"I learned that you should feel when writing, not like Lord Byron on a mountain top, but like a child stringing beads in kindergarten- happy, absorbed and quietly putting one bead after another."-Brenda Ueland
Monday, July 27, 2009
Ang bagong simulang hinde naman kayang tapusin...
Owkeeiiii...
Blog na naman, blog na hinde ko naman napapanindigan.Nagkaroon na kase ako ng blog before pero hinde ko na siya naituloy, siguro dahil tinamad na akong magsulat, sayang din sa kuryente dahil ang tagal ko magisip kung paano ko tatapusin ang isinusulat ko noh at isa pang malaking SIGURO ay dahil hinde naman talaga ako born to be a blogger. (trying hard lang ako, hehehe)
Any way, I have a friend kase na hinde ko alam baket nagustuhan niya ang dati kong blog, sabagay siya lang naman ata ang nakabasa ng blog ko eversince, hahahaha! Pero thank you sa kanya kase kahit wala naman katuturan ang mga sinusulat ko don, naapreciate niya yon lahat. And because of her, eto ako ulet gagawa na naman ng isang panibagong blog…para lang me mabasa siya pag wala siyang magawa…lakas mo saken girl! :)
Sabagay, hinde naman kelangan maging matalino para magkaroon ng isang magandang blog e, yong iba nga jan kahit ano na lang, kahit na yong mga pinagkakatagong sikreto nila na dapat singet lang nila ang nakakaalam, isinusulat pa rin…pero patok naman. Hinde din kelangan professional writer to have an interesting blog, kase meron nga dyan blogs, hinde naman kelangan i-proof read pero ang sarap basahin kahit mali-mali ang grammar at puro typo errors. Hinde din kelangan hinog ka sa karanasan, kase meron naman jan nagba-blog kahit nakita lang nila ang crush nila or first time nilang mag-date ng jowa niya o nahulog siya sa kanal o kahit nakita lang si kim chiu at gerald anderson na magkasama, "uy! iba-blog ko yan!" na agad. At hinde din kelangan magaling ka mag-english o kahit mag-tagalog o mahusay ka magisip o mabilis ka makasagap ng tsismis…ang importante sa sinusulat mo, totoo, yong galing sa puso, kahit pa madrama o walang kwenta yan, ang mahalaga, totoo ka. Dito sa blog ko, puro kuwento, puro kwento, kahit wala namang kwenta ang mapapala niyo.
So paano na ngayon? Ano nga ba ang isusulat ko dito… ganito naman ako lagi e, sa umpisa lang magaling…hmmmmm…ehem ehem…isip-isip...........
--------------------^…..^.^..^..^^^…^.^.^……brain dead…(ambilis!!!)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment