Virus sa mga taong ang sarap sampalin at ibalik sa Grade 1 para matuto ulet ng ABKDEGHILMNNGPRSTUWY at ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ!

Parang ang sarap ulet nila pagbasahin ng dilaw na babasahin na may mga katagang:

a-so=aso
i-law=ilaw
ba-ka=baka
o-po=opo (hinde naman powh diba!)
a-ko=ako (baket naging aQ??)

Jusmioperdon! Pag nakakabasa ako ng ganito sa cellphone or sa internet, nagrarambol rambol ang mga letters sa utak ko, feeling ko nagpaparty sila doon at para na silang mga lasing! Hinde ko maintindihaaaannn!!! Utang na loob!

Baket kelangan pahirapan nila ang sarili sa pagtatype ng mga salitang ang dali lang naman itype or bigkasin or basahin. Tulad na lang nito...

Normal: Hello.

Jejemon: "eOw p0WH"

Normal: Ok.

Jejemon: "0K p0wH."

Normal: Hello, what are you doing?

Jejemon: "30W p0WHzZzZzZ...... 4n0 p0WhzZzZ G4w4 NiY00!?!?!????!!?!?........... üüüüü"

Normal: Hahaha

Jejemon: "Jajajajaja...jejejejeje.....üüüüü"

At marami pang iba!

Pinoy nga naman, hilig maging kakaiba! Pati sa pagpapauso ng mga walang kapararakang language, mahusay!

Lately, naging national issue na ang JEJEMON Phenomenon. O diba! Infer, sumikat pa sila sa kajologsan nila! Few months ago, The Department of Education has issued an ALL OUT WAR against the so-called Jejemons.


Which is tama naman. Dahil talagang nakakainis makakita ng mga ganitong sulat or text. At take note, may mga style pa ang mga batang ito sa kanilang pananamit. Isa lang ang itsura nila at kung paano sila pomorma. Pag nakakita ka ng mga kabataang mukhang galing sa sayawan sa kanayunan...sila 'yon! Mga batang madaming kolorete sa mukha, madaming burluloy sa katawan na puro neon colors, may cap na stripes ang mga lalake, may highlights ang buhok, nakasuot ng maluluwag na jerseys at iba pang pormang hinde mo masasabing SIMPLE!

Ngayon pakalat-kalat pa rin ang mga jejemons sa paligid. Minsan may nababasa pa rin akong ganyan. At matic 'yan...DELETE agad sa inbox! Nakakaasar kaya!

Buti na lang wala pa akong anak na mahahawa sa kajejemonan ng paligid ngayon...

...kundi baka naitapon ko ang cellphone niya at paluluhurin ko siya sa asin habang binibigkas ang ABAKADA at ABC hanggang sa bumalik siya sa normal na pag-iisip!

bYeE3 lOlzzzzz!

:P

So kumusta???

Matagal-tagal na rin mula 'yong huli kong post. May bago nang presidente. At hinde 'yon ang presidenteng gusto ko sanang manalo.

Si PNoy na ang fresithent ov dza Filifins! Oo...hinde si Gibo! Tssss!!!

So what?! Wapakels!

Wala naman siyang maiaambag sa pagba-blog ko. Hinde naman ako masesensationalize kung murahin ko sya dito e. Or kung sabihin kong Bading sya! O di ba!

The hell I care with Filifin Fohlitiks!

So ba't ko sinusulat?

E kase nga hinde nanalo si Gibo! Na gusto ko! oWkEI Powh!? jujujujuju!

(Oh! Jejers in the house!)

At dahil din nanalo na si PNoy...kaya nagkaroon ng Pilipinas Win Na Win si Kris Aquino, kapalit ng Wowowee!

Sooooo?!!??! Paki ko ba?!

E kase...gusto ko 'yong Willie of Fortune at HepHepHorray! Tinanggal nila 'yon! At pinalit ang walang kakwenta kwentang nanay ni Bimbiiiiii!!! (Bimbiiii!!! Heloooww!!! Gusto mo ba tawagain kang Bimbi?!?! What a PETNAME! Tawag 'yan ni Kris kay Baby James, natural ayaw na niya ng James, kaya Bimbi na! Di ko alam kumbaket..pero parang tunog tsk...stinky!)

E syempre, baka sabihin niyo naman jologs or jejers ako...hellooww...e kase yan ang pinapanood ng grandmother dear ko pag tanghali, kase love niya si Willie! E di syempre, naturingang BUM ako so pag nakikita ko yon ang palabas sa TV, no choice ako kundi, makinood. Helow! Give way to the elders diba! :P

Si PNoy, si Kris, si Bimbi (Bimbi James, hahaha).

Sino kaya susunod sa mga kapatid nila ang lalabas na rin sa TV at idodominate ang primetime bida?! Oh I am watching out for Balsy...maybe she'll fit as Piolo's newest leading lady! Whatdaf...!

These people...they seem to be everywhere where you don't want them to be. In TV, Billboards, magazines, radio, streets, cars, kahit saan na may malalagyan ng mukha at pangalan nila.

Paki ko ba ulet???

E kase...AYOKO SILA!

Ito ang isa sa mga kuwento ko'ng walang kwenta. Kwentong basura. Kwentong panget!

Oh maybe I'm just over-reacting. Oh atleast I am acting! Right Krissie?!

Haaay! Next topic puhlease!


AYAMBECK!

Soooo!!! Hahaha! It feels good to be back! And it feels good to write again.

Apparently, I changed my header...yes...I CAN WRITE.

Hinde na siya puro kaek-ekan. Hehehe...mej naging inspirational ang pagbabalik ko e. Kaya I find a quote na mej swak sa aking pagsusulat ulet.

Uhm, yeah, anyone can write. And some of them are really good! Unfortunately, I am not one of those. Pero naisip ko...puwede pa rin akong magsulat, hinde naman kelangan maging professional, hinde naman kelangan ipublicize...ang importante, sa pagsusulat ko ng blog, nasasabi ko ang gusto kong sabihin, may nagbabasa man o wala, may nakikinig man o wala, may natutuwa man o wala...nagsusulat ako para sa sarili ko at hinde para sa publiko.

At doon, masaya ako.

Ba't nga ba 'ko tumigil pagba-blog???

Hmm...'di ko na matandaan kung baket, hinde ko nga din alam kung may dahilan e. Alam ko lang tinamad lang ako magsulat. Tinamad lang ako mag-isip ng mga walang kapararakang entries. Napagod lang ako pagta-type at pagaayos nga mga running letters ko (mga salitang nabubuo ko sa sobrang pagfi-feeling kong mabilis ako magtype; mga salitang ako lang ang nakakaintindi, mga typo-errors kumbaga).

Nanawa lang siguro ako pakikialam sa mga bagay sa paligid, parang haay! KEVS na sa inyong lahat!

Kaya ayon...ang tagal kong hinde nagblog. Halos nakalimutan ko na nga ang account at password ko. Kelangan ko pa icheck ulet sa email ko! Kalurky!

So what the eff am i doing here??

Daming satsat noh!

Huweeelll...ano pa ba, as usual...wala lang!!!

OK. Seriously.

Dahil na-inspire ako magsulat ulet. (Chos!)

Magsulat ng mga walang kwenta, mga tsismis, mga reklamo at mga basura sa buhay-buhay.

Pero na-inspire din ako magsulat ng mga bagong pag-asa, kasiyahan, experiences at bagong pag-ibig...eeeeeeeee!!!! :P (Chosera!)

Hahaha...kakatuwa...tulad ng nasa header ko...madami akong kuwentong parang beads...ang sarap pagtagpi-tagpiin. Para maging isang palamuti sa katawan.

Ang mga kuwento ko, parang palamuti ng buhay ko ngayon, may iba nagpapapangit, may iba nagpapaganda.

Pero lahat 'yon, chaks man o effect, nagdadagdag ang mga ito ng detalye, kulay at fun sa plain at boring kong laayyyyf!

Kaya...let's get it on!

:)