Tuesday, July 28, 2009

Gone too soon...


J
une 25, 2008, one of the world’s greatest performer died, Michael Jackson.

Nung una parang wala naman akong pakealam, ang alam ko lang gusto ko yung mga songs niya, pero wala akong pakealam sa buhay niya! But as days passed by, when all you can see, hear and watch were everything about his life, how he lived it, what he earned and what he gave, his life as a performer, a father, a brother and a true person…parang bigla na lang,
“Shet! Patay na nga si Michael Jackson.” As if ngayon ko lang nakilala ng mabuti kung sino ba talaga si Michael Joseph Jackson.



Anyway…so yun nga yong nangyari, as in everyday na lang, nakikinig ako sa mga songs niya, nagsusurf sa internet about his life, nanonood sa youtube ng mga home videos niya, umiyak habang nanood ng concert niya, nakikipagkuwentuhan sa katabi ko sa office na isa ring die-hard fan ni MJ para sa mga updates and new videos na nakita niya. Parang daig ko pa ang naging EX-girlfriend ni MJ dahil hanggang ngayon hinde pa rin ako nakakamove-on. Sabi nga nila saken e…”Chai! Patay na…move on ka na!!!"
In fact, part of me still believes, he’s alive. Hahahaaa…weird!

Pero sa mga napanood ko about him, nakilala ko siya, if not the whole MJ, perhaps a part of him that was so beautiful and pure…how much he wanted to live like an ordinary person, to have fun, to love, to be a good father to his children and to be the most generous person that he could possibly be. Many have ridiculed him, siguro dahil iba siya, me sakit, me diperensya, me panget na karanasan… but all those things were part of him being human. Ang importante, naging mabuti siyang tao. Kung hinde lang sana dumating ang mga taong sumira sa kanya...poor Michael…he might have been calling for help all his life but nobody was there to listen and protect him.

For me, he’s right when he said he wants to live forever. Yes he will…and he will never ever be forgotten…he will always be in our hearts. We love you MJ.







Ano pa bang pinagdadrama ko dito? Patay na siya e…me magagawa pa ba?

Makikinig na lang nga ako ng mga songs niya...haaayyy (*sigh*)


***By the way, I just wanna start sharing something everytime I post an ek-ek here in my blog. Alam ko very unlikely of me, but I just hope kung me makabasa man nito...baka matulungan siya...just like an everyday verse for everyday life. :)

On this day, God is telling us that we have the freedom to choose. In every decision we make, He is there to give us wisdom (sometimes through other people) to understand our situation and He sends the Holy Spirit to guide us.
Never make a decision without committing it to Him, and He will never leave us in the dark.***

Monday, July 27, 2009

Moving on...


L
ast weekend, I had a li’l chat with one of my closest friends. She asked me,
"how did you manage to move on after a bad break up (for the nth time!!!)???"

Sabi ko…wala lang…siguro I just accepted the HUGE fact, na wala na talagang mangyayari pa. And syempre sa tulong na rin ng mga friends ko (like mga 2 or 3 sila hehehehe joke…madami syempre) na laging paulit-ulit na lang ang sinasabi, “ tama na kase, awat na, tigilan na!” at "nuknukan ka na ng TANGA!", kulang na lang mag-rally sila at magdala ng placards sa harap ko at isampal saken para matauhan ako. And siguro dahil na rin sa walang katapusang scenario nang pagbabalikan at paghihiwalay, namanhid na ko. It was not as painful as the past break-ups.

Mas nakaya ko na’to, mas na-keri ko na.


Pero hinde pa rin naman ganon kadali, there were still times na iiyak na lang akong parang tanga, kase nakarinig lang ako ng lovesong, ayun! Bumigay na ang ‘sang galong luha! Then I’ll just tell myself, ang hirap pa rin i-conceal, no matter how much you try to hide it…it’ll still come out. Sabi nga nila Grace at Teng, iiyak mo na nang iiyak…mapapagod ka din. Pag napagod ka, yon na yon! At yon na siguro yong sinasabi nila…ito na siguro yon…yung time na napagod na ko, yung time na nag-decide na kong ayoko na malungkot.


Those were the things I told her. And I think nakatulong na din naman ako kahit papaano. I know she’s into something similar to what I went through, hinde man ganon kalalim, pero pareho lang…me usaping puso at pagmomove on.

Sabi niya hinde niya lang daw alam kung paano sisimulan. Ako hinde ko na inalam noon when and where to start…I just woke up and I said…

I’m doing this for myself, I am tired, its unfair and I’ll be fine.


Tapang-tapangan, saya-sayahan, maang-maangan sa mga nangyari…parang wala lang…
yan ang naging ako after I decided to stop that miserable life.

But those were also the times when I hated being alone, I hated listening to songs, I hated guys, I hated going to malls, I hated seeing couples…I’ve become a hater.

Isa lang ang naging karamay ko lagi no'n, alak, yosi at Facebook.

Pero that alcohol thing, hinde ko yon inadvice sa friend ko syempre. Hehehe…

Ang bagong simulang hinde naman kayang tapusin...


Owkeeiiii...


Blog na naman, blog na hinde ko naman napapanindigan.Nagkaroon na kase ako ng blog before pero hinde ko na siya naituloy, siguro dahil tinamad na akong magsulat, sayang din sa kuryente dahil ang tagal ko magisip kung paano ko tatapusin ang isinusulat ko noh at isa pang malaking SIGURO ay dahil hinde naman talaga ako born to be a blogger. (trying hard lang ako, hehehe)

Any way, I have a friend kase na hinde ko alam baket nagustuhan niya ang dati kong blog, sabagay siya lang naman ata ang nakabasa ng blog ko eversince, hahahaha! Pero thank you sa kanya kase kahit wala naman katuturan ang mga sinusulat ko don, naapreciate niya yon lahat. And because of her, eto ako ulet gagawa na naman ng isang panibagong blog…para lang me mabasa siya pag wala siyang magawa…lakas mo saken girl! :)

Sabagay, hinde naman kelangan maging matalino para magkaroon ng isang magandang blog e, yong iba nga jan kahit ano na lang, kahit na yong mga pinagkakatagong sikreto nila na dapat singet lang nila ang nakakaalam, isinusulat pa rin…pero patok naman. Hinde din kelangan professional writer to have an interesting blog, kase meron nga dyan blogs, hinde naman kelangan i-proof read pero ang sarap basahin kahit mali-mali ang grammar at puro typo errors. Hinde din kelangan hinog ka sa karanasan, kase meron naman jan nagba-blog kahit nakita lang nila ang crush nila or first time nilang mag-date ng jowa niya o nahulog siya sa kanal o kahit nakita lang si kim chiu at gerald anderson na magkasama, "uy! iba-blog ko yan!" na agad. At hinde din kelangan magaling ka mag-english o kahit mag-tagalog o mahusay ka magisip o mabilis ka makasagap ng tsismis…ang importante sa sinusulat mo, totoo, yong galing sa puso, kahit pa madrama o walang kwenta yan, ang mahalaga, totoo ka. Dito sa blog ko, puro kuwento, puro kwento, kahit wala namang kwenta ang mapapala niyo.

So paano na ngayon? Ano nga ba ang isusulat ko dito… ganito naman ako lagi e, sa umpisa lang magaling…hmmmmm…ehem ehem…isip-isip...........


--------------------^…..^.^..^..^^^…^.^.^……brain dead…(ambilis!!!)